You are on page 1of 4

UNANG PAGLALAKBAY NI RIZAL

Matapos ang ikaapat na taon ng pag-aaral ng medisina sa Unibesidad ng Pilipinas,


nagdesisyon si Rizal na ipagpatuloy ang pag-aaral sa Espanya. Kadakip nito ng pag-aaral, bitbit
ni Rizal ang sikretong misyon na pag-aralan ang kultura at pamumuhay ng mga espanyol. Lihim
ang kanyang pag-alis kung saan ginamit niya ang pangalan ng kanyang pinsan na si Jose
Mercado ng Biñan.

Mga pinuntahang bansa ni Rizal:

Mayo 8, 1882
Singapore
Makalipas ang limang-araw na paglalakbay, nakarating ang Salvadora sa Singapore noong May
9, 1882. Tumuloy si RIZAL sa Hotel de La Paz sa dalawang araw na sandaling pamamalagi
niya sa Singapore. Sa singapore, sumakay si RIZAL sa Djemnah, isang bapor ng Pranses na
naglalayag patungong Europa.
Isang linggo matapos na siya ay umalis sa Singapore, dumating ang bapor sa Point de Galle. Si
RIZAL, kasama ang iba pang pasahero ay pumunta sa dalampasigan para magliwaliw. Ng
umaga ng MAYO 18, ang bapor ay dumaong sa Colombo, Ceylon.

BARCELONA
Sa Marseilles, sumakay si Rizal ng tren papuntang Espanya. Tumawid siya sa
Pyrenees at tumigil ng isang araw hanggang bayan ng Port Bou. Nakarating siya noong
Hunyo 15, 1882.

Nasiyahan siya sa pamamasyal sa kahabaan ng Las Ramblas, ang tanyag na kalye ng


Barcelona. Ang mga Pilipino sa Barcelona, ang ilan sa mga ito ay kamag-aral niya sa
Ateneo, ang mga sumalubong kay Rizal, binigyan nila si Rizal ng isang salu-salo sa
kanilang paboritong restawran sa Plaza de Cataluna.

Oktubre 1885
Paris
Matapos ang maikling panahong pagaaral sa Universidad ng Madrid, at isa ng
manggagamot ay nag desisyong tumungo si Rizal sa Paris at Alemanya upang
magpakadalubhasa sa panggagamot sa mata.

Pebrero 3, 1886
Heidelberg (lungsod ng mga mag-aaral at ng industriya)
narating niya ang Heidelberg, makakasaysayang lungsod na Alemanya, at kilalang-
kilala ito sa makalumang Universidad at kaakit-akit na lugar.
Oktubre 29, 1886
Berlin
nang narating niya ang Berlin. Nakipag-ugnayan sa mga magagaling na taong agham.
Sa unang pagkakataon nakapanayam niya si Dr. Feodor Jagor, isang bantog na maka-
agham na Aleman, manlalakbay at may akda ng Ang paglalakbay sa Pilipinas. Dr.
Feodor Jagor

Pebrero 22, 1888


Hapon
Nalaman ang kulutura ng mga Hapon lalo na ang wika ng mga ito. Umibig kay O Sei
Keio.

Mayo 25, 1888


Londres
Inanyayahan ni Dr. Rost na sumulat sa Trubner’s Record Nag-aral tungkol sa
kasaysayan ng Pilipinas lalo na ang dahilan kung bakit mababa ang tingin ng mga
Kastila sa mga Pilipino. Setyembre 1888- Paris Hinanap ang Bibliothique Nationale.
Disyembre 11, 1888- Espanya Kinamusta ang mga kababayan. Disyembre 23, 1888-
Londres Naakit kay Gertrude, anak ng may-ari ng kanyang inuupahang bahay Nililok
ang tatlong ulo ng magkakapatid na Beckett. Marso 1889- Paris Nagsasaliksik pa rin
tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas Nag-iskrima sa isang himnasyo Nagplano na
magtayo ng eskwelahan para sa mga lalaking Pilipino.

You might also like