You are on page 1of 8

THE NAZARETH SCHOOL

PANITIKAN 8
Pangalan : __________________________________ Petsa : __________________
Q1-Pagsasanay-Florante at Laura Puntos : ___/20
I.Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Bilugan ang titik ng tamang sagot. (5)
1. Tila mapaparam ang lahat ng kanyang pinaghirapan.
a. mawawala b. tumagal c. maaayos
2. Sana lumawig pa ang kanilang pagmamahalan.
a. matapos b. tumagal c. makita
3. Sa kanilang paghihiwalay, ninais niyang makitil ang kanyang buhay.
a. magwakas b. lumungkot c. katakutan
4. Puro himutok ang maririnig mo sa kanya.
a. panlalait b. saya c. daing/hinaing
5. Kilala si Francisco Baltazar bilang pantas sa Balagtasan.
a. dalubhasa b. aktor c. siyentista
II. Tukuyin kung ano/sino ang tinutukoy ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
(15)
___________________ 1. Palayaw ni Francisco Balagtas
___________________ 2. Inalayan ni Balagtas ng kanyang ginawang akda at siya ang naging
inspirasyon nito.
___________________ 3. Ama ni Florante at tagapayo ni Haring Linceo
___________________ 4. Ina ni Florante na isang mapagmahal at butihing maybahay
___________________ 5. Anak ni Haring Linceo at kasintahan ni Florante
___________________ 6. Mortal na kaaway ni Florante
___________________ 7. Sultan ng Persya at ama ni Aladin
___________________ 8. Kasintahan ni Aladin at nagligtas kay Laura sa gitna ng kapahamakan
___________________ 9. Isang halimaw na ayon sa alamat ay kahawig ng sa butiki
___________________ 10. Isang uri rin ng hayop na kahawig ng isang lobo
___________________ 11. Isa ito sa malalaking siyudad sa Imperyo ng Gresya
___________________ 12. Isang kahariang Malaki sa dako ng Asya na nasa ilalim ng kapngyarihan
ng mga Moro
___________________ 13. Isang binatang sakdal-ganda na inihalintulad kay Florante
___________________ 14. Diyos ng Digmaan
___________________ 15. Araw
THE NAZARETH SCHOOL
PANITIKAN 10
Pangalan : __________________________________ Petsa : __________________
Q1-Pagsasanay-El Filibusterismo Puntos : ___/20
I.Piliin sa Hanay B ang kahulugan ng mga sumusunod na salita na may salungguhit na nasa
Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. (7)
HANAY A HANAY B
_____ 1. dapat makinig sa timonel a. bigyan
_____ 2. hindi ko mapagtanto ang b. kadena
pangyayari
_____ 3. sagabal sa mga plano c. hadlang
_____ 4. kailangan niyang ipasa ang
mga kasulatan d. mahiyain
_____ 5. alisin mo iyang tanikala
sa mga paa mo e. malaman
_____ 6. natural sa kanya ang
pagiging kimi f. papeles
_____ 7. Ako’y gawaran nyo ng g. tagagabay
katarungan h. tagakolekta ng buwis
II. Tukuyin kung ano/sino ang tinutukoy ng bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang
sagot. (13)
___________________ 1. Ang sasakyang ito ay nasa pamamahala ng Reverendos at Illustrisimos
___________________ 2. Kanonigong pari na nagbibigay ningning sa mga pari
___________________ 3. Isang mayamang mag-aalahas ta tagapayo ng Kapitan Heneral
___________________ 4. Isang paring Pilipino na amain ni Isagani
___________________ 5. Isang manunulat at mamamahayag na Kastila
___________________ 6. Isang Pilipinang pilit nag-aanyong Espanyola at asawa ni Don Tiburcio
___________________ 7. Kasintahan ni Paulita Gomez
___________________ 8. Anak ni Sisa at kasintahan ni Huli. Kasapi ng Akademya ng Wikang
Kastila
___________________ 9. Ang ama ni Kabesang Tales at lolo nina Huli at Tano
___________________ 10. Anak ni Kabesang Tales na naging guwardiya sibil
___________________ 11. Siya ang naglahad ng Alamat ni Donya Geronima
___________________ 12. Siya ang nagkwento ng Alamat ni San Nicolas
___________________ 13. Siya ang kutsero na nahuli ng gwardiya sibil dahil sa walang sedula
Antas ng Wika

1. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang
formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda
2. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua
franca ng mga tao
3. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug,
Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang
lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan
4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga
salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para
sa 'pare'
5. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang
kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla – halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat at
ermat’ at ‘cheverloo’.
6. edukado/malalim – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno,
sa korte at iba pang venyung profesyunal

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang
pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong
dinadaluhan.

Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.

Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila


para sa paaralan at pamahalaan

Halimbawa:
Asawa, Anak, Tahanan

Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.


Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.

Halimbawa:
Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan

Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang
tono o punto.

Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)

Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,


maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang titik sa salita.

Halimbawa:
Nasan, pa`no,sa’kin,kelan
Meron ka bang dala?

Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas
na ito; ikalawa sa antas bulgar.

Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)

Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal:

1. Paghango sa mga salitang katutubo


Halimbawa:
Gurang (matanda)
Bayot (bakla)
Barat (kuripot)
2. Panghihiram sa mga wikang banyaga
Halimbawa:
Epek (effect)
Futbol (naalis, natalsik)
Tong (wheels)

3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog


Halimbawa:
Buwaya (crocodiles – greedy)
Bata (child – girlfriend)
Durog (powdered – high in addiction)
Papa (father – lover)

4. Pagpapaikli
Halimbawa:
Pakialam – paki
Tiyak – tyak

5. Pagbabaliktad
Buong Salita
Halimbawa:
Etned – bente
Kita – atik

Papantig
Halimbawa:
Dehin – hindi
Ngetpa – Panget
Tipar – Parti

6. Paggamit ng Akronim
Halimbawa:
G – get, nauunawaan
US – under de saya

7. Pagpapalit ng Pantig
Halimbawa:
Lagpak – Palpak – Bigo
Torpe – Tyope – torpe, naduwag

8. Paghahalo ng salita
Halimbawa:
Bow na lang ng bow
Mag-jr (joy riding)
Mag-gimik
Mag-MU

9. Paggamit ng Bilang
Halimbawa:
45 – pumutok
1433 – I love you too
50-50 – naghihingalo

10. Pagdaragdag
Halimbawa:
Puti – isputing
Kulang – kulongbisi

11. Kumbinasyon
Pagbabaligtad at Pagdaragdag
Halimbawa:
Hiya – Yahi – Dyahi

Pagpapaikli at pag-Pilipino
Halimbawa:
Pino – Pinoy
Mestiso – Tiso, Tisoy

Pagpapaikli at Pagbabaligtad
Halimbawa:
Pantalon – Talon – Lonta
Sigarilyo – Siyo – Yosi

Panghihiram at Pagpapaikli
Halimbawa:
Security – Sikyo
Brain Damage – Brenda

Panghihiram at Pagdaragdag
Halimbawa:
Get – Gets/Getsing
Cry – Crayola

You might also like