Dustin A. Mascariña Agosto 1890- Dumating si Rizal sa Madrid
Luna at Wanceslao E. Retana- Hinamon ng
duelo ni Rizal
Di pagkakamit ng hustisya para sa pamilya
Asociacion Hispano-Filipina at Leberal sa
Espanaya ( La Justica, La Republica, El Resumen, atbp.)
Señor Fabie- Ministro ng Kolonya
Valeriano Weyler- Gobernador heneral
Dominiko
‘Para magbingi-bingihan, buksan ang
portamoneda at maghalukipkip –iyan ang patakarang kolonyal ng Espanya.”
Marami pang masasamang balita ang nakarating
kay Rizal sa Madrid habang ipinaglalaban niya ang hustisya
Silvestre Ubaldo- nakatanggap siya ng kopya
ng kasulatang pagpapatalsik sa pinag-utos ng Dominiko para kay Francisco Rizal at iba pang kasama. Sa kanyang kawalan ng pag-asa, humingi ng tulong si Rizal sa mga liberal na Espanyol na dating miyembro ng Ministeryo, kasama na sila Becerra at Maura.
Ng malaman ni Blumentritt, na nasa
Leitmeritz ang suliranin ng kaibigan, pinayuhan niya ito ng makipagkita sa Reyna Rehente Maria Cristina.
Parangal ni Rizal kay Panganiban
Agosto 19, 1890- Pagkamatay ng kaibigan ni
Rizal na si Jose Ma. Panganiban. Si Panganiban mahusay na kasama sa paggawa at hirap mabuting kaibigan at minamahal na kabayan, ay sumakabilang- buhay sa batang na 27.
Agosto 19, (1890) ay araw ng pagluluksa ng
maraming Pilipino sa Europa.
Feliciano Gonzales Timbang- kaibigan at
kababayang namatay din.
Naudlot na Duelo kay Antonio Luna.
Nellie Bontead- kabiguan na pag-ibig ni Antonio Luna.
Hinamon ni Retana sa Duelo
Wenceslao E. Retana- karibal niya sa panulat.
Si Retana, isang matalinong iskolar na
Espanyol, ay isang ahente sa pahayagan ng mga prayle sa Espanya. Isang araw, sumulat siya ng artikulo sa La Epoca, pahayagang laban sa mga Pilipino. Isinulat niyang hindi nakababayad ng upa ang pamilya at mga kaibigan ni Rizal kaya sila pinatalsik sa mga lupa ng mga Dominiko sa Calamba.
Nainsulto rito si Rizal kaya kaagad siyang kumilos.
Nagpadala siya ng mensahe kay Retana na hinahamon niya ito sa isang duelo. Tanging dugo ni Retana o kanyang pagpapaumanhin ang maghuhugas sa dinungisang ngalan ng pamilyang Rizal at mga kaibigan nito.
Ang insidente ay nagpapatahimik sa panulat ni
Ritana laban kay Rizal. Pagtataksil ni Leonor Rivera. Noong taglagas ng 1890, malungkot na malungkot si Rizal sa kabiguan niya sa Madrid. Isang gabi, nanood silang magkakaibigan ng isang dula sa Teatro Apolo, at nawala roon ang kanyang gintong relos na may laket na kinalalagyan ng larawan ni Leonor Rivera, kanyang minamahal na kasintahan.
Pagsapit ng Disyembre 1890, habang ang malamig
na hangin ay umiihip sa lungsod, natanggap ni Rizal ang liham ni Leonor, na nagsasabing ikakasal na siya sa isang Ingles (na siyang pinili ng kanyang ina) kaya humihingi siya ng tawad kay Rizal. Malaking dagok kay Rizal ang liham na ito. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata dahil sa pagdurugo 11 ng puso Sinagot ng huli ang liham ni Rizal noong Pebrero 15, 1891. Nakikiramay, sinabi ni Blumentritt: "Ang huli mong liham ay ikinalungkot naming lahat, pagkatapos ng mga kasawian mo'y ito namang iyong pinakamamahal ay iniwan ka.
Pagkaraan ng tatlong buwan, sumulat muli si
Blumentritt at sinabi: "Tunay na nakikiramay ako sa iyo sa pagkawala ng babaing nais mong pakasalan, ngunit kung kaya niyang pawalan ang isang Rizal, hindi siya karapat-dapat sa iyong marangal na diwa. Para siyang isang bata na nagtapon ng diyamante para makuha ang isang bato... Sa madaling salita, hindi siya ang babae para kay Rizal."13 Hidwaan nina Rizal at Del Pilar.
Noong pagtatapos ng 1890, nagkaroon ng hidwaan
para sa pamumuno sina Rizal at M. H. del Pilar.
Bilang pinuno, sinikap ni Rizal na mapuspos sa mga
kababayan ang kanyang sariling idealismo dahil naniniwala siyang para magkaroon ng prestihiyo ang Kilusang Propaganda at para makuha ang paggalang ng mga Espanyol, kailangang maging mataas ang kanilang panuntunan sa moralidad, dignidad, at diwa ng pagdurusa Sa kasamaang palad, hindi sang-ayon ang ilang kababayan sa kanyang idealismo dahil ang mahalaga sa kanila'y alak, babae, at sugal. Ang patakarang editoryal ng La Solidaridad sa ilalim ng pangangasiwa ni Del Pilar ay lalong nagpalawak ng hidwaan nina Rizal at Del Pilar. Para maiwasan ang pagkakasira nina Rizal at M.H. del Pilar, ang mga Pilipino sa Madrid, na mga siyamnapu ang bilang, ay nagtipon noong Enero 1, 1891, Araw ng Bagong Taon, para mapagkasundo sila nang sa gayo'y mapaigting ang kanilang kampanya para sa reporma. Tinutulan ni Del Pilar ang proposisyon na ang pangangasiwa'y mapunta sa Responsable dahil ang pahayagan ay isang pribadong gawain, gayunman, pumapayag siyang maglathala ng mga artikulong nagpapahayag ng mga aspirasyon at kahilingan ng mga Pilipino. Binitawan ni Rizal ang Pamumuno. Ang eleksiyon ay itinakda noong unang linggo ng Pebrero 1891. Ang mga Pilipino ay nahati sa dalawang magkasalungat na pangkat-ang mga Rizalista at ang mga Pilarista.
Noong ikatlong araw, buong pusong nakiusap si
Mariano Ponce sa mga kababayan na ihalal si Rizal.
Kaya minabuti niyang tanggihan ang pamumuno
kaysa maging dahilan ng pagkakahiwa-hiwalay at kapaitan sa mga kababayan. Adios, Madrid. Sumulat si Rizal ng maikling liham ng pasasalamat sa mga kababayang bumoto sa kanya bilang Responsable. Habang papaalis ang tren, pinagmasdan niya mula sa kanyang bintana ang lungsod ng Madrid, kung saan naging masaya siya noong una niyang pagbisita (1882-1885) ngunit naging malung- kot sa ikalawang pagpunta (1890-1891). Ito ang huling pagkaka- taong makikita niya ang Madrid.
Ang Madrid ay isa sa pinakamasayang lungsod sa buong
mundo, lungsod na nagtataglay ng diwa ng Europa at Silangan, na bumagay sa kaayusan, kaginhawaan, ng sibilisadong Europa nang walang pagkamuhi, walang pagtanggi, sa makikinang na kulay, maiinit na pasyon, sinaunang kaugalian ng mga tribung Aprikano, pagiging maginoo ng mga Arabe na ang mga bakas ay nakikita pa rin sa lahat ng lugar dito, sa kaanyuhan, damdamin, at di- matuwid na palagay ng mga tao, at kahit na sa kanilang mga batas MARAMING SALAMAT PO!