You are on page 1of 11

Sa Cape Guardafui

Nilampasan nila ang Cape Guardafui at kinabukasan ay sumapit sila sa Aden. Pagtuntong sa
lupang Afrikano naitala ni Rizal na napakainit sa lugar na ito na nangangailangan ng madilim na
salamin sa mata. Hindi pansin ang matinding sikat ng araw, inakyat parin ni Rizal ang gilid ng
bundok upang makita ang deposito ng tubig sa bayang iyon. Ang laki, lalim, at hugis nito ay
nagpagunita kay Rizal ng Inferno ni Dante. Ang mga naninirahan doon ay iba sa mga kolonyang
Asyatiko, maiitim at kulot na kulot ang buhok, hugis itlog ang mga mukha at may mapuputing
ngipin.

Patungong Suez

Hunyo 2, 1882 nang dumaong ang bapor Dyemnah sa Suez. Dumaan pa ito sa kwarentina na
tumagal ng 24 na oras bago pahintulutang makatuloy sa biyahe. Kailangang ma-inspeksyon at
madisinpekta ang lahat ng sasakyang nagdaraan sa Kanal Suez.

Hunyo 5,1882 samantalang naglalakbay sa Kanal Suez, ang bapor ay sumayad sa isang
mababang bahagi at kinakailangang huminto ng dalawang araw pa. Hunyo 7, nang sila'y
makatuloy at dumaong sa Port Said sa ganap na 1:35 ng hapon, Dahil sa walang masasakyan,
naglakad na lamang si Rizal para makapaglibot. Napuntahan nila ang Liwasang Lesseps.

Hunyo 11, dumating sila sa Naples at Sicily at kanilang nakita ang magandang kabayanan ng
Melitus. Napuntahan nila ang Strait of Messina. Natanaw nila ang kastilyo ng St. Telmo, Sa
Naples, ang mga pasahero ay nagkaroon ng isa't kalahating oras upang makapamasyal. Agad
pinuntahan ni Rizal ang opisina ng telegrapo upang ihulog ang mga sulat na ipanadala sa
kanya ng mga kasamahang pasahero. Humanga siya sa sementadong kalsada, magandang
plasa, mga gusali at rebulto.

Mula sa Naples ang bapor ay nagtuloy sa Marseilles, at tumagal ang biyahe ng 2 oras.
Nalungkot siya ng matanaw niya ang Pransya dahil sa nalalapit na pagkawalay ng kanyang
mga kaibigan na sina Zarob, Wilhemiene, Geretza, Caliene at Mulder na kapwa iba-iba ng
destinasyong pupuntahan.

Sa Marseilles

Kinaumagahan ng Martes, ika-13 ng hunyo, dumaong sa Marseilles ang Dyemnah, subalit


kinabukasan pa pinayagang makababa ang mga pasahero. Matapos magpaalam sa mga
kaibigan, nilibot ni Rizal ang Marseilles na ayon sa kanya, "Marahil pinakamatandang lunsod ng
kalakalan na maaaring mapuntahan."

Matapos makuha ang pahintulot ng adwana, si Rizal ay sumakay sa isang kotse na nagdala sa
kanya sa lunsod. Ipinasya niyang tumira sa Otel Noialles kung saan marami siyang naging
kaibigang Olandes na patungong Hague kinabukasan.
Nang umaga ring iyon, nakipagkita si Rizal kina G. Buil, Pardo, at Folgue upang anyayahan ang
mga ito sa chateau d' If’, pook na

kinabibilangan ng pangunahing tauhan ng nobelang Konde ng Monte Kristo, na binasa niya


noong nag-aaral pa siya sa Ateneo.

Pumunta siya a sa museo. Pagkatapos libutin ang museo I bumalik sa Otel, nakadama siya ng
pagkalungkot at tinangka niya muling lumabas siya dahil sa pangungulila na kanyang
nararamdaman.

Kinabukasan ginugolni Rizal ang buong maghapon sa piling nina G. at Gng. Salazar, G Buil at
G. Pardo. Di man sila namasyal ay napakarami nilang napag-usapang kung anu-ano.

Sa ikatlong araw sa Marseilles, inayos nila ang kanilang mga gamit at pagkatapos
mananghalian ay nagpaalam na sa isa't isa.

Sa Port Bou

Matapos ang 3 araw na pagtigil niya sa Marseilles, sa ganap na ika-5 ng hapon, si Rizal,
kasama sina Buil, at Pardo ay sumakay sa isang primera klaseng tren patungong Port Bou.
Huminto sila sa isang himpilan ng mga 30 minuto "Makalipas ang 6 na minuto nakita ko na
lamang na kumikilos ang tren papaalis at tinangka ko itong sundan Tumakbo ako ngunit di ko
na inabutan. Magpapatuloy pa sana ako sa paghabol kung di sinabi sa akin na muli itong
babalik. Ito'y lilipat lamang ng riles."

Mula sa Port Bou, sa hangganan ng España at Pransya, ang 3 ay nagtuloy sa Barcelona noong
ika-15 ng Hunyo, 1882 ngunit di nagtagal nagpaalam si Pardo kina Rizal at G.Buil pagkasundo
sa kanya ng kanyang kapatid Ang 2 ay nagtungo sa Fonda de España San Pablo na kanilang
titigilan

Ang mga palagay ni Rizal tungkol sa Barcelona ay di gaanong maganda. Nasanay siya sa
mararangyang gusali, lungsod at pook na kanyang nakita sa buong panahon ng kanyang
paglalakbay. Napansin din niya na ang mga tao ay parang di pansin ang kapwa tao. Marurumi
ang lansangan, at di maganda ang yari ng mga bahay. Ngunit inamin niya na higit na maganda
ang mga kababaihan dito kaysa sa Marseilles.

Si Rizal ay mahilig sa pagbabasa ng mga aklat. Ayon kay Wenceslao Retana ay nakabili si
Rizal ng mga aklat sa tindahan ni G. Antonio Roses. Ang mga aklat na ito ay ang mga
sumusunod: Obras Completas de Voltaire 9 tomos; Obras Completas de Claudio Bernard 16
tomos; Illustracion Iberica 1 tomo;Vida de los Animales 1 tomo; Obras de Boileau 2 tomos;
Felipe II 1 tomo; Cristomatia Arabiga 1 tomo; Gramatica Hebrea 1 tomo; Obra de Horacio 3
tomos; Entermedades de las vias Irinarias 1 tomo; Pi y Margal 1 tomo; Virtor Hugo 1 tomo;
Carasteres, de los Presidentes de los Estados Unidos; America Pintoresca; El Mundo Fisco;
Poesia Antigua, Es Austria; Pedr el Grande; Restoracion y Occidental; Revolucion de Inglatera;
Imperio Bizantino; Emperio Romano; Obras de Claudio Bernard; Gramatica Alemania; Biblica;
Los Cutro Reynos de la Naturaliza; at Obras de Horacia, Dumas at iba pa.

Sa mga katipunan ng aklat ni Rizal ay kabilang din ang Florante at Laura ni Francisco Balatgtas
na dala-dala niya sa kanyang paglalakbay sa ibang bansa.

Ang aklat na Uncle Tom's Cabin ni Beecher Stowe at ang The Wandering Jew ni Eugene Sue
ang nagtanim sa kanyang damdamin ng pagkaawa sa mga tauan nito dahil sa kanilang
kaapihan.

Buhay sa Espanya
Noong Hunyo 23, 1882 nagpadala si Rizal ng isang sulat para sa kanyang mga magulang at
kapatid na lalaki na naglalaman ng matinding pagkalungkot lalo na nang di niya matagpuan ang
mga taong inirekomenda sa kanya. At dahil sa dinami-rami ng mga gastusin niya sa
paglalakbay tanging 12 duro na lamang ang natira sa kanya.

Nang matagpuan niya ang mga paring Heswita agad siyang tinulungang makahanap ng
matitirhan at inirekomenda ng mga paring iyon ang isang bahay sa San Severo na sumisingil ng
pinakamurang bayad. Dall dali siyang umalis sa Otel na kanyang tinuluyan ng wala pang isang
oras, dahil sa kawalan ng karanasan naloko siya. Nagbayad siya ng higit sa dapat lamang
ibayad, natira na lamang sa kanya ay pitong duro. Sa paglipat niya sa kanyang tutuluyan sa
San Severo bigla niyang naalala ang kanilang bahay na ikinumpara niya na higit na disente
kaysa sa tutuluyan niya ngayon na ubod ng dilim at dumi ng buong kabahayan.

Noong unang araw niya sa Barcelona pagkatapos maghapunan ay napag-alaman niya may
isang Pilipinong nagngangalang Cuesta na doon din. nanunuluyan sa lugar nila ngunit nang
ipagtanong niya ito, nakaalis na raw ito.

Kinabukasan, napagpasyahan niyang maglakad-lakad upang makakita na rin ng ilang mga


kababayan. At nakakita nga siya sa ospital, isang kababayang naninirahan sa Tondo. Di
nagtagal nakita niya rin si Cuesta at ilan pang kapwa Pilipino. Nakahiram din siya ng pera sa
mga paring Heswita na ayaw naman siyang makikitang nagigipit. Sa kanyang paglilibot,
napagmasdan niya ang kagandahan ng paligid, mga mararangyang bahay at iba pa.

Nakalipat na rin siya sa isang mabuti-buting bahay sa Blg. 3, Colle de Sitjes kung saan
kinagiliwan siya ng kanilang kasera si Señora Silvestra na kung tawagin siya ay "Don Pepe."

Nagbago ang unang palagay niya sa Barcelona matapos ng kanyang matuklasan na dito'y may
lubos na kalayaan sa pagtitipun-tipon ang mga tao at malaya rin ang pamamahayag.

Nasiyahan ang kanyang mga kababayan lalo na ang mga galing Ateneo, na muling makasama
si Rizal. Hinandugan nila ito ng isang salu-salo sa Plaza de Cataluna at doon ay nagbalitaan
sila sa España ang mga mahahalagang pangyayari sa kasalukuyan, si Rizal naman ang
nagbalita sa kalagayan ng Pilipinas sa kasalukuyan.
Amor Patrio

Upang bigyang-daan ang kasabikan sa sariling bayan, si Rizal ay sumulat ng pinamagatang


Amor Pattio (Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Kauna unahang sinulat niya sa España). Ibinigay
niya kay Basilio Teodoro, isang kasapi ng patnugutan ng Diariong Tagalog, upang
pang-araw-araw na pahayagan na may seksyong Tagalog. Noong Agosto 20, 1882 inilathala sa
dalawang bersyon Tagalog at Kastila ang Amor Patrio sa ilalim ng pangalan niya sa panulat na
Laong-Laan, palaging handa. Ang salin sa Tagalog ay gawa ni Marcelo H. Del Pilar.

Ang pagkakalathala ng Amor Patrio ay nagbigay ng iba't ibang reaksyon, pagkat walang
alinlangan itong pumapaksa sa "Pilipinas Ang Tunay na Inang bayan ng mga Pilipino at hindi
ang España." Ang diwang ito ay una niyang binigyang-diin sa kanyang tulang A La Juventud
Filipina.

Ang patnugot ng Diariong Tagalog ay buong pusong bumati kay Rizal at nakiusap na palagian
na itong magsulat ng kanilang ilalathala.

Balita Mula sa Sariling Bayan

Si Rizal ay palagiang hinahatiran ni Paciano ng mga balita sa Pilipinas. Nasabi nga nito na ang
kanilang mga magulang lalo na ang kanilang ama ay labis na nag-aalala sa kinaroroonan ni
Rizal. Malimit itong umiiyak sa kanyang pag-iisa at napapayapa lamang ang kalooban matapos
na malaman ang tunay na kinaroroonan ng anak.

Sa panahong iyon uso ang sakit na kolera sa Kamaynilaan at sa ilang karatig na pook mula sa
Bulakan hanggang Kalamba. Kung saan libu-libo ang mga taong nangamatay pati simbaha't
paaralan ay puno ng mga maysakit Daan-daan din ang namatay na di man lamang
nabendisyunan at nailagay sa kabaong. Sa kabutihang palad, wala ni isa sa pamilya ni Rizal
ang nagkasakit ng kolera.

Samantala bilang tugon sa pakiusap ni Francisco Calvo, patnugot ng Diariong Tagalog, sumulat
siya ng ilan pang artikulo. Ang isa'y may pamagat na Los Viajes (Ang Paglalakbay). Ang ikatlo
naman ay ang artikulong pinamagatang Revista de Madrid (Pagbabalik Tanaw sa Madrid) na
sinulat niya noong Nobyembre 29, 1882 na ipinabalik din sa kanya sa dahilang nagsarado na
ang pahayagan

Sa isang sulat kay Paciano, ipinahiwatig niya ang kanyang pagnanais na ipagpatuloy ang
pag-aaral sa Barcelona. Ngunit siya'y pinayuhan na sa Madrid na magtungo. Alam ni Paciano
na ang pakay ni Rizal ay hindi lamang tapusin ang pag-aaral kung hindi asikasuhin ang mga
bagay na para sa kanya ay higit na mahalaga. Nabanggit ni Paciano na sa Barcelona higit na
maraming kilusan at higit na maganda ang paraan ng pagtuturo na alam niyang di naman
binalak ni Rizal na lumahok sa mga kiusan at lalo na sa mga trabaho. Para kay Rizal mas
maganda na kasama niya ang kanyang mga kababayan sapagkat mas nabibigyang-pansin niya
ang mga kakulangan sa Edukasyon doon.

Sinunod ni Rizal ang payo ng kanyang kapatid at siya nga ay nagtungo sa Madrid noon
kalagitnaan ng Setyembre. Nadama niya ang tungkuling moral na nakasalalay sa kanyang mga
balak na panatilihing buhay ang mga sulong tanglaw na mga kapus-palad niyang kababayan
upang higit itong pakinabangan. Naunawaan niyang kailangang sumulong, umunlad, mag-aral,
at matuto hindi para sa sariling kapakanan lamang kung hindi para na rin sa kapakanan ng
kanyang bayan

At noog ika-17 ng Hunyo, 1883 ay pinalipas ni Rizal ang kaniyang maikling bakasyon sa PARIS.
Ayon sa kanyang liham ay 36 na oras na nilakbay ng kanyang sinasakyang tren ang Madrid
patungo sa Paris. Ipinalalagay ng mga mananaliksik na sa paglalakbay na ito sumanib si Rizal
sa "Mason". Ang kanyang sagisag sa Mason ay Dimasalang. Mayroong dalawang dahilan ang
kaniyang pagsanib sa Mason, una dahil sa masasamang pari sa Pilipinas na tinatabingan ng
abito ang pagmamalabis at kasamaan; ikalawa nangangailangan si Rizal ng mga kasamahan
sa pakikipaglaban sa mga masasamang pari sa Pilipinas.

Sa panahong ito ay nadama ng mga taga-Calamba ang kahirapan ng kabuhayan. Matapos ng


may anim na buwang paglaganap ng salot na kolera sa bansa ay sinundan naman ng malakas
na bagyo na puminsala sa mga pananim sa mga lalawigan ng Laguna, Morong (Rizal), at
Batangas.

Sa mga pangyayaring iyon madalas na hindi nakapagpapadala si Paciano ng sustento kay


Rizal. Ipinagbili ni Paciano ang kabayo ni Rizal sa halagang dalawang daang piso (P 200.00) at
ipinadala sa kanya ang halaga sa Madrid. Ang kabayong iyon ayon kay Mariano Herbosa ay
pinakamataba sa mga kabayo sa buong Calamba.

Noong ika-21 ng Hunyo, 1884 ay natamo niya ang lisensiya sa panggagamot buhat sa
Pamantasang Sentral ng Madrid.

Noong ika-25 ng Hunyo, 1884 ay nagwagi si Rizal sa pagligsahan at nagtamo ng pinakamataas


na gantimpala sa wikang Griyego, nguni't sa araw na iyon ay gutom na gutom na siya sapagkat
wala siyang sukat makain at ni walang pera.

At nang ika-9 ng gabi, si Rizal ay kumain din sa piging na inihandog sa karangalan ng mga
pintor na sina Juan Luna at Resurrection Hildalgo sa pagwawagi nila sa pagguhit sa
Pambansang Ekposisyon sa pintura sa Madrid. Ang pintura ni Luna na "Spolarium" ay nagwagi
ng ikalawang gantimpala (medalyang pilak). Tinanggap agad ni Rizal ang anyayang maging
pangunahing tagapagsalita sa nagsabing salu-salo (matapos na tumanggi si Paternong
magtatalumpati). Sapagka't iyon ang pagkakataon niyang makakain ng hapunan.
Ang mga dumalo sa salu-salo sa restawran ng Ingles ay sina Labra, Correa, Nin, Tudo, Moret,
Aguillera, Mellado, Manuel de Azcarraga, mga Paterno (Pedro, Maximo at Antonio) Morayta at
iba pang tanyag na mga kastilang mamamahayag at artista.

Sa talumpati ni Rizal ay sinabi niyang ang panahon ng mga kasamaan sa Pilipinas ay lumilipas
na at ang lahing Pilipino na nahimbing sa gabi ng kasaysayan ay nagising dahil sa mga
kanluraning humihiling ng liwanag buhay at kalinangan.

Sinabi rin niyang ipinahahayag nina Luna at Hidalgo ang kaluluwa ng ating lipunan, ugali at
kabuhayang pampulitika sapagkat kung ang panulata hindi nagtatagumpay, ang pinsel at brotsa
ay hindi lamang magbibigay kagandahan sa paningin kung hindi malinaw na mang-aakit upang
bakati kaganmababang pagtingin, maling pananampalataya at kawalan ng katarungan

Inatake rin niya ang mga kastila na hindi naniniwalang ang katalinuhan ay pandaigdigan.
Pinapurihan niya sina Luna at Hidalgo, ang España, ang Pilipinas at mga magulang na ang mga
anak ay nasa Europa.

Matapos ang salu-salong iyon ay nakita ni Rizal na maraming Pilipino ang nahihilig sa pulitika
ng kanyang bayan at sumusulat ukol dito sa mga pahayagan. Dahil dito ay sinimulang ihanda ni
Rizal ang unang kabanata ng Noli Me Tangere.

Noong 1885 ay nakapagpalathala si Pedro Paterno ng katipunan ng mga tulang may pamagat
na Sampaguita at natapos niya ang nobelang Ninay. Ang nasabing nobela ayon sa kahilingan ni
Paterno ay nilagyan ng kaayusan sa anyo at istilo ni Rizal.

Noong Hunyo 19, 1885 ay nagtapos siya ng pag-aaral sa Medisina at Pilosopiya at panitikan sa
Pamantasang Sentral ng Madrid. Naipasa niyang lahat ang mga asignatura sa Medisina ngunit
hindi siya nag harap ng thesis at hindi niya nabayaran ang halagang kinakailangan sa
pagtatapos kaya't hindi siya pinagkalooban ng diploma sa pagka-doktor. Pagkatapos ng
kanyang pag aaral sa Madrid ay napagpasyahan niyang pumunta sa Paris at Alemanya upang
madagdagan ang kanyang kaalaman sa panggagamot sa mga sakit sa mata.

Noong Hulyo ng taong 1885, si Dr. Rizal na patungo sa Paris buhat sa Madrid ay nagdaan sa
Barcelona; buhat sa himpilan ng tren ay nagtuloy siya sa tirahan ni Maximo Viola sa daang
Vergara. Si Viola na kabilang sa mayayamang angkan na taga-San Miguel, Bulacan at
nag-aaral ng medisina ay kakilala ni Rizal sa pangalan lamang.

Tumigil si Rizal sa bahay ni Viola nang higit sa isang Linggo at sa panahong ito ay naging
kaibigan niya si G. Eusebio Corominas, patnugot ng arawang pahayagang "La Publicidad", na
pag-aari ni Don Miguel Morayta. iginuhit ni Rizal sa krayola si G. Morayta at nag-iwan din siya
ng burador ng isang lathalain tungkol sa suliranin ng Carolinas na paksa ng usapan ng
panahong iyon.
Napansin ni Viola ang ugali ni Rizal sa pagtulog noon ang pagsisindi ng isang kandilang
inilalagay sa ibabaw ng hapag na panggabi, pagbubukas ng isang aklat at pagkatapos ng mga
anim o sampung saglit. Ito ay ginagawa niya gabi-gabi. Nang usisain ni Viola kung siya'y
nagdarasal ng trisahiyo ο panalangin ay tinugon ni Rizal na siya'y nagsasaulo bago matulog ng
limang salitang-ugat ng wikang Aleman. At iyon ay pararamihin niya sa loob ng 365 na araw.

Dinalaw niya ang mga bantayog, mga bahay kalakal, kaibigan at mga pook libangan. Kabilang
sa mga ito ang mga bahay na tinitirahan ng mga kalapating mababa ang lipad. Ayon kay Viola
ang mga kaugalian, karangyaan, o karalitaan at iba pang kinagawian sa pagkasanay sa bisyo
ay hindi nakilala ni Rizal sa Madrid, subalit ninais ni Rizal na malaman ang lahat-lahat, sapagkat
bilang manunulat ay kinakailangan niyang bakahin ang bisyo sa iba't ibang anyo ng pagkalisya
sa kalikasan at kasamaan sa kalusugan.

Bago lumisan si Rizal patungo sa Paris ay binigyan siya ng isang salu- salo ng mga Pilipino sa
Barcelona. Ang tanging ulam ay pansit na niluto ng Pilipinong si Pedro Arcenas. Ang mga
nagsidalo ay sina Felix Roxas (Alkade ng Maynila), Pedro Arcenas, Candido Reyes, Rafael
Ampuero, ilang taga- Cuba at Maximo Viola.

Nanirahan nang may apat na buwan sa Paris magmula noong Oktubre 1882 hanggang Enero
1886 sa klinika ni Dr. Louis De Wicker, isang Pranses na dalubhasang manggagamot sa mga
sakit sa mata. Habang nag aaral siya, tumutulong din siya sa nasabing klinika.

Sa mga oras na wala siyang ginagawa sa klinika ay dinadalaw niy sina Luna at Hidalgo. Sa
istudyo ni Luna ay pinalilipas nila ang oras s pagkukuwentuhan ukol sa Pilipinas, at mga
suliranin niya sa pagguhit. Siy ay naging modelo sa mga pintura nito; sa "Ang kamatayan ni
Cleopatra" Rizal ang tumayo bilang paring taga-Ehipto at sa "Sanduguan" siya am naging pintor
noon, kasisingil pa lamang niya ng 1000 duros buhat sa Senac ng España sa Madrid dahil sa
kanyang pinturang "Ang Paglalaban Lepanto" na itinanghal sa bulwagan ng Senado.

Siya ay dumalaw rin sa mga tahanan ng mga Tavera. Sa Album ni Paz Pardo de Tavera
napangasawa ni Juan Luna ay iginuhit ni Rizal "Ang Matsing at ang Pagong". Ang dalawang
taga-Europa ay may album hindi upang lagyan ng larawan kung hindi upang iguhit ang kanilang
mga kaibigan.

Sa bahay rin ng mga Tavera ay nagtitipun-tipon ang mga Pilipino at doon nagtutugtugan at
nag-aawitan ng mga kundiman at iba pang awiting Pilipino.
BUOD:

Sa Cape Guardafui, isang lugar sa Afrika, naranasan ni Dr. Jose Rizal ang matinding init
ng araw. Kailangan niyang maghanap ng madilim na salamin para sa kanyang mata.
Hindi rin niya napansin ang matinding sikat ng araw, at inakyat pa niya ang gilid ng
bundok upang makita ang deposito ng tubig sa bayang iyon. Ang laki, lalim, at hugis ng
deposito ay nagdala sa kanya ng alaala ng Inferno ni Dante. Sa lugar na ito, ang mga
naninirahan ay iba sa mga kolonyang Asyatiko: maiitim at kulot ang buhok, hugis itlog
ang mga mukha, at may mapuputing ngipin .

Sa kanyang Unang Paglalakbay, si Dr. Jose Rizal ay naglakbay patungong Suez.


Dumaong ang bapor Dyemnah sa Suez noong Hunyo 2, 1882. Matapos ang kwarentina,
nagpatuloy sila sa biyahe patungo sa Kanal Suez, kung saan kinakailangang
ma-inspeksyon ang lahat ng sasakyang dadaan. Sa paglalakbay, ang bapor ay sumayad
sa isang mababang bahagi, kaya’t kinailangang huminto ng dalawang araw. Sa Port
Said, naglakad si Rizal para makapamasyal at napuntahan nila ang Liwasang Lesseps.

Sa Hunyo 11, dumating sila sa Naples at Sicily, kung saan nakita nila ang magandang
kabayanan ng Melitus. Natanaw din nila ang Strait of Messina. Sa Naples, nagkaroon
sila ng oras para maglibot. Si Rizal ay humanga sa mga gusali, sementadong kalsada, at
rebulto. Mula sa Naples, ang bapor ay nagtuloy sa Marseilles, at dito’y nalungkot si Rizal
dahil malapit nang maghiwalay ang kanyang mga kaibigan na iba-iba ang pupuntahan

Marseilles

Port Bou

Ika-5 ng Hapon: Matapos ang 3 araw na pagtigil sa Marseilles, sina Rizal, Buil, at Pardo
ay sumakay sa isang primera klaseng tren patungong Port Bou.

1. Sa isang himpilan, huminto ang tren ng mga 30 minuto. Makalipas ang 6 na


minuto, napansin ni Rizal na kumikilos ang tren papaalis. Tinangka niyang
sundan ito, ngunit hindi na niya ito inabutan. Inabisuhan siya na ang tren ay lilipat
lamang ng riles.
2. Mula sa Port Bou, sa hangganan ng España at Pransya, ang tatlo ay nagtuloy sa
Barcelona noong ika-15 ng Hunyo, 1882. Si Pardo ay nagpaalam at nagtungo sa
Fonda de España San Pablo.
3. Ang mga palagay ni Rizal tungkol sa Barcelona ay hindi gaanong maganda.
Nasanay siya sa mararangyang gusali, lungsod, at mga pook na kanyang nakita
sa buong panahon ng kanyang paglalakbay. Napansin niya na ang mga tao ay
parang hindi pansin ang kapwa tao. Marurumi ang lansangan, at hindi maganda
ang kalagayan ng mga bahay. Gayunpaman, inamin niya na mas maganda ang
mga kababaihan dito kaysa sa Marseilles 12.

Si Rizal ay mahilig sa pagbabasa ng mga aklat.

1. Ayon kay Wenceslao Retana, nakabili si Rizal ng mga aklat sa tindahan ni G.


Antonio Roses.
2. Ang mga nabiling aklat ni Rizal ay ang mga sumusunod:
○ Obras Completas de Voltaire (9 tomos)
○ Obras Completas de Claudio Bernard (16 tomos)
○ Illustracion Iberica (1 tomo)
○ Vida de los Animales (1 tomo)
○ Obras de Boileau (2 tomos)
○ Felipe II (1 tomo)
○ Cristomatia Arabiga (1 tomo)
○ Gramatica Hebrea (1 tomo)
○ Obra de Horacio (3 tomos)
○ Entermedades de las vias Irinarias (1 tomo)
○ Pi y Margal (1 tomo)
○ Virtor Hugo (1 tomo)
○ Carasteres, de los Presidentes de los Estados Unidos
○ America Pintoresca
○ El Mundo Fisco
○ Poesia Antigua, Es Austria
○ Pedr el Grande
○ Restoracion y Occidental
○ Revolucion de Inglatera
○ Imperio Bizantino
○ Emperio Romano
○ Obras de Claudio Bernard
○ Gramatica Alemania
○ Biblica
○ Los Cuatro Reynos de la Naturaleza
○ Obras de Horacia, Dumas, at iba pa
3. Sa mga katipunan ng aklat ni Rizal, kasama rin ang Florante at Laura ni Francisco
Balagtas na dala-dala niya sa kanyang paglalakbay sa ibang bansa.
4. Ang aklat na Uncle Tom’s Cabin ni Beecher Stowe at ang The Wandering Jew ni
Eugene Sue ang nagtanim sa kanyang damdamin ng pagkaawa sa mga taong ito
dahil sa kanilang kaapihan .

Buhay sa Espaya

● Hunyo 23, 1882: Nagpadala si Rizal ng isang sulat para sa kanyang mga
magulang at kapatid na lalaki. Ipinahayag niya ang matinding pagkalungkot dahil
hindi niya matagpuan ang mga taong inirekomenda sa kanya.
● Pinansyal na Hiram: Dahil sa maraming gastusin sa paglalakbay, natira na
lamang sa kanya ang 12 duro.
● Pagtulong ng mga Paring Heswita: Nang matagpuan niya ang mga paring
Heswita, tinulungan siyang makahanap ng matitirhan. Inirekomenda ng mga ito
ang isang bahay sa San Severo na sumisingil ng pinakamurang bayad.
● Pangit na Kondisyon ng Bahay: Sa paglipat niya sa San Severo, napansin niyang
mas madilim at marumi ang bahay kumpara sa kanilang sariling bahay.
● Pagdating sa Barcelona: Noong unang araw niya sa Barcelona, natuklasan niyang
may isang Pilipinong nagngangalang Cuesta na doon din nanunuluyan. Subalit
nang itanong niya ito, nakaalis na raw ito

Paglilibot sa Barcelona: Kinabukasan, naglakad si Rizal upang makita ang ilang mga
kababayan. Nakita niya ang isang kababayang naninirahan sa Tondo at si Cuesta,
kasama ang iba pang Pilipino.
Tulong ng mga Paring Heswita: Nakahiram si Rizal ng pera mula sa mga paring Heswita,
bagamat ayaw nilang makitang nagigipit siya.
Paglipat sa Bahay: Nakalipat siya sa bahay sa Blg. 3, Colle de Sitjes, kung saan
kinagiliwan siya ng kanilang kasera na tinawag siyang “Don Pepe.”
Pagbabago ng Pananaw: Nagbago ang unang palagay niya sa Barcelona nang malaman
niyang may lubos na kalayaan sa pagtitipun-tipon ang mga tao at malaya rin ang
pamamahayag.
Salu-salo sa Plaza de Cataluna: Nasiyahan ang mga kababayan, lalo na ang mga galing
Ateneo, na muling makasama si Rizal. Nagbalitaan sila sa España tungkol sa mga
mahahalagang pangyayari sa kasalukuyan, at si Rizal naman ang nagbalita sa
kalagayan ng Pilipinas

You might also like