You are on page 1of 2

Pinagbintangang Espiyang Pranses Si Rizal.

Habang nasa limbagan ang Noli, isang


kakaibang insidente ang naranasan ni Rizal. Isang umaga, binisita ng hepe ng pulis ng Berlin si
Rizal sa kanyang bahay na inuupahan at hininging makita ang kanyang pasaporte. Sa
kasamaang-palad, walang naipakitang pasaporte si Rizal. Sinabihan siya ng hepe ng pulis na
kumuha ng pasaporte sa loob ng apat na araw, at kung hindi'y maipadedeport siya. 2

Kaagad na sinamahan ni Viola si Rizal sa embahada ng Espanya para humingi ng tulong sa


embahador na Espanyol, ang Konde ng Benomar, na nangakong titingnan ang kasong ito.
Ngunit hindi tinupad ng embahador ang kanyang pangako dahil sa katotohanan, ay wala naman
siyang kapangyarihan para mag-isyu ng kinakailangang pasaporte.

Nang matapos ang apat na araw na ultimatum, nagpunta si Rizal sa Alemang hepe ng pulis
para magpaumanhin sa di niya pagkakakuha ng pasaporte, at magalang niyang inalam kung
bakit may utos ng deportasyon para sa kanya gayong wala naman siyang nagagawang krimen.
Sabi ng hepe, nakatanggap sila ng ulat na si Rizal ay bumisita sa kabayanan at kanayunan
kaya naghinala ang pamahalaang Aleman na siya'y espiyang Pranses, lalo pa't pumasok siya
sa Alemanya mula Paris, kung saan siya nanirahan ng ilang taon at siya'y totoong umibig sa
wika at kulturang Pranses. Nang panahong iyon, hindi maganda ang relasyong Pransiya at
Alemanya dahil sa Alsace-Lorraine.

Si Rizal na bihasa sa wikang Aleman ay nagpaliwanag sa hepe ng pulis na siya'y hindi


espiyang Pranses, bagkus ay isang siyentipiko at manggagamot na Pilipino, isa ring etnolohista.
Bilang etnolohista, dinadalaw niya ang kanayunan ng mga bansang pinupuntahan niya para
obserbahan ang kaugalian at pamumuhay doon. Naniwala sa paliwanag ni Rizal ang hepe at
humanga pa siya sa husay nito sa pagsasalita ng Aleman kaya hinayaan niyang manatili ito sa
Alemanya.

Natapos ang Pagpapalimbag ng Noli. Pagkaraan ng naudlot na deportasyon sa pag-aakalang


siya'y espiyang Pranses, si Rizal, sa tulong ni Viola, ay pinamahalaan ang pagpapalimbag sa
Noli. Araw- araw ay nasa imprenta siya para basahin at iwasto ang mga nailimbag na pahina.

Noong Marso 21, 1887, lumabas sa imprenta ang Noli Me Tangere. Kaagad na ipinadala ni
Rizal ang mga unang sipi nito sa malalapit niyang kaibigan, kasama na rito sina Blumentritt, Dr.
Anto- nio Ma. Regidor, Graciano Lopez-Jaena, Mariano Ponce, at Felix R Hidalgo. Sa kanyang
sulat kay Blumentritt noong Marso 21, 1887, sinabi niya: "Ang ipinadala kong aklat ay aking
unang aklat bagaman marami na akong naisulat bago rito at nakatanggap na rin ako ng mga
gantimpala para sa pagsusulat. Ito ang unang aklat na Tagalog na walang kinikilingang
pananaw. Matatagpuan ng mga Pilipino rito ang kanilang kasaysayan nitong nakaraang
sampung taon. Umaasa akong mapupuna ninyo ang pagkakaiba ng estilo ng aking
paglalarawan sa ibang manunulat. Maaaring tuligsain ng pamahalaan at mga prayle ang aking
isinulat, pabulaanan ang aking mga argumento, ngunit nagtitiwala ako sa Diyos ng Katotohanan
at sa mga taong totoong nakaranas ng mga pagdurusang ito. Umaasa akong masasagot ko ang
lahat ng konseptong maaari nilang likhain para mapabulaanan tayo.

Noong Marso 29, 1887, binigay ni Rizal ang galley proof ng Noli, panulat na ginamit niya sa
Noli, at komplimentaryong sipi kay Viola bilang tanda ng pasasalamat. Sa komplimentaryong
sipi, isinulat niya: "Sa mahal kong kaibigang Maximo Viola, ang unang nakabasa at
nagpahalaga sa aking isinulat-Jose Rizal."
Ang Pamagat ng Nobela. Ang pamagat ng Noli Me Tangere ay isang pariralang Latin na ang
ibig sabihin ay "Huwag mo akong salingin." Hindi ito orihinal na ideya ni Rizal at sinabi niyang
nakuha niya ito sa Bibliya.

Sa sulat ni Rizal kay Felix R. Hidalgo noong Marso 5, 1887, sinabi niya: "Noli Me Tangere, mga
salitang nagmula sa Magan- dang Balita ni San Lucas, na nagsasabing huwag mo akong
salingin. Nagkamali dito si Rizal. Ang parirala ay mula kay San Juan, ang Magandang Balitang
nagsasalaysay tungkol sa unang Pasko ng Pagkabuhay, nang dumalaw si Santa Maria
Magdalena sa Banal na Sepulkro, at ang Panginoong Hesus na noo'y muling nabuhay ay
nagsabi

"Huwag mo akong salingin; hindi pa ako nakapupunta sa Ama, ngunit humayo ka't ibalita
sa Aking mga kapatid na Ako'y aakyat sa Aking Ama; at sa Aking Panginoon at inyong
Panginoon."

Dedikasyon ng Awtor. Inihandog ni Rizal ang Noli Me Tangere sa bayang Pilipinas- "Sa Aking
Amang Bayan." Ito ang kanyang dedikasyon

You might also like