You are on page 1of 2

Barcelona, Spain

• Sakay ng tren ay umalis si Rizal sa Marseilles at pumuntang Spain sa pamamagitan ng pagtawid sa Mt.
Pyrenees

• June 16, 1882- nakarating si Rizal sa Barcelona, Spain

• Bagamat marurumi ang mga paupahang bahay at suplado ang mga tao rito, natuklasan niyang malaya
at bukas ang puso ng mga ito

• Malugod na tinanggap ng mga Pilipino sa Barcelona si Rizal, ang ilan sa kanila ay kaniyang mga kaklase
sa Ateneo. Naghanda pa sila ng salu-salo.

• Isinulat niya rito ang isang makabayang sanaysay “Amor Patrio” (Pag-ibig sa Tinubuang Lupa), ang
unang artikulong isinulat niya sa Espanya.

• August 12, 1882- ipinadala niya ito sa Maynila upang ilathala sa Diariyong Tagalog. Ang kaniyang
ginamit na sagisag ay Laong-Laan. Isinalin ni Marcelo H. Del Pilar ang sanaysay ni Rizal sa Tagalog.

Madrid, Spain

• Habang nasa Barcelona si Rizal ay marami siyang natanggap na malulungkot na balita

• Pinayuhan siya ni Paciano na tapusin ang pag-aaral ng Medisina kaya nagtungo siya sa Madrid upang
mag-aral sa Universidad Central de Madrid

• 1882- pagdating sa Madrid ay sumapi si Rizal sa Circulo Hispano-Filipino. Dito ay hinilingan siya ng tula
“Mi Piden Versos” (Hinilingan Nila Ako ng Tula). Binigkas ito ni Rizal sa nasabing pagtitipon noong
bisperas ng Bagong Taon sa Madrid.

Maikling Pagdalaw sa Paris at Spain

• September 1888- binisita ni Rizal ang Paris sa loob lamang ng isang linggo para sa ilang gamit
pangkasaysayan sa Bibliothèque Nationale (Pambansang Aklatan) sa Paris

• Malugod siyang tinaggap ng mag-asawang Juan Luna at Paz Pardo de Tavera

• December 11, 1888- pumunta si Rizal sa Madrid at Barcelona upang makipag-ugnayan sa mga Pilipino
doon tungkol sa mga gawaing propaganda para sa reporma ng Pilipinas

Muling Paglalakbay ni Rizal sa Paris

• Dahil sa Eksposisyong Unibersal ng 1889, dumami ang mga turistang bumibisita sa Paris kaya’t lalo ring
tumaas ang mga upa ng hotel

• Nahirapan maghanap si Rizal ng matitirahan hanggang sa nakakuha siya ng isang maliit na silid.
Mayroon siyang kasamang dalawang Pilipino rito.
• Masaya ang buhay niya sa Paris at ginawa niyang makabuluhan ito. Madalas siya sa Bibliothèque
Nationale

• Naging ninong si Rizal sa pangalawang anak nina Luna at de Tavera

• Isa sa mga itinanghal sa Eksposisyong Unibersal sa Paris para sa pandaigdigang paligsahan sa sining ay
nilahukan nina Felix Hidalgo, Juan Luna, Pardo de Tavera at Rizal. Nanalo ng 2 nd place ang ipininta ni
Hidalgo, 3rd place naman ang kina Juan Luna at de Tavera. Ang inilahok na busto na iminodelo ni Rizal ay
hindi nanalo.

• March 19, 1889- itinatag ni Rizal ang Samahang Kidlat. Sumunod niyang itinatag ang Indios Bravos at
ang Redencion de los Malayos (RDLSM) (Redemption of the Malays)

• Isinulat ni Rizal ang “Por Telepono” isang satiriko laban kay Padre Labrador Font na siyang pasimuno sa
pagbabawal ngNoli Me Tangere sa Pilipinas. Ginamit dito ni Rizal ang sagisag na Dimas-alang.

• Nailathala sa La Solidaridad and kaniyang dalawang sanaysay: “Filipinas dentro de cien años” (Ang
Pilipinas sa Darating na Sandaang Taon) at “Sobre la indolencia de los filipinos” (Ang Tungkol sa
Katamaran ng mga Pilipino)

You might also like