You are on page 1of 10

Paglalakbay ni rizal sa loob at sa labas ng bansa

Mga Tauhan

SCENE 1: Rizal- Bein, Teodora- Rica

Singapore- Bien

Barcelona- bien, Basilio-Antonio

Madrid- Consuelo-Kim, Rizal-Bien

Paris Bien, Dr Louis de weckert-Lorenz

Paglalakbay sa europa Viola- Lorenz, Rizal-Bien

Dresden- Dr. Adolph B. Meyer- Antonio, Dr.Jagor- Niño

Blumentritt- Antonio pamilya ni blumentritt- Eunice, keziah

Pargue- Dr. Willkomm- niño

Pangalawang paglalakbay- Japan- Seiko O-Sei-San (keziah)

Estados Unidos-Gertrude Beckett(rica)

Paris- Nelly Boustead(Eunice)

Dapitan- Josephine Bracken( Carina)


UNANG PAGLALAKBAY NI RIZAL

Narrator Carina; -Matapos ang ikaapat na taon ng pag-aaral ng medisina sa Unibesidad ng Pilipinas,
nagdesisyon si Rizal na Ipagpatuloy ang pag-aaral sa Espanya. Kadakip nito ng pag-aaral, bitbit ni Rizal
ang sikretong misyon na pag- aralan ang kultura at pamumuhay ng mga espanyol. Lihim ang kanyang
pag-alis kung saan ginamit niya ang pangalan ng kanyang pinsan na si Jose Mercado ng Biñan.

Rizal; Ina nais kung apagpatuloy ang aking pagaaral sa espanya.

Teodora: kung yan ang nais mo anak.

Bien; Babalik ako mahal kung bayan wika Rizal.

Scene1: Taong Mayo 8, 1882 lumakbay si Rizal sa singrapo siya ay tumira sa 'Hotel De La Paz' at bumisita
sa mga magagandang tanawin ng bansa sa kanyang paglilibot nakita niya ang tanyag na Botanic Garden,
ang Buddhist Temple at ang istatwa ni Sir Stanford Raffles ang nakadiskubre ng Singapore "Napakaganda
naman ng mga tanawin na ito, nakakamanghang tignan"Rizal. Nilisan niya ang bansang Singapore.

Scene 2; Hunyo 16, 1882 narating ni rizal anf barcelon, hindi maganda ang unang impresyon ni Rizal sa
Barcelona dahilan siya ay napatira sa hindi magandang bahagi ng lunsod. Sa bandang huli ay nagbago
ang kaniyang pananaw sa Barcelona dahilan sa nakita niya ang lunsod ay nagtataglay ng kalayaan at
liberalismo, ang mga tao ay palakaibigan, at magagalang.at isinulat niya sa barcelona ang isang talumpati
habang sinusulat niya "Amor Patrio" o Pag-ibig sa tinubuang lupa isang talumpati na nagsasaad ng
nasyonalismo, na kung saan ibinigay niya ang akda na ito kay basilio teodoro roman ng diaryong tagalog
dahil sa aking galing sa pagsusulat ni rizal ay napabilig nito si basilio(nakatukaw). Pagkatapos niyang
isulat ang Amor Patrio nilisan niya ang lugar na Barcelona

Narrator Niño: Scene 3 Kalagitnaan nang taong setyembre 1882 ay nagtungo naman siya sa Madrid na
kung saan ay ay ipinagpatuloy niyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid kung saan siya ay
kumuha ng Medicina, Pilosopiya at 'Letters'.//Nagsanay din siya sa 'painting' at 'sculpture' at
pinagaralang ang mga lengwahe na French, German at English.nag-aral at nagtapos sa Unibersidad
Sentarl de Madrid, Medisina, Philosopia at Panitikan. Sa paaralan ng Academia de San Francisco ay
pinuntahan ni rizal upang mag aral ng pag pipinta at eskultura, habang nagpipinta si rizal ay biglang
napasulyap siya sa likorang bahagi dahil parang may napapansin siya na nakatingin sa kanya at yun ay si
Consuelo Ortega Y. Perez, nabigha si Consuelo sa angking talento ni jose at dito ay nagkaroon sila ng
masidhing paguusap, dahil doon ay pinaghandugan ni rizal si Consuelo ng isang tula na La Senorita C. O.
y R." o "Kay Binibining C. O. at R." nagkaroon sila ng relasyon ngunit sa hindi ito tumagal dahil sa
dalawang kadahilanan kung bakit si rizal ay umayaw sa kanilang relasyon dahil mayroong kasunduan na
sila ng kanyang kasintahan na sa pilipinas na si Leonor Rivere ang pangalawa at ang kanyang kaibigan at
kasamahan sa propaganda na si Eduardo De Lete ay may lihim na gusto din kay Consuelo.
Scene 4: Taong hunyo 21, 1884 sa Madrid nagtamo siya ng lisensya sa pangggamot sa pamantasang
sentral ng madrid. at dito ay inihanda na nya ang kanyang pagsulat ng unang kabanata ng Noli Me
Tangre.

Scene 5;Taong Oktubre 1885, sa Paris ay nag-aral ng medisina na nakpokus sa Ophthalmology upang
magamot ang sakit sa mata ng kanyang ina. Siya ay nagsanay sa ilalim ni Dr. Louis de Weckert, isang
kilalang ophthalmologist.( lorenz)

Narrator Carina; HEIDELBERG, GERMANY Pebrero 3, 1886

Scene 6; Si Rizal ay nagtrabaho sa University Eye Hospital ng Heidelberg upang makapagsanay ng


kanyang kaalaman sa 'ophthalmology. Isinulat niya ang tulang Noli Me Tangere A Las Flores de
Heidelberg: tula ay tungkol sa mga bulaklak ng Heidelberg' na ipinapakita ang paghanga niya sa
napakagandang pook.

LEIZPIG at DRESDEN 1886

Scene 7; Sa Leizpig ay isinalin niya ang istoryang "William Tell" sa Filipino. Ito ay upang para malaman ng
mga Pilipino ang kampyon ng "Swiss Independence" Isinalin din niya ang "Fairy Tales" ni Hans Christian
Andersen sa wikang tagalog.Si Dr. Jose Rizal ay nakibahagi sa isang misa sa Dresden, Germany.

Narrator Niño; BERLIN 1886

Scene 8; Si rizal ay pinarangalan dahil siya ay kabilang sa Anthropological Society, Ethnological

Society, at Geographical Society ng Berlin. At dito isinulat ni Rizal ang "Taglische Verkunst" at sa Berlin
dito unang na nailimbag ang "Noli Me Tangere".

Narrator carina; Paglalakbay ni rizal sa europa kasama si Viola

Dr. Maximo Viola

Potsdam, Berlin (pinasikat ni Frederick ang Dakila)

Nagsimula ang Paglalakbay

• Madaling araw ng Mayo 11, 1887 lumisan sila Rizal at Viola lulan ng tren. (Viola lorenz)

Malapit na ang tagsibol at nagsisimula ng ang pamumulaklak sa buong Europa.

• Kasama sa bagahe ni Rizal ang lahat ng liham mula sa kanyang pamilya at kaibigan.

Dresden
ang kanilang destinasyon

isa sa pinakamagandang lungsod sa Alemanya

• Rehiyonal na eksposisyon ng mga bulaklak Pag aaral ni Rizal ng iba't ibang uri ng mga halamang may
kakaibang ganda at laki Pagdalaw kay Dr. Adolph B. Meyer

• Pagbisita sa Museo ng Sining Prometheus Bound

• Pagkakakita kay Dr.Jagor na nagpayo kila Rizal na telegramahan muna si Blumentritt bago ito dalawin.

• Teschen ang sunod na pupuntahan nila Rizal at Viola pag- alis ng Dresden

Unang Pagkikita nina Rizal at Blumentri

• Mayo 13, 1887 ala una y media ng hapon, nar ng tren ang estasyon ng Leitmeritz, Bohemia

• Unang pagkakataong pagkikita ng dalawang iskolar (Rizal at Blumentritt) na nagkakilala sa


pamamagitan ng sulat

Blumentritt - isang mabuting Austriyanong propesor at itinuring si Rizal na tunay na anak sa una pa
lamang pagkikita.

• Tinulungan ni Blumentritt sina Rizal at Viola na makakuha ng kuwarto sa Hotel Krebs na kinalauna'y
dinala din nya sina Rizal sa kanyang bahay upang makilala ng mga ito ang kanyang asawa at
pamilya(blumentritte)( bianca)

• Tumigil sila Rizal at Viola sa Leitmeritz mula Mayo 13 hanggang Mayo 16, 1887

Magagandang Alaala ng Leitmeritz

• Rosa na asawa ni Blumentritt at mga anak na sina Dolores, Conrad at Fritz

• Pag-anyaya ni Blumentritt kila Rizal sa beer garden at pakikipagkilala sa burgomaster (alkalde ng


bayan)

• Pag-anyaya ng Samahang Turista ng Leitmeritz kila Rizal at pagbigkas ng talumpati ni Rizal sa wikang
Aleman

• Pagguhit at pagbigay ni Rizal ng larawan ni propesor Blumentritt bilang regalo

• Pagkakakilala ni Rizal sa bantog na siyentipikong Polano na si Dr. Carlos Czepelak at bantog na


naturalistang si Propesor Robert Klutschak

• Paghandog ng hapunan ni Rizal at Viola kay Blumentritt bilang pagkilala, pasasalamat at pamamaalam
na din sa kanilang hotel.

• Mayo 16, 9:45 ng umaga ng lisanin ni Rizal at Viola ang Leitmeritz lulan ng tren
Mayo 24, 1887, sa sulat ni Rizal kay Blume ay nagpahayag ito ng pag-alala nila ni Viola karamdaman ni
Dora na anak na babae ng propesor:

"Nalulungkot kami ni Viola dahil ang aming munting kaibigang si Dora ay may sakit. Naaalala pa namin
ang kanyang maliliit na asul na mata; parang naririnig pa namin ang masaya niyang halakhak, at nakikita
namin ang maliliit niyang ngipin. Kawawang Dorita! Nakita ko pa siyang humabol sa tren ng kami'y
papaalis! Taos-puso kong idinadalangin ang kanyang paggaling.

Mayo 19, 1887, sumulat si Rizal kay Blume mula Brunn, Austria:

"Kayong mga kaibigan sa Leitmeritz ay laging nasa isip ko at sasabihin ko sa sarili: hindi ka nag-iisa, Rizal;
sa isang sulok ng Bohemia ay may mabubuti, mararangal, at palakaibigang kaluluwang kaibigan mo, na
kapag nakita ka nila'y natutuwa sila, at kasama mo ring sila luluha sa iyong mga pagdurusa... ihalik mo
ako sa mga bata, batiin mo ang iyong asawa para sa akin, at sa iyong butihing ama at mga kaibigan sa
Leitmeritz na tulad mo'y para ring isang Pilipino sa mga sentemiyento. Naniniwala akong mananatili sa
aking puso ang Austria."

Prague

• Sunud na binisita nina Rizal at Viola pagkaraan sa Leitmeritz; dala ang rekomendasyon mula kay
Blumentritt para kay Dr. Willkomm na nagpasyal sakanila sa mga makasaysayang lugar sa siyudad

• Pagbisita nina Rizal at Viola sa libingan ni Copernicus, museo ng likas na kasaysayan, mga
laboratoryong bakteriolohikal, bantog na kuwebang pinagkulungan kay San Juan Nepomuceno at tulay
kung saan tinapon ang santo.

Vienna

• Mayo 20 narating nina Rizal at Viola ang lungsod na kabisera ng Austria-Hungary na nagpabighani kay
Rizal dahil sa naggagandahang gusali rito, imaheng panrelihiyon at kakaibang halina na siyang tunay na
"Reyna ng Danube."

Pakikipagkita nila Rizal kay Norfenfals dala ang liham rekomendasyon mula kay Blumentritt

• Paghanga ni Norfenfals kay Rizal at pagkalipas Ang ilang taon ay nakapagsabi ditong "isang henyong
hinahangaan nya"

• Pagtuloy sa Otel Metropole at pagbisita nila Rizal sa mga interesanteng lugar ng siyudad gaya ng mga
simbahan, museo, galerya ng sining, teatro at liwasang pampubliko

• Pagkakakilala sa dalawang mabuting kaibigan ni Blumentritt na sina Masner at Nordmann


(Austriyanong iskolar)

Paglalakbay sa Danube Papuntang Lintz

• Mayo 24 ng nilisan nina Rizal at Viola ang Vienna lulan ng bangka


• Papel na napkin na napuna ni Rizal sa mga pasaherong nakain

Mula Lintz Patungong Rheinfall

• Nagbiyahe sila Rizal patungong Salzburg patun Munich at sandaling tumigil upang tikman ang
pinagmamalaki duong pinakamasarap na na alak sa buong Alemanya, ang Munich beer

• Mula Munich ay nagtungo silang Nuremberg na isa sa pinakamatandang lungsod sa Alemanya

• Pagkatapos sa Munich ay nagtungo sila sa Ulm na isang katedral ng lungsod na itinuturing


"pinakamalaki at pinakamataas sa buong Alemanya"

• Mula Ulm ay nagtungo sila sa Stuttgart, Baden at pagkaraan ay sa Rheinfall (Talon ng Rhine)
"pinakamagandang talon sa Europa"

Pagtawid sa Hangganan Patungong Switzerland

• Galing Rheinfall ay tinawid nina Rizal at Viola ang hangganan patungong Schaffhausen, Switzerland
mula Hunyo 2 hanggang 3, 1887 at patuloy na naglakbay at nagtungo sa Basel (Bale), Bern at Lausanne

Geneva

• Sakay ng bangka ay tinawid nina Rizal at Viola maulap na Lawa ng Leman sa Geneva Swisang lungsod
na isa sa pinakamagandang lungsod sa Europa

• Ang mga taga Geneva ay lingguwista, nagsasalita ng Pranses, Aleman at Itayano

• Pagdiwang dito ng ika-26 taong kaarawan ni Rizal noong Hunyo 19, 1887

• Nagtigil ng labinlimang masasayang araw sa Geneva sina Rizal at Viola

• Hunyo 23 ay naghiwalay na sila, nagbalik na sa Barcelona si Viola habang si Rizal naman ay


pinagpatuloy lamang ang kanyang paglalakbay sa Italya

Ikinagalit ni Rizal ang Eksibisyor mga Igorot sa Eksposisyon sa Mauru noong 1887

Nagkaroon ng Eksposisyon ng Pilipinas sa Madrid, Espanya

Kalunus-lunos na kalagayan ng mga Igorot na ginawang bahagi ng eksibisyon

• Liham ni Rizal noong Hunyo 6, 1887 sa kaibigang si Blumentritt dahil sa pagkakagalit nito sa natuklasan

"Ang mga kawawang kababayan (ang 1. Igorot-Z) ay naka-eksibit ngayon sa Madrid at nilalait-lait ng mga
pahayagang Espanyol, maliban sa El Liberal na nagsasabing hindi makatao, at pagyurak sa dignidad ng
tao ang itanghal ng parang mga hayop at halaman. Ginawa ko ang lahat ng maaaring gawin upang
mapigil ang ganitong paghamak sa kalagayan ng aking mga kalahi, ngunit hindi ako nagtagumpay.
Ngayo'y isang babae ang namatay sa pulmonya. Ang mga Igorot ay ibinahay sa isang barraca(bahay na
yari sa kawayan, damo at mga sanga ng puno - Z) At napagtatawanan pa ito ng El Resumen!"
Si Rizal sa Italya

• Mula Geneva ay nagtungo si Rizal sa Italya at binisita nya ang Turin, Milan, Venice at Florence

• Hunyo 27, 1887 ay narating nya ang Roma ("Walang-hanggang Lungsod" at tinatawag ding "lungsod ng
mga Cesar")

• Inilarawan nya kay Blumentritt ang "karangyaan na siyang Roma" na isinulat nya noong Hunyo 27,
1887

• Pagbisita nya sa Pista ni San Pedro at San Pablo noong Hunyo 29 sa kauna-unahang pagkakataon sa
Vatican o "Lungsod ng mga Papa" at kabisera ng Kakristiyanuhan

• "pagod na pagod ako na tulad ng isang aso, sulat ni Rizal kay Blumentritt, “ngunit matutulog ako na
parang isang diyos."

• Handa nang umuwi si Rizal sa Pilipinas pagkaraan ng isang linggong bakasyon sa Roma at sumulat sa
kanyang ama na siya'y paparating na.

Pag-ikot sa Europa

• Matapos ang kanyang pagbisita sa Germany, inikot ni Jose Rizal ang maraming pook sa Europa.
Kabilang dito ang Prague, Vienna, Rheinfall, Salzburg, Munich, Nuremberg at Geneva.

ROME 1887

• Binisita ni rizal ang Vatican, "City of Popes" at ang capital na Christendom.at sa paglilibot niya suya ay
namangha sa kagandahan ng mga tanawin, lalo na ang St. Peterrs Church.

Ang Unang Pagbabalik

Pagkatapos ng limang taon sa Europa, bumalik sya sa Pilipinas at nagsanay sa Medisina sa Calamba,
Laguna. Nanganganib ang kanyang buhay noong panahon iyon dahil sas Noli Me Tangere, ngunit gusto
niyang makatulong sa mga Pilipino at nagtayo ng klinika sa Calamba kung saan ang kanyang ina ang
kanyang unang pasyente. Sinumulan din ni Rizal sa Calamba and El Filibusterismo.

Narrator Niño; Pangalawang Paglalakbay

Taong Pebrero 8, 1888 pumunta sa Hong Kong dahil sa nanganganib ang kanyang buhay, pinayuhan siya
ng kanyang pamilya na lumisan muna ng bansa, at dito ay kanyang pinagaralan ang pamumuhay ng mga
Instik. At pagkatapos niyang pag-aralab ang mga pamumuhay ng mga Instik ay nagtungo siya sa Japan na
kung saan ay sinasabing isa sa mga pinakamasayang panahon ang kanyang pagbisita sa Japan. Siya ay
nabighani sa kagandahan ng lugar atkariktan ng mga tanawin. habang nag lilibot sa siya lugar ay nakilala
niya si Seiko O-Sei-San isang mahiyaing babae subalit may mataas na kaalaman sa wikang Ingles at
Pranses. ang nagpakilala at nagturo kay Rizal kung paano magsulat at magpinta ng katutubong letra ng
Hapones. Sinasabing kung hindi dahil sa pagmamahal sa bayan, magpapasyang manirahan at pakasalan
ni Rizal si O Sei San kasabay ng magandang trabahong inaalok ng gobyerno ng Espanya sa Hapon, ngunit
mas nanaig ang misyon niya na pagpapalaya sa pilipinas. nilisan ni rizal ang japan at naglakbay sa
estados unidos nang Abril 1888.

Narrator; Carina; Nang nakarating na si rizal sa Estados Unidos hinangaan niya ang natural na
kagandahan ng bansa at napakaraming oportunidad para sa mga mamamayan ngunit hindi niya
nagustuhan ang kawalang ng pagkakapantay pantay ng mga magkakaibang "race" o nasyonalidad. At
umalis sa sa bansang Estados Unidos at naglakbay patungong Londres.

• Naging presidente si Rizal ng Asociacion La Solidaridad. Dito rin niya isinulat ang kanyangunang
artikulo para sa pahayagan. Si Rizal ay nagsulat ng maraming akda sa London. Kabilang sa mga ito ang a
Vision del Fray Rodriguez at "Letter to the Young Women of Malolos" habang naglalakbay siya ay
nakilala niya si Gertrude Beckett ang pinakamatanda sa magkakapatid na Beckett. Siya ay inilarawan
bilang "buxom English girl with brown hair, blue eyes and rosy cheeks". Naging malapit si Gertrude kay
Rizal sa pamamagitan ng pagtulong niya sa pagpipinta at pag-eiskultura ng binata. hindi nag tagal ay
nilisan niya ang london, upang makalimutan siya ni Gertrude at ipagoatuloy ang misyon niya sa manila.

Nagtungo si rizal sa Paris, bumalik ito para pag-aralan ang kasaysayan ng Pilipinas at ang rason sa
mababang pagtingin sa mga Pilipino. Itinatag din niya ang R.D.L.M Society sa Paris nanaglalayon na
maibahagi sa iba ang impormasyon tungkol sa Pilipinas. Siya ay naging miyembro ng "International
Associationof Filipinologists".

BRUSSELS Abala sa pagsusulat ng El Filibusterismo. Siya rin ay nagsulat ng mga artikulo para sa La
Solidaridad. Si Rizal ay nagplanong umuwi sa Pilipinas pagkat kanyang nabalitaan ang lumalalang
kondisyon ng bansa lalo na sa Calamba, Laguna.

Bago pumuntang Hong Kong si Dr. Jose Rizal ay bumisita sa Ghent, Biarritz at Ghent. Matapos ang
publikasyon ng El Filibusterismo, sa Biarritz ay nakita si rizal sa bahay ni Nelly Boustead Sinasabing ang
babaeng may karakter na pinakamalapit sa karakter ni Rizal, Ito ang babaing may lahing Anglo-Pilipino,
sa lahat nangbabaing nagkaroon ng kaugnayan sa kay rizal. Ang relasyon ng dalawa ay hindi nauwi sa
kasalan dahil ayaw ng ina ni nellie kay rizal at ayaw palitan ni rizal sa religion protatestantismo na gusto
naman ni nellie Ito ang babaing may lahing Anglo-Pilipino na minamahal din ni Antonio Luna.

Narrator Niño; Nilisan ni Dr. Jose Rizal ang Europa para sa Hong Kong. Siya ay tumira dito mula
Nobyembere 20 1891 hanggang Hulyo 1892. sa bansang ito ay dito siya nagpraktis ng kanyang
propseyon sa medisina. Naging Opthalmis Surgeon at matagumpay na inoperahan ang kaliwang mata ng
kanyang ina.

Ang ikalawang pag-babalik ni rizal ay noong hulyo 15, 1892 ay idinala si rizal sa dapitan kung saan siya ay
tinapon. Ito ay tumagal ng isang taon, sa dapitan ay nakilala ni rizal si Josephine Bracken ang babaing
lahing Irish na mula sa Hongkong na nagpunta ng Dapitan upang ipagamot ang mata ng kanyang ama-
amahan. Siya ay inangking asawa ni Rizal kahit walang pahintulot ng simbahan dahil na rin sa pagtanggi
ng Obispo ng Cebu na sila ay makasal. Ito ay tinawag niyang "dulce estranghera".

You might also like