You are on page 1of 6

VIII.

UNANG PAGLALAKBAY AT PAKIKIPAGSAPALARAN SA EUROPA

ANG DAHILAN NG PAGPUNTA SA EUROPA


1. Pagmamalabis ng mga nasa kapangyarihan
2. Di kasiyahang loob sa eskuwelahan
3. Mag- aral ng medisina
4. Magmasid ng pamahalaan, batas, kalakalan at iba pa bilang batayan ng reporma sa Pilipinas.

MGA BALAK AT PAGTULONG NI PACIANO SA KAPATID


1. Sumang ayon si Paciano sa pag alis ni Jose R. subalit inisip niya na maaaring hindi na ito bumalik at mamalagi na ito sa Europa kung
kaya't umisip siya ng paraan upang bumalik ito sa pamamagitan ni Leonor Rivera.
2. Antonio Rivera amain nina Paciano na taga Intramuros Maynila
3. Leonor Rivera anak ni Don Antonio R., labintatlong taong gulang ng magkakilala ni J. Rizal habang si Jose nama'y labinlimang
taong gulang.

MGA BALAK, PAGHAHANDA AT PAGLILIHIM


1. Paciano Rizal nagtanong tanong kung magkano ang gagastusin ni Jose Rizal sa Europa.
-nangakong magpapadala ng tatlumpu't limang piso bilang buwanang suporta.
- naglihim sa kanyang mga magulang patungkol sa pag alis ni Jose Rizal.
2. Antonio Rivera sinagot ang iba pang magiging gastusin ni Jose Rizal sa Europa.

IX. ANG PAGLALAKBAY AT PAG AARAL SA EUROPA

1. Mayo 1882 sa ganap na ika lima mg umaga umalis si Jose Rizal ng Calamba sakay ng karumata papuntang Maynila na inabot ng
sampung oras
- gamit ang pangalang Jose Mercado Rizal sa kanyang pasaporte
- bago umalis nagpaalam sa kanyang mga kaibigang Heswita

2. S.S Salvadora- bapor na sinakyan ni J. Rizal sa edad na 21 taong gulang, habang paalis iginuhit niya ang baybayin ng Maynila.

MGA DINAANANG BANSA


1. Sakay ng S.S Salvadora lumapit ng barkong Djemnah (barkong pranses)
2. Singapore ----- Punta de Galle (isa't kalahating araw) ------ Colombo (pitong araw)-------Cabe Guadafue

KARANASAN SA APRIKA
1. Mayo 28 1882
- napansin ni J. Rizal ang pagkakaiba ng Aprikanong Negro na nangingintab at sa bumbay na Negro.
- Ang Aprika ay mainit at masukal na bansa

2. Hunyo 06, 1882


Kanal Suez (sa limang araw na paglalakbay nakaramdam ng pananabik sa pamilya)

Port Said (musika sa kapihan)

Naples (nakadama ng lubos na kaligayahan na dulot ng lugar)


Hunyo 11, 1882

Marseilles (nabighani sa ganda ng lugar)

Barcelona (nakilala sina G. Buill at Prado)

3. " Darating ako sa Espanya na nag iisa at di kilala. Ito ang unang pook ng paglalakbay na hindi ko batid kung saan hahantong. Ano
ang gagawin ko? Ano ang mangyayari sa akin?

PAGSAPIT SA BARCELONA
Mga Karanasan at suliranin ni J. Rizal
1. Hindi magandang impresyon
2. Nakaranas ng maraming suliranin
3. Walang murang tirahan
4. May maliit na halaga ng pera
5. Nanibago sa kalendaryo ng paaralan
6. Dahil sa kakapusan sa pera palipat lipat siya ng tinitirhan

ANG PAGKASULAT NG UNANG SULATIN NA "EL AMOR PATRIO"


1. Habang nasa Barcelona patuloy ang pagpapadala ni J. Rizal ng liham sa kanyang mga kaanak
2. Isinulat ang 'El Amor Patrio" ( Ang Pag Ibig sa Tinubuang Lupa)
3. Basilio Teodoro (editor ng Diariong Tagalog) nagsabing magpadala pa ito ng mga artikulo sa PIlipinas
4. Ang nasabing sanaysay ay naglalaman ng damdaming makabayan at pangungulila

ANG PATULOY NA PAGMAMASID SA PALIGID AT ANG PAGKAKASULAT NG "LOS VIAJES"


1. Basilio Teodoro nagpadala ng liham kay J. Rizal na nagsabing nalathala ang sanaysay at nakiusap na magpadala pa ito ng lima o
anim na artikulo.
2. "Los Viajes" (Ang Paglalakbay) nalathala sa La Solidaridad subalit hindi nalathala ang rebisita hinggil sa Madrid.
3. Nabalitaan ang pag atake ng sakit na kolera sa Maynila
4. Si J. Rizal ay pumunta sa mga pook at itinatala ang kanyang mga obserbasyon at impresyon

MGA PAGMAMASID SA MADRID


1. Inihambing sa Marseilles, Naples at iba pa
2. Makikitid at paliko liko ang mga daan
3. Ang mga manggagawa ay malulungkot at mukhang mahihirap
4. Ang mga parke ay mainam
5. Nagpapamalas ang mga templo at monasteryo ng mga istilo ng arkitektura
6. Sa Barcelona sinimulan ni Rizal ang gawain bilang isang manunubos

MGA IMPRESYON HINGGIL SA UNIVERSIDAD CENTRAL DE MADRID


1. Setyembere 1882 nagpatala si Rizal sa Universidad Central de Madrid
2. Estudyanteng Pilipino Sa Madrid : tanghali gumising, nagbabaraha sa hapon at nakikipag ulayaw sa mga babae sa gabi

ANG PAGSUSUNOG NG KILAY


1. Si J. Rizal ay naging abala sa pag aaral upang pamarisan
2. Sabay kinuha ang medisina at filosofia y letras
3. Academia de San Fernando nag aral ng pagpipinta at iskultura
4. Nag aral ng wikang Ingles, Pranses at Aleman
5. Sanzy Carbonell nagsanay ng eskrima
6. Sobresaliente titulong natamo matapos ang tatlong taon sa Panitikang Griyego, Latin at Hebreo, Griyegong Kasaysayan,
Advanced na Panitikang Griyego at Kastila.

MGA PROYEKTONG ITINAGUYOD


1. Maayos na pinamahalaan ang oras
2. Nagbasa ng mga pahayagan at mga aklat
3. Tinipid ang pera
4. Pumasok sa mga teatro at dumadalo sa mask ball
5. Regular na bumibili ng tiket sa loterya
6. Ginugol ang pera sa aklat at selyong ginagamit sa pakikipagsulatan

MGA NAGING KASAMAHAN, CIRCULO HISPANO-FILIPINO


1. Pangkat ng Pilipino sa Iba't ibang Unibersidad
Paterno (Pedro, Maximo, Antonio), mga Govantes, mga Esquivel, Ventura, Aguirre, Llorente, Lopez-Jaena, De Leon, Castillo, Esteban,
Rosario
2. Juan Luna at Resurreccion Hidalgo unang nakilala na kapwa pintor
3. Circulo Hispano Filipino isang kapisanan na nagpupulong sa daang Salud at may munting magasin
4. Don Juan Atayde tagapagkilos ng kapisanan, mestisong Kastila Pilipino (retiradong komandante ng infantry)
5. Naging regular na kasapi si J. Rizal at taga ambag ng sulatin, nagtaguyod ng paglikom ng abuloy bilang tulong sa sinalanta ng bagyo
sa PIlipinas.
ANG PANLALAMIG NG UGNAYAN
1. Dahilan sa kakulangan ng pondo tumagal lamang ng limang buwan ang kapisanan
2. Sinikap na panatilihin subalit nilansag din kalaunan
3. Nahinto ang paglimbag ng magasin
4. Nakapaglathala ng mga panliberal at pamprotestanteng artikulo

ANG MGA OBSERBASYON SA PAGKAKAIBA NG KALAGAYAN SA PILIPINAS AT ESPANYA


1. Ang Madrid ang nagpamulat kay J. Rizal
2. Lahat ng kaisipan ay naipapahayag at naikakalat taliwas sa ito sa kalagayan ng PIlipinas.
3. Ang lapiang makahari o liberal ay may representasyon sa batasan o cortes.
4. Ang ateista sa Espanya ay walang sinasanto kahit sa simbahang Katoliko.

PAGDIRIWANG NG UNANG ANIBERSARYO SA MADRID ( ISANG TAON MAKALIPAS)


1. Labis na kalungkutan at pangungulila ( Mayo 03, 1883)

PAGPUNTA SA PARIS AT ANG PAGSANIB SA MASONERYA (1883)


1. Nagbakasyon sa Paris sa maikling panahon
2. Sumapi sa Masonerya na kung saan may bagong kaisipan kaugnay sa pananampalataya at tugma sa pansariling niyang kaisipan.

PAGSISIKAP NA MAKAPAGTATAG NG BAGONG KAPISANAN


1. Sinubukang palitan ang Circulo Hispano Filipino
2. Antonio Maria Regidor kasamahan sa bagong kapisanan kasama sina Luna, Hidalgo, Maximo, Pedro at Antonio Paterno.
3. Napagkasunduang buhayin subalit walang nangyari.

ANG PAG-AKDA NG ISANG AKLAT


1. Binalak ang paglimbag ng aklat upang lumakas at mabuhayan ng loob ang mga kasamahan.
2. Ang magiging mga aklat ay papamatnugutan ng mga Pilipino lamang na ayo sa isang tema gayunpaman maraming naging
problema na ikanalumo ni J. Rizal.
3. Ang mga kasapi ay tumanggi sa pag aambag ng pera kung kaya't hindi na nagpumilit si Rizal na ituloy ang bagong kapisanan.

PAGGUHO NG MORALE NG MGA ESTUDYANTENG PILIPINO (1884)


1. Sa pangwakas na pagsusulit apat lamang ang nakapasa sa labindalawang estudyante.
2. Naparangalan sina Zamora, Lete, Rizal at Hidalgo.
3. Ayon kay Hidalgo " para sa pagpapagpag ng mga Pilipino ng alikabok sa kanilang mga sapatos bago sila magsibalik sa kani-kanilang
tahanan."

PARANGAL SA MGA PINTOR NA PILIPINO


1. Isang magandang kapalaran sa pamayanang Pilipino.
2.Juan Luna at Resurreccion Hidalgo nakatanaggap ng unang gantimpala sa pambansang pagtatanghal ng likhang sining (fine arts).
3. Unang pagkakataon na pagwawagi ng dalawang Pilipino sa Espanya.
4. Nagdaos ng isang piging
5. Panahong si J. Rizal ay kumukuha ng pagsusulit sa Medisina at Pilosopiya.
6. Si Rizal ay naatasang magbigay ng talumpati.

ANG MGA PILING PANAUHIN SA PIGING (HUNYO 26, 1884)


1. Idinaos sa isang Restawrang Ingles sa ganap na ika siyam ng gabi.
2. Ang mga panauhin : Juan Luna (sa ulong hapag)
G. Labra G. Moret
Comia Aguilera
Nin Y Tudo Regidor
Manuel de Azcarraga at iba pa
3. Ang talumpati ni Rizal ay nakatawag pansin sa mga dumalo ng piging.

ANG ALINGASNGAS NA IBINUNYAG NG TALUMPATI


1. Naghudyat ng pagsalakay ni Rizal sa mga namamalakad sa Pilipinas
2. Inakala ng Espanya na ang Pilipinas ay nasisiyahn sa pamamalakad ng mga prayle.
3. Simula noon kinilala si Rizal bilang lider at tagapagsalita.
4. Ang talumpati ay nalathala nang buo sa pahayagan.
5. Nakarating sa PIlipinas ang mga sipi ng talumpati.
6. Ayon kay Paciano lumikha ito ng takot at pangamba.

ANG SIMULA NG PAGSULAT NG "NOLI ME TANGERE"


1. Malaking tuwa ang idinulot ng piging kay J. Rizal
2. Nagdulot ito ng pagbabagong sigla ng mga kapwa niya Pilipino
3. Nag- udyok kay Rizal na simulan ang unang kabanata ng Noli halintulad kay Don Quixote at Cervantes na may temang sateriko.

PAGTATAPOS NG ISANG KURSO


1. Hunyo 1885, nagtapos ng Doktorado sa Filofia Y Letras.
2.Natapos ang karagdagang kurso sa Medisina subalit hindi nakuha ang diploma.
3. Naubos ang pera sa librong pampulitika at panlipunan.

LIHIM NA KALABAN AT ANG KAGULUHAN SA CALAMBA


1. Dahil sa talumapati naging paksa si J. Rizal sa Pilipinas at Madrid.
2. Nagdulot ng gulo sa kanyang pamilya sa Calamba.
3. Nakapagsalita si Don Francisco na kung babalik si J. Rizal ay hindi na tatanggapin.

BALAK NI RIZAL NA PAGBABALIK SA PILIPINAS


1. Magtayo ng isang klinika at manggamot.
2. Sa panahong iyon walang humpay na pagbabasa sa medisina at makabagong pamamaraan ng panggagamot.
3. Patuloy ang palitan ng liham ni Leonor Rivera na nagkasakit ng insomnia at dinamdam ito ni J. Rizal.
4. Sa kanyang pagbabalik handa na niyang pakasalan si Leonor R.
5. Nagkaroon ng pagbabagong asal ang mga Pilipino sa Madrid.

ANG PAGTANGGAP NI VIOLA KAY RIZAL


1. Si J. Rizal ay naglakbay patungong Paris.
2. Dinalaw si Maximo Viola sa Barcelona.
3. Sa kanyang pamamasyal nakilala nito si Ginoong Eusebio Carominas , editor ng dyaryong "La Publicidad".

PAG-AARAL NG WIKANG ALEMAN AT ANG PALISAHAN SA PAGSASAULO


1. Sistematikong pag aaral ng wikang Aleman sa pagmemorya ng limang salitang ugat gabi gabi bago matulog na aabot sa 1,825 na
salita sa isang taon.
2. Ayon kay M. Viola na nakipagpaligsahan sa pagmemorya si Rizal ay may karaniwang pananda subalit pambihirang kakayahang
mapanatili ang mga natutuhan.

ANG PAG AARAL NG KURSONG OPTALMOLOHIYA


1. Hulyo 1885 (Paris) tumuloy sa istudyo ni Juan Luna at ipinagpatuloy ang pagsusulat ng Nolin a halos nangangahalati na.
2. Si Rizal ay bumalik sa Madrid upang magpakadalubhasa sa pagtitistis ng mata (ophthalmic surgery) bago bumalik sa Pilipinas.
3. Batid ang malalang katarata ni Donya Teodora.
5. Rue du- Cherche-Midi klinika ni Dr. Louis de Becker, isang tanyag na optalmologo sa Europa.
6. Humingi ng panahon si Rizal kay Dr. Becker upang makapanayam ito at ipinakita ang mga katibayan ng pagtatapos ng MEdisina at
humiling na payagang manggamot doon.

ANG KARANASAN SA KLINIKA NI DR. BECKER


1. Limang buwan nagsilbi sa klinik mula Oktubre 1885 hanggang Enero 1886
2. Ang mga kasamahan ay mula Italya, Gresya Austria, Poland, Alemanya, Espanya, Estados Unidos at Latin Amerika
3.Enero 1886, ibinalita sa kanyang mga kaanak na handa na siyang gawin and lahat ng uri ng operasyon.

PAGTUNGO SA ALEMANYA
1. Pebrero 1886, si Rizal ay tumungo sa Alemanya sa Universitats Augenklinik (Heidelberg)
2. Ikinatuwa ni Dr. Louis de Becker subalit hiniling na bumalik ito sa Paris.
3. Pebrero 7 1886, naakit sa matandang pamantasan, maromantiko at matulaing kapaligiran, taglamig at puno ng niyebe
4. Naging suliranin ni Rizal ang pakikipagtalastasan.

SA AUGENKLINIK NI DR. OTTO BECKER


1. Naglingkod bilang katulong sa Augenklinik
2. Dr. Otto Becker, bantog na okulista sa Alemanya, tanyag at maraming nasulat na lathalain at nakapagsanay sa Vienna.
3. William Kuhne, isang sikologo, naktuklas ng enzymes sa katawan at nakapagpaunay na ang mata ay katulad ng isang kamera.
4. Ang dalawang nabanggit ay nagbigay diin sa larangan ng pananaliksik kay Rizal.
5. Tagsibol ng 1887, ipinarating ni Rizal sa Calamba ang pagbabalik sa Paris bago umuwi ng PIlipinas.

ANG TAGSIBOL AT ANG TULANG " FLORES DE HEIDELBERG"


1. Ang tagsibol ay nagdulot ng sigliwa kay Rizal
2. Tulang naghatid sa kanya sa tugatog ng pagiging makata.
3. Sa tulang ito kinakausap niya ang mga bulaklak upang purihin ang bango at kagandahan nito.

PAGPISAN KAY KARL ULLNER


1. Karl Ullner, protestanteng pastor na taga Wilhemsfield kung saan si Rizal ay nanirahan ng dalawang buwan upang mag aral ng
salitang Aleman.

PAKIKIPAGKILALA KAY DR. FERDINAND BLUMENTRIT (PAGBALIK SA HEIDELBERG)


1. Personal na nakilala ni Rizal si Dr. Blumetritt na isang tagapanayam sa Heograpiya at Kasaysayan, nagpalimbag ng mga historical na
pag aaral tungkol sa Pilipinas na pinadalhan ni Rizal ng isang labor sa aretmitika na sinulat sa Tagalog at Kastila.
2. Ayon kay Rizal ang mga naisulat tungkol sa Pilipinas ng mga Kastila ay hindi kahalihalina kung ihahambing sa mga Aleman
3. Nakumbinsi niya si Blumetritt sa mga kaisipan at layuning ipinaglalaban niya para sa Pilipinas.
4. Naglakbay si Rizal papuntang Rhine, Mainz, Koll, Frankfurt at Leipzeg.

PAGPUNTA SA LEIPZIG
1. Isang bagay na natuklasan ni Rizal sa Europa na sa Leipzig ay mura ang halaga ng pamumuhay
2. Nanatili siya ng halos dalalwang buwan habang ginagawa ang pagwawasto sa nobela
3. Nagsanay sa dyim at naging tagawasto o tagabasa ng pruweba sa isang limbagan.
4. Oktubre 1886, nakatanggap ng liham kay Paciano na nagtatanong sa halaga ng pagpapalimbag na aabot sa tatlong daang piso.

SA BERLIN (NOBYEMBRE 1886)


1. Si Rizal ay humanga sa pamumuhay ng mga Aleman.
2. Walang diskriminasyon sa kulay at lahi.
3. Edukasyon at kultura ang pangunahing interes ng mga Aleman.
4. Umiiral ang pangkalahatang edukasyon
5.Paaralan at tindahan ang nagbibigay daan sa pagkatuto at Gawain sa lahat
6. Walang pagtutunggali sa pamahalaan at pananampalataya
7. May simpleng pamumuhay, kaugalian at pagiging demokratiko
8. Ang mga mag-anak ay magagalang at masunurin
9. Higit na maraming nailimbag na aklat tungkol sa PIlipinas

PAGKAHUBOG NG KATANGIAN SA BERLIN


1. Maraming aspeto tulad ng panlipunan at pulitika ay salungat sa Espanya
2. May kalamigan ng kalooban ang mga Aleman
4. Dahil sa karanasan ni Rizal sa Berlin, nag- udyok ito upang baguhin niya ang ilang mapusok na paglalahad sa ilang eksena sa Nolin
na may mahinahon at obhektibong paglalarawan.

ANG PAGSASALAT NI RIZAL, ANG KAWALANG PAG ASA


1. Sa panahong ito si Rizal ay tipid na tipid sap era
2.Sa umaga umiinom lang ng tubig at sa tanghali nama'y sopas na patatas o singkamas at pagsapit ng gabi ay meryenda na lamang o
natutulog na lamang.
3. Patuloy ang pagwawasto sa nobela
3. Nagkasakit sa pagtitipid
4. Sinulatan ni Blumentritt na upang makipagkita kay Teodor Jagor at Rudolf Virchow
5. Nawalan ng gana sa pagpasok sa klinika at dyim
6. Naalala ang kanyang panimulang tuberculosis ng siya ay nasa PIlipinas.
7. Naisip niyang hindi na maililimbag ang Noli at kamuntik niyang itapon ito sa apoy

PAGDATING NI VIOLA: PAGGALING NI RIZAL (BAGO ANG PASKO)


1. Dr. Maximo Viola, kakatapos lang mag aral sa Barcelona at tumungo sa Berlin upang mag aral mg wikang Aleman.
2. Si Viola ay nahintakutan sa kapayatan ni Rizal
3. Matapos masuri ni Viola si Rizal lumabas na kakulangan sa masustansyang pagkain ang pagkakasakit nito at hindi dahil sa
tuberculosis.
4. Pansamantalang inaalagaan ni Viola si Rizal hanggang sa gumaling ito.

PAGSAPI SA MGA KAPISANANG PANG AGHAM (PAGKARAAN NG BAGONG TAON)


1. Teodor Jagor, nakilala ni Rizal na may interes sa etnolohiya.
2.Rudolf Virchow, nakilala sa Geographic Society na kung saan si Rizal ay naging miyembro ng Berlin Ethnographi Society.
3. Berlin Anthropological Society, samahan kung saan si Rizal ay nagtalumapti bilang bagong miyembro patungkol sa sukat na umiiral
sa panulaang Tagalog.

PAGLILIMBAG NG "NOLI ME TANGERE"


1.Pebrero 20, 1881, naisulat ni Rizal ang pangwakas na manuskrito ng Noli.
2. Inabot ng dalawa't kalahating taon upang matapos
3. Dahil sa kakulangan ng pera sinagot muna ni Viola ang gastusin sa pagpapalimbag
4. Si Rizal ay nangakong babayaran si Viola sa susunod na padala ni Paciano

PINAGBAWALAN NI PACIANO ANG KAPATID NA UMUWI SA PILIPINAS


1. Si Rizal ay nakatanggap ng liham kay Paciano na na nagsasabing " Ipinasya mo ang pag alis bayaan mong ako naman ang magpasya
ng iyong pagbabalik.
3. Sa kabila ng mga pahiwatig ni Paciano, buo pa rin ang loob ni Rizal sa pagbabalik sapagkat ayon sa kanya may misyon siya sa
PIlipinas at ang pagbabago ng pasya ay pagtalikod at mawawalan ng katuturan ang kanyang nobela.

ANG PERMISONG MAKABALIK SA PILIPINAS


1. Abril 1887, nakatanggap ng liham si Rizal kay Paciano na may kalakip na isang libong piso.
2. Napahinahon ni PAciano si Don Francisco kaya't pumayag na itong pauwiin si Rizal
3. BInayaran ni Rizal si Viola sa pagkakautang nito at inala y ang isang sipi ng nobela at pluma nito.
4. Naglakbay ang dalawa pabalik sa Europa.

MGA UNANG PINADALHAN NG NOLI


1. Ferdinand Blumentritt
2. 2, 000 kopya sa Espanya at Pilipinas
3.Kapitan Heneral at Arsobispo ng Maynila
4. Ikinatakot ito ni Viola

MGA PAGMAMASID SA VIENNA, MUNICH, SWISA, ITALYA AT MARSEILLES


1.Labis na kapanglawan ang nadama sa pamamalagi sa lupain ng kalayaan
2.Hunyo 03, 1887, lulan ng tren patungong Italya naghiwalay na sila ni Viola na patungo namang Barcelona

ANG PAGBABALIK SA PILIPINAS


1.Hulyo 3, 1887, sakay ng S.S Djemnah mula Marseilles nagsimula ang kanyang paglalakbay pabalik ng Pilipinas.
2. S.S Hayfong, barkong nilipatan pagsapit ng Saigon
3. Agosto 6, 1887, natanaw na ni Rizal ang Mariveles hudyat ng pagdating niya sa Pilipinas

You might also like