You are on page 1of 5

ARALIN 4

BUHAY NI RIZAL: MATAAS NA EDUKASYON AT BUHAY SA IBANG BANSA

PAKSA
1. Mataas na Edukasyon
2. Buhay ni Rizal sa ibang bansa

INAASAHANG MATUTUTUHAN
Ang mga sumusonod ay ang mga resuLta ng pag-aaral na inaasahan
mong makamit sa pagtatapos ng aralin:

1. Naipaliliwanag ang mabuting kaisipang isinusulong ng Propaganda


Movement
2. Natataya ang kaugnayan ni Rizal sa iba pang Propagandista
3. Nasusuri ang paglago ni Rizal bilang Propagandista

PAKSA 1: MATAAS NA EDUKASYON

Marso 23, 1876 - Ateneo Municipal de Manila, nag aral si Rizal ng Batsilyer en
Artes at notang Sobrasiliente at Batsilyer sa Agham

1877- Unibersidad ng Santo Tomas at Unibersidad Central de Madrid

1885- Medisina at pilosopiya

1884 - nagsimulang mag-aral ng Ingles, Latin, Griyego. Nagtungo din siya sa


Paris, France at Heidelberg at Germany
PAKSA 2: BUHAY SA IBANG BANSA

EUROPA
Ang lihim na pag- alis ni Rizal

Paciano- nagplano sa pag-alis ni Rizal para magtungo sa Europa.


Antonio Rivera- ang ama ni Leonor Rivera na kumuha ng pasaporte ni Rizal
patungo ng Espanya.
Jose Mercado- ang ginamit na pangalan ni Rizal sa kaniyang lihim na pag alis
patungo Espanya.
SINGAPORE
Mayo 8, 1882, kasabay ng barkong Salvador, nagtungo siya sa Singapore.
Nagparehistro siya sa Hotel dela Paz. Dalawang araw na saglit na namalagi si Rizal sa
Singapore.

Mga lugar na kaniyang pinuntahan:


1. Harding Botaniko
2. Distribong Pamilihan
3. Templong Budista
4. Estatwa ni Thomas Standford Raffles

Colombo, CEYLON (Sri lanka)

Sakay ng barkong Djemnah, nagtungo siya sa Colombo, punong lungsod ng


Ceylon noong Mayo 18, 1882. Hinangaan ni Rizal ang Colombo dahil sa magandang lugar
dito. Buhat sa Colombo, tumawid ng Karagatang India patungong Guardafui Africa.
Marsielles, Pransya
Nang gabi ng ika-12 ng Hunyo 1882, dumaong ng Pranses sa Marsielles.
Pinuntahan niya ang tanyag na lugar na Chatae D’ff kung saan ikinulong si Dantes sa
kaniyang paboritong nobela na Monte Cristo.

Barcelona, Espanya
Narating ni Rizal ang Espanya noong Hunyo 16, 1882 lulan ng tren mula
Marseilles, Pransya. Malugod na tinanggap si Rizal ng mga ilan niyang kamag-aral niya
noon sa Ateneo.
Madrid, Espanya
Sumapi si Rizal sa Circulo Hispano- Filipino at Masonic Lodge Acasia at sinimulan
niya isulat ang nobelang Noli Me Tangere. Dito tinapos niya ang kursong Medisina sa
Universidad Central de Madrid noong Hunyo 21, 1884. Ngunit dahil sa hindi niya naipasa
ang kanyang thesis at hindi nakabayad ng karampatan para sa kursong tinapos, hindi
siya nabigyan ng diploma. Nang sumunod na taon ay natapos niya ang kursong
Pilosopiya.

Leipzig, Alemanya
Lulan ng tren binisita ni Rizal ang ilang lungsod sa Alemanya Agosto 14, 1886

Berlin, Alemanya
Noong Nobyembre 1, 1886, narating niya ang Berlin kung saan siya tinanggap ng
Sirkulo Siyentipiko. Dito niya pinaghusayan ang kaalaman sa optalmohiya sa tulong ng
ilang mga kaibigan. Namuhay si Rizal sa kahirapan. Siya siya ay nagutom, nagkasakit
ngunit hindi ito naging hadlang upang mailathala ang kaniyang nobelang Noli Me
Tangere noong Pebrero 21, 1887.

Paris, Pransya
Pumasok siya bilang isang katulong sa kilalang mangagamot doon na si Dr. Louis
de Wrecket na malaki ang naitulong sa kaniya sa pagkadalubhasa sa paggamot ng mga
mata. Tumungo siya sa Paris upang ipagpatuloy ang pagdadalubhasa sa paggamot ng
mga mata sa tulong ng isang tanyag na manggagamot na si Dr. Wrecket.

Leitmeritz, Bohemia

Mayo 13, 1887, dumating ang tren sa estasyon ng Leimeritz kung saan
nagiistay si Prop, Ferdinand Blumentritt. Sinasabi na magaganda ang mga alaala ni
Rizal sa lugar na ito.

Switzerland
Magkasama si Rizal at si Viola noong Hunyo 2-3, 1887 sa pagbisita sa
Schaffhausen na itinuturing na isa sa kaakit-akit na lugar sa nasyon ng Alpine.
Pagkatapos ay kinakailangan magbalik ni Viola ng Barcelona at si Rizal ay nagpatuloy sa
kanyang paglalakbay.
ITALY
Sa Italy pinuntahan ni Rizal ang lugar ng Turin, Milan, Venice at Florence. Noong
Hunyo 27, 1887 tinungo niya naman ang Roma. Makalipas ang isang linggong
pamamasyal sa Roma ay umuwi na ito muli sa Pilipinas.

Ikalawang Paglalakbay ni Rizal

HONGKONG
Pebrero 3, 1888- sumakay sa barkong Zafiro patungo ng Hong Kong at nakarating
sa Amoy China noong Pebrero 7, 1888. Victoria Hotel ang tinuluyan sa pagdating niya at
malugod siyang binate ng kaniyang kaibigan na si Jose Maria Basa at ng mga
naninirahang Pilipino. Jose Maria- isang abogado na tumakas sa Marianas at
nakararanas ng terrorismo sa Espanya ng 1872. Jose Sainz de Veranda- dating kalihim
ng gobernador heneral na sumusubaybay kay Rizal.

Yokohama, Japan
Pebrero 28, 1888 dumating si Rizal sa Yokohama at tumigil sa Hotel Grande.

Tokyo, Japan
Nagtungo rin siya sa Tokyo at binisita siya ni Juan Perez Caballero, kalihim ng
Legasyong Espanyol. Marso 15, 1888 nakilala niya si Seiko Usui (O-Sei-San) na
kaniyang naging kasintahan.

Estados Unidos
Abril 26- Mayo 8, 1888 dumaong ang barkong Belgin sa San Francisco at nakita
niya ang Amerika sa unang pagkakataon. Mayo 8, 1888 nagsimulang maglakbay si Rizal
sa iba’t ibang sulok ng Estados Unidos. Mula sa New York, tumulak siya patungong
Inglatera, sakay ng barkong City of Rome. (London Inglatera)

Barcelona at Madrid
(Espanya)
Disyembre 11, 1888 nagpunta si Rizal sa Barcelona at Madrid upang makipag-
ugnayan sa mga Pilipino doon tungkol sa mga gawaing propaganda para sa Reporma ng
Pilipinas. Pebrero 15, 1889 itinatag ni Graciano Lopez Jaena ang pahayagang “La
Solidaridad” kung saan ang naging patnugot dito si Marcelo H. Del Pilar.
Brussels, Belgika
Enero 28, 1890 dahil sa magastos ang pamumuhay sa Paris at
balakid na kasiyahan ng lungsod sa pagsusulat ng El Filibusterismo,
nilisan niya ang Paris patungong Brussels, kabesera ng Belgika. Naging
abala si Rizal sa pagsusulat ng El Flibusterismo at ang pagpapadala ng
mga artikulo sa La Solidaridad.

You might also like