You are on page 1of 5

PANGGITNANG PAGSUSULIT SA RIZAL

Pangalan: _____________________________ Marka: ________________


Pangkat: _____________________________ Petsa: ________________

Pangkalahatang Panuto: Masusing basahin ang bawat aytem at matalinong sagutang ang mga
tanong. Sundin ang panuto sa bawat uri ng pagsusulit.

I.PAGPILI. Piliin ang titik ng tamang sagot sa pamamagitan ng pagsulat nito sa patlang bago ang
bawat tambilang. (2 puntos bawat bilang)

___1. Ito ang batas na orihinal na inihain ni Sen. Claro M. Recto sa Senado bilang Senate Bill
No. 438 na sinundan ng House Bill No. 5561.
A. R.A. 1524 B. R.A. 1254 C. R.A. 1425 D. R.A. 1542
___2. Alin ang hindi kabilang sa mga mandato ng Batas Rizal?
A. Pagpapaigting ng nasyonalismo
B. Pagbasa ng mga nobela ni Rizal
C. Pagpapabilang ng kursong Rizal
D. Pagtakda ng walang paglabag
___3. “Linangin sa bawat tao ang mga tungkulin ng isang tao at ang pagkakaroon ng
malasakit sa kapwa, gayon din ang aktibong pagharap at positibong pagtugon sa mga
suliranin sa lipunan”, ay nagpapakita ng alin sa mga sumusunod?
A. Pagpapahalaga sa kalayaan
B. Pagbuo ng kamalayang sibiko
C. Paglinang sa pagkamamamayan
D. Pagpapaigting ng nasyonalismo
___4. Ayon kay Rizal, ito ay magsisilbing kalinawan at gabay sa pagharap sa mga suliranin.
A. Nasyonalismo
B. Kabutihan
C. Edukasyon
D. Kalayaan
___5. “Education makes people easy to lead but difficult to drive, easy to govern but
impossible to enslave” ay mga katagang nagmula kay?
A. Jose Rizal
B. William C. Forbes
C. Henry Brougham
D. Diosdado G. Capino
___6. Ang may akda ng disenyo na sinunod bagamat pangalawa lamang sa patimpalak para
sa disenyo ng bantayog sa Luneta noong 1905.
A. William Forbes
B. Carlos Nicolli
C. Robert Hissing
D. Richard Kissling
___7. Sa nobela ni Rizal, siya ay nagwika na mamamatay siyang hindi man lang natatanaw
ang pagsikat ng araw sa kanyang bayan.
A. Pilosopo Tasyo
B. Elias
C. Padre Damaso
D. Simon
___8. Ano ang kahulugan ng limpieza de sangre?
A. Suliraning pampulitika
B. Kalagayang pangekonomiya
C. Katiwalian sa lipunan
D. Batayan ng diskriminasyon
___9. Ito ay hindi lamang nangangahulugang handang magbuwis ng buhay o hindi takot
mamatay, kundi ito rin ang kakayahan sa pagharap at pagtugon sa sitwasyon ng walang
pag-aalinlangan o kahinaan ng loob.
A. Matapang
B. Naninindigan
C. Nagpapakasakit
D. Mapagmalasakit
___10. Katangian na nagpapahalaga ng higit sa pinaghahawakang paniniwala o prinsipyo.
A. Tagapagligtas
B. Naninindigan
C. Nagpapakasakit
D. Tagapagtanggol
___11. Handa siyang sumailalim sa mga sakripisyo, paghihirap, o pagdurusa para mapagtanto
o makamit ang paninindigan.
A. Nagpapakasakit
B. Nagpapatunay
C. Mapagmalasakit
D. Naninindigan
___12. Katangian na hindi makasarili at manhid. Inuuna ang kapakanan ng iba. Sila ay
mapagkawanggawa na walang hinihinging kapalit o kabayaran.
A. Nagpapakasakit C. Mapagmalasakit
B. Nagpapatunay D. Naninindigan
___13. Dahil sa katangian n’yang ito ay binansagan siyang Joseph the Dreamer. Siya ay may
kakayahang magbigay kahulugan sa mga panaginip.
A. Psychic C. Romantiko
B. Sensitibo D. Repormista
___14. Katangian na inihalintulad sa isang tauhan sa drama na may ipinaglalaban subalit puno
ng kontradiksyon at sa bandang huli ay nagwakas sa trahedya ang buhay.
A. Hamlet C. Simon
B. Elias D. Miguel
___15. Tawag sa taong malawak ang kaalaman sa ibat ibang larangan.
A. Polymath C. Sage
B. Polyglot D. Renaissance man
___16. Katangian ni Rizal na madali siyang maapektuhan ng mga pangyayari at mga sinasabi
ng mga tao sa kanya; dinaramdam niya ang mga ganon kaya’t hindi mapigilang
maglabas ng saloobin.
A. Sensitibo C. Simpatiko
B. Rebolusyunaryo D. Bugnutin
___17. Katangiang likas sa mga lalaki ang magkahilig sa mga babae, lalo pa at mahusay siyang
magpahiwatig ng paghanga sa mga kababaihan.
A. Simpatikong romantiko C. Palekero
B. Babaero D. Bolero
___18. Pangunahing ambag ng pag-iinhinyero ay ang
A. Asero C. Telepono
B. Steam engine D. X-ray
___19. Ang nakadiskubre ng stethoscope ay
A. Wilhelm Roentgen C. Rene Laennec
B. Crawford Long D. Joseph Lister
___20. Ang kapatid ni Rizal na kasama niya pagbalik sa Pilipinas makalipas ang sampung taon
sa kanyang panaginip.
A. Lucia C. Narcisa
B. Saturnina D. Maria
II. PAGKILALA. Tukuyin ang salita o grupo ng mga salita na isinasaad ng mga sumusunod na
pangungusap. (1 puntos bawat bilang)

_________________________1. Ang dekreto o kautusang nagpatupad ng


modernisasyon ng edukasyon sa Pilipinas na nagtaas
na magkaroon ng pamantayang sistema ng
edukasyon.
_________________________2. Katawagan sa pulisya sa mga pamayanan sa Pilipinas
sa panahon ng Espanyol.
_________________________3. Ang reynang napaalis sa trono dulot ng 1868 na
himagsikan sa Espanya.
_________________________4. Ang tawag sa pamamaraan ng pagkakabitay sa
tatlong paring martir.
_________________________5. Ang bansang may sakop sa Indonesia noong ika-19 na
siglo.
_________________________6. Ito ang tinaguriang pinakamatagal na pag-aalsa sa
kasaysayan ng Pilipinas.
_________________________7. Ang Saligang Batas ng Espanya na kasamang binuo ng
isang kinatawan na Pilipino sa parliyamentaryo.
_________________________8. Katawagan sa sapilitang paggawa sa Pilipinas noong
panahon ng Espanyol.
_________________________9. Kumpletong pangalan ng unang Pilipinong inihalal
bilang kinatawan ng Pilipinas sa parliyamentaryo ng
Espanya.
_________________________10. Ito ay batayan ng mga uring panlipunan sa Pilipinas.

_________________________11. Katawagan sa Kataas-taasang Hukuman sa Pilipinas sa


panahon ng mga Espanyol.
_________________________12. Ito ay katawagan sa lehislatura ng Espanya noong ika-
19 na siglo.
_________________________13. Kumpletong pangalan ng unang liberal na gobernador
heneral sa Pilipinas.
_________________________14. Ang tawag sa kanal na nagpaikli sa ruta ng mga barko
sa pagitan ng Europa at Asya.
_________________________15. Tawag sa intelektwal o edukadong Pilipino noong
panahon ng mga Espanyol.
_________________________16. Kumpletong pangalan ng gobernador heneral na
inatasan ng hari ng Espanyag buwagin ang pang-
aalipin sa Pilipinas.
_________________________17. Kumpletong pangalan ng nasyonalista sa Asya na
kapanahon at katulad ni Rizal na isang mangagamot.
_________________________18. Bansag ng mga Pilipino sa pamahalaang kolonyal na
pinagsanib na simbahan at estado.
_________________________19. Ang pinakamataas na katungkulan sa pamahalaang
kolonyal na maaaring maluklukan ng isang Indio.
_________________________20. Katawagan sa hukom ng Kataas-taasang Hukuman sa
Pilipinas sa panahon ng Espanyol
III. PAG-UNAWA. Suriing mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin kung tama o mali ang mga
sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA o MALI sa patlang bago ang bawat tambilang. (2
puntos bawat bilang)

_______________1. Si Claro M. Recto ang orihinal na may akda at unang naghain ng Senate
Bill No. 5561 sa senado.
_______________2. Nagbanta ang simbahan na magsasara ang katolikong paaralan kapag
ipinilit ang Senate Bill No. 438.
_______________3. Isa sa mga probisyon na nakapaloob sa Batas Rizal ay paglaya sa
sapilitang pagbasa ng mga nobela ni Rizal.
_______________4. Batay sa Section 927 ng Administrative Code na nagbabawal sa
pagtalakay ng mga doktrinang pangrelihiyon sa lahat ng mga
pampublikong paaralan.
_______________5. Ipinalabas ni Pangulong Fidel Ramos and Memorandum Order No. 247
noong ika-26 ng Disyembre 1994 na nag-uutos sa Kagawaran ng
Edukasyon and Komisyon ng Mataas na Edukasyon na tiyaking
tumatalima ang lahat ng paaralan sa Batas Rizal.
_______________6. Ito ay ang kabaliktaran ng nasyonalismo ay indibidwalismo at
rehiyunalismo.
_______________7. Pormal at opisyal na pinapahayag ng Batas Rizal na si Rizal ang
pambansang bayani.
_______________8. Ang hinihiling na expurgated na limbag ng mga nobela ni Rizal ay iyong
kumpleto o buod basta hindi nabago ang mga katauhan at kwento ng
nobela.
_______________9. Pinalagan at hinadlangan ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas ang Batas
Rizal dahil si Rizal ay hindi umano mabuting halimbawa ng Katoliko.
_______________10. Sa mismong bantayog ni Rizal matatagpuan ang kilometer 0 kung saan
nagsisimula ang pagsukat sa mga lugar sa bansa.
_______________11. Ang kursong Rizal ay hindi sapilitan para sa mga mag-aaral na banyaga
o may salungat na relihiyon.
_______________12. Kinakailangang itaas ang mga watawat ng Pilipinas sa kalahati ng poste
tuwing Araw ni Rizal.
_______________13. Ang batas Rizal ay hindi lang nakatuon sa pag-aaral kay Rizal,kundi pati
na rin sa iba pang mga bayani.
_______________14. Ipinalit ang apelyidong Rizal sa Mercado sapgkat hindi angkop ang
kahulugang palengke para sa ama ni Jose.
_______________15. Ang aral na kinapulutan ni Rizal mula sa pabula ng gamu gamo ay ang
sundin ang pangaral at payo ng mga nakatatanda.
IV. PAGTATAPAT. Piliin sa Hanay B ang tinutukoy o kaugnay ng mga pangalan sa Hanay A. Isulat
lamang ang titik ng inyong sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B
____1. Austin Coates A. Adarnista
____2. Leon Ma. Guerrero B. The First Filipino
____3. Ramon Ozaeta C. Bathalismo
____4. Candida Balantac D. The Great Malayan
____5. Purificacion Aviela at Severo Aviela E. Watawat ng Lahi
____6. Carlos Quirino F. Ang Modelong Pilipino
____7. Fernando Acevedo G. First Exponent of Nationalism in Asia
____8. Miguel de Unamuno H. Tagalog Christ
____9. Arsenio de Guzman at Jose Baricanosa I. The Pride of the Malay Race
____10. Venancio Wagan J. Asian Apostle of Racial Equalitarianism
K. Sagrada Filipina
L. Simpatikong Romantiko

HANAY A HANAY B
1. Memorandum Order A. Panukalang isinulong ni Jacobo Gonzales ng House of
No. 247 Representatives
2. Act No. 243 B. Panukalang inihain ni Claro M. Recto sa Senado
3. EO No. 292, s. of 1987 C. Batas Rizal na ipinasa noong ika-12 ng Hunyo 1956
4. RA No. 229 D. Nag-utos na patawan ng kaukulang parusa ang hindi
susunod sa Batas Rizal
5. Act No. 345 E. Nagtatalaga ng paggamit ng pampublikong lupain ng
Luneta sa Lungsod ng Maynila para tayuan ng
bantayog ni Jose Rizal
6. Dekreto ni Aguinaldo F. Paggunita sa Dis. 30 bilang Araw ni Rizal (Section 26,
Chapter 7)
7. Act No. 137 G. Pinagbabawal ang sugal gaya ng sabong, karera ng
kabayo at jai alai sa paggunita sa kamatayan ni Rizal
8. RA 1425 H. Utos ni Aguinaldo sa pamamahala ni Taft noong Peb.
1902
9. Senate Bill No. 438 I. Nag uutos na itaas ang watawat sa kalahatian ng poste
sa tanghali isang araw bago ang Araw ni Rizal
10. House Bill No. 5561 J. Ang lalawigan ng Rizal ay nabuo sa bisa nito noong
Hunyo 1901.

You might also like