You are on page 1of 12

PAGLALAKBAY NI RIZAL

KASAMA SI VIOLA

Ace Tamayo Basilas


PAGKATAPOS MAILATHALA ANG NOLI,
NAGBALAK SI RIZAL NA BISITAHIN
ANG MAHAHALAGANG LUGAR SA
EUROPA.
• Dr. Maximo Viola – Ang nakasama ni rizal sa pag lalakbay
• Natanggap ni Rizal ang padalang P1,000 ni Paciano sa
kagandahang loob ni Juan Luna na nasa Paris at siyang
nakatanggap ng pera.
• Gayunpaman, binayaran ni rizal si Viola ng 300 Bilang
utang nya sa pag papalimbag ng noli,
• Potsdam (lungsod malapit sa Berlin, pinasikat ni Frederick
ang Dakila)
• * PAG SISIMULA NG PAG LALAKBAY NI RIZAL
KASAMA SI VIOLA
• MAYO 11, 1887
• Dresden ang Kanilang destinasyon
• Dr. Adolph B. Meyer
• Prometheus Bound
• Teschen (Decin, Czechoslovakia)
• * Unang pagkikita nina Rizal at Blumentritt
• MAYO 13, 1887 (1:30 pm)
• Si Blumentritt ay isang mabuting Austriyanong propesor.
• Tumigil sila sa Leitmeritz mula MAYO 13-16, 1887.
• Rosa
• Dolores (tinatawag na Dora o Dorita ni Rizal), Conrad, at Fritz- mga
anak ni Blumentritt.
• Burgomaster
• Kilala ni Blumentritt ang burgomaster kaya’t nilapitan nila
ito at ipinakilala sina Rizal at Viola.
• Nakipag usap si Rizal sa wikang Aleman kaya napahanga
niya ang burgomaster at mga kaibigan nito.
• Labing-isang buwan (11 months) lamang natutunan ni
Rizal ang wikang Aleman.
• Isang hapon, inanyayahan sila Rizal at Viola ng Samahang
Turista ng Leitmeritz (si Blumentritt ang kalihim)
• Bumigkas si Rizal ng talumpati sa wikang Aleman.
• Pinalakpakan siya ng mga nakikinig dahil sa kanyang
galing sa pagsasalita sa wikang ito.
• Gumuhit si Rizal ng larawan ng propesor at ibinigay ito rito
bilang regalo dahil gusto niyang maalala ang masasayang
oras sa tahanan ni Blumentritt.
• Sa Leitmeritz
• Dr. Carlos Czepelak- bantog na siyentipiko at iskolar na Polano
na nakilala at nakausap ni Rizal
• Propesor Robert Klutschak- bantog na naturalista na ipinakilala
ni Blumentritt kay Rizal.
• Sa huling gabi ay naghandog ng hapunan sina Rizal at Viola sa
kanilang otel para kay Blumentritt.
• MAYO 16, 1887 (9:45 am)
• Kipkip ni Rizal hanggang kanyang libingan ang magagandang
alaala ng kanyang pagbisita sa Leitmeritz.
• Liham kay Blumentritt (Mayo 24, 1887)
• Liham mula Brunn, Autria (Mayo 19, 1887)
• Prague
• Dala ang liham ng rekomendasyon mula kay Blumentritt ay
binisita nina Rizal at Viola ang makasaysayang siyudad ng
Prague.
• Dr. Willkomm
• Mga binisitang lugar nina Rizal at Viola:
•  Libingan ni Copernicus- kilalang astronomo
•  Museo ng Likas na Kasaysayan
•  Mga laboratoryong bakteriolohikal
•  Bantog na kuwebang pinagkulungan kay San Juan
Nepomuceno at tulay kung saan itinapon ang santo.
• Matapos magpaalam kay Propesor Willkomm ay nagtungo
silang dalawa sa Brunn. Ayon kay Viola, “walang
kakaibang nangyari” sa lungsod na ito.
• Vienna
• MAYO 20
• Ang Vienna ay tunay na “Reyna ng Danube” –nabighani ng lungsod na ito si
Rizal dahil sa naggagandahang gusali rito, imaheng panrelihiyon, at kakaibang
halina.
•  Norfenfals- isa sa pinakamahusay na nobelista sa Europa nang panahong
iyon; napahanga ni Rizal at nasabi makaraan ang ilang taon na si Rizal ay
“isang henyong hinahangaan niya.”
• Natanggap ni Rizal ang nawawala niyang diyamanteng alpiler (natagpuan ng
katulong ng Otel Krebs at ibinigay kay Blumentritt)
• Otel Metropole
• Binisita nila ang mga simbahan, museo, galerya ng sining, teatro, at liwasang
pampubliko.
• Masner at Nordmann
• Paglalakbay sa Danube Papuntang Lintz
• MAYO 24
• Napuna ni Rizal na ang mga pasahero ng bangka ay
gumagamit ng papel na napkin kapag kumakain, at ito ay
bago sa kanya.
• Nagtapos ang paglalakbay sa ilog sa Lintz.
• Mula Lintz patungong Rheinfall
• Nagbyahe sila papuntang Salzburg, at nagtungong
Munich.
• Tumigil sila para tikman ang ipinagmamalaking
Munich beer na pinakamasarap sa buong Alemanya.
• Nagtungo sila sa Nuremberg
• Nakita nila rito ang kakila-kilabot na makinang pananakit
na ginamit sa Inkisisyon.
• Nagtungo sila sa Ulm
• Ang katedral rito ang “pinakamalaki at pinakamataas sa buong Alemanya”
• Inakyat nila ang daan-daang baitang na hagdan patungong tore nito.
• Nagtungo sila sa Stuttgart, Baden, at Rheinfall (Talon ng Rhine- ang pinakamagandang
talon sa Europa)
• Pagtawid sa Hangganan patungong Switzerland
• Mula Rheinfall, tinawid nila ang hangganan patungong Schaffhausen, Switzerland.
• Hunyo 2-3, 1887.
• Nagpatuloy sila sa paglalakbay at nagtungo sa Basel (Bale), Bern, at Lausanne.
• Geneva
• Mula Lausanne, sumakay ng bangka sina Rizal at Viola para tawirin ang maulap na
Lawa ng Leman sa Geneva.
• Ang mga taga-Geneva ay mga lingguwista— nagsasalita ng Pranses, Aleman, at
Italyano.
• Namangka sila Rizal at naipakita niya ang husay sa paggaod ng bangka na natutunan
niya noon sa Calamba.
• HUNYO 19, 1887
• 15 masasayang araw ang itinigil nila sa Geneva.
• HUNYO 23
• Ikinagalit ni Rizal ang Eksibisyon ng mga Igorot sa Eksposisyon sa Madrid noong 1887.
Habang nasa byahe sina Rizal at Viola, nagkaroon ng Eksposisyon ng Pilipinas sa
Madrid, Espanya. Nang nasa Geneva (Switzerland), nakarating kay Rizal ang balita
tungkol sa kalunus-lunos na kalagayan ng mga Igorot na ginawang bahagi ng eksibisyon.
• Ang ila’y nangamatay, at ang kasuotang bahag at krudong armas ay pinagtatawanan at
nilalait ng mga Espanyol.
• Sumulat siya kay Blumentritt mula sa Geneva noong Hunyo 6 at 19, 1887
• Tungkol sa pagkayamot niya sa nasabing eksposisyon
• Si Rizal sa Italya
• Mula Geneva, nagtungo si Rizal sa Italya.
• Binisita niya ang Turin, Milan, Venice, at Florence.
• HUNYO 27, 1887- narating niya ang Roma.
• Roma- “Walang-hanggang Lungsod” at “Lungsod ng mga Cesar”
• Tuwang tuwa siya sa magagandang tanawin at alaala ng Roma.
• Inilarawan niya kay Blumentritt ang “karangyaan na siyang Roma,” isinulat niya noong Hunyo 27, 1887.
• HUNYO 29, 1887
• Binisita ni Rizal ang Vatican (Lungsod ng mga Papa)- kabisera ng Kakristiyanuhan.
• Hinangaan niya ng labis ang:
• Mga edipisyong maringal, lalo na ang Simbahan ng San Pedro
• Kakaibang gawang pansining
• Ang malawak na St. Peter’s Square
• Makukulay na guwardiyang Vatican
• Ang atmospera ng relihiyosong debosyong nangingibabaw sa Vatican
• “Pagod na pagod ako na parang isang aso,” isinulat niya kay Blumentritt, “ngunit matutulog ako na parang
isang diyos.”
• Pagkaraan ng 1 linggong pagbabakasyon sa Roma, handa nang umuwi si Rizal sa Pilipinas.
• Isinulat niya sa kanyang ama na siya’y paparating na.

You might also like