You are on page 1of 2

04.

17 9:30 PM
MGA KAGANAPAN SA BUHAY NI RIZAL

Kapanganakan ni Rizal
June 19, 1861
SI Rizal ay isinilang sa Calamba, Laguna.

Pagbinyag kay Rizal


June 20, 1861
Si Rizal ay bininyagan sa Calamba, Laguna. Ang nagbinyag sa
kanya ay si Padre Rufino Collantes at si Padre Pedro Casañas
ang kanyang naging ninong.

Unang Guro ni Rizal


1864
Noong siya'y tatlong taong gulang, tinuruan siya ng kanyang
ina ng abakada at nang siya'y siyam na taong gulang na ay
pinadala siya sa Biñan at nag-aral sa ilalim ni Justiniano
Aquino Cruz.

Pag-aaral ni Rizal sa Ateneo Municipal de Manila


January 20, 1872
Pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila dito siya
nagtamo ng kanyang pangunahing medalya at notang
Sobrasaliente sa lahat ng aklat.

Mga Karangalang nakuha ni Rizal


March 14, 1877
Si Rizal ay tumanggap ng katibayang Bachiler en Artes at
notang Sobrasaliente kalakip ang pinakamataas na karangalan.

Pag-aaral ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas at Atenco


1878
Nag-aral siya ng Filosopia Y Letras sa Unibersidad ng Santo
Tomas at Agham sa pagsasaka sa Atenco. Sa Atenco din siya
nag-aral ng panggagamot.

Paglalakbay ni Rizal patungong Europa


May 5, 1882
Siya ay nagtungo sa Europa sa gulang na 21 upang
magpatuloy ng pag-aaral sapagkat hindi siya nasisiyahan sa
pagtuturo sa eskwelang pinapasukan.

Pag-aaral ni Rizal ng Ingles


1884
Nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles.

Pagsulat ni Rizal ng Noli Me Tangere


1884 - 1885
Magtatapos ang 1884 at magsisimula ang 1885 nang sinulat ni
Rizal ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid.

Paglimbag ng El Filibusterismo
1891
Ipinalimbag sa Grante Belhika ang kasunod na aklat ng Noli
Me Tangere na El Filibusterismo.

Pagtatag ni Rizal ng La Liga Filipina


June 3, 1892
Itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. isang kapisanan na ang
lihim na pakay ay ang pagbabago ng lakad ng pamahalaan ng
Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at di
paghihimagsik.

Pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas


June 26, 1892
Si Rizal ay bumalik sa Pilipinas.

Pagpapalathala ng Dahilan sa Pagdadakip kay Rizal


July 7, 1892
Alinsunod sa kautusan ni Kapitan Heneral Despujol,
ipinalathala sa Gazette ang mga dahilan sa pagdadakip kay
Rizal.

Pagpapatapon kay Rizal


July 15, 1892
Pagkatapos ng walong araw, ika-15 ng buwan na iyon ay
ipinatapon si Rizal sa Mindanao. Si Kapitan Heneral Blanco
ang nagpatotoo sa mga kakayahan ni Rizal na kailanma'y di
siya nakilahok sa mga pag-aalsang nangyari sa Pilipinas at
dahil dito, humiling si Rizal na makapaglingkod sa mga
pagamutan sa Cuba,

Paghuli kay Rizal


1896
Magtatapos ang 1896, hinuli si Rizal sa kinalulunang bapor
habang naglalakbay patungong Espanya at pagdating sa
Barcelona ay ibinalik sa Paris. Sa Real Fuersa De Santiago ay
piniit si Rizal nang siya'y dumating sa Maynila. Dito siya
hinarap sa hukumang militar at nilitis at nahatulang barilin sa
Bagong Bayan.

Pagkamatay ni Rizal
December 30, 1896
Binaril si Rizal sa edad na 35. Bago siya lumabas sa Fort
Santiago, ibinigay niya ang ilawang kinaroroonan ng kanyang
huling akdang pampanitikan kay Trinidad

Pagtatapos ng Paggawa ng Noli Me Tangere


February 21, 1887
Ang ikaapat na bahagi sa Paris at isa pang ikaapat na bahagi
ay isinulat sa Alemanya. Natapos niya ang Noli Me Tangere
noong ika-21 ng Pebrero, 1887. Dalawang libong kopya ang
kanyang naipagawa na nagkakahalaga ng tatlong daang piso.
Si Maximo Viola ang tumulong sa kanya at nagpahiram ng
tatlong daang piso.

Pag-alis ni Rizal patungong Europa


February 3, 1888
Si Rizal ay umalis sa Maynila upang magtungo sa Europa
dahil umiwas siya sa pagkagalit ng mga Kastila sa
pagkakalathala sa Mayila.

You might also like