You are on page 1of 3

Naples at Marseilles. Mula port Said, nagpatuloy ang Djemnah sa pag lalakbay pa- Europa.

Noong hunyo 11, narating ni Rizal ang Naples. Napansin niya


ang pagiging abala ng lungsod sa komersiyo, masisiglang tagarito, at magagandang tanawin nito. Humanga siya sa ganda ng bundok Vesuvius, at iba pang
makasaysayang lugar ng lungsod.
Noong gabi ng hunyo 12, dumaong ang barko sa Pranses na daungan ng Marseilles. Pagkaraang magpaalam sa mga kapwa pasahero, bumaba ng barko si
Rizal, Dinalaw niya ang kilalang Chateau d’if,na siyang lugar na binaggit ni Alexander Dumas sakaniyang nobelang Count of Monte Cristo. Tumigil siya ng
dalawa’t kalahating araw sa Marseilles.
Barcelona. Noong hapon ng hunyo 15, umalis ng Marseilles si rizal lulan ng tren patungong espanya. Tinawid niya ang Pyrenees at tumigil ng isang araw sa
bayang ito ng Port Bou. Napansin niya ang pagwawalang bahala sa mga turista ng mga Espanyol na opisyal ng imigrasyon, na kabaligtaran ng pagiging
magalang ng mga pranses na opisyal.
Pagkaraang inspeksiyunin ang pasaporte sa Port Bou, nagpatuloy ang biyahe ni rizal sa daangbakal, hanggang sa marating ang kanyang patutunguhan-
Barcelona noong Hunyo 16, 1882.
Ang unang impresyon ni Rizal sa barcelona, ay hindi maganda. Naisip niyang hindi ito maganda, may maruruming maliliit na paupahang bahay, at supladong
mga naniniharahan. Ganito ang naging impresyon niya dahil pagdating niya ay tumuloy siya sa isang maruming paupahang bahay na nasa makitid na daan ng
‘ pinakapangit na bahagi ng bayan,’ at ang mga tauhan at panauhin ng bahay- paupahan ay ipinagsasawalang-bahala siya. Kinalaunan, nagbago ang pangit na
impresyon ni Rizal sa lungsod. Natuklasan niyang dakila nga itong lugar, na may atmospera ng kalayaan at liberalismo, at ang mga tao rito ay bukas ang
puso, mapagpatuloy, at matatapang. Libangan niyang maglakad sa Las Ramblas, ang pinakakilalang daan sa Barcelona.
‘Amor Patrio’. Sa maunlad na Baracelona, isinulat ni Rizal ang isang makabayang sanaysay na pinamagatang ‘Amor Patrio’(Pagmamahal sa Bayan). Ang
unang artikulong isinulat niya sa Espanya. Ipinadala niya ang artikulong ito sa kanyang kaibigan sa Maynila, si Basilio Teodoro Moran, tagapaglathala ng
Diariong Tagalog, unang pahayagan sa Maynila na nasa wikang Espanyol at tagalog.
Ang ‘Amor Partio,’ na nakasulat sa ilalim ng sigasig na pangalang laong laan ay lumabas sa diariong Tagalog noong Agosto 20, 1882. Ito ay nailathala sa
dalawang teksto- Espanyol at tagalog. Ang tekstong Espanyol ang siyang orihinal na isinulat ni Rizal sa Baracelona. Ang tektong Tagalog ay salin ni M.H. del
Pilar. Naligalig ng artikulo ang mga mambabasang Pilipino dahil sa pagiging makabayan ng sanaysay. Gaya ng sa kanyang ‘ Al Juventud Filipina,’ hinikayat
ni Rizal sa kanyang ‘Amor Patrio’ ang mga kababayan na mahalin ang lupang tinubuan.

Lumipat si Rizal sa Madrid. Sa isa niyang liham (Mayo 26, 1882), pinayuhan ni Paciano ang nakababatang kapatid na tapusin ang kursong medisina sa
Madrid. Pagsunod sa payo ng kapatid, nilisan ni Rizal ang Barcelona noong taglagas ng 1882 para manirahan sa Madrid, kabisera ng Espanya.
Buhay sa Madrid. Noong Nobyembre 3, 1882 nag- enrol si Rizal sa dalawang kurso Medisina at Pilosopiya at sulat sa Unibersidad Central de Madrid.
Bukod sa pag-aaral sa Unibersidad, nag-aaral din siya ng pagpinta at eskultura sa Akademya ng sining ng San Fernando; Kumuha siya ng mga pribadong
gurong magbibigay sa kanya ng mga aralin sa wikang Pranses,Aleman, at Ingles.
Nag buhay-Spartan si Rizal sa Madrid. Alam niyang nasa Espanya siya para mag-aral at ihanda ang sarili para mapaglingkuran ang lupang tinubuan. Kaya
natuto siyang mag badyet ng kanyang pera at oras.
Pakikipagkaibigan kay Consuelo Ortiga y Perez. Hindi guwapo si Rizal. Hindi rin naman matikas ang kanyang tindig, maliit lamang siya, ilang pulgada
lamang sa limang talampakan ang taas niya. Ngunit malakas ang karisma ni rizal dahil sa kanyang mga talento at pagiging maginoo, mga katangiang nakaakit
sa kababaihan. Hindi kataka-takang umibig sa kanya si Consuelo, ang mas maganda sa mga anak na babae ni don pablo.
Ngunit bago maging ganap ang kanilang pag-iibigan, lumayo si rizal dahil (1) may kasunduan na sila ni leonor Rivera at (2) ang kanyang kaibigan at kasama
sa kilusang Propaganda, si Eduardo de lete, ay umiibig kay Consuelo at hindi niya hangad na masira ang kanilang pagkakaibigan dahil lamang sa isang
magandang babae.
Hinilingan Nila Ako ng Berso. Noong 1882, Pagdating na pagdating sa madrid, sumapi si Rizal sa Circulo Hispano-Filipino, isang samahan ng mga
Espanyol at pilipino. Dahil nahilingan ng mga miyembro ng samahang ito, sumulat si Rizal ng isang tulang pinamagatang @MI Piden Versos’(Hinilingan
Nila Ako ng Berso) na itinula niya noong pagdiriwang ng mga Pilipino ng Bisperas ng Bagong Taon sa Madrid noong 1882. Sa malungkot na tulang ito,
ibinuhos niya ang paghihinagpis ng kanyang puso
Si Rizal na mahilig sa mga Libro. Paboritong libangan ni Rizal sa Madrid ang pagbabasa. Sa halip na magsugal at manligaw sa mga babae, gaya nang
ginagawa ng maraming pilipinong nasa Madrid, madalas na nasa bahay si Rizal at nagbabasa hanggang hatinggabi. Mula pagkabata’y talagang mahilig na
siyang magbasa.
Malaki ang naging epekto kay Rizal ng Uncle Tom’s Cabin ni Beecher Stowe at The Wandering Jew ni Eugene Sue. Ang dalawang aklat na ito ang lalong
gumising sa kanyang damdamin para sa mga naaping kababayan.
Unang Pagbisita ni Rizal sa Paris(1883). Nong bakasyon ng tag- araw sa Madrid. Nagtungo si Rizal sa Paris, tinaguriang masayang kabisera ng France.
Tumigil siya rito mula Hunyo 17 hanggang Agosto 20, 1883. Noong una , tumuloy siya sa Hotel de Paris sa 37 Rue de Maubange; Kinalaunan, lumipat siya
sa mas murang otel sa 124 Rue de Rennes sa bahaging Latino.
May nakatutuwang pangyayari habang nasa paris si Rizal, madalas siyang mapagkamalang Hapon ng mga Pranses. Ang presyo ng pagkain, inumin, tiket sa
teatro, paglalaba, pagtira sa otel, at transportasyon ay lubhang mataas para sa kanyang bulsa kaya nabanggit niya sa isang liham sa kanyang mag-anak. ‘ Ang
Paris ang pinakamahal na kabisera sa Europa.’
Si Rizal Bilang Mason. Sa Espanya, nakasalamuha ni Rizal ang mga kilalang Espanyol na liberal at republiko, na karamihan ay Mason.
Humanga si Rizal sa pamamaraan ng pagpapahayag at pagpuna ng mga Masong Espanyol sa mga patakaran ng pamahalaan at pagbatikos sa mga prayle, na
hindi magagawa sa Pilipinas. Sa tamang panahon, noong Marso 1883, sumapi siya sa lohiya ng Masonerya, ang Acacia, sa Madrid. Ang dahilan niya sa
pagiging Mason ay para makahingi ng tulong sa Masonerya sa pakikipaglaban sa mga prayle sa Pilipinas. Dahil ginagamit ng mga prayle ang relihiyong
katolisismo bilang kalasag nila sa pamamalagi sa kapangyarihan at yaman at sa pag-usig sa mga makabayang Pilipino, gagamitin naman ni Rizal ang
Masonerya na kalasag sa pakikipaglaban sa kanila.

You might also like