Professional Documents
Culture Documents
Rizcour 7 Brussels Madrid Ghent HK
Rizcour 7 Brussels Madrid Ghent HK
ANG EL FILIBUSTERISMO
Si Rizal sa Ghent
• Mula sa Brussels si Rizal ay nagtungo sa
Ghent na isang lunsod pamantasan ng
Belgium.
• Mula pa sa Calamba ay sinimulan na ni Rizal
ang nobelang El Filibusterismo at natapos ang
huling kabanata sa Biarritz.
• Sa lunsod ng Ghent ay nakatagpo ni Rizal ang
dalawang Pilipino na estudyante ng inhinyera
sa Unibersidad ng Ghent na sina Jose
Alejandrino at Edilberto Evangelista.
Nanirahan si Rizal sa isang mumurahing
bahay paupahan at nakasama niya si Jose
Alejandrino na nakapuna ng kanyang labis na
katipiran.
• Naghanap siya ng pinakamurang bahay
palimbagan para sa kanyang nobelang El
Filibusterismo at kanyang natagpuan ang
palimbagang F. MEYER-VAN LOO PRESS sa
daang Viaanderen na handang maglathala ng
nobela sa pamamagitan ng pagbabayad ng
hulugan.
• Isinanla ni Rizal ang kanyang mga alahas
upang maging paunang bayad sa palimbagan.
• Habang nasa palimbagan si Rizal ay naubusan
siya ng pera at ang pagpapalimbag sa El
Filibusterismo ay napahinto sa kalagitnaan.
• Sa ganitong kagipitan ay halos kanyang itapon
ang manuskrito ng El FilibusteriSmo sa apoy.
ANG TAGAPAGLIGTAS!
• Nang malaman ni
Valentin Ventura ay
agad pinadalhan si Rizal
ng salapi para maituloy
ang pagpapalimbag.
• Noong Setyembre 18, 1891
ay lumabas ng palimbagan
ang El Filibusterismo at
kanyang ipinadala ang
dalawang kopya sa Hongkong
kina Jose Basa at Sixto
Lopez.
• Pinadalahan din niya ang
kanyang mga kaibigang sina
Blumentritt, Ponce, Lopez-
Jaena, T.H. Pardo de Tavera,
Antonio Luna at Juan Luna.
• Pinagkaloob ni Rizal kay Valentin Ventura
ang orihinal na manuskrito ng El
Filibusterismo.
• Inilathala ng sipian ng El Filibusterismo sa
pahayagang El Nuevo Regimen sa kanyang
isyu ng OktUbre 1891.
• Inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo sa
ala-ala ng GOMBURZA .
ANG EL FILIBUSTERISMO
Sipi mula sa liham ni Blumentritt
“Madaling makukumbinsi na lihim na nakagayuma ang
isang filibustero sa kampo ng mga prayle at taong
urong, yayamang ito, walang malay na tumutugon sa
isang inspirasyon, ay sang-ayon at nanunulsol ng
patakarang nakatuon lang sa isang patutunguhan:
pagpapakalat ng mga ideya ng filibusterismo sa
buong bansa at panghihikayat sa bawat Pilipino na
walang ibang kaligtasan maliban sa paghihiwalay sa
Inang Bayan.” (nakasulat sa pahina ng pamagat ng
aklat)
• Nakapuslit palabas ng Pilipinas si Ibarra at
yumaman bilang isang alahero samantalang
nasa labas ng bansa.
• Sa Cuba nakaibigan niya ang Gobernador-
Heneral at ibang mga opisyal, na nagpakilala
sa kanya sa mga matataas ng nanunungkulan
sa Pilipinas na binalikan niya ngayon bilang
Simoun para manulsol ng rebolusyon.
• Suot-suot ang makapal na dark-glasses- di
kapansin pansing balatkayo sa tropiks- di
nakilala si Simoun, na sadyang nagkalat ng
lagim na bunga ng matinding pagkamuhing
dulot ng personal na pagkaapi.
• Gumagalaw-galaw siya sa hanay ng mga
mayayaman at makapangyarihan, saanman
makakita ng kasamaan, sinusulsulan pa ito
para sumama pa lalo, samantalang lihim na
kumikilos sa hanay ng mga api at mahihirap,
tinutulak sila para mag-alsa.
• Buong lipunan ang saklaw ng nobela, batbat
ng panimdim, may kulimlim ng sikil na
pagkamuhi. May sa demonyo itong si Simoun.
Maraming sitwasyong katatawanan, subalit
saklob ng lambong ng kapanglawan; malagim
din itong pagpapatawa.
• Sa mambabasang Filipino ng 1891, kung
mapuwersa ang Noli, napakabigat ng Fili.
– Nobela itong nanghahatak ng rebolusyon, ngunit
walang ipinapangako mula rito.
– Bigo si Simoun, bigo lahat, dapat, paniwala ni
Rizal para sa anumang nakasalalay sa pagkamuhi.
Dalawang Layunin na Nakamit ng
Fili
• Panunulsol sa rebolusyon
• Mariing babala laban dito
– Urong sulong
– Walang alternatibo sa rebolusyon dahil bigo ang
lahat nang nasubok
– Pero hindi makita kung paano magtatagumpay ang
isang rebolusyon
• Isang moralidad, isang malalim na
pagkalarawan ng mentaliti at klima ng pag-
aalsa, kasama ang kaigtingan ng mga
pangangailangan nito at pagkukulang sa
pagsasatupad.
• Isang paghahayag ng mga katunayan
• Ngayong nasabi na, muli iniwan niya sa iba na
gumawa ng kanilang konklusyon, at sa
panahon para mangyari kung ano ang
mangyayari.
SI RIZAL SA HONGKONG
BAKIT LUMIPAT SI RIZAL SA
HONGKONG?
• pagkakaiba ng paniniwala niya kay del Pilar at
sa ilang mga Pilipino sa Europa.
• Upang mas higit siyang maging malapit sa
Pilipinas.
• Para kupkupin ang kanyang pamilya.
PAMAMAALAM SA EUROPA
• Nagpaalam ng maayos si Rizal kay del Pilar sa
paglalayon na mapanatili ang kaisahan ng mga
Pilipino sa Europa.
• Mula sa Merseilles sumakay ng barkong
Melbourne patungo ng Hongkong, kasama ng
kanyang bagahe ang 600 na kopya ng El
Filibusterismo.
• Dumating si Rizal sa Hongkong ng
Nobeyembre 20, 1891 at sinalubong ng mga
kaibigan at dito ay nanirahan sa 5 D' Aguilar
Street No. 2 Rednaxola Terrace. Sa nasabi ding
tirahan si Rizal ay nagbukas ng isang klinika.
PASKO SA HONGKONG
• Bago magpasko ng 1891 dumating sa
Hongkong ang kanyang ama at bayaw na si
Silvestre Ubaldo. Sumunod na rin ang
kanyang ina, Lucia, Josefa, at Trinidad.
• Nakasama na muli ni Rizal ang kanyang
pamilya noong KAPASKUHAN sa ibang
bansa.
PANGGAGAMOT SA HONGKONG
• Sa tulong ni Dr. Lorenzo Marquez , inilapit
niya kay Rizal ang kanyang mga pasyenteng
may sakit sa mata.
• Nakilala si Rizal sa Hongkong sa kanyang
kahusayan at ang mga pasyente niya ay mga
British, Tsino, Portuges, at Amerikano.
• Matagumpay niyang inoperahan ang kanyang
ina sa Hongkong.
SABAH, ANG BAGONG
CALAMBA?
• Binalak ni Rizal na magtayo ng isang kolonya
sa Borneo na bubuuin ng mga walang lupang
Pilipino mula sa ating bansa.
• Nagpunta siya sa Sandakan at kinausap ang
mga pinunong British at nagtagumpay siya na
mapagkalooban ang kanyang proyekto ng
50,000 hektaryang lupa, na malapit sa
daungan, at mahusay na pamahalaan upang
magamit sa loob ng 999 na taon ng walang
bayad.
PAGTUTOL
• Ipinaalam ni Rizal ang kanyang proyekto sa
mga Pilipino sa Europa na nagpakita ng
pagnanais na ito ay maisakatuparan.
• Sinulatan ni Rizal si Gobernador Heneral
Despujol ukol sa kanyang Proyektong Borneo
ngunit hindi ito sinagot. Sa ikalawang sulat ni
Rizal ay hindi pa rin sinagot ngunit ipinarating
sa kanya sa konsul ng Espanya sa Hongkong
ang PAGTUTOL dito.
MGA SINULAT SA HONGKONG
• Ang mga Karapatan ng Tao - isang pagsasalin
ni Rizal ng proklamasyon ng Rebolusyong
Pranses ng 1789.
• A la Nacion Espanola - isang artikulo na
umaapela sa Espanya na ituwid ang kamaliang
nagawa sa mga magsasaka ng Calamba.
• Sa Mga Kababayan - isang artikulo na
nagpapaliwanag sa sitwasyong agraryo sa
Calamba.
MGA SINULAT SA HONGKONG
• Una Revisita a la Victoria Gaol - artikulo ukol
sa kanyang pagbisita sa kulungan ng
Hongkong kumpara sa malupit na kulungan sa
Pilipinas.
• The Hongkong Telegraph- isang pahayagan
kung saan si Rizal ay nagpapadala ng mga
artikulo.
• ang SALIGANG BATAS NG LA LIGA
FILIPINA.
Ang La Liga Filipina
• Isang pambansang lipunang oorganisahin sa
mga rehiyon at distrito.
• Ang mga kasapi manunumpang
magdadamayan at magtatanggol sa isa’t isa sa
anumang hilahil, karahasan, at kawalang
katarungan, magpapasigla ng edukasyon,
agrikultura at komersyo, magaaral at
maglalapat ng mga reporma, at magiging
malihim hinggil sa kautusang inisyu ng mga
konseho nito.
“BABALIK KA RIN!”
• Para kausapin si Gob. Hen. Despujol ukol sa
Proyektong Borneo
• Para itatag ang La Liga Filipina sa Maynila
• Para patunayan kay Eduardo de Lete na ito ay mali
sa kanyang paniniwala na matapang lamang si
Rizal dahil sa siya ay malayo sa mga Espanyol.
• Tinutulan ng mga kamag-anak ni Rizal ang
kanyang nais na pagbabalik sa Maynila dahilan sa
ito ay mangangahulugan lamang ng kamatayan.
Ngunit bago umalis
ng Hongkong,
nagiwan siya ng
dalawang liham na
bubuksan lamang sa
kanyang
kamatayan…
• Unang liham ay para sa kanyang
magulang, pamilya, kaibigan
• Ikalawang liham para sa bayang
Filipino, ipinaliliwanag ang
kanyang mga motibo sa harap
ng kasaysayan
• Ipinatago kay Dr. Laurenco
Pereira Marquez at hiniling na
itago ito at ilathala sa angkop na
oras.
“Walang dudang napakamapanganib nitong
hakbanging aking ginawa, o gagawin, at hindi ko
na kailangang banggiting tunay na masusi ko
itong napagdili-dili. Natatanto kong tutol ang
lahat dito. Subalit natatanto ko na rin na halos
walang nakakaalam sa tunay kong nasa loob.
Hindi ako maaaring mabuhay sa pagkaalam na
maraming di-makatwirang inuusig dahil sa akin;
hindi ako mabubuhay na nakikitang tinutugis na
parang kriminal ang aking mga kapatid at
kanilang pamilya.”
“Buong pusong inialay ko ang aking buhay para
mawakasan ang pagdurusa ng aking pamilya.
Batid ko sa sandaling ito na sa ilang paraan,
nakasalalay sa akin ang kinabukasan ng aking
bansa…Kung iniisip kong sa akin lang
nasesentro ang politikang Pilipino…mag-
aatubili ako marahil sa hakbanging io; pero
mayroon pang mga ibang makahahalili sa
akin, a mas makakapagsulong pa…”
FINAL TERM QUIZ 1
(1-5 )
Magbigay ng limang artikulo ni Rizal sa La
Solidaridad na sinulat niya sa Brussels
6. Ano ang pinakamasamang balita na natanggap
ni Rizal mula sa Pilipinas nang siya ay nasa
Brussels?
7. Sino ang nagsilbing abogado ni Rizal sa
Madrid nang pumunta siya doon para tulungan
ang kanyang pamilya sa suliranin sa Calamba?
8. Espanyol na hinamon ng duelo ni Rizal at may
akda ng unang talambuhay tungkol kay Rizal,
ang Vidas y Escritos de Dr. Jose Rizal