You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Sangay ng Batangas
Batangas Eastern Colleges

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 10


I. Layunin:
1. Natutukoy ang kasingkahulugan ng mga salita gamit ang kontekstuwal na pamamaraan
2. Naipapahayag ang mahalagang kaisipan sa nabasa o napakinggan
3. Nabibigyang halaga ang iba’t-ibang aspeto ng pag-ibig
4. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob a akda sa nangyayari sa sarili, pamilya,
kaibigan, pamayanan, at daigdig

II. Nilalaman:
Paksa: Si Pygmalion at si Galatea
Isang Mitolohiyang Griyego

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10


Pahina 6-17

Kagamitan: Laptop, telebisyon, at mga pantulong-biswal

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

III. Proseso ng Pagkatuto


1. Panalangin
2. AKTIBO Tsek
A- yusin ang hanay ng inyong
mga upuan
K- atabi ay ngitian
T- iyaking malinis ang ilalim ng
inyong upuan
I- handa mo ang iyong sarili sa
talakayan
B- agong kaalaman, alamin at
isabuhay
O- ras na para
sabay-sabay bumati sa
guro ng isang
“Magandang hapon”

3. Pagtatala ng liban

Aktibiti:
Bago tayo dumako sa ating panibagong
aralin, mayroon akong inihandang isang laro.
Pamilyar ba kayo sa larong Four Pics, One
Word?  Opo

Kung gayon ay hahatiin ko ang klase sa


tatlong pangkat. Bawat pangkat ay may tig-isang
envelope na naglalaman ng mga pira-pirasong
larawan. Kailangang mabuo ito nang mabilis at
makapag-isip agad ng isang salita na may
kaugnayan sa bawat larawan.
Kapag natapos na ang nasabing gawain ay
isisigaw ng pangkat ang mga katagang
“Lodi Na, Petmalu Pa”.
Pagkatapos ay maaari nang ipaskil ng bawat
pangkat ang kanilang ginawa.
Ang maunang makapagsagawa nito nang
wasto ang siyang tatanghaling panalo.
Handa na ba kayo?
 Opo

(Pagsasagawa ng gawain)
Gabay na Tanong:

1. Ano ang inyong napansin sa apat na


larawan?
 Napansin po namin ang bawat larawan
ay may kaugnayan sa salitang lilok o
eskultura.
2. Para sa inyo, ano ang kahulugan ng
salitang lilok/eskultor?
 (Iba’t ibang kasagutan ng mga mag-
aaral)
Tama! Ang lilok o eskultura ay kahit
anong tatlong-dimensyonal na anyo na
nilikha bilang masining o artistikong
pamamahayag. Tinatawag rin itong
sining sa pagbuo o paghubog ng isang
bagay mula sa bato, kahoy o metal na
ginagamitan ng pait, maso o anumang
pamukpok.

3. Sa inyong palagay, ano kaya ang


maaaring kaugnayan nito sa paksang
ating tatalakayin ngayon?  Ang paksang ating tatalakayin ngayon
ay may kaugnayan sa isang maglililok
o eskultor.
Bago tayo dumako sa akda ay
magkakaroon muna tayo ng pagtukoy sa mga
kasingkahulugan ng mga salita gamit ang
kontekstwal na pamamaraan.

Basahin at unawain ang kontekstong ng


mga pangungusap. Hanapin sa ikalawang
pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang
nakasulat nang madiin sa unang pangungusap.

1. Ginugol ni Andrei ang kanyang buong


panahon sa paglilok. Inubos niya ang pag-iisa sa
halip na sa pakikisalamuha sa iba.  Inubos
2. Tunghayan mo ang isang akdang
nagtataglay ng mabuting kaisipan. Basahin mo
ito upang maunawaan at maisabuhay ang  Basahin
mensaheng taglay nito.
3. Tunay nga pihikan si Andrew. Labis
siyang mapili sa mga babaeng kanyang
kakaibiganin.  Mapili
4. Ang pagkahumaling niya sa isang
estatwa ay kumulat sa buong-bayan. Alam na ng
lahat ang pagkarahuyo niya sa isang bagay na
nilikha ng kanyang mga kamay.  Pagkarahuyo
5. Ang kanyang pagdududa ay napalitan
ng kaligayahan. Kinalimutan na niya ang
nadamang pagtataka dahil ngayo’y buhay na si  Pagtataka
Andrea.
Mahusay! Batid kong naunawaang ninyong
mabuti ang mga kasingkahulugan na ginamit sa
bawat pangungusap.

Ngayon ay ating susuriin kung ano nga ba


ang kaugnayan ng maglililok sa paksang ating
tatalakayin, Bago iyon, may kaibigan akong
gustong ipakilala sa inyo. Gusto ninyo ba siyang
makilala?
 Opo
Habang binabagtas ko ang eskwelahang ito
ay may nakasalubong akong isang kaibigan.
Siya ay si Kupido. Bakas sa kanyang mukha ang
kalungkutan, kaya napag-isip ko na isama siya
sa aking paglalakbay.

Alam ba ninyo kung bakit siya malungkot?


 Bakit po?

Sapagkat siya’y lubos na naguguluhan sa


kanyang narinig na kwento. Pwede ba natin
siyang tulungan?
 Opo

Kung ganun ay may anim akong na larawan


na makikita rito sa unahan. Ang bawat larawan
ay mula sa mitolohiyang “Si Pygmalion at si
Galatea,” Gamit ang story board alamin at
suriing mabuti ang mga pangyayaring
nakapaloob rito. Gawin batayan ang mga
pangyayari na makikita sa kabilang hanay.

Handa na ba kayo?
 Opo.

 B. Si Pygmalion ay isang makisig na


binatang eskultor na ilag sa mga
kababaihan. Ayon sa kanya ang mga
babae nasa kanilang bayan ay mga
bayaran lamang dahil sa mga ugali ng
mga ito ang kanyang oras ay
iginugugol niya sa paglililok hanggang
sa makagawa siya ng obra.

 E. Ang obrang ito ay isang babae na


nagtataglay ng mga katangiang nais
niya para sa isang babae

 C. Pinangalanan niya ito ng Galatea at


minahal ng totoo. Hindi niya inalintana
ang opinyon ng iba.

 F. Hanggang sa dumating ang araw ng


pista at napag-alaman ni Aphrodite, ang
diyosa ng pag-ibig at kagandahan ang
tunay na pagmamahal ni Pygmalion
kay Galatea. Siya ay naantig at
kanyang binigyan buhay ang babaeng
pinakamamahal ni Pygmalion.

 A. Pagkagaling niya ng templo agad


niyang pinuntahan ang rebulto at ito’y
kanyang niyapos, naramdaman niya
ang init ng katawan ni Galatea , ngunit
ang inisip lang niya dahil ito sikat ng
araw.

 D. Ngunit laking pagtataka niya ang


rebulto ay unti-unting naging isang
ganap na totoong tao. Sa sobrang tuwa
gusto niyang ipagsigawang buhay ang
kanyang minamahal. Hindi nagtagal
nagpakasal ang dalawa at biniyayaan
ng isang anak. Bilang pagpapasalamat
sa kabutihan ni Aphrodite hindi
nakalimot si Pygmalion at kanyang
pamilya na mag-alay sa templo taon-
taon.

Analisis

Magkakaroon ng pagtatanong ang guro, ito


ay ang mga sumusunod:

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang pananaw ni Pygmalion
kaugnay ng kababaihan noong una?
 Ayon kay Pygmalion ang mga
kababaihan ay bayaran sa kanilang
bayan
2. Bakit kaya sa kabila ng ugali at pananaw
niyang ito sa mga kababaihan ay isang
babae pa ang naging obra maestra niya?
 Gusto niyang makita sa kanyang obra
maestra ang lahat ng katangiang gusto
niya para sa isang babae.
3. Anong damdamin ang nabuo sa puso ni
Pygmalion kaugnay ng babaeng
kanyang nililok? Paano niya ipinakita  Unti-unting nabuo ang pagmamahal ni
ang labis na pagmamahal sa babaeng Pygmalion sa babaeng nililok.
ito? Hanggang sa lahat ng oras ay inilaan
niya rito. Pinangalanan na niya ito na si
Galatea.
4. Paano nagkaroon ng katuparan ang
kanilang pagmamahalan? Bakit kaya
binigyang-buhay ni Aphrodite si
Galatea?  Kapistahan ng diyosang si Aphrodite,
nagtungo si Pygmalion sa templo
upang idalangin na sana magkaroon
siya ng kasintahan katulad na katulad ni
Galatea. Para maipamulat kay
Pygmalion ang tunay na kahulugan ng
pagmamahal sa isang babae.

5. Paano ipinakita ni Pygmalion at Galatea


ang pasasalamat kay Aphrodite?  Bilang pasasalamat, taon-taon
nagpupunta ang pamilya ni Pygmalion
sa temple upang mag-alay na
panalangin.
 Magaling!

Ngayon ay nasagot na ang katanungang


gumigimbal sa isip ng aking kaibigan. Siya ay
lubos na natutuwa sapagkat siya ay natulungan
ninyo.
Ngunit may humahabol na katanungan ang
aking kaibigan.

Abstraksyon:
Kung ikaw ay nasa tamang edad na, paano
mo kikilalanin ang isang tao na may tunay at
wagas na pag-ibig? Ano-ano ang maaring gawin
ng isang tao upang mapatunayang malinis at
wagas ang kanyang pag-ibig?  Iba’t-ibang kasagutan.

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-


loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni
mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-
uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o
mapagtanim sa kapwa. Hindi niya ikinatutuwa
ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang
katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad,
mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis
hanggang wakas.
1 Corinto 13:4-7

Ang tunay na pag-ibig ay handang


magsakripisyo, kailangan ng pagtutulungan
upang mapagtagumpayan.
Talagang masayang masaya ang aking
kaibigan sapagkat wala na siyang aalalahanin.
Dahil ito sa tulong ninyo. Pero ako’y
nalulungkot sapagkat magpapaalam na ating
kaibigan.
Paalam aking kaibigan. Hanggang sa
muli.
Ngayon naman ay dadako na tayo sa
pangkatang gawain. Ito ay naglalaman ng iba’t
ibang sitwasyon na inyong pag-aaralang mabuti.
Pero bago muna iyon mag-PUSO tsek muna
tayo.

P- apangkatin ang klase sa apat


U- nawaing mabuti ang mga iniatas na
gawain.
S- a pagtutulungan ng bawat isa, magandang
gawain ang kalalabasan
O- ras na para simulan ang mga gawaing
inaatas. Mayroon lamang kayong limang (5)
minuto para maisakatuparan ang inyong
mga gawain.

Aplikasyon

Pangkat 1

Bumuo ng isang islogan tungkol sa sitwasyong


nasa ibaba:
Umaabot mula apat hanggang anim na
oras ang tagal ng paggamit mo sa Internet at
computer o tablet araw-araw para sa pag-update
ng iyong social media account, paglalaro ng
video games, panonood ng mga video sa
YouTube, at iba pa. Lagi ka tuloy puyat at
kapansin-pansin ang kawalan mo ng sigla kapag
nasa paaralan ka. Paano mo maipapakita ang
pagmamahal mo sa sarili sa sitwasyong ito?

Pangkat 2

Gumawa ng isang POSTER na naglalarawan


sa sitwasyong ito;
Ugali mong tumambay muna sa
paaralan at makipagkuwentuhan sa iyong mga
kaibigan pagkatapos ng klase. Subalit alam
mong ang iyong nanay na pagod din mula sa
trabaho ay nangangailangan ng tulong sa
paghahanda ng inyong hapunan at iba pang
gawain sa bahay. Paano mo maipakikita ang
pagmamahal mo sa pamilya sa sitwasyong ito?

Pangkat 3
Lumikha ng isang tula na may kaugnayan sa
kaibigan
Dalawa (2) saknong na may tig-apat na
taludtod

Napansin mong lumalabis ang pagiging


palaasa ng iyong kaibigan. Pati pagkopya ng
notes ay hindi na niya ginagawa at umaasa na
lang sa iyong kinopya. Ang proyektong dapat
pagtutulungan ninyo ay ikaw na lang gumagawa.
Umaabot din siya sa pagkopya na lang ng iyong
sagot kapag may pagsusulit. Paano mo
maipakikita ang pagmamahal mo sa iyong
kaibigan sa sitwasyong ito?

Pangkat 4
Pagsasagawa ng maikling dula tungkol sa
sitwasyong ito.

Mas gusto mo ng anumang bagay na


imported kaysa sa mga bagay na gawang Pinoy.
Subalit alam mong ito ay may epekto sa ating
mga manggagawa at sa ekonomiya. Paano mo
maipapakita ang pagmamahal mo sa iyong
pamayanan o bansa sa sitwasyong ito?
Pangkalahatang Pamantayan

Mga Pamantayan Laang Pagtataya


Puntos ng Guro
Natugunan ang lahat 5
ng pangangailangan
sa pagbuo
Naipahayag nang 5
epektibo ang
mensahe sa nabuong
likha
Napakahusay at higit 5
pa sa inaasahan ang
elementong display
ng biswal
Malinis at maayos 5
ang kabuuan at
naging kawi-wili sa
mga
tumitingin/bumabasa
at tagapakinig
Kabuuan Puntos 20

Pamantayan sa Pagmamarka
5 – Napakahusay
4 – Mahusay
3 – Katamtaman
2 – Di-gaanong Mahusay
1 – Sadyang Di-mahusay
(Pagsasagawa ng gawain)

(Pagpapakita ng bawat grupo ng kani-kanilang


presentasyon)
Magbibigay ng komento ang guro.

Upang masukat kung lubusan


ninyong naunawaan ang paksang ating
tinalakay, mayroon akong inihandang
isang pagsubok. Ang kailangan lamang gawin ay
basahin at sagutin ang mga
katanungan.

IV. Pagtataya
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga
pangyayari sa bawat bilang. Lagyan
ng titik A hanggang E. Isulat ang
sagot sa kanang bahagi ng sagutang
papel.

____1. Lahat ng oras ay iginugol niya rito upang


mas lalong mapaganda.
____2. May isang binatang eskultor ang
naglililok ng pigura ng isang tao na
kakikitaan ng mga katangian gusto niya
sa isang babae.
____3. Dininig ni Aphrodite ang kahilingan ng
bina at ang babaeng kanyang nililok ay
naging isang tunaya na tao.
____4. Minahal ng lubusan ni Pygmalion si
Galatea at sila ay nagpakasal,
pinagkalooban sila ng mga anak.
____5. Nagpunta siya ng templo upang
ipinanalangin na magkaroon siya ng
kasintahang katulad na katulad ng
kanyang nililok.

Susi sa Pagwawasto
1. B
2. A
3. E
4. D
5. C

V. Takdang-Aralin
Panuto: Bumuo ng isang sanaysay
na nagpapakita ng pagmamahal sa
daigdig batay sa inilahad na
sitwasyon sa ibaba. Sundin ang
itinakdang pamantayan.

Ang buong daigdig ay patuloy na


nakararanasa ng malalaking kalamidad sanhi ng
lumalalang epekto ng global warming. Ang
bawat isa sa atin ay may ginagawang
nagpapalala sa sitwasyong ito. Ano-ano ang
magagawa mo at ng iyong pamilya upang
maipakita ang pagmamahal mo sa daigdig sa
kalagayan niyang ito?

Mga Pamantayan 4 3 2 1
Kompletong naipahayag ang
mahalagang impormasyon sa
pagsasalaysay.
Nahubog nang mahusay ang
bawat hakbang sa
pagsasalaysay.
Nailarawan ang esksaktong at
tiyak na pangyayari.
Nakapupukaw ng interes ang
panimula at wakas.
Wasto ang pagkakagamit ng
malaking titik, bantas, at
gramatika ng wika.

Pamantayan sa Pagmamarka:
4- Napakagaling 2 -Katamtaman
3- Magaling 1 –Kailangan pa ng pagsasanay

Intepretasyon sa Kabuuang Marka:

20-17 - Napakagaling 12-9 - Katamtaman


16-13 Magaling 8-0–Kailangan pa ng pagsasanay

Inihanda ni:
_________________________
CHRISTIAN C. DE CASTRO

You might also like