You are on page 1of 7

KABANATA 23:

HULING PANGINGIBANG – BAYAN (1896)

Naging maganda ang paglalakbay ni Rizal mula Dapitan pa-Maynila, na may pagtigil sa
Dumaguete, Cebu, Iloilo, Capiz at Romblon. Hindi niya naabutan ang barkong Isla de Luzon, na
pumalaot papuntang Espanya. Habang naghihintay sa susunod na barko pa-Espanya, naging “paunahin”
siya sa barkong Espanyol na Castilla. Samantala noong Agosto 26, 1896, naganap ang Sigaw sa
Balintawak na naghudyat ng panglunsad ng Rebolusyong pinamunuan ni Andres Bonifacio at ng
Katipunan. Nangamba si Rizal sa lumalalang pag-aalsa,umalis patungong Espanya sakay ng Isla de
Panay noong Setyembre 3, 1896. Ito ang huling niyang pangingibang-bayan.

Mula Dapitan Papuntang Maynila. Umalis ng Dapitan ng Hulyo 31, 1896, ang España
sakay si Rizal at mga kasama niya, pumalaot pa-hilaga nang madaling -araw kinabukasan.
Agosto 1 dumaong ito sa Dumaguete, kabisera ng Negros, Oriental. “Ang Dumaguete” isinulat ni
Rizal sa kanyang tala arawan ay nakalatag sa dalamapasigan. Malalaki ang bahay dito, ang ilan
ay my bubong na yero. Pinakamaganda ang bahay ng isang babae – na ang ngalan ay nalimutan
kona – na inookupa ng pamahalaan at isa pang katatayo lamang at may mga haliging ipil. Si
Herrero Regidor, na naging huwes ng lalawigan . Binisita rin niya ang iba pang kaibigan
kabilang rito ang mga pamilyang Penquet at Rufina kinahapunan, inoperahan niya ang isang
kapitang Espanyol ng Guardias Civiles.

Umalis ang barkong Espanya sa Dumaguete nang ala una ng hapon at nakarating sa Cebu
ng sumunod na umaga. Nabighani si Rizal sa pagpasok pa lamang ng Cebu na itunuring niyang
“maganda” sa bahay ng abogadong si Mateos, nakilala niya ang matandang mag asawang nakilala niya
sa Madrid. “Sa Cebu” isinulat niya sa kanyang talaarawan, “dalawang operasyon ng strabotomiya ang
ginawa ko,isang operasyon sa tainga at sa tumor”.

Agosto 3, nilisan ni Rizal ang Cebu papuntnag Iloilo. “Mainam ang aming biyahe,”
isinulat niya, “at sa gawing kanan, natanaw namin ang Mactan, islang nakilala sa kinasapitan ni Magellan.
Ang maghapon ay naging maganda … Maraming isla ang aming nakita … Nang sumunod na araw, noong
umaga narating namin ang Iloilo.

Lumapag si Rizal sa Iloilo, namili sa lungsod, at dumalaw sa Molo. Sa simbahan ng


Molo, sinabi niya: “Ang simbahan ay maganda kahit sa labas pa lamang ang loob nito’y di rin naman
kapangitan, lalo pa’t ito’y pinintahan lamang ng isang binatilyo. Ang mga larawan ay karaniwang kopya
lamang ng mga eksenang iginuhit ni Gustave Dore.

Hindi Naabutan ni Rizal ang Barkong Pa-Espanya. Ang España dumaong sa Lawa ng
Maynila noong Agosto 6, 1896. Hind naabutan ni Rizal ang barkong Isla de Luzon na papuntang
Espanya.

This study source was downloaded by 100000878492400 from CourseHero.com on 01-19-2024 17:50:07 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/95471139/Kabanata-23-RIZALdocx/
Sa sulat niya kay Bluementritt, binanggit ni Rizal ang kabanatang ito, “Sa kasamaang
palad, hindi ko naabutan ang barkong pa-Espanya, at nangambang ang pagtigil ko sa Maynila sa
loob ng isang buwan ay magdulot lamang sa akin ng kaguluhang nasabi ko na sa gobernador-
heneral, habang nandito sa barko, ang aking hangaring mapag-isa, liban sa makapiling ang aking
pamilya.”

Agosto 6, inilipat si Rizal sa barkong Espanyol na Castilla, sunod sa utos ni Gobernador


Heneral Ramon Blanco. Binigyan siya ng magandang akomodasyon ng kapitan, si Enrique
Santalo, na nagsabi sa kanya na hindi siya isang president, kundi isang panauhing tumitigil
lamang sa barko.

Ang Pagsiklab ng Rebolusyong Pilipino. Habang naghihintay si Rizal sa Barkong


Castilla na isa pang barkong magdadala sa kanya sa Espanya na ganap ang isang pangyayaring
magbabadya ng pagbagsak ng kapangyarihang Espanyol sa Asya.

Agosto 19, 1896, plano ng Katipunan na pabagsakin ang pananakop ng Espanya sa


pamamagitan ng rebolusyon ay natuklasan ni Padre Mariano Gil, kurang Agustino ng Tondo.

Ang kaguluhang sanhi ng pagkakatuklas sa plano ng Katipunan ay napalala pa ng “Sigaw


ng Balintawak” na pinamumunuan ni Bonifacio at kanyang Katipunero noong Agosto 26, 1896.

Agosto 30, 1896, nilusob ng mga rebolusyonaryo, sa pamumuno ni Bonifacio at Jacinto,


ang San Juan na malapit sa lungsod ng Maynila, natalo sila sa sagupaan. Pagkaraan ng labanan sa San
Juan idineklara ni Gobernador Heneral Blanco na nasa estado ng giyera ang walong lalawigan nag-
alsa sa Espanya — ang Maynila, Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna, Pampanga, Nuevo Ecija at
Tarlac.

Mula sa mga pahayagang nababasa niya sa Castilla, napagalaman ni Rizal ang pagsiklab
ng rebolusyon at ang paglaganap ng mga labanan sa palibot ng Maynila. Nangamba siya dahil: (1)
naniniwala siyang hindi pa handa ang bayan sa isang madugong rebolusyon at magdudulot lamang ito ng
labis na pagdurusa, pagbubuwis ng buhay at pagkasira ng mga pag-aari, at (2) magiging sanhi lamang ito
ng paghihinganti ng mga Espanyol sa lahat ng mga makabayang Pilipino.

Paglisan Papuntang Espanya. Agosto 30, 1896, ang araw kung kailan idineklarang
nasa estado ng giyera ang walong lalawigan, nakatanggap si Rizal mula kay Gobernador Heneral
Blanco ng sulat ng pagpapakilala para sa Ministro ng Digmaan at Ministro ng mga Kolonya,
na may kalakip na liham na nag-aalis ng pagkadawit niya sa nagaganap na rebolusyon.

This study source was downloaded by 100000878492400 from CourseHero.com on 01-19-2024 17:50:07 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/95471139/Kabanata-23-RIZALdocx/
Magkatulad naman ang dalawang liham ng pagpapakilala. Ang isa ay para kay Heneral Marcelo
de Azcarraga, Ministro ng Digmaan at ito ang nilalaman ng liham:

Ang Kanyang Kamahalan Marcelo de Azcarraga


Aking pinagpipitagang Heneral at iginagalang na Kaibigan,
Inirerekomenda ko sa iyo nang may tapat na interest si Dr. Jose Rizal, na papaalis
sa Pilipinas papuntang Tangway para maglingkod sa Pamahalaan, at nag-alok ng kanyang
serbisyo bilang manggagamot ng Sandatahang nasa Cuba.
Ang kanyang pamumuhay nitong nakaraang apat na taon, bilang desterado sa
Dapitan, ay tulad ng sa isang huwarang mamamayan at siya sa aking palagay ay karapat
dapat sa pagpapatawad at kabaitan dahil siya ay hindi nasangkot sa anumang krimen na
nagaganap nitong mga nakaraang araw.
Sa bagay na ito ay ikinalulugod ko,

Ang iyong mahal na kaibigan


at panyero na humahalik sa iyong kamay,
Ramon Blanco

Noong Setyembre 2, 1896, isang araw bago umalis pa Espanya, sinulatan ni Rizal, na sakay ng
Castilla, ang kanyang ina:

Pinakamamahal kong Ina,

Gaya ng aking naipangako, susulatan ko kayo bago ako umalis nang malaman
ninyo ang kalagayan ng aking kalusugan.
Nasa mabuting kalagayan ako, salamat sa Diyos; nag aalala lamang ako sa
mangyayari o maaaring mangyari sa inyo sa mga araw na ito ng pag-aaklas at kaguluhan.
Ipasasa Diyos ko na lamang na sana’y di magkasakit ang aking matanda ng ama.
Susulatan ko kayo mula sa mga pinagdadaungan ng barko, inaasahan kong
makararating kami sa Madrid o kaya’y sa Barcelona bago magtapos ang buwang ito.
Huwag ninyong alalahanin ang anumang bagay; nasa mabuting kamay kami ng
Maykapal. Hindi lahat ng nagpupunta sa Cuba ay namamatay, at sa bandang huli, ang
lahat ay mamamatay; kaya mabuti nang mamatay na may ginagawang mabuti.
Alagaan ninyong mabuti ang inyong sarili, at alagaan din ninyo ang aking ama
nang sa gayon ay magkita pa tayong muli. Iparating ninyo ang aking pangungumusta sa

This study source was downloaded by 100000878492400 from CourseHero.com on 01-19-2024 17:50:07 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/95471139/Kabanata-23-RIZALdocx/
aking mga kapatid, pamangkin, tiyahin atbp. Aalis ako nang kontento may kompiyansang
habang nabubuhay kayo ay mananatiling nagkakaisa ang ating pamilya at ang pagiging
malapit sa isa’t isa ay maghahari. Kayong dalawa ang nag uugnay sa ating lahat.
Wala na akong masasabi pa mahal kong Ina, kaya hahalikan ko na ang inyong
kamay at kamay ni Ama nang may lubos na pagmamahal na maaaring ibigay ng aking
puso; ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong pagbasbas na kailangang-kailangan ko.
Iyakap ninyo ako sa aking mga kapatid; nawa’y mahalin nila ang isa’t isa gaya ng
pagmamahal ko sa kanilang lahat.

Ang inyong
anak,
Jose

Alas Sais ng gabi, Setyembre 2 – inilipat si Rizal sa barkong Isla de Panay na papuntang
Barcelona, Espanya. Nang sumunod na umaga, Setyembre 3 – pumalaot sa Lawa ng Maynila
ang barko. Sa wakas, nagsimula na rin ang huling paglalakbay ni Rizal paptungong Espanya.
Kasama niyang pasahero rito ay sina Don Pedro Roxas (mayamang creole ng Maynila,
industriyalista, at kaibigan) at ang anak nitong si Periquin.
Si Rizal sa Singapore. Ang Isla de Panay ay nakarating sa Singapore noong gabi ng
Setyembre 7. Kinaumagahan, si Rizal at ilang pasahero ay bumaba ng barko para mamili at
mamasyal. Isinulat ni Rizal sa kanyang talaarawan: “Napuna ko ang ilang pagbabago: Mas
marami na ang mga Tsinong mangangalakal at kakaunti ang mga Indian…Bumili ako ng isang
bestidong Tsino…Malaki na ang ipinagbago ng Singapore mula nang una ko itong makita noong
1882.”
Bumaba sa Singapore si Don Pedro at kanyang anak. Pinayuhan niya si Rizal na
magpaiwan na rin at makinabang sa proteksiyon ng batas Ingles. Hindi sinunod ni Rizal ang
kanyang payo. Maraming Pilipinong residente ng Singapore, sa pamumuno ni Don Manuel
Camus, ang sumakay sa barko at naghikayat sa kanya na manatili na lamang sa Singapore para
mailigtas ang kanyang buhay. Muli ay isinawalang-bahala niya ang kanilang pakiusap dahil
ayaw niyang sirain ang pangako niya kay Gobernador Heneral Blanco.
Biktima ng Panloloko ng mga Espanyol. Sa pagtangging sirain ang kanyang pangako
nang nasa Singapore siya, sinelyuhan na ni Rizal ang kanyang pagkamatay. Lingid sa kanyang
kaalaman, makikipagsabwatan si Gobernador Heneral Blanco sa mga Ministro ng Digmaan
at Mga Kolonya (ultramar) para sa kanyang kapahamakan.
Dakilang bayani at henyo man siya, ipinakita ni Rizal na lubos siyang magtiwala tulad
ni Sultan Zaide, isa pang biktima ng pang-iintriga ng mga Espanyol. Sa kabila ng marami
niyang talino, mortal pa rin si Rizal na maaaring magkamali. At isa sa kanyang malaking
pagkakamali ay ang paniwalaang si Gobernador Blanco ay kanyang kaibigan at isang lalaking

This study source was downloaded by 100000878492400 from CourseHero.com on 01-19-2024 17:50:07 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/95471139/Kabanata-23-RIZALdocx/
may dignidad dahil pinahintulutan siyang pumunta sa Espanya bilang isang malayang tao para
maging medico at siruhano ng sandatahan ng Espanya sa Cuba, kung saan nagaganap ang isang
madugong rebolusyon, at binigyan pa siya ng dalawang magandang liham ng pagpapakilala para
sa mga Espanyol na Ministro ng Digmaan at Mga Kolonya.
Ang katotohanan, na ngayon ay pinatunayan ng mga dokumento sa mga Ministeryo ng
Digmaan at Mga kolonya, ay malupit na kaaway si Blanco, na ang turing kay Rizal ay isang
“mapanganib na Pilipino” na responsable sa nagaganap na Rebolusyong Pilipino, at
samakatuwid nagbalak ng kanyang kamatayan.
Walang kaalam-alam si Rizal na nang umalis siya sa Maynila papuntang Espanya,
nagpapalitan na si Blanco at mga Ministro ng Digmaan at Mga Kolonya ng mga de-kodigong
telegrama tungkol sa pagdakip sa kanya pagdating sa Barcelona, at siya ay lihim na
sinusubaybayan.
Inaresto si Rizal Pagdating sa Barcelona. Umalis ng Singapore ang Isla de Panay, na
sakay si Rizal, ng ala una ng hapon ng Setyembre 8. Walang kaalam-alam sa panlilinlang ng
mga Espanyol, lalo na si Gobernador Heneral Blanco, masayang ipinagpatuloy ni Rizal ang
pagbibiyahe sa Barcelona.
Noong Setyembre 25, nang papaalis na sila sa Kanal Suez, napuna ni Rizal na
maraming sundalog Espanyol sa Isla de Luzon. Pagkaraan ng dalawang araw (Linggo,
Setyembre 27), narinig niya mula sa mga pasahero na may telegramang dumating mula Maynila
na nagbabalita ng pagbitay kina Francisco Roxas, Genato, at Osorio.
Noong Setyembre 28, isang araw pagkaraang lisanin ng barko ang Daungan ng Said
(pantalan ng Mediterranean sa Kanal Suez), isang pasahero ang nagdala kay Rizal ng masamang
balitang aarestuhin siya, sunod sa utos ni Gobernador Heneral Blanco, at ipakukulong sa
Ceuta (Espanyol na Morocco), sa kabila ng Gibraltar.
Nagulat sa balitang ito, noon lamang napagtanto ni Rizal na nilinlang lamang siya ng
mga opisyal na Espanyol, lalo na ni Gobernador Heneral Blanco. Nagdurugo ang puso, kaagad
niyang sinulatan ang matalik niyang kaibigang si Blumentritt para maibuhos ang mga sama ng
loob niya, Ito ang nilalaman ng liham:

S.S. Isla de Panay, Mediterranean


Setyembre 28, 1896

Mahal kong Kaibigan.

Isang pasahero ang nagkuwento sa akin ng isang balitang hindi ko mapaniwalaan, at kung
magkatotoo ay mag wawakas sa prestihiyo ng mga awtoridad sa Pilipinas.
…..……..………………………………..
Hindi ako makapaniwala pagkat ito ay napakalaking kawalan ng katarungan at

This study source was downloaded by 100000878492400 from CourseHero.com on 01-19-2024 17:50:07 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/95471139/Kabanata-23-RIZALdocx/
kabuktutan, na hindi nararapat sa isang opisyal militar, kundi sa pinakahuling bandido. Inalok ko
ang aking seribisyo bilang manggagamot, itinaya ang aking buhay sa panganib ng giyera, at
inabandona ang lahat ng aking kabuhayan. Wala akong kasalanan at ngayon, bilang pabuya, ay
ipakukulong nila ako!
Hindi ko talaga mapaniwalaan! Kabulaanan ito, at sakaling katotohanan man, gaya rin ng
sabi ng nakararami ikinukwento ko na sa iyo ang balitang ito nang mapagpasyahan mo ang
nangyari sa akin.

Iyong-iyo,
(Lagda) Jose Rizal

Wala pang opisyal na utos para sa pag-aresto kay Rizal, puro tsismis lamang ang
kumakalat. Noong Setyembre 29, sumulat muli si Rizal sa kanyang talaarawan: “May mga tao
rito na walang naisip gawin kundi ang siraan ako at mag-imbento ng kakatwang kuwento tungkol
sa akin. Magiging isang kilalang tao ako rito.”
Nang sumunod na araw (Setyembre 30), mga alas kuwatro ng hapon, opisyal na
ipinaalam sa kanya ni Kapitan Alemanya na doon na lamang siya tumigil sa kanyang kuwarto
hangga’t wala pang ibang kautusang nagmumula sa Maynila. Malugod na sinunod ni Rizal ang
utos ng kapitan.
Pagdating sa Barcelona bilang isang Preso. Setyembre 30, 6:25 n.g. dumaong ang
barko sa Malta. Dahil nakapiit si Rizal sa kanyang kuwarto, hindi niya nabisita ang kilalang
islang-kuta ng mga tagapagtaguyod ng Krusada ng mga Kristiyano. “Nakita ko mula sa maliit
kong bintana,” isinulat niya sa kanyang talaarawan,”ang magandang tanawin ng kuta (Malta-
Zaide), kasama na ang nagtataasang kastilyo nitong may tatlong palapag … na lalong gumanda
dahil iniilawan ng mga lampara.”
Noong Oktubre 3, alas diyes ng umaga, ang Isla De Panay ay dumating sa Barcelona,
kasama si Rizal bilang isang preso. Ang paglalakbay mula Maynila pa-Barcelona ay umabot
ng 30 araw. Ang tanod niya ay hindi na ang kapitan ng barko kundi ang Komander ng Militar
ng Barcelona, na walang iba kundi si Heneral Eulogio Despujol, na siyang nag-utos ng kanyang
destiyero sa Dapitan noong 1892. Isa ito sa mga pangyayari sa buhay ng mga dakilang tao na
masasabing “halos di na kapani-paniwala.”
Sa kanyang pangalawang araw sa Barcelona, napuna ni Rizal, bagaman siya’y
inkomunikado, na ipinagdiriwang ng lungsod ang pista ni San Francisco De Assisi. Isinulat
niya ito sa kanyang talaarawan: “Alas sais ng umaga nang gisingin ako ng putok ng kanyon. Tila
ito’y kaugnay ng pagdiriwang ng pista ni San Francisco de Assisi … Pagsapit ng alas dose, mga
31 putok na ng kanyon ang narinig ko, at ganon din karami pagsapit ng alas sais ng hapon. Sa
gabi ay nagkaroon ng konsisyerto sa silid-kainan na maririnig hanggang dito sa aking silid.”

This study source was downloaded by 100000878492400 from CourseHero.com on 01-19-2024 17:50:07 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/95471139/Kabanata-23-RIZALdocx/
Alas tres nangmadaling araw ng Oktubre 6, ginising si Rizal ng mga guwardiya at
dinala sa nakapanlulumong bilangguan Monjuich. Doon na siya sa kanyang selda inabot ng
umaga. Mga alas dos ng hapon, inilabas siya sa bilangguan at dinala sa tanggapan ni Heneral
Despujol. Sa panayam na inabot ng labinlimang minuto, sinabi ng bruskong heneral na
ibabalik si Rizal sa Maynila sakay ng barkong Colon na papalaot ng gabing iyon.
Pagkaraan ng panayam, dinala si Rizal sa Colon, na “punung-puno ng mga sundalo, mga
opisyal, at kanilang mga pamilya.” Alas otso ng gabi, Oktubre 6, nilisan ng barko ang
Barcelona, sakay si Rizal.

This study source was downloaded by 100000878492400 from CourseHero.com on 01-19-2024 17:50:07 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/95471139/Kabanata-23-RIZALdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like