You are on page 1of 33

KABANATA 7

RIZAL SA PARIS HANGGANG BERLIN


I. Sa Paris (1885-86)
1.     Nagtungo si Rizal sa kanyang layunin na magpakadalubhasa sa
optalmolohiya o paggamot sa mata.

2.     Bago nagtungo sa Paris pansamantalang tumigil si Rizal sa bahay ni


Maximo Viola na nag-aaral ng medisina sa Barcelona.

3.     Sa Barcelona kaniyang nakilala si Eusebio Carominas ang patnugot


ng pahayagang La Publicidad .

4.     Nobyembre 1885 - nakarating si Rizal sa Paris at naglingkod bilang


katulong ni Dr. Loius de Weckert na pangunahing optalmolohista ng
Pransiya. Nanatili dito si Rizal mula Nobyembre 1885 hanggang Pebrero
1886.

5.     Sa labas ng kaniyang oras sa klinika ni Dr. Weckert ay kanyang


kaibigan partikular na dito ang pamilyang Pardo de Tavera.
I. Heidelberg
1. Pagkatapos ng kanilang mga gawain sa Paris si Rizal ay nagtungo ng
Alemanya para sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa optalmolohiya.

2. Pebrero 3, 1886 - dinalaw ni Rizal ang makasaysayang lunsod ng Heidelberg


na kilala sa kanyang unibersidad. Naninirahan siya sa isang boarding house na
tinitirhan ng mga mag-aaral ng abogasya.

3. Sa Heidelberg si Rizal ay naglingkod bilang katulong sa klinika ni Dr. Otto


Becker, isang kilalang doktor ng optalmolohiya sa Alemanya.

4. A Las Flores de Heidelberg ( Para sa mga Bulaklak ng Heidelberg) - ang


tulang sinulat ni Rizal sa kagandahan ng mga bulaklak ng Heidelberg (Forget-
me-not sa Ilog Neckar)

5. Sa nasabing lunsod inabutan si Rizal ng selebrasyon ng Ikalimang Daan


Taon ng Pagkakatatag ng Heidelberg.
I. Wilhelmsfeld
1. Wilhelmsfeld - isang bayang bakasyunan sa Alemanya kung saan si
Rizal ay tumigil ng tatlong buwan.

2. Karl Ullmer- pastor protestante na tinigilan ni Rizal habang siya ay


nagbabakasyon sa Wilhelmsfeld.

3. Napamahal kay Rizal ang pamilya ni Pastor Ullmer at ito ay kaniyang


ipinadama niya sa pamamagitan ng pagsulat sa anak nito na si
Friedrich Ullmer na nagpapasalamat sa kabutihan ng nasabing
pamilya.
4. Etta at Fritz Ullmer- anak ni Pastor Karl Ullmer.
  I. Unang Sulat kay Blumentritt
1. Hulyo 31, 1886 - petsa ng unang sulat ni Rizal na ipinadal;a niya kay
Blumentritt.

2. Ferdinand Blumentritt - isang propesor sa Ateneo


ng Leitmeritz, Austria na interisado sa pag-aaral ng mga diyalekta ng
Pilipinas.

3. Aritmetika - pamagat ng aklat na nakasulat sa wikang Espanyol at


Tagalog na ipinadala ni Rizal kay Blumentritt upang magamit niyang
batayan sa pag-aaral ng wikang Tagalog.
 I. Leipzig at Dresden
1. Leipzig - isang lunsod sa Alemanya na kaniyang binisita upang dumalo
ng aralin sa Kasaysayan at Sikolohiya. (2 ½ buwan)
Aug. 14, 1886 nang dumating sya sa Leipzig.

2. Dito ay kanyang naging kaibigan si Friedrich Ratzel na kilalang


mananalaysay at si Dr. Hans Meyer na isang kilalang antropologo.

3. Isinalin din ni Rizal ang akda ni Hans Christian Andersen.


Oct. 29 1886, nilisan ni Rizal ang Leipzig upang magpunta sa Dresden.

4.Dresden - binisita ni Rizal ang lunsod na ito at dito ay kaniyang nakilala


si Dr. Adolph Meyer ang direktor ng Museo ng Antropolohiya at Etnolohiya.
• 2 araw sya namalagi dto.
  I. Pagtanggap kay Rizal sa Kalipunang
Siyentipiko sa Berlin

1. Berlin - hinangaan ni Rizal ang lunsod na ito dahilan sa pagkakroon


nito ng siyentipikong kapaligiran at malaya sa pagtatangi ng lahi.
Nov 1, 1886

2. Dr. Feodor Jagor - nakatagpo ni Rizal ang nasabing manlalakbay na


sumulat ng isang akalt tungkol sa Pilipinas( Travels in the Philippines).

3. Dr. Rudolf Virchow - isang kilalang antropolohistang Aleman na


nakilala ni Rizal sa Berlin.

4. Dr. W. Joest - isang kilalang heograpong Alemanya na nakilala ni Rizal


sa Berlin.
I. Buhay ni Rizal sa Berlin
1.     Mga dahilan ni Rizal sa Pagtigil sa Berlin
a.     Palawakin ang kaalaman sa optalmolohiya
b.     Palawakin ang kaalaman sa agham at wika
c.      Magmasid sa kalagayang pulitikal at kabuhayan ng Alemanya
d.     Makilahok sa mga kilalang siyentipikong Aleman
e.     Ipalimbag ang Noli Me Tangere
Madame Lucie Cerdole- pribadong guro sa wikang Pranses.

1.     Obserbasyon sa Mga Kababaihang Aleman


a.     Seryoso
b.     Matiyaga
c.      Edukada
d.     Palakaibiganin

1.     Paghihirap sa Berlin
a.     Walang dumating na padalang pera mula sa Calamba
Naisanla ang Diyamanteng Singsing ni Saturnina.
b.     Kumakain lamang ng isang beses sa isang araw
c.      Naglalaba ng kaniyang sariling damit
d.     Naghihinala siya sa pagkakaroon ng sintomas ng sakit na tuberkulosis
KABANATA 8
NAILATHALA ANG NOLI ME
  I. Ang Ideya at Pagsulat ng Noli
1.     Uncle Tom's Cabin - isang nobela na sinulat ni Harriet Beecher
Stowe na tumatalakay sa buhay ng mga aliping itim sa Amerika.

2.     Enero 2, 1884 - petsa ng pagtitipon kung saan pinanukala ni Rizal sa


grupo ng mga Pilipino na magsulat sila ng isang nobelang ukol sa
kalagayan ng Pilipinas.

3.     Paghahati ng Pagsulat ng Noli Me Tangere


a.     1/2 sa Espanya
b.     1/4 sa Pransya
c.      1/4 sa Alemanya
1.      Wilhelmsfeld - dito tinapos ni Rizal ang mga huling kabanata ng
Noli Me Tangere.
2.     Maximo Viola - ang nagsilbing tagapagligtas ng Noli Me Tangere sa
pamamagitan ng pagpapahiram niya kay Rizal ng halagang P300 upang
magamit sa pagpapalimbag ng nasabing nobela.
3.     Pebrero 21, 1887 - petsang natapos ang Noli Me Tangere at inihanda
para sa pagpapalimbag.
Elias at Salome- mga kabanatang natanggal sa Noli Me.
4.     Berlin Buchdruckrei-Action-Gesselschaft - ang palimbagan na
tumanggap upang ilaathala ang Noli Me Tangere sa halagang P300 sa
daming 2,000 kopya.
5.     Marso 21, 1887 - lumabas ng palimbagan ang nobelang Noli Me
Tangere.
6.     Mga Unang Pinadalahan ni Rizal ng kopya ng Noli
a.     Ferdinand Blumentritt
b.     Dr. Antonio Ma. Regidor
c.      Graciano Lopez-Jaena
d.     Mariano Ponce
e.     Felix Resurrecion- Hidalgo
1.     Kinuha ni Rizal ang pamagat ng Noli Me Tangere mula sa ebanghelyo
ni San Juan.

2.     Inihandog ni Rizal ang Noli Me Tangere sa inang bayan.

3.     Elias at Salome - ang isang kabanata na inalis ni Rizal sa Noli Me


Tangere upang makatipid siya sa presyo ng pagpapalimbag ng nobela.
I. Ang Nobela
1. NoliMe Tangere- “ Huwag mo ako salingin” mula sa Magandang
Balita ni San Juan.
2. Dedikasyon ng awtor- “ Sa ajing Amang Bayan”
3. Mayroon itong 63 na kabanata.
KABANATA 9

PAGLALAKBAY SA EUROPA KASAMA NI VIOLA


 I. Ang Paglalakbay
Pagkaraang mailathala ang Noli Me ay nagbalak si Rizal na
bisitahin ang mahahalagang lugar sa Europa.

Unang pinuntahan ni Rizal ang Potsdam na isang lungsod


malapit sa Berlin.

1. Mayo 11, 1887 - nagsimula ang paglalakbay nina Rizal at Viola


sa Europa.
A. Dresden
1. Ang kanilang paglalakbay sa Dresden ay napataon sa
Eksposisyon ng mga Bulaklak.
3. Prometheus Bound - isang obra maestrang pinta na labis na hinangaan ni
Rizal sa Dresden.

4. Dr. Feodor Jagor - nagpayo kay Rizal na padalhan muna ngg telegrama si
Blumentritt bago siya pumunta ng Leitmeritz.

• Teschen ang sumunod na pinuntahan nina Rizal at Viola matapos


manggaling sa Dresden. Dito ay nagpadala sila ng telegram kay F.
Blumentritt upang hindi lubos na magulat ang matandang propesor sa
plano nilang pagbisita ditto.
Leitmeritz

1.     Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa Leitmeritz at dito siya ay


sinalubong ni Prof. Ferdinand Blumentritt sa istasyon ng tren dala ang
larawan na pagkakakilalanan kay Rizal.
2.     Hotel Krebs - dito tumira sina Rizal at Blumentritt habang
bumibisita sa Leitmeritz.
3.     Nakilala ni Rizal ang pamilya ni Blumentritt
a.     Rosa ang asawa ni Blumentritt
b.     Dolores( dora/dorita) - anak
c.      Conrad - anak
d.     Fritz – anak
4. Noong May 16, 1887 ay nilisan ni Rizal at Viola ang Leitmeritz lulan ng
isang tren.

• Sa liham na ipinadala ni Rizal kay Blumentritt sinabi nya rito na


naiwan nya ang kanyang diyamanteng alpiler sa kwarto sa Otel Krebs.
A. Prague

1. Dinalaw ni Rizal at Viola ang lunsod na ito noong Mayo 17 -19, 1887.

2. Dr. Willkom - ang professor ng natural history ng Unibersidad


ng Prague na dinalaw ni Rizal sa lunsod dala ang sulat ng pagpapakilala
ni Blumentritt.

3. Binisita ni Rizal at Viola ang libingan ni Copernicus - ang dakilang


astronomo sa kasaysayan ng sangkatauhan.

4. Binisita din nila ang kuweba na nagsilbing bilangguan ni San Juan


Nepomuceno pati na ang tulay na pinaghulugan nito.
A.    Vienna
Noong may 20, 1887 ay narrating nina Rizal at Viola ang magandang
lungsod ng Vienna.

1.     Binisita ni Rizal sa lunsod na ito si Norfenfals na isa sa mga


pinakadakilang nobelista ng Europa noong panahong iyon. Sa dakong
huli hinangaan din niya si Rizal sa katalinuhang taglay nito.

2.     Hotel Metropole - hotel na tinigilan nina Rizal at Viola sa Vienna.

3. Sa Vienna rin natanggap ni Rizal ang diyamanteng alpiler na naiwan


nya sa otel krebs, na siyang ipinadala ni Blumentritt sa knya sa Vienna.
Pagbaybay sa Ilog Danube papuntang Lintz

Noong May 24, 1887 ay nilisan lulan ng Bangka nina Rizal ang Vienna at
ditto’y nasilayan nila ang Ilog Danube.

1. Danube - isa sa mga malalaking ilog ng Europa. Nagsakay sina Rizal at


Viola ng bangka upang makita ang kagandahan ng ilog at ng kanyang
mga pangpang.

2. Dito napansin ni Viola sa unang pagkakataon ang kakaibang gamit ng


mga tagarito na papel na napkin sa kanilang pagkain.
Lintz patungo sa Rheinfall

1.  Munich - dinalaw nina Rizal at Viola ang lunsod at panandaliang


namasyal upang malasahan ang Munich beer na bantog sa buong
Alemanya.

2. Nuremberg - sa lunsod na ito ay dinalaw nina Rizal at Viola ang museo


na nagtataglay ng mga kagamitang pangpahirapna ginamit sa panahon
ng Ingkisisyon at ang pagawaan ng manyika na pinakamalaking
industriya ng lunsod.

3. Ulm - dinalaw nina Rizal at Viola ang katedral ng lunsod na kilala


bilang pinakamalaki at pinakamataas at pinanhik ang tore nito.

4. Rheinfall - nakita ni Rizal ang talon na ito na kanyang sinabing


"pinakamaganda sa buong Europa."
A. Switzerland
1. Geneva - kay Rizal ang lunsod na ito ang pinakamaganda sa buong Europa.
2. Mga wikang sinasalita ng mga taga-Switzerland (15 days)
a.     Aleman
b.     Pranses
c.      Italyan
1. Dito niya natanggap ang isang telegrama ukol sa isinasagawang Eksposisyon
sa Madrid na ang ipinapakita sa Pilipinas ay ang mga tribo ng Igorot na suot na
bahag at mga makalumang kagamitan ay pinagtatawanan ng mga taga- Madrid.
2. Sa Geneva inabutan si Rizal ng kanyang ika-26 na taong kaarawan at kanyang
pinakain si Viola ng isang masaganang pagkain.
3. Dito sa lunsod ng Geneva naghiwalay sina Rizal at Viola(june 19,1887). Si Rizal
para ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay sa Italya at si Viola naman para
magbalik sa Barcelona.
A. Italya
1.     Mga lunsod ng Italya na binisita ni Rizal
a.     Turin            
b.     Milan
c.      Venice                      
d.     Florence
e.     Rome
1. Roma - nakarating si Rizal sa "lunsod ng mga Caesar" noong Hunyo 27, 1887.
Hinangaan ni Rizal ng labis ang karangyaan ng nasabing lunsod.
2. Mga kahanga-hangang tanawin na binisita ni Rizal sa Roma
a.     Capitolium
b.     Bato ng Tarpeian
c.      Palatinum
d.     Forum Romanum
e.     Ampiteatro
f.       Simbahan ng Santa Maria Magigiore
1. Vaticano - ang lunsod na sentro ng Katolisismo sa mundo at dinalaw ito ni Rizal
noong Hunyo 29, 1887. Kanyang nakita ang Basilica de San Pedro - ang
pinakamalaking simbahan sa mundo.
 
KABANATA 10

ANG UNANG PAGBABALIK


A.    Desisyon na magbalik sa
Pilipinas

1. Mga Tumangging magbalik si Rizal sa Pilipinas


a. Paciano Rizal
b. Silvestre Ubaldo
c. Jose Cecilio

1. Mga Dahilan ng Pagbabalik


a. Tistisin ang mata ng kanyang ina
b. Paglingkuran ang kanyang mga kababayan
c. Makita ang epekto ng kanayng nobelang Noli
d.Itanong kung bakit hindi na nasulat si Leonor Rivera
1. Hunyo 29, 1887 - tumelegrama si Rizal sa kaniyang ama ukol sa kanyang
pagbabalik sa Pilipinas.

A.Pagbabalik Patungo ng Maynila

1. Hulyo 3 ,1887 - lumulan si Rizal sa barkong Djemnah ang barkong kanyang


sinakyan noong siya ay magtungo ng Europa limang taon na ang nakakaraan.

2. Hulyo 30, 1887 - nakarating si Rizal sa Saigon at sumakay ng barkong Haipong.

3. Agosto 5, 1887 - nakarating ang Haipong sa Maynila.

4. Napansin ni Rizal na sa limang taon niyang pagkakahiwalay sa bansa ay halos


walang nagababago sa kaayusan at kaanyuan ng lunsod ng Maynila.
A.    Pagbabalik sa Calamba

1.     Agosto 8, 1887 - petsa ng makarating si Rizal sa Calamba.


2.     Paciano - hindi niya hiniwalayan si Rizal sa mga unang araw ng pagbabalik
nito sa Calamba dahilan sa kanyang pag-aalala sa kaligtasan ng kanyang
nakababatang kapatid.
3.     Nagtayo si Rizal ng isang klinika sa Calamba upang maka-paglingkod siya
bilang manggagamot.
4.     Ang kanyang unang naging pasyente ay ang kanyang ina, nguni't hindi niya
ito inoperahan sa dahilang ang katarata nito ay hindi pa noon hinog.
5.     Tinawag si Rizal na Doktor Uliman ng mga taga -Calamba at naging bantog
sa Calamba at mga karatig bayan at dinayo ng mga tao ang kanyang klinika.
6.     Kumita si Rizal ng P900 sa unang buwan ng kanyang paggagamot at sa
buwan ng Pebrero 1888 ang halaga ay umabot ng P5,000.
7.     Nagtayo si Rizal ng isang gymnasium sa Calamba upang mailigtas ang
kanyang mga kababayan sa bisyong tulad ng sugal at sabong.
8.     Hindi nadalaw ni Rizal si Leonor Rivera dahilan sa pagtutol ng kanyang mga
magulang na dalawin ang dalaga. Ang mga magulang ni Leonor Rivera ay ayaw na
makatuluyan ng kanilang anak na si Rizal.
A.    Ang Kaguluhang Bunga ng Noli Me Tangere

1. Nilapitan ng mga prayle ang gobernador heneral at naghahatid ng mga sumbong na laban
sa nobelang Noli Me Tangere.
2. Emilio Terrero - ang gobernador heneral na nagpatawag kay Rizal ukol sa usapin ng
nobelang Noli Me Tangere at kanyang hinigian si Rizal ng isang kopya ng nasabing nobela.
Walang kopyang maibigay si Rizal dahilan sa naubos na ang kanyang mga dala.
3. Binisita ni Rizal sa Ateneo ang kanyang mga dating guro na sina Padre Federico
Faura, Francisco Paula Sanchez, at Jose Bech upang hingin niya ang kopya ng Noli Me
Tangere na kanyang ibinigay sa Ateneo, ayaw ibigay ng mga pareng Jesuita ang kanilang mga
kopya.
4. Pedro Payo - ang arsobispo ng Maynila na kalaban ng mga Pilipino at nagpadala ng kopya
ng Noli Me Tangere sa rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas upang pag-aralan ang nobela.
5. Gregorio Echavarria - ang rektor ng UST at katulong ng lupon ng mga guro ng
unibersidad na gumawa ng pag-aaral sa nobelang Noli Me Tangere.
6.  Ayon sa pag-aaral ng mga lupon ng mga guro ng UST ng rekomendasyon na ang Noli Me
Tangere ay ereheretikal, subersibo, at laban sa kaayusang pampubliko.
7.  Hindi nagustuhan ni Terrero ang ulat ng lupon ng mga guro ng UST dahilan sa alam
niyang kalaban ni Rizal ang mga Dominikano at ipinadala ang kopya ng Noli Me Tangere sa
Permanenteng Lupon ng Sensura na binubuo ng mga pari at mga taong hindi alagad ng
simbahan.
8. Padre Salvador Font - ang pinuno ng Lupon sa Sensura na nag-ulat na ang Noli Me
Tangere
ay subersibo at kontra sa simbahan at pamahalaan. Kanyang iminungkahi ang pagbabawal
A.    Mga Kaaway ng Noli Me Tangere

1. Padre Jose Rodriguez - prayle ng Guadalupe na naglabas ng walong


polyeto na bumabatikos sa Noli Me Tangere. Ang mga polyetong isinulat
niya ay ipinagbibili sa mga nagsisimba.
“ Cuestiones de Sumo Interes” – Katanungan ng Dakilang Interes”
2.  Mga Senador ng Espanya na bumabatikos sa Noli Me Tangere.
Jose Salamanca
Luis M. de Pando
Fernando Vida
3. Vicente Barrantes - kanyang binatikos ang Noli Me Tangere sa kanyang
inilathalang artikulo sa pahayagang La Espana Moderna.
A. Mga Tagapagtanggol ng Noli Me Tangere

1. Marcelo H. del Pilar
2. Antonio Ma. Regidor
3. Graciano Lopez Jaena
4.  Mariano Ponce
5.  Segismundo Moret - isang Espanyol na dating Ministro ng hari ng
Espanya at tagapagtanggol ng Noli Me Tangere.
6.  Miguel Morayta - propesor ng kasaysayan sa Unibersidad Central de
Madrid.
7. Ferdinand Blumentritt
8.  Padre Vicente Garcia - isang iskolar na paring Pilipino na gumawa ng
isang polyeto na ginamitan niya ng pangalang panulat na Desiderio
Magalang at kanyang sinagot ang mga akusasyon ni Padre Jose Rodriguez
laban sa Noli Me Tangere at sa may akda nito.
A. Ang Pakikipagkaibigan kay Jose Taviel de Andrade

1. Jose Taviel de Andrade - isang tenyente ng hukbong Espanyol na


inatasan ni Gobernador Heneral Terrero upang magsilbing tagabantay ni
Rizal laban sa mga lihim niyang kaaway.

2. Dahilan sa kapwa mga kabataan, edukado, at may kultura naging


ganap na magkaibigan sina Rizal at Andrade .

3. Nakasama ni Rizal si Andrade sa pamamasyal, iskrimahan, at pagbaril.


A.    Suliranin Agraryo sa Calamba
1. Naimpluwensiyahan si Gobernador Heneral Terrero ng kanyang nabasa sa Noli
Me Tangere at nagpasimula ng imbestigasyon sa mga hacienda na pag-aari ng mga
prayle upang maituwid ang mga pagmamalabis na nagaganap dito.
2. Tumulong si Rizal sa kanyang mga kababayan sa Calamba sa pagkuha ng
mahahalagang datos ukol sa suliraning agraryo sa kanyang bayan.
3. Lumabas sa pag-aaral na ginawa ni Rizal ang mga sumusunod:
a. ang hacienda ng mga paring Dominikano ay sumasakop sa buong bayan ng
Calamba.
b. Ang tubo ng mga paring Dominikano ay patuloy na tumataas dahilan sa walang
taros na pagpapalaki ng binabayarang upa sa lupa.
c. Ang hacienda ay hindi man lamang nagkakaloob ng anumang tulong
pinansiyal para sa mga pagdiriwang ng mga kapistahan, sa edukasyon ng mga
kabataan, at pagpapabuti ng agrikultura.
d. Ang mga kasama na siyang nahirapan ng labis sa paggawa sa hacienda ay
pinapaalis na lamang mula sa lupa sa dahilan lamang sa mga mababaw na
kadahilanan.
e. Sinisingil ng mataas na tubo ang mga kasama sa hacienda at kung hindi
nakapagbabayad ay kinukumpiska ng mga tagapangasiwa ng hacienda ang mga
hayop, kagamitan, o maging ang bahay ng mga kasama.
A.    Pag-alis sa Calamba

1. Dahilan sa Noli Me Tangere at pakikialam ni Rizal sa suliraning agraryo sa


hacienda sa Calamba, si Rizal ay labis na kinamuhian ng mga prayleng
Dominikano.
2. Pinilit ng mga prayle ang Gobernador Heneral Terrero na iligpit si Rizal sa
pamamagitan ng pagpaptapon sa kanya ngunit ang gobernador heneral ay hindi
sumunod sa kagustuhan ng mga prayle.
3. Nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ni Rizal ang kanyang mga magulang
at pinaki-usapan siya ng kanyang mga kamag-anakan pati na ni Tenyente Jose
Taviel de Andrade na umalis na muna ng Pilipinas.
4. Pinatawag si Rizal ni Gobernador Heneral Terrero at pinayuhan siya na umalis
ng Pilipinas para sa kabutihan ng una.
5. Napilitang umalis si Rizal sa Pilipinas bunga ng dalawang pangunahing
kadahilanan.
6. Napapasanganib na rin ang buhay ng kanyang mga magulang, kapatid at mga
kaibigan.
7. Mas higit siyang makalalaban para sa kapakanan ng byan kung siya ay
magsusulat na malaya sa ibang bansa.

You might also like