You are on page 1of 9

Buhay ni Jose Rizal sa

Brussels

Umalis si Rizal patungo ng lunsod


ng Brussels (1890) kasama ni Jose
Albert at nanuluyan sa isang
kainamang bahay paupahan sa 38
Rue Philippe Champagne na
pinangasiwaan ng magkapatid na
babaeng Jacoby na sina Suzanne at
Marie.Dito, sinimulang isulat ni
Rizal ang nobelang El Filibusterimo
at patuloy pa rin ang pagsusulat
niya ng mga artikulong ipinapadala
niya para sa La Solidaridad.

Sa pananatili niya dito, ginugugol din


niya ang kanyang mga libreng sandali
sa pagpapalakas ng katawan sa
gymnasium at sa pagsasanay sa
pagbaril at iskrima. Naging kasama din
ni Rizal sa kuwarto si Jose Alejandrino
na nakapansin sa labis niyang
pagtitipid pagkain na lamang sa
bahay at pagluluto ng pansit bilang
kanyang miryenda.

Dito, binigyang-pansin din ni Rizal ang


ortograpiya ng wikang Tagalog sa
pamamagitan ng paggamit ng
paggamit ng mga letrangkatwat
itinuwid niya ang Hispanikong
pagsusulat tulad ng mga salitang
arao at salacot. Dahil dito, sinulat
ni Rizal ang kanyang artikulo Sobre
La Nueva Ortografia de la Lengua de
Tagala na inilathala sa La Solidaridad.
Isinalin din ni Rizal ang akda ni
Schiller na William Tell mula sa
Aleman sa wikang Tagalog.

Nakatanggap din siya rito ng


masasamang mga balita mula sa
Pilipinas. Ang kalagayan ng mga
magsasaka sa Calamba ay lalong
sumasama sa ilalim ng pamamahala ng
mga prayle, nagharap ng demanda ang
mga Dominikano para alisin ang lupang
kanilang pinapaupahan kay Don
Francisco Mercado Rizal, ipinatapon
ang kanyang kapatid na si Paciano at
ang kanyang bayaw na si Manuel
Hidalgo ay muling ipinatapon sa Bohol.

Dahil sa mga masamang balitang


niyang natanggap, nagnais umuwi si
Rizal dahil para sa kanya, hindi siya
maaring manatili na nagsusulat
lamang habang ang kanyang mga
magulang at mga kapatid ay
nagdaranas ng lupit ng mga paring
Espanyol. Ngunit ang kanyang
balaking umuwi ay sinalungat ni
Graciano Lopez- Jaena at gayundin ng
kanyang mga kaibigang na sina Basa,
Blumentritt, at Mariano Ponce.

Dahil sa mga pagtututol sa kanyang


desisyon at iba pang mga
kadahilanan, nagbago ang isipan ni
Rizal na umuwi. Nang matanggap niya
ang sulat ni Paciano na nagsasabing
natalo sila sa kaso at ito ay kanilang
iaapela sa korte supremo sa Madrid at
dito si Rizal ay nagtungo para tingnan
ang kanyang magagawa sa kaso. At
dahil na rin nagkaroon ng romansa si
Rizal kay Petite Sussane Jacoby, ang
pamangkin ng kanyang mga kasera.

The end
thank you for listening!

Reported by:Rossneil M.Mojica

You might also like