You are on page 1of 6

KABANATA 17 - MGA KABIGUAN SA MADRID

Kabiguan sa Katarungan
 Agosto 1890 – dumating si Rizal sa Madrid
 Sa pagdating ni Rizal sa Madrid ay agad niyang hiningi ang tulong Asociacion
Hispano-Filipina at mga pahayagang liberal sa Madrid tulad ng La Justicia, El
Globo, La Republica, at El Resumen upang matulungan siya sa paghingi ng
katarungan sa kanyang pamilya at kababayan sa Calamba.
 Sa paghingi ni Rizal ng katarungan para sa kanyang pamilya ay tumayo si Marcelo
H. del Pilar bilang abogado at Dr. Dominador Gomez bilang kalihim ng
Asociacion Hispano-Filipina, kanilang idinulog ang kanilang protesta laban sa
kawalang katarungan ni Gobernador Heneral Valeriano Weyler at ng mga paring
Dominikano.
 Ang kanilang pakikinayam kay Ministro Fabie ng Ministerio ng mga Kolonya ay
nawalan ng kabuluhan.
 Balita mula kay Silvestre Ubaldo – nakatanggap siya ng kopya ng kasulatang pagpapatalsik sa mga
taga-Calamba
 Balita mula kay Saturnina – ipinatapon sina Paciano, Antonino, Silvestre, Teong, at Dandoy sa
Mindoro noong Setyembre 6, 1890
 Balita mula kay Saturnina – ang kanilang mga magulang ay sapilitang pinaalis sa kanilang tahanan at
naninirahan na sa bahay ni Narcisa (asawa ni Antonino)
 Becerra at Maura – Humingi si Rizal ng tulong sa mga liberal na Espanyol na dating
miyembro ng Ministro ngunit tanging maibibigay lamang nila ay simpatiya.
 Samantala ipinanukala ni Blumentritt na makipagkita si Rizal sa Reyna Rehente
Maria Cristina (noo’y namumuno sa Espanya habang menor de edad pa si
Alfonso XIII) upang ilapit ang kanyang mga suliranin, ngunit sinabi ni Rizal na siya
ay walang kakilala o salapi na makapagsasama sa kaniya sa Reyna.
Iba pang mga Kabiguan sa Madrid
 Habang bigo si Rizal sa paghingi ng katarungan para sa kanyang mga magulang ay
namatay naman ang kanyang matalik na kaibigan at kasama sa kilusang
propaganda na si Jose Maria Panganiban noong Agosto 19, 1890.
 Nang malasing si Antonio Luna ay kung anon-anong pinagsasabi kay Nellie Boustead
kaya ng narinig ito ni Rizal ay hinamon siya sa isang duelo.
 Hinamon ni Rizal si Wenceslao E. Retana, ang karibal niya sa pagsulat, ng duwelo.
Ito ay dahil sa pagsulat niya na kaya pinatalsik ang pamilyang Rizal sa Calamba ay
dahil hindi sila nakapagbabayad ng upa sa pahayagang laban sa mga Pilipino ang
La Epoca. Ng lumaon, sinulat niya ang unang aklat ng talambuhay ng
pinakadakilang bayaning Pilipino.
Ang Pagpapakasal ni Leonor Rivera.
 Nanuod si Rizal ng dula sa Teatro Apolo sa Madrid ay nawala ang kanyang gintong
relos na may laket na ang kinalalagyan ng larawan ni Leonor Rivera.
 Nakatanggap si Rizal ng sulat mula kay Leonor Rivera na nagpapabatid ng
nalalapit na kasal niya sa isang Ingles na si Henry Kipping na labis na ikinalungkot
ni Rizal.
Karibalang Rizal at del Pilar
 Sa pagtatapos ng 1890, nagkaroon ng hidwaan para sa pamumuno sina Rizal at
M.H. del Pilar.
 Responsable – pipiliin para siyang mangasiwa ng mga kalakalan sa komunidad na
Pilipino at siya ring magsasaayos ng patakarang editorial ng La Solidaridad. Ang
responsable ay ihahalal ng dalawa-katlong boto ng komunidad ng mga Pilipino.
 Nagsagawa ng halalan ang mga Pilipino sa Madrid noong unang linggo ng Pebrero
1891 at nahati ang mga Pilipino sa dalawang kampo -- Rizalista at Pilarista. Sa
unang araw ng halalan ay si Rizal ang nanalo ngunit hindi natamo ang 2/3 na
kinakailangang boto at sa ikalwang araw ay nagkaroon uli ng halalan ay ganito pa
rin ang resulta.
 Sa ikatlong araw ay hinakayat ni Mariano Ponce na bumoto na ang karamihan kay
Rizal at natamo ni Rizal ang kinakailangang 2/3 na boto na naghalal sa kanya bilang
pinuno ng samahan.
 Pagkatapos ng pagwawagi ni Rizal ay hindi niya tinaggap ang kanyang posisyon, sa
dahilang ayaw niyang maging pinuno ng hati-hating samahan.
Adios, Madrid
 Umalis si Rizal sa Madrid na nag-iwan ng maikling sulat ng pagpapasalamat sa mga
kababayan niyang naghalal sa kanya, pakatapos ay sumakay na siya ng tren
nagtungo sa Biarritz.

KABANATA 18 - BAKASYON NI RIZAL SA BIARRITZ


Mga Ginawa ni Rizal sa Biarritz
 Biarritz – isang bakasyunang lungsod sa napakagandang French Riviera
 Sa pag-alis ni Rizal sa Madrid ay nagtungo si Rizal sa Biarritz (dumating sa Biarritz
noong Pebrero 1891) at nagbakasyon sa bahay ni Senor Eduardo Bousted sa Villa
Eliada.
 Pamilya Boustead: Gng.Boustead, Adelina, Nellie, at Tiya Isabel (kapatid ni Gng.
Boustead)
 Ang Bearritz ay isang magandang bakasyunan at nakita rito ni Rizal ang mga turista
mula sa iba't ibang panig ng mundo. Ang kagandahan ng pook ang nagpalimot kay
rizal sa kanyang mga kasawian sa Madrid.
 Nagkaroon ng namuong pag-ibig sa pagitan nina Rizal at Nellie Bousted. Naakit si
Rizal kay Nellie sa dahilan sa katalinuhan, mahinahon, at mataas na moral ng
dalaga. Ipinagtapat ni Rizal sa kanyang mga kaibigan na nagkaroon siya ng
pagnanais na pakasalan si Nellie Bousted.
 Tinukso na siya ni Marcelo H. del Pilar na palitan ang pamagat ng kanyang nobela
na Noli ng Nelly sa sulat nito noong Pebrero 4, 1891. Ayon kay Tomas Arajola ay
tingnan ni Rizal kung nararapat ng aba talaga para sa kanya si Nelly. Si Antonio
Luna na minsan ay kanyang naging karibal kay Nellie ay hinikayat si Rizal na
pakasalan na si Nellie.
 Natapos ang pag-iibigang Rizal at Nellie dahil hindi tinanggap ang alok na kasal ni
Rizal dahil:
1. Ayaw ni Rizal maging Protestante
2. Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal na maging manugang dahilan si Rizal ay
mahirap na "doktor na walang pasyente, manunulat na walang pera" at isang
repormista na inuusig ng mga prayle at opisyal ng pamahalaan sa sariling
bayan.
 Naghiwalay sina Rizal at Nellie bilang mabuting magkaibigan.
 Natapos ni Rizal ang manuskrito ng El Filibusterismo noong Marso 29, 1891, sa
bisperas ng paglisan niyasa Biarritz papuntang Paris.
Sa Paris at Pagbabalik sa Brussels
 Marso 30, 1891 – nagpaalam si Rizal sa pamilyang Boustead at nagtuloy siya sa Paris sakay ng tren
 Tumuloy siya sa tahanan ng kaibigang si Valentin Ventura sa 4 Rue de Chateaudum
 Sa Paris ay kanyang sinulatan si Jose Basa at sinabing nagnanais siyang manirahan
sa Hongkong at dito nagtrabaho bilang doctor (ophthalmology)
 Nagbalik si Rizal sa Brussels noong Abril, 1891 at muli niyang binisita ang mga
Jacoby lalo na si Petite Sussane Jacoby.
 Nagbitiw si Rizal sa Kilusang Propaganda, o krusada para sa mga reporma
 Mayo 1, 1891 – ipinaalam niya sa mga awtoridad ng Propaganda sa Maynila na ikansela ang buwanan
niyang panustos. Ang notipikasyon ay kalakip ng kanyang sulat kay G.A.L. Lorena (sagisag-panulat ni
Deodato Arellano)
 Tinigilan na rin ni Rizal ang pagpapadala ng mga artikulo sa pahayagang La
Solidaridad sa kabila ng pakiusap ng kanyang mga kaibigan. Napansin din ni
Marcelo H. del Pilar ang panlalamig ng kilusang propaganda sa pananahimik ni
Rizal at dahilan dito ay napilitang sumulat si del Pilar noong Agosto 7, 1891 na
nakikiusap kay Rizal na muling magsulat sa pahayagan.

KABANATA 19 - ANG PAGPAPALIMBAG NG EL FILIBUSTERISMO SA BELGIUM


Ang Bahay ni Rizal sa Ghent
1. Mula sa Brussels si Rizal ay nagtungo sa Ghent na isang lunsod pamantyasan
ng Belgium.
2. Mula pa sa Calamba ay sinimulan na ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo at
natapos ang huling kabanata sa Biarritz.
3. Naninirahan si Rizal sa Ghent dahilan sa mga sumusunod:
a. Mura ang halaga ng pagpapalimbag sa Ghent
b. Makaligtas sa pang-aakit ni Petite Sussane Jacoby
1. Sa lunsod ng Ghent ay nakatagpo ni Rizal ang dalawang Pilipino na estudyante ng
inhinyera sa Unibersidad ng Ghent na sina Jose Alejandrino at Edilberto Evangelista.
2. Nanirahan si Rizal sa isang mumurahing bahay paupahan at nakasama niya si Jose
Alejandrino na nakapuna ng kanyang labis na katipiran.
3. Sa pagdating ni Rizal sa Ghent ay naghanap siya ng pinakamurang bahay
palimbagan para sa kanyang nobelang El Filibusterismo at kanyang natagpuan ang
palimbagang F. MEYER-VAN LOO PRESS sa daang Viaanderen na handang maglathala
ng nobela sa pamamagitan ng pagbabayad ng hulugan. Isisnanla ni Rizal ang kanyang
mga alahas upang maging paunang bayad sa palimbagan.
4. Habang nasa palimbagan si Rizal ay naubusan siya ng pera at ang pagpapalimbag
sa El Filibusterismo ay napahinto sa kalagitnaan.
5. Sa ganitong kagipitan ay halos kanyang itapon ang manuskrito ng El
Filibusterimo sa apoy.
6. Nang malaman ni Ventura ang kagipitan ni Rizal, mula sa Paris ay kanyang
pinadalhan si Rizal ng salapi para maituloy ang pagpapalimbag.
7. Noong Setyembre 18, 1891 ay lumabas ng palimbagan ang El Filibusterismo at
kanyang ipinadala ang dalawang kopya sa Hongkong kina Jose Basa at Sixto Lopez.
Pinadalahan din niya ang kanyang mga kaibigang sina Blumentritt, Ponce, Lopez-Jaena,
T.H. Pardo de Tavera, Antonio Luna at Juan Luna. Pinagkaloob ni Rizal kay
ValentinVentura ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo.
8. Inilathala ng sipian ng El Filibusterismo sa pahayagang El Nuevo Regimen sa
kanyang isyu ng Oktibre 1891.
9. Inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo sa ala-ala ng GOMBURZA .
10. Ipinagkumpara ang Noli at Fili.
a. Ang Noli ay isang romantikong nobela na gawa ng puso, damdamin, sariwa, makulay
at may taglay na tuwa. Ang Fili ay isang nobelang politikal gawa ng ulo, isip, naglalaman
ng pait, pagkamuhi, sakit, karahasan, at pagdurusa.
b. Ang orihinal na kagustuhan ni Rizal ay gawing mas mahaba ang Fili kaysa sa Noli
ngunit dahilan sa kakulangan sa salapi ay naging maikli ang Fili (38 kabanata) kung
ikukumpara sa Noli (64 kabanata).
c. Para kay Wenceslao Retana mas mahusay ang Noli.
d. Para kay Marcelo H. del Pilar mas mahusay ang Fili.
1. Sumulat si Rizal kay Blumentritt na nagsasabi ng kanyang balak na gumawa ng
ikatlong nobela. Ito ay hindi na masyadong ukol sa politika kundi sa etika.
2. Sa kanyang paglalakbay patungong Hongkong ay kanyang sinimulang sulatin ang
ikatlong nobela.

KABANATA 20 - PANGGAGAMOT NI RIZAL SA HONGKONG


A. Mga Dahilan ng Paglipat sa Hongkong
1. Kawalan ng kasiyahan sa Europa dahilan sa pagkakaiba ng paniniwala niya kay del
Pilar at sa ilang mga Pilipino sa Europa.
2. Upang mas higit siyang maging malapit sa Pilipinas.
3. Para kupkupin ang kanyang pamilya.
A. Pamamaalam sa Europa
1. Nagpaalam ng maayos si Rizal kay del Pilar sa paglalayon na mapanatili ang
kaisahan ng mga Pilipino sa Europa.
2. Mula sa Merseilles sumakay ng barkong Melbourne patungo ng Hongkong, kasama
ng kanyang bagahe ang 600 na kopya ng El Filibusterismo.
3. Nakatagpo ni Rizal sa barko bilang mga pasahero ang mga babaeng Aleman na
nangmamaliit sa kanya sa usapan na hihiya ni Rizal sa pamamagitan ng maginoong
pamamaraan.
A. Hongkong
1. Dumating si Rizal sa Hongkong ng Nobeyembre 20, 1891 at sinalubong ng mga
kaibigan at dito ay nanirahan sa 5 D' Aguilar Street No. 2 Rednaxola Terrace. Sa nasabi
ding tirahan si Rizal ay nagbukas ng isang klinika.
2. Bago magpasko ng 1891 dumating sa Hongkong ang kanyang ama at bayaw na si
Silvestre Ubaldo. Sumunod na rin ang kanyang ina, Lucia, Josefa, at Trinidad.
3. Nakasama na muli ni Rizal ang kanyang pamilya sa kapaskuhan sa ibang bansa.
A. Panggagamot sa Hongkong
1. Ginamit na rin ni Rizal ang kanyang propesyon bilang isang manggagamot upang
masuportahan niya ang kanyang pamilya. Sa tulong ni Dr, Lorenzo Marquez na
kanayang kaibigan. Inilapit niya kay Rizal ang kanyang mga pasyenteng may sakit sa
mata.
2. Nakilala si Rizal sa Hongkong sa kanyang kahusayan at ang mga pasyente niya ay
mga British, Tsino, Portuges, at Amerikano.
3. Matagumpay niyang inoperahan ang kanyang ina sa Hongkong.
4. Maraming bumati kay Rizal sa kanyang panggagamot.
A. Ang Proyektong Borneo
1. Binalak ni Rizal na magtayo ng isang kolonya sa Borneo na bubuuin ng mga walang
lupang Pilipino mula sa ating bansa .
2. Nagpunta siya sa Sandacan at kinausap ang mga pinunong British at nagtagumpay
siya na mapagkalooban ang kanyang proyekto ng 50,000 hektaryang lupa, na malapit sa
daungan, at mahusay na pamahalaan upang magamit sa loob ng 999 na taon ng walang
bayad.
3. Ipinaalam ni Rizal ang kanyang proyekto sa mga Pilipino sa Europa na nagpakita ng
pagnanais na ito ay maisakatuparan.
4. Sinulatan ni Rizal si Gobernador Heneral Despujol ukol sa kanyang
Proyektong Borneo ngunit hindi ito sinagot. Sa ikalawang sulat ni Rizal ay hindi pa rin
sinagot ngunit ipinarating sa kanya sa konsul ng Espanya sa Hongkong ang pagtutol
dito.
A. Mga Sinulat sa Hongkong
1. Ang mga Karapatan ng Tao - isang pagsasalin ni Rizal ng proklamasyon ng
Rebolusyong Pranses ng 1789.
2. A la Nacion Espanola - isang artikulo na umaapela sa Espanya na ituwid ang
kamaliang nagawa sa mga magsasaka ng Calamba.
3. Sa Mga Kababayan - isang artikulo na nagpapaliwanag sa sitwasyong agraryo sa
Calamba.
4. Una Revisita a la Victoria Gaol - artikulo ukol sa kanyang pagbisita sa kulungan ng
Hongkong kumpara sa malupit na kulungan sa Pilipinas.
5. The Hongkong Telegraph- isang pahayagan kung saan si rizal ay nagpapadala ng mga
artikulo.
6. Ang pinakamahalagang isinulat ni rizal sa Hongkong ay ang saligang Batas ng La
liga Filipina.
A. Ang Pagpapasiya na Magbalik sa Maynila
1. Ang mga dahilan na magbalik sa Maynila.
a. Kausapin si Gob. Hen. Despujol ukol sa Proyektong Borneo
b. Itatag ang La Liga Filipina sa Maynila
c. Patunayan kay Eduardo de Lete na ito ay mali sa kanyang paniniwala na matapang
si Rizal dahilan sa siya ay malayo sa mga Espanyol.
1. Tinutulan ng mga kamag-anak ni Rizal ang kanyang nais na pagbabalik sa Maynila
dahilan sa itoo ay mangangahulugan lamang ng kamatayan.
2. Ginawa ni Rizal ang mga sumusunod na sulat bago umalis ng Hongkong na
iningatan ni Dr. Marquez na bubuksan lamang kung siya ay mamamatay .
a. sulat sa kanyang mga magulang at mga kapatid
b. Sulat sa sambayanang Pilipino
c. Sulat sa Gobernador Heneral Despujol
1. Nagbalik si Rizal kasama ni Lucia sa Maynila. Kasabay naman ng pag-uwi ng Rizal ay
pagsasampa naman ng kanyang mga kaaway ng kaso.

You might also like