You are on page 1of 10

JUNE 18, 2021 | FRIDAY

• “Ang Bayan ay may kanser” ang unang linya sa nobela ni Rizal na Noli Me Tangere
Kanser – ang pinakamalalang sakit noong panahon ni Rizal, kapag may sakit ka na ito
ay inaasahang katapusan na ng buhay mo. Ginawang simbolismo ito ni Rizal upang
ilawaran kung gaano kalala ang sitwasyon ng Pilipinas noong kanyang panahon

JUNE 21, 2021 | MONDAY


Noli Me Tangere – isinulat sa bansang Germany (Europe)
El FIlibusterismo – isinulat sa bansang Belgium (Europe)
• Nabasa ni Bonifacio ang nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo na
nag-inspire sa kanya upang itatag ang Katipunan
• Kaya nakasulat sa wikang Espanyol at hindi sa Tagalog ang mga nobela ni Rizal ay
dahil hindi nakalaan ang kanyang mga nobela para sa mga Indio, kundi para sa mga
Espanyol
La Solidaridad – diyaryo na ginawa at pinublish nila Rizal
• Forbidden book, may kamahalan, at nakasulat sa wikang Espanyol ang dalawang
nobela ni Rizal kaya hindi ito nabasa ng mga Indio, kaya lamang nalaman ito ng mga
Indio ay dahil sa mga kwento-kwento ng mga nakabasa
5 Uri ng mga tao (Filipino) sa Pilipinas noong panahon ni Rizal:
1. Peninsulares – mga Espanyol (pure-blooded) na ipinanganak sa Espanya na
kasalakuyang naninirahan sa Pilipinas
2. Insulares – mga Espanyol (pure-blooded) na ipinanganak dito sa Pilipinas at
kasalakuyang naninirahan sa Pilipinas
3. Sangley – mga purong Tsino o full-blooded Chinese
4. Tsino Mestizo o Chinese Mestizo – mga half-Indio (Filipino), half-Sangley
(Chinese)
5. Naturales o Indio – mga native na nakatira sa Pilipinas, purong Pilipino
Naturales – native, Indio – mangmang at walang alam kaya inaabuso
Uring Principalia – mga mayayamang Indio na binigyan ng posisyon ng mga Espanyol
upang maging Kabesa de Barangay at Gobernadorsilyo na may trabahong lamang na
mangolekta ng buwis
Nozaleda – arsobispo ng Maynila na pilit nagdidiin kay Rizal bilang utak ng Katipunan
JUNE 23, 2021 | WEDNESDAY
Cedula - mandatory community tax noong panahon ni Rizal
• Saan nga ba naganap ang pagpunit ng cedula:
a. Bayan (General) - Balintawak
b. Barangay (Specific) - Bahay Toro
c. Kalye (More specific) - Pugadlawin
• Agosto 1896 naganap ang pagpunit sa cedula
• Taong 1896 unang sumugod ang mga katipunero sa mga Espanyol at ang taon kung
kailan namatay si Rizal
Blanco - governor-general noong sumalakay ang mga katipunero
• Si Villalobos ang nagpangalan sa Pilipinas na Las Islas Filipinas in honor of King
Philip hindi si Magellan sapagkat archiphelago lamang ang kanyang natagpuan, siya
lamang ang naging successful na nakapunta sa Pilipinas after Magellan na expedition
• Si Pigafetta (scribe) ang nakaligtas at nakabalik sa Espanya kaya nagkainteres ang
Espanya sa Pilipinas
• Ang mga lupang nakamkam ay ibinenta or idinonate sa simbahan
• Ang Calamba, Laguna dati ay Hacienda de Calamba na pag-aari ng mga paring
Domicano
Inquilino - tawag kila Rizal dahil nangungupahan lamang sila sa mga prayle
Domingo Lamco - lolo ni Rizal na Chino-mestizo
• Ang buong pangalan ni Rizal ay Jose Protacio (Given name) RIzal Mercado
(Surname) y ('and' in Spain) Alonso - Realonda (middle name)
• Dalawang uri ng pare noong panahon ni Rizal:
a). Prayle o regular na pari – paring Europeo na may kinabibilangan
relihiyosong ordem (nakapag-aral), ito ay kinabibilangan ng mga paring:
1). Dominicano o Dominican
2). Franciscano o Franciscan
3). Agustino o Augustinian
4). Heswita o Jesuits
b). Pari o sekular na pari - Pilipino o chino-mestizo na pari, inappoint lang ng
mga prayle, ang GomBurZa ay nabibilang sa mga uri ng mga paring ito.

JUNE 28, 2021 | MONDAY


Pedro Pelaez – namuno sa pakikipaglaban tungo sa sekularisasyon
Sekularisasyon – pinaglalaban ng mga pari magkaroon sila ng pantay na Karapatan
tulad ng mga prayle
Burgos – pumalit kay Pelaez sa pamumuno nang mamatay ito sa lindol, kaibigan nito
sila Gomez at Zamora (sila ay Chino-mestizo at hindi Indio)
Cavite Mutiny o Pag-aalsa sa Cavite – nag-ugat dahil pinagbabayad na ng buwis ang
mga gwardya-sibil
Rafael Izquierdo – Gobernador Heneral na nakipagsabwatan sa mga prayle upang
maidiin ang GomBurZa
Masonry – asosasyon ng mga mayayamang Indio
Bagumbayan – lugar kung saan ginarote ang GomBurZa noong 1872.
Abecedario – alpabeto noong panahon ni Rizal, Spanish alphabet
Justiniano Aquino Cruz – guro ni Rizal sa Binan

JUNE 30, 2021 | WEDNESDAY


• 2 taon (2 ½ na taon sa ibang libro) nakulong si Donya Teodora dahil pinagbintangan
na lalasunin ang asawa ng kanyang kapatid na si Jose, dahil nga usap-usapang may
ibang kalaguyo ang asawa ni Jose, pinabantay nito ang asawa kay Donya Teodora na
siyang nagbibigay ng pagkain dito. Maaring nakipagsabwatan ang asawa ni Jose sa
gwardya na sinasabing kalaguyo nito at pinalabas na may lason ang pagkain na
sinadyang pinakain sa aso at namatay.
• Pagkakaiba ng Espanyol at Kastila:
Espanyol – lahat ng mamamayan sa Spain (inclusive sa lahat ng tao sa Spain)
Kastila – mga mamamayan sa rehiyon na matatagpuan sa Spain, karamihan ng
mga nanakop sa Pilipinas ay nasa Castil region kaya’t nakasanayan (exclusive
sa mga tao sa rehiyon ng Spain)
Don Francisco Mercado – ang pangalan ng Tatay ni Rizal, ang ginagamit ng pamilya
Rizal ay Mercado noon. Nang mamatay si Jose Rizal ay tsaka na lamang ginamit ng
pamilya ni Jose Rizal ang apelyidong Rizal
• Ang Ateneo Municipal ay pinamamahalaan ng mga Heswitang prayle na matatagpuan
sa Intramuros na nilipat na ngayo’y Ateneo De Manila na
Sobre Saliente – nagtapos si Rizal na ibig sabihin ay With Honors
Doctor Uliman – nanggaling sa salitang Aliman na ibig sabihin ay German, ito ay
tinawag kay Rizal dahil naging intern o OJT siya sa Germany ni Otto Becker
Luis Taviel de Andrade – siya ang defense council ni Rizal o abogado
Erehe – kaaway ng simbahan
Pilibustero – kaaway ng pamahalaan
• Philosophy o metaphysics ang unang kurso ni Rizal sa UST ang nagshift lamang siya
ng medesina
Kapitan Tiago – kinikilalang ama ni Maria Clara
Tenyente Guevarra – kaibigan ng ama ni Crisostomo na si Don Rafael
Asimilasyon – pinaglalaban ng kilusang propaganda ni Rizal na dapat maging katulad
(ipinaglalaban ang pantay na karapatan)
Separasyon – pinaglalaban ng Katipunan na itinatag ni Bonifacio na may layuning
palayain ang Pilpinas sa pamamahala ng mga Espanyol

JULY 7, 2021 | WEDNESDAY


Casa Tomasino (Tomasian House) – boarding house na kung saan tumira si Rizal
noong nag-aaral pa siya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ito ay matatagpuan sa
Intramuros na kung saa’y matatagpuan din ang UST.
Antonio Rivera – isa sa mga namamahala sa Casa Tomasino, siya ay malayong
kamag-anak ni Don Francisco Mercado, na ama ni Rizal.
Leonor Rivera – isa sa mga naging kasintahan ni Rizal, siya ay malayong pinsan at
kamag-anak ni Rizal.
• Maraming historyador ang nagsasabing naging inspirasyon ni Rizal si Leonor Rivera
sa karakter ni Maria Clara sa Noli Me Tangere at si Rizal ay si Crisostomo Ibarra.
• Hinimok ni Paciano si Jose Rizal na mag-aral si Europa upang doon ipagpatuloy ang
pakikipaglaban at maiparating sa pamahalaan ng Espanya ang kanilang layunin na
isulong ang pantay na karapatan ng mga Indio at Espanyol sa Pilipinas. Walang
kaalam-alam ang mga magulang ni Rizal at si Leonor ukol dito.
• Ang ginamit na apelyido sa pasaporte ni Jose Rizal ay Mercado at hindi Rizal dahil
baka pigilan siya ng mga prayle na umalis ng Pilipinas at magtungo sa Espanya sa
kadahilanang mainit ang apelyidong ito sa mata ng mga prayle dahil nga sa mga
organisasyon at aktibidad na sinasalihan ni Rizal. Ngunit nang makarating si Rizal sa
Espanya ay muling ginamit nito ang apelyidong Rizal.
Miguel Morayta – siya ay propesor ng Universidad Central de Madrid na pinatalsik sa
unibersidad dahil kinalaban nito ang simbahan at ang relihiyon, ngunit maraming mga
tao ang nakaalam nito at kumampi sa kanya, kaya nama’y nakarating ito sa
pamahalaan ng Espanya at napilitang ibalik ng mga prayle sa posisyon si Morayta. Siya
ay naging inspirasyon ng mga propagandista dahil siya ay patunay na kayang
magtagumpay ng isang ordinary indibidwal laban sa makapangyarihang simbahan.
Illustrados (nalinawagan) – mga mayayamang Indio at Tsinong Mestizo na nag-aral
sa Europa na naliwanagan sa malaking pagkakaiba ng pamamahala at kalayaan ng
bansang Espanya at Pillipinas. Hindi lahat ng mga Illustrado ay naging propagandista.
Kilusang Propaganda (Propaganda Movement) – kilusan na may layuning magsulat
at humingi ng pantay na karapatan ng mga Indio at Espanyol sa Pilipinas
La Solidaridad – diyaryo ng propaganda movement na ginamit upang marinig ang
hinaing ng mga propagandista sa bansang Espanya ukol sa nangyayari sa Pilipinas
Alak, Babae at Sugal (ABS) – mga bisyo ng mga Illustrado sa Espanya, kaya nama’y
lagi silang sinasabihan ni Rizal ukol dito dahil hindi nila inaasikaso ang pagsasaayos ng
Pilipinas.
• Ang dalawang painting na; Spoliarium na nilikha ni Juan Luna at Christian Virgins
Exposed to the Populace na nilikha ni Felix Hidalgo ay nanalo ng 1st place o
pinakamataas na gantimpala at 2nd place o pangalawang pinakamataas na gantimpala
sa National Exposition of the Arts in Madrid
Hotel Ingles sa Madrid – lugar kung saang ipinagdiwang ng mga Illustrados ang
pagkapanalo nila Luna at Hidalgo. Malaking bagay ito dahil unang beses na
narecognize ang mga Indio sa bansang Espanya mismo. Dito rin ay nagtalumpati ng
pagbati si Rizal at kinalaunan ay ipinublish sa La Solidaridad.
Brindis – talumpati ng pagbati (congratulatory speech) ni Rizal para kay Luna at
Hidalgo na ipinublish sa La Solidaridad.
Graciano Lopez Jaena – unang punong-patnugot (editor-in-chief) ng La Solidaridad. Si
Rizal ay ang unang choice ng mga propagandista upang maging unang punong-
patnugot ngunit tinanggihan ito ni Rizal dahil abala ito sa paggawa ng history book ng
Pilipinas.
Sucesos de las Islas Filipinas – history book na nirekomenda ni Ferdinand Blumentritt
kay Rizal na isinulat ni Antonio Morga. Walang mahanap na kopya ng libro si Rizal sa
Espanya kaya nama’y sa silid-aklatan sa United Kingdom natagpuan ni Rizal ang kopya
ng librong at nagpabalik-balik ito doon.
Annotations of Rizal to Morga’s Sucesos de las Islas Filipinas (Anotasyon) –
history book na isinulat ni Rizal na nakabatay sa history book ni Morga. Minamarkahan
ni Rizal ang mga talata sa libro tungkol sa Pilipinas na hindi siya sang-ayon at isinusulat
ang kanyang opinion ukol dito, kaya nama’y dumoble ang kapal ng libro.
Marcelo H. Del Pilar – pumalit kay Jaena bilang punong-patnugot ng La Solidaridad
nang nilipat nila ito sa Madrid, Spain dahil sa financing issues. Ayaw sumama ni Jaena
sa Madrid kaya nama’y pinalitan ito ni Del Pilar bilang punong-patnugot sa La
Solidaridad. Sobrang ang pagmamahal ni Del Pilar sa La Solidaridad dahil malaki ang
paghihirap nito rito. Umabot sa puntong nagtalo si Del Pilar at Rizal dahil sa paghalal ng
mga opisyal ng organisasyon, kaya nama’y bumalik si Rizal sa Pilipinas.
La Liga Filipina – organisasyon sa Pilipinas na itinatag ni Rizal na may layunin na
isulong ang pantay na karapatan ng mga Indio at Espanyol. Si Bonifacio ay isa sa mga
member ng organisasyon na ito.
• Ipinatapon (exile) si Rizal sa maliit na isla sa Dapitan noong 1892, dito ay tinuruan ni
Rizal ang mga bata mag-Ingles at dito rin nakilala ni Rizal si Josephine Bracken.

JULY 8, 2021 | THURSDAY


• Pinepressure ni Nozaleda (kasalukuyang arsobispo ng Maynila) si Blanco
(kasalukuyang gobernador-heneral) na idiin si Rizal bilang utak ng Katipunan, ngunit
hindi ito naniniwala at kumbinsido na si Rizal ang totoong utak nito.
• Pinayuhan ng mga kaibigan ni Rizal na mag-volunteer siya sa Cuba upang
mapatunayan nito na wala itong planong magrebolusyon laban sa mga Espanyol at
hindi siya ang utak ng Katipunan, kaya nama’y nagbigay ito ng sulat kay Ramon Blanco
na naga-apply ito upang maging volunteer (doktor) sa Cuba.
• Pinayagan si Rizal ni Blanco at nang Agosto ay nakarating ito sa Espanya (dadaan
muna sa Espanya bago makarating sa Cuba), ngunit nang nalaman ng mga Espanyol
sa Pilipinas na may planong sumugod at magrebolusyon ang Katipunan (dahil sa isang
Katipunero na nagbabala sa kanyang kapatid sa kumbento na si Teodor Patiño) ay
kaagad itong pinabalik sa Pilipinas.
• Matibay ang ebidensya ng mga Espanyol na si Rizal ang utak ng Katipunan dahil
marami itong larawan at palaging sinisigaw ang kanyang pangalan sa pagpupulong ng
Katipunan kaya nama’y dinidiin ito ng mga prayle.
• Nang pinabalik si Rizal sa Pilipinas ay agad itong dinala at kinulong sa Fort Santiago
(military base ng mga Espanyol sa Intramuros). Pinayuhan nito ni Blanco na magsulat
ng manifesto na nagtatanggi na siya ang utak ng Katipunan.
Camilo Polavieja – pumalit nang tinanggal si Blanco sa pagka gobernador-heneral
dahil sa hindi nito pagsunod sa gusto ni Nozaleda, isa ito sa naging dahilan kung bakit
napawalang-bisa ang manifesto na isinulat ni Rizal.
• Hinarang ng nanay ni Leonor Rivera ang mga sulat ni Rizal upang hindi ma-involve
ang kanilang pamilya sa pamilya ni Rizal, dahil nga mainit ang kanilang pamilya sa mga
prayle. Dahil napagisip-isip ni Leonor na mukhang wala nang patutunguhan ang
relasyon nila ni Rizal, kaya nama’y napagdesisyunan nito na magpakasal na lamang sa
ipinipilit ng kanyang nanay, Nang pumayag si Leonor na magpakasal ay tsaka lamang
ibinigay ng kanyang nanay ang lahat ng mga sulat ni Rizal.
Charles Henry Kipping – ipinagkasundo at ipinilit ng nanay ni Leonor na ipakasal sa
kanyang anak na si Leonor Rivera, siya ay isang engineer na isa sa gumawa ng train
station sa England. Sila ni Leonor ay nagkaroon ng dalawang anak, ngunit sa
pangalawang panganganak ni Leonor ay nagsanhi ito sa kanyang kamatayan, namatay
ito noong 1893 kung saa’y nasa Dapitan ni Rizal.
Pia Alba – nanay ni Maria Clara na hindi niya naabutan dahil namatay ito sa
panganganak. May liham ito para kay Maria Clara na ibibigay lamang ni Padre Salvi
kapalit ng mga liham ni Ibarra sa kanya na kumakalaban sa pamamahala ng simbahan.
Ang liham ni Pia Alba ay naglalaman ng katotohanan na kung saa’y nalaman ni Maria
Clara na si Padre Damaso ang kayang tunay na ama at siya ay bunga ng
panggagahasa nito sa kanyang nanay.
Quiroga – sangley na businessman na may pangarap na maging ambassador. Siya ay
ginagamit ni Simoun upang masupply-an ito ng armas kapalit ng pagpapaganda at
pageendorso nito sa kanyang pangalan sa pamahalaan.
Padre Irene – executor ng will ni Kapitan Tiago, siya ang pinapirma ng dokumento
upang mapunta ang mga kayamanan ni Kaptian Tiago at ng mga Ibarra sa simbahan.
Juli – kasintahan ni Basilio na naghanap ng paraan upang mapalaya ito sa kulungan
matapos madamay sa pagpapakulong ng mga dumalo sa isang kasiyahan. Humingi ito
ng tulong kay Padre Camorra upang mapalaya si Basilio ngunit pinagtangkaan nitong
gahasain si Juli kaya nama’y tumalon si Juli sa bintana upang makatakas, ngunit sa
pagtalon nito ay naging sanhi nito ng kanyang kamatayan.
Juanito Pelaez – pinili ni Paulita Gomez na pakasalan dahil mayaman ito at naisip niya
na walang siyang future kay Isagani na long-time boyfriend nito. Sa kasal nila Paulita
naganap ang plano ni Simoun dahil lahat ng mga VIP ay imbitado rito.
Makamisa – nag-iisang chapter at considered na pangatlong nobela ni Rizal na
pinamagatan batay sa nag-iisang chapter nito, ang pagkonsidera dito bilang pangatlong
nobela ni Rizal ay binatay sa mga sulat ni Rizal kay Blumetritt, ang nasabing nobela ay
hindi ito natapos, ito ay isinulat ni Rizal sa Tagalog dahil nakalaan ito para sa mga
Indio. Hindi ito matapos-tapos ni Rizal dahil hindi niya maiwasang gumamit ng
Espanyol, ayaw niya paghaluin ang Espanyol at Tagalog dahil ito ang salita at ang
ginagamit ng mga prayle sa pagsesermon sa simbahan.
• Hindi ibinigay ni Rizal ang kanyang basbas sa pagsugod ng Katipunan nang hingin ito
ng Katipunan sa kanya sa pamamagitan ni Pio Valenzuela.

JULY 12, 2021 | MONDAY

Josephine Bracken – naging kasintahan ni Rizal na nakilala niya sa Dapitan, dahil


may sakit sa mata ang kanyang tatay, inirekomenda sa kanila na magpatingin kay
Rizal, kaya nama’y hinanap at sinundan niya sa Rizal galing Hong Kong hanggang sa
Dapitan upang mapatingin nito ang kanyang tatay. Hindi tanggap ng magulang ni Rizal
si Josephine dahil sila ay nagsama (leave-in) ni Rizal na noong kanyang kapanahunan
ay hindi tanggap dahil konserbatibo ang mga tao noon. Nagpadala ng sulat si Rizal sa
kanyang nanay na humihiling na tanggapin si Josephine dahil siya ay inaalagaan nito at
lagi itong nasa tabi niya kapag siya’y nangangailangan.
• Noong panahon ni Rizal ay tumutulong siya sa lahat ng may sakit basta’t kaya niya
gamutin, binibigyan na lamang siya ng kanyang mga ginagamot ng gulay, isda, atpb.
bilang kapalit. Dito nagsimula ang impresyon ng mga Pilipino na siya ay doktor sa
pangkalahatan at hindi lamang sa mata.
Francisco Rizal – pangalan ng anak nila Rizal at Josephine Bracken na kapangalan ng
tatay ni Rizal, ngunit ito ay namatay agad noong ipinanganak.
• Sa kabila ng mga ebidensiya na nagpapatunay na inosente si Rizal, hinatulan pa rin
siya ng death penalty via firing squad na gagawin sa Bagumbayan kung saan pinatay
din sila Gomez, Burgos at Zamora.
• Mga kahilingan ni Rizal sa kanyang nanay na gagawin pagkatapos niyang
mamatay:
a). Kuhanin ang katawan at ilibing, ibaong sa lupa ang kanyang katawan
b). Ilagay ang krus, araw ng kanyang kapananganakan at kamatayan sa puntod
c). Kung gusto lagyan ng bakod ang puntod, lagyan ng bakod
d). Huwag ipagdiriwang ang anibersaryo ng kanyang kamatayan
Ngunit lahat ng kanyang kahilingan ay hindi nangyari dahil pagkatapos mamatay ni
Rizal ay hindi ibinigay sa kanyang pamilya ang kanyang katawan at noong naging
Pangulo si Aguinaldo ay agad nitong ipinasa-batas ang pagcelebrate sa anibersaryo ng
kamatayan ni Rizal. Ipinatapon ng Spanish government ang kanyang katawan sa Paco
Cemetery, nang malaman ito ng kanyang pamilya ay nagtungo si Narcisa, kapatid ni
Rizal, sa sementeryo upang suhulan ang ispulturero.
RPJ (binaliktad na JPR o Jose Protacio Rizal) - ilalagay na marka ng sinuhulang
ispulturero ni Narcisa, kapatid ni Rizal, sa bagong ipapatapon ng Spanish government
na katawan sa Paco Cemetry.
• Ang ibinigay na lampara (sabi ng iba ay konsinilya) ni Rizal kay Trinidad, kanyang
kapatid, ay galing kay Trinidad Pardo de Tavera na kanyang kaibigan. Noong ibinilin ito
ni Rizal kay Trinidad, sinabihan nito na “There is something inside” na sinabi sa wikang
Ingles upang hindi maintindihan ng mga gwardyang nagbabantay. Ito ay naglalaman ng
sulat (Mi ultimo adios) niya para sa kanyang pamilya, sa bayan at kay Josephine
Bracken.
• Ala-sais medya nang umaga o 6:30AM nagsimula ang pagmamartsa nila Rizal
kasama si Taviel patungong Luneta (Bagumbayan) galing sa Intramuros, Fort Santiago.
• Ang aso sa execution of Rizal ay nagsisilbing mascot na sumisimbolo sa pagsasaya o
feast ng mga Espanyol dahil mawawala na ang threat sa kanila. Dahil nga si Rizal nga
ang idinidiin na utak ng Katipunan, at ang Katipunan ay kilala sa pagpatay ng mga
Espanyol, kaya ganoon na lamang ang kanilang pagsasaya. Ang aso rin ay naging
palatandaan upang matukoy ang mga totoo at tunay na mga larawan sa execution of
Rizal dahil noon ay maraming kumakalat na mga pekeng litrato nito.
Vicente Abad – isang ding Pilpino na napangasawa ni Josephine Bracken noong
napilitan siyang bumbalik sa Hong Kong dahil sa pagsali nito sa Katipunan nang
mamatay si Rizal. Taong 1902 siya namatay sa sakit na tuberculosis at nagkaroon sila
ng anak na babae.

JULY 14, 2021 | WEDNESDAY


• May dalawang layer ang mga sundalo sa execution ni Rizal, may naka-brown at may
naka-blue. Ang mga sundalong naka-brown ay mga Indio na siyang babaril kay Rizal,
isa lamang sa kanila ang may hawak ng baril na may bala, ito ay ginagawa upang hindi
malaman ng mga ito kung sino ang makakapatay para maiwasan na rin ang
pangongonsensya. Samantalang, ang mga sundalong naka-blue naman ay mga
Espanyol na nakapwesto sa likod ng mga sundalong Indio na siyang babaril kay Rizal,
na kung sakali’y hindi kalabitin ng mga sundalong Indio ang gatilyo (trigger) at hindi
ituloy ang pagbaril, sila ang babarilin ng mga ito.
Consummatum Est (It is done) – huling salita na sinabi ni Rizal bago siya barilin, ito
rin ang huling sinabi ni Jesus Christ nang Siya’y ipako sa krus. Ito ay nagpapatunay na
hindi anti-Christ si Rizal, hindi lamang siya sang-ayon sa mga maling pamamahala na
ginnagawa ng simbahan.
Mercy shot – ang huli at muling pagbaril kay Rizal upang masiguro na patay na talaga
ito.
• Eksaktong 7:03AM namatay at nalagutan ng hiniga si Rizal, 33 minuto makaraan
nang magsimula ang pagmamartsa nila Rizal simula Intramuros.
San Juan de Dios Hospital – ospital na kung saa’y agarang dinala si Rizal matapos
ang pagbaril dito upang makumpirma at masigurado na patay na talaga ito.
Correction on the last lecture:
Ipinatapon ng Spanish government ang kanyang katawan sa Paco Cemetery,
nang malaman ito ng kanyang pamilya ay nagtungo si Narcisa, kapatid ni Rizal,
sa sementeryo upang suhulan ang ispulturero.
RPJ (binaliktad na JPR o Jose Protacio Rizal) - ilalagay na marka ng
sinuhulang ispulturero ni Narcisa, kapatid ni Rizal, sa bagong ipapatapon ng
Spanish government na katawan sa Paco Cemetry.
Concepcion – pinakamaagang namatay sa lahat ng mga kapatid ni Rizal.
Trinidad – pinakamatagal na nabuhay at pinakahuling namatay sa lahat ng mga
kapatid ni Rizal.
• Ang pagkamatay ni Rizal ay nagsilbing gatong sa nag-aapoy na galit ng mga Pilipino
laban sa Espanya. Dito ay mas dumami ang miyembro ng Katipunan na nagkaroon na
nga chapter at lider bawat lugar (ang mga lugar na nasa sinag ng araw sa bandila ng
Pilipinas ay ang may pinakaraming mga miyembro na siya ring pangunahing nag-aklas
laban sa mga Espanyol). Dito rin ay sumiklab ang pag-aalsa ng mga Katipunero laban
sa mga Espanyol na nangyayari sa iba’t-ibang lugar sa pamumuno ng mga kanya-
kanya nitong mga lider.
• Hindi totoo ang sinasabi na bolo ang paboritong at ang pangunahing armas na
ginagamit ni Bonifacio sa pakikipaglaban, sa halip ito ay rebolber at pangalawang
sandata lamang niya ang bolo.
Manila Chapter ng Katipunan – pinakamaraming talo sa lahat ng mga chapter ng
Katipunan na pinamumunuan ni Bonifacio. Dahil Maynila ang kapital ng Pilipinas kaya
sobra ang pag-aalaga at pagbabantay ng mga Espanyol dito na siya ring dahilan kung
bakit karamihan ng mga pag-aaklas ng Manila chapter ng Katipunan ay hindi
nagtatagumpay.
Cavite Chapter ng Katipunan – pinakamaraming panalo sa lahat ng mga chapter ng
Katipunan sa pamumuno ni Aguinaldo. Dahil nga palagi itong nananalo, nahati ang mga
miyembro nito sa dalawa (magdiwang at magdalo) na siya ring nagtulak upang si
palitan si Bonifacio bilang supremo.
Tejeros Convention – kumbensyon sa Cavite na naglalayong baguhin ang istruktura
ng Katipunan at palitan si Bonifacio upang italaga si Aguinaldo bilang supremo at
pangunahing lider ng Katipunan. Pumayag si Bonifacio rito dahil kagustuhan ng
nakararami, ngunit hindi nito nagustuhan ang paglagay sa kanya sa pinakamababang
posisyon sa Katipunan, kaya nama’y ipinagpawalang-bisa (null and void) nito ang
napag-usapan sa kumbensyon, na kalauna’y nag-ugat sa pagpapadakip sa kanya.

You might also like