Professional Documents
Culture Documents
Fort Santiago
Fort Santiago
HIST 1023
BS Architecture V-Irr September 12, 2018
SULYAP SA NAKARAAN:
PAGBISITA SA FORT SANTIAGO
Pigura 1-5. Mga piling natatanging destinasyon sa loob at labas ng Fort Santiago. Sa dakong kaliwa ay
ang pwerta papasok sa loob ng balwarte; ang nasa dakong kanang itaas ay ang parke kuha mula sa
perspektibo ng nanggagaling sa balwarte; samantalang ang natitirang tatlo sa kanang ilalim ay mga muhon
sa loob ng Fort Santiago.
Bilang mananaliksik, ang aking paglalakbay patungo sa Fort Santiago ay lubhang patunay
na ang bawat lugar ay may itinatagong kwento. Bagama’t nakalipas na, ang preserbasyon nito
ay nagmistulang paalala sa kung anong naghubog ng ating kasalukuyan. Kasalukuyang malaya.
Ang historya ng Pilipinas ay nabuo gamit ang dugo, rebolusyon, at hinagpis. Sinasalamin
ito ng Fort Santiago ng may mapanlinlang kagandahan at palabirong pamamaraan. Nakatanim
sa ilalim ng kahanga-hangang likha ng historikal na preserbasyong ito ang mga labi ng mga
sundalong labis na pinagmalupitan ng mga mananakop. Madetalyeng nakapaloob din dito ang
mga pinagdaanan ng ating pambansang bayani bago sya mahatulan ng kamatayan. Noong
panahong natutuklasan ko ito, animo’y isang kasalanan o kawalang-galang ang maging maligaya.
Di na nakakagulat na umuwi akong mulat, marahil ay nasama na din sa mga namatay sa
lugar na iyon ang nakaraang ako na walang malay. At kung sakaling iyon man ang layunin ng
mga historikal na destinasyong kagaya nito, na ang imulat ang tao sa kabalintunaan ng nakaraan
at kasalukuyan, lubos nila itong napagtagumpayan. Higit pa dito, naengganyo akong hanapin
muli ang gantong karanasan.
Pigura 6. Mga makabuluhang kaganapan sa buhay ni Rizal na nakapaskil sa pader ng museo sa loob ng
Fort Santiago.
1869 Isinulat nya ang ang tulang “Sa Aking Mga Kababata” sa edad na walo
lamang.
1871 Ikinulong si Teodora Alonzo sa salang pakikipagtulungan sa kanyang
kapatid na si Jose Alberto na lasunin ang asawa nito. Siya ay nakulong sa
loob ng dalawa at kalahating taon.
17 Pebrero 1872 Binitay ang mga paring GomBurZa sa pagkakasangkot nila sap ag-aaklas
sa Cavite na pinamumunuan ni Francisco Lamadrid.
20 Agosto 1882 Inilathala ng Diariong Tagalog ang unang sanaysay ni Rizal na El Amor
Patrio sa alyas na Laong Laan o “Laging Handa”.
22 Abril 1886 Isinulat ni Rizal ang tulang “A Las Flores de Heidelberg” (To the Flowers of
Heidelberg)
31 Hulyo 1886 Nakipagpalitan si Rizal ng sulat kay Blumentritt matapos ang bakasyon nito
sa Wilhelmfeld dahil sa interest ni Blumentitt sa etnolohiya at lenggwahe
ng Pilipino.
Agosto 1886 Sa Leipzig, kinaibigan ni Rizal ang dalawang doktor na sina Friedrich
Ratzel at Hans Meyer bago sya tumungo sa Berlin.
14 Oktubre 1886 Isinalin ni Rizal ang mga akda ni Hans Christian Andersen sa wikang
Tagalog para sa kanyang mga pamangkin.
21 Marso 1887 Naimprenta ni Rizal ang Noli Me Tangere sa Berlin, Germany, isang buwan
matapos nyang maisulat ito sa Heidelberg, Germany
5 Agosto 1887 Bumalik si Rizal sa Pilipinas mula sa Europa upang pumunta ng Calamba
at asikasuhin ang kaso sa pagkamkam ng lupa.
Mayo 1888 Kinopya ni Rizal ang Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio de Morga sa
Museo ng Britanya sa London.
Pebrero 1889 Itinatag ni Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad, isang linggo bago
isinulat ni Rizal ang “Liham sa mga Dalaga ng Malolos”.
20 Hulyo 1890 Sinabihan ni Rizal si Blumentritt na natalo ang kanyang pamilya at ang mga
magsasaka ng Calamba sa kasong pangangamkam ng lupa laban sa mga
prayleng Dominikano
15 Nobyembre 1890 Naging Punong Mason si Rizal sa lohiya ng Solidaridad at ginamit ang
pangalang Dimas-Alang.
7 Marso 1892 Nagtungo si Rizal lulan ng barkong Menon para magtatag ng isang
kolonyang Pilipino sa Hilagang Borneo
6 Hulyo 1892 Dinakip at kinulong si Rizal sa Fort Santiago, isang araw bago itatag ni
Andres Bonifacio ang Katipunan
21 Setyembre 1892 Dumaong ang barkong koreong Butuan para ibalita ang pagkapanalo ni
Rizal sa loterya.
Natapos ang pagbubuod ng buhay ni Rizal hanggang Hulyo 1896 ayon sa nakapaskil na
mga impormasyon sa pader at ipinagpatuloy ito ng mas madetalye sa susunod na eksibit ng
talambuhay ni Rizal mula Hulyo 1896 hanggang sa sya ay barilin sa Bagumbayan na nakaayon
sa disenyong kronolohikal na timeline.
Noong Agosto 6, 1896, hindi pinayagang makapasok ng
Maynila si Rizal at sya ay inilipat sa awtoridad sa “Castilla cruiser”
kung saan sya ay naghintay ng karagdagang utos. Binalak ng
isang grupo ng mga Katipunero na palayain si Rizal sa kamay ng
Castilla upang sya ay dalhin sa Tokyo ngunit ito ay tinanggihan
nya lamang.
Nasa Port Said, Egypt na ang barkong sinasakyan nila Rizal nang makatanggap ito ng
telegramang nag-uutos ng aresto ni Rizal. Kaya’t nung ito ay dumaong sa Barcelona, Spain, ang
barkong lulan si Rizal ay sumailalim sa tatlong araw na kwarantiyang nagsimula ng Oktubre 3,
1896. Pagkatapos ng kwarantiya ay ipiniit si Rizal sa Kastilyo ng Montjuich ng alas-kwatro ng
umaga kung saan sya ay naghintay ng kalahating araw bago mailipat sa S.S Colon, ang barkong
mag-uuwi sa kanya sa Maynila. Ngunit ang mga kaibigan ni Rizal sa London na sina Antonio
Ma.Rigidor at Sixto Lopez ay kumuha ng abogado at naghain ng writ of habeas corpus sa oras
na dumaong ang barkong sinasaksyan ni Rizal sa Singapore. Ang isinampang panukala ay
naglalayong mabigyang katarungan ang akusasyon kay Rizal sa pag-asang mapalaya sya mula
sa pagkakadakip. Sa kasamaang palad, ito ay ipinagkait ng korte ng Singapore.
4:30 am Kumain si Rizal ng almusal kasama sina Padre Vicente Balaguer na syang
nagpatunay ng reduksyon ni Rizal, Padre Jose Vilaclara, at Kapitan Rafael
Dominguez. Matapos nito ay nagbihis na si Rizal.
5:30 am Dinalaw sya ni Josephine Bracken at ng
kapatid ni Rizal na si Lucia sa huling
pagkakataon.
6:25 am Nilisan nya ang piitan at naglakad Pigura 10. Ang huling handog
patungong Bagumbayan, ni Jose Rizal kay Josephine
Bracken bago ito pumanaw.
7:03 am Binitay si Rizal sa Bagumbayan.