You are on page 1of 12

DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr.

Jovert Balunsay

Aralin 4

Unang Pangingibang-Bansa ni Rizal

Lumaki si Rizal na may malakaing pagpapahalaga sa edukasyon. Maliban sa mga
paniniwalang ikinintal sa kaniya ng kaniyang mga magulang, napakalaking impluwensiya
ni Rizal ang mga hinahangaan niyang propesor mula sa Ateneo. Kung kaya, sa kabila ng
hindi magandang mga pakita ng mga Dominikanong propesor mula sa UST hinggil sa mga
makalumang sistema ng pagtuturo, hindi nito napuksa ang pagnanais ni Rizal na magtamo
ng mas mataas pang antas ng karunungan. Naniniwala siyang sa pamamagitan ng edukasyon
ay mapagbubuti ang kaniyang pagkatao at makatutulong pa siya sa kaniyang kapuwa.

Gaya ng tinalakay sa nagdaang kabanata, napagpasyahan ni Rizal na sa Europoa

na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral ng medisina. Hindi man alam ng kaniyang mga
magulang, nagdesisyon siyang lumisan ng bansa upang pagdalubhasaan ang panggagamot
sa layuning mapagaling ang pagkabulang ng kaniyang ina. Sa Europa niya rin mapag-aaralan
ang iba’t ibang kaalaman, kultura, at pamumuhay na maaari niyang maipakilala sa kaniyang
mga kababayan sa kaniyang pagbabalik.

Sa gayon, nilalayon ng kabanatang ito na:

1. Mabakas ang mga pinagdaanan ni Rizal sa una niiyang pangingibang bansa;

2. Makilala ang mga tao’t lugar na naging bahagi ng kaniyang pamumuhay sa
ibang bansa;
3. Matukoy ang mga naisulat at napagdaanan ng pambansang bayani sa
dayuhang lupain;
4. Maipaliwanag ang mahahalagang pilosopiya at paniniwala ni Rizal habang
nag-aaral sa Europa; at
5. Malaman ang mga naging paghuhusga ni Rizal sa iba’t ibang lugar na
kaniyang binisita sa Europa.

Ang Lihim na Paglisan ni Rizal

Pagkatapos ng apat na taon ng pag-aaral sa kursong medisina, nilisan ni Rizal ang

Filipinas nang may mabigat na kalooban. Sakay ng barkong SS Salvadora, iang barkong
Kastila patungong Singapore, lumisan si Rizal ng bansa nang hindi man lamang nalalaman ng
kaniyang mga magulang sapagkat alam niyang hindi rin naman siya papayagan ng mga ito.
Ang kaniyang paglalakbay ay inilihim din sa mga awtoridad na Kastila pati na kay Leonor
Rivera.

Dahil sa di niya nagustuhan ang makalumang pamamaraan ng pagtuturo at labis

na panghahamak at diskriminasyong naranasan sa ilalim ng mga gurong Dominikano, si Rizal
ay may iba pang dahilan kung bakit napagpasyahan iyang mag-aral sa Espanya. Ipinagtapat
niya iyon sa kapatid na si Paciano na agad namang sumang-ayon sa kaniya. Ninais niyang pag-
aralan at maingat na obserbahan ang pamumuhay at kultura, mga wika at tradisyon, mga
industrya at negosyo, at ang pamahalaan at mga batas ng mga bansang Europeo. Ninais niyang
ihanda ang sarili para sa makabuluhang gawaing palayain ang kaniyang mga kababayan mula
sa brutalidad at panghahamak ng mga Kastila. Binanggit din niya ito sa isang liham niya para
sa kaniyang mga magulang at humingi rin siya ng paumanhin dahil sa agarang desisyong
lisanin ang bansa. Bago pa man siya tuluyang lumisan ay lumiham siya sa kaniyang mga
magulang, isang liham ng pamamaalam, at isa pang liham para kay Leonor Rivera, na ibinigay
sa mga ito nang nakasakay na siya ng barko.

Noong Mayo 3, 1882, sakay ng barkong SS Salvadora, si Rizal ay naglakbay nang

may luha sa kaniyang mga mata at taglay ang mabigat na kalooban. Tanging sina Paciano,

Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda

DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

dalawang kapatid na babae, ilang malalapit na kaanak at kaibigan ang nakaalam ng kaniyang
lihim na paglisan. Ang mabubuting Heswita mula sa Ateneo ay pinadalhan siya ng isang
rekomendasyon sa mga kasapi ng kanilang samahan sa Barcelona. Nang umalis siya, ginamit
ni Rizal ang pangalang Jose Marcado, pangalan ng isang pinsang taga-Binan upang takasan
ang maaaring tumugis sa kaniyang mga awtoridad na Kastila.

Para kay Rizal ang kaniyang naging paglalakbay ay nakababagot at napakahaba.

Upang malunasan ang kabagutan, nilibang na lamang niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan
ng pagmamasid sa mga pasahero ng barko. Siya lamang ang tanging Pilipinong sakay ng barko,
at karamihan sa mga ito ay mga Kastila, Briton, at mga Indiyanong Negro. Memdyo nasiyahan
siyang makipag-usap sa kapitan ng barko na nagngangalang Donato Lecha na buhat sa bansang
Austria. Minsan din ay kumukuha siya ng lapis at papel upang iguhit ang magagandang
tanawing nadaraanan noon ng sinasakyang barko. Nakipaglaro din siya ng chess sa ilang mga
pasahero na natalo naman niya nang madalas saagkat napakahusay niya sa naturang laro.
Pagkalipas ng limang araw, ang barko ay dumaong sa Singapore kung saan siya nanatili ng
dalawang araw para mamasyal sa napakagandang siyudad.

Sa Singapore, si Rizal ay lumipat sa isa pang barkong tinatawag na Djemna, na

isang barkong Pranses at maglalayag patungong Europa. Ang mga pasahero doon ay mga
Briton, Pranses, Olandes, Kastila. Malay, at iba pa. may dalawa pang Pilipinong sakay ng
barko maliban sa kaniya. Nakarating ang barko sa Point Galle, isang bayang kostal sa Ceylon
(Sri Lanka ngayon) kung saan sila tumigil ng isang araw, bago sila nagtungo sa Colombo, ang
kabisera ng Ceylon.

Mula sa Colombo, sila ay tumawid sa Karagatang Indiyan patungong Cape Africa

na tinawag ni Rizal na “Inhospiable land but famous”. Ag sumunod nilang hinto ay sa Aden
kung saan namasyal si Rizal sa dalampasigan upang pagmasdan ang mga naroroong kamelyo.
Iyon ang unang pagkakataong nakakita siya ng naturang mga hayop. Mula s Aden, ang barko
ay nagpatuloy sa paglalayad patungo sa Siyudad ng Suez. Huminto roon ang barko at muli
siyang lumabas at nagmasid. Ang kagandahan ng lugar, ang buwan sa gabi, at ang simoy ng
hangin ay nakapagpaalala sa kaniya sa kanilang bayang Calamba at sa kaniyang mga magulang
at mga kapatid na naiwan doon.

Ang bahagi ng paglalakbay sa Suez Canal ay nagbigay sa kaniya ng kakaibang

pananabik sapagkat iyon ang unang pagkakataongh makadaraan siya sa naturang lugar at
tuwang-tuwa siyang makita ito na likha ni Ferdinand de Lessep, isang mahusay na inhenyerong
Pranses. Muling tumigil ang barko sa Port Said, isang terminal na Mediteranyo sa Suez Canal
kung saan muli siyang nagmasid-masid sa paligid. Namangha siya sa iba’t ibang lahing
nananahanan doon at nagsasalita ng iba’t ibang wika.

Mula sa Port Said, ipinagpatuloy ng Bapor Djemna ang paglalayag nito patungong
Europa. Dumaong ito sa Naples, isang lungsod sa Italya noong Hunyo 11. Namangha rin
siyang makita ang siyudad dahil sa kaunlaran nito sa larangan ng negosyo, pamumuhay ng
mga tao, at ang kagandahan ng kalikasan. Sa bahaging iyon ng Europa nakita niya ang Bundok
Vesivius, ang palasyo ng St. Elmo, at iba pang makasaysayang bahagi ng siyudad. Pagkalipas
ng maikling pamamalagi sa lugar, ang barko ay nagpatuloy sa paglalayag patungong
Marseilles. Muli siyang namasyal sa dalampasigan ng lugar. Hindi siya umalis roon nang hindi
nakikita ang tanyag na Chateaud’If, ang tagpuan ng paborito niyang nobela noong siya ay bata
pa. iyon ang lugar kung saan nabilanggo si Edmond Dantes, ang pangunahing tauhan ng “The
Count of Monte Cristo”. Siya ay nanatili sa lugar nang dalawa at kalahating araw bago niya
nilisan ang Marseilles patungong Espanya.

Sakay ng tresn, tumawid siya sa Pyrenees kung saan siya namalagi ng isang araw
sa pusod ng bayan ng Port Bou. Pagkatapos na dumaan sa tanggapan ng imigrasyon para sa
inspeksiyon ng kaniyang pasaporte, ipinagpatuloy niya ang paglalakbay sakay pa rin ng tren,
hanggang sa marating niya ang kaniyang destinasyon—ang Barcelona, Espanya, noong Hunyo
16, 1882.

Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda

DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Pagdating sa Barcelona

Sa umpisa, ang impresyon ni Rizal sa Barcelona, ang ikalawa sa pinakamalaking

siyudad ng Espanya, ay hindi kaiga-igaya. Para sa kaniya, ang naturang lugar ay pangit at
napakarumi, may kakaunting silid-paupahan, at hindi palakaibigan ang mga tao. siya ay
namalagi sa isang maliit at madilim na silid-upahan na matatagpuan sa tinatawag niyang
“pinakapangit na pook sa bayan”. Ang mga tao roon pati na ang mga kawani ay hindi maganda
ang pakikitungo sa kaniya. Subalit, ang gayong pangit na impresyon ay nagbago at nagsimula
niyang magustuhan ang siyudad. Natuklasan niyang ang Barcelona ay isang napakainam na
lungsod sapagkat ito ay nagtataglay ng kalayaan sa pamamahayag at liberalismo. Ang mga
tao ay bukas sa maayos na pagtanggap sa mga panauhin, matatapang, at may bukas na puso
sa tao. Unti-unti, nasiyahan siyang manirahan sa Barceona, naglalaka-lakad siya sa mga kalye
ng Las Ramblas, isang tanyag na daanan doon. Marami siyang nakilala sa Barcelona. Muli rin
niyang nakita roon ang ilang mga dating kaklase sa Ateneo. Sinalubong siya ng mga ito at
inalayan ng isang piging sa Plaza de Cataluna. Ipinagmalaki ng mga ito ay Rizal ang
kagandahan ng Barcelona at ang maggandang tanawin doon, pati na ang kultura at tradisyon
ng mga Kastila. Samantala, bilang ganti, nagbigay naman si Rizal ng mga kasalukuyang balita
at pangyayari sa Filipinas.

Naging mabunga at makabuluhan ang pamamalagi ni Rizal sa Barcelona. Sumulat

siya ng isang sanaysay na pinamagatan niyang “Amor Patrio” (Pagmamahal sa Bayan). Ag
Amor Patrio ay isang makabayang sanaysay at kauna-unahang artikulong naisulat sa Espanya.
Ipinasa niya ang artikulong iyon sa isang kaibigang taga-Maynila na nagngangalang Basilio
Teodoro Moran, ang tagapaglimbag ng kauna-unahang bilingguwal na pahayagan sa Filipinas.
Labis niyang nagustuhan ang akdang iyon ni Rizal at pinayuhan niya itong sumulat pa nang
sumulat. Ang kaniyang ikalawang artikulo sa Diariong Tagalog ay pinamagatan niyang Los
Viajes (Mga Paglalakbay) na sinundan ng Revisited de Madrid, subalit ang huli ay ibinalik sa
kaniya sapagkat ang pahayagan ay tumigil sa paglilimbag dahil sa kakulangan ng panustos.

Habang nasa Barcelona, nakatanggan ng balita si Rizal na lumaganap ang sakit na

kolera sa Kamaynilaan at mga karatig probinsiya. Ito ay nagdulot ng pagkamatay ng
maraming tao at napakarami ang naapektuhan araw-araw sapagkat ang kinauukulan ay hindi
gumagawa ng paraan upang matigil ang paglaganap ng epidemya. Isa pang masamang
balitang natanggap niya ang liham ni Chengoy na nagsasabing labis na nalulungkot si Leonor
na nangangayayat at naging sakitin dahil sa kaniyang biglaang pag-alis nang hindi man lang
nagpapaalam sa dalaga.

Pag-aaral sa Madrid

Saisang liham na natanggap ni Rizal, pinayuhan siya ngb kaniyang Kuya Paciano
na tapusin ang pag-aaral niya ng medisina sa Madrid. Bilang pagtalima sa payo ng
nakatatandang kapatid, nagbiyahe si Rizal mula Barcelona patungong Madrid, ang kabisera
ng Espanya. Noo’y taglagas na ng 1882.

Sa Madrid, si Rizal ay nagpatala sa dalawang kurso: Medisina at Pilosopiya at Letra

sa Universidad Central de Madrid (Centarl University of Madrid). Maliban dito, nag-aral din
siya ng pagpipinta at paglililok sa Academy of Fine Arts ng San Fernando. Pinag-aralan din
niya ang iba’t ibang lengguwahe: Pranses, Aleman, at Ingles sa pamamagitan ng mga
pribadong tyutor. Binigyan din niya ng oras ang pag-aaral ng eskriba at pagbaril sa Hall of
Arms of Sanz y Carbonell. Dagdag pa rito, nanumbalik ang pagmamahal niya sa mga sining
at musika ay nanumbalik; kung kaya, naging laman siya ng mga galeri, museo, at nagbasa ng
mga aklat sa iba’t ibang asignatura, kasama na ang military, inhinyeriya, at iba pa upang
mapalawak ang kaniyang kaalaman at kaligirang kultural.

Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda

DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Hindi nagsayang ng panahon si Rizal sa Madrid. Alam niyang pagpaaral ang pakay
niya roon upang sa bandang huli ay matulungan niya ang Filipinas at mga kababayan niyang
makaalpas sa tinatamasang kaalipnan at paghihirap sa kamay ng mga mananakop. Dahil dito,
sinigurado niyang tama ang paggamit niya ng kaniyang oras at salapi. Ang tanging naging
bisyo niya ay ang paglalaan ng pea para sa pagtaya sa loterya. Ginamit niya ang kaniyang mga
bakanteng oras sa pagbabasa at pagsusulat, pagdalo sa mga pagtitipon ng mga estudyanteng
Pilipino sa bahay ng magkakapatid na Paterno (Antonio, Maximo, at Pedro), at pagsasanay sa
eskriba at pagbaril sa isang himnasyo. Sa mga Sabado ng gabi ay binibisita niya si Don Pablo
Ortiga Y Rey. Siya ay may iang anak na lalaki na nagngangalang Rafael at anak na babae na
ang pangalan ay Consuelo. Ang mga anak niya ay nasa kaniyang poder. Si Don Pablo ay
dating gobernadorcillo ng Mayila sa panahon ng panunungkulan ni Gobernador Heneral
Carlos Ma. Dela Torre, na di naglaon ay naging Pangalawang Pangulo ng Konseho ng
Filipinas sa Minstri ng mga Kolonya.

Dahil mag-isa at nalulungkot sa ibang bansa, nagustuhan ni Jose Rizal ang maganda
at napakabait na si Consuelo. Nasiyahan at ikinalugod niya ang mga sandaling sila ay
magkasama. Sumulat din siya ng mga tula para sa dalaga. Ganunpaman, ang kanilang
pagtitinginan ay hindi nauwi sa isang seryosong relasyon sapagkat umatras si Rizal sa
pangingibig sa dalaga dahil sa sumusunod na rason: Una, nakatakda pa rin ang kanilang
pagpapakasal ni Leonor Rivera at labis niya itong iniibig; Pangalawa, ang kaniyang kaibigan
at kasama sa kilusang propaganda na si Eduardo de Lete ay may pagtingin din kay Consuelo
at naisip niyang hindi niya maaaring traydorin ang isang kaibigan dahil lamang sa isang babae.

Pagdating na pagdating niya ng Madrid, si Rizal ay sumali sa Circulo Hispano-

Filipino (Hispano-Filipino Circle), isang asosasyon ng mga Kastila’t Pilipino. Pinakiusap siya
ng mga kasapi ng grupo na sumulat ng tula kaya nasulat niya ang Mi Piden Versos (Hinilingan
nila ako ng mga Berso), na binigkas niya nang personal sa gabi ng Bagong Taon noong
Disyembre 31, 1882. Sa tulang ito, ibinuhos niya ang lahat ng kalungkutang nadarama ng
kaniyang puso; ng pangungulila sa kaniyang mga magulang at kapatid, kay Leonor Rivera, at
ang matinding paghihirap ng mga kapuwa nya Filipino sa kamay ng mga mananakop na
Kastila.

Hindi bahagi ng pagpapalipas ng oras ni Rizal ang paggala at pagsusugal. Sa halip

na magliwaliw kasama ang mga kaibigan kagaya ng mga ginagawa ng ibang Pilipino sa
Madrid, ginugugol niya ang kaniyang salapi sa pagbili ng aklat at pagbabasa ng mga ito
hanggang hatinggabi. Ginawa niya angb lahat para makatipid upang mabili ang mga nais
niyang aklat na karaniwang segunda mano, at gumawa rin siya ng kaniyang personal at maliit
na silid-aklatan. Ang kaniyang aklatan ay binubuo ng Bibliya, Gramatika ng Hebrew,
Talambuhay ng mga naging Pangulo ng Estados Unidos mula kay Washington hanggang kay
Johnson, ang lahat ng aklat ni Voltaire na binubuo ng siyam na bolyum, kompletong aklat ni
Horace a may tatlong bolyum, Kasaysayan ng Rebolusyong Pranses, Ang Lagalag na Hudyo,
Mga Sinaunang Tula ni Thucydides, Ang Emperyong Byzantine, Ang mga Tauhan ni La
Byuyere, Ang Renasimiyento, Uncle Tom’s Cabin ni Harriete Beecer Stowe, at napakaraming
aklat sa medisina, pilosopiya, mga wika, kasaysayan, heograpiya, sining at agham. Ang Uncle
Tom’s Cabin ni Stowe at Ang lagalag na Hudyo ni Eugene Sue ang pinakanagustuhan at
pinakaapekto sa kaniya sapagkat ang mga aklat na iyon ay hinggil sa opresyon at paghihirap
ng mga tao.

Sa unang bakasyong-tag-ini ni Rizal sa Madrid, nagpasya siyang bisitahin ang

Paris, ang kabiserang lungsod ng Pransiya. Siya ay nanatili roon sa loob ng 60 araw sa Hotel
de Paris, isang mamahaling otel kaya pagkalipas ng ilang araw ay lumipat siya sa mas murang
silid-upahan. Kagaya ng ibang turista, labis na humanga si Rizal sa kagandahan ng Paris kung
saan niya nakita ang Champs Elyssees, ang Opera House, ang Place de la Concorde, ang Arch
of Triumpm, ang Bois de Boulogne, ang Madeline Church, ang Cathedral ng Notre Dame,
ang Column of Vendome, ang Invalides na nagtataglay ng puntod ni Napoleon the Great at
ang napakagandang Versailles, at iba pang magagandang tanawin kagaya ng mga museo, mga
hardin, at mga ospital.

Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda

DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Nang minsang naglalakad-lakad siya sa Paris, napagkamalan siya ng ilang Pranses

na isang Hapon. Ang presyo ng mga pagkain, inumin, at akomodasyon sa otel, pati na ang
transportasyon ay sadyang mamahalin kaya nahirapan siyang ibadyet ang kaniyang pera. Sa
isang liham para sa kaniyang pamilya, sinabi niyang ang Paris ang pinakamahal na kabisera
sa buong Europa.

Si Rizal Bilang Mason

Sa Espanya, nakakilala si Rizal ng mga batikan at bantog na mga Kastila na

karaniwang Mason. Namangha siya kung paano tinutuligsa ng mga Kastilang Mason sa mga
alituntunin ng pamahalaan at kung paano binabatikos ng mga ito ang mga prayle, mga bagay
na hindi nila magawa sa Filipinas. Noong Marso 1883, pormal na lumahok si Rizal sa Masonic
Lodge na tinatawag na Acacia sa Madrid. Naniniwala siyang ang malayang pagiging mason
ang makatutulong sa kaniyang laban kontra sa mga prayle sa Filipinas. Ginagamit kasi ng mga
prayle ang relihiyon upang magawa anuman ang kanilang gustuhin upang mapaunlad ang
kanilang mga sarili at paggawa ng masasama kagaya ng pagtugis sa mga makabayang
Pilipino. Nais niyang magamit ang pagiging mason upang matalo ang pang-aapi. Siya ay
naging master mason noong Nobyembre 15, 1890, at pagkalipas ng tatlong buwan, siya ay
pinarangalan ng diploma sa pagiging Master Mason ng Le Grand de France sa Paris.

Kaiba nina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Mariano Ponce na
masyadong naging aktibo sa mga gawain ng pagiging mason, si Rizal ay hindi gaanong
naglaan ng kaniyang oras para dito. Ang tanging naisulat niya tungkol sa pagmamason ay
pinamagatang “Agham, Ugali, at Trabaho” na binigkas niya sa Lodge Solidaridad sa Madrid
noong 1889.

Sina Luna at Hidalgo

Paglipas ng dalawang taon sa Espanya, mas naging malala ang kalagayan ng

Filipinas. Naranasan ni Rizal ang pagkakaroon ng problema sa pera sapagkat masyadong
naging mahina ang ani ng palay at tubo dahil sa matinding tagtuyot at pananalasa ng mga
peste. Bukod doon, ang lupang sinasaka ng kaniyang ama at kapatid na pag-aari ng mga
Dominikano ay pinatawan ng mas mataas na upa. Madalas ding manghingi ng pabo ang
tagapangasiwa ng asyeda sa kaniyang ama sapagkat si Don Francisco ay mahusay mag-alaga
ng pabo.

Dahil sa matinding pinsala ng mga peste sa kanilang mga pabo, na marami ang
nangamatay dahil sa peste, tumanggi si Don Francisco na bigyan ng pabo ang tagapangasiwa
ng asyenda sapagkat kailangan niya ang mga nalalabing pabo upang paramihing muli ang mga
ito. Isa ito sa mga nakagalit sa mapaghiganteng tagapangasiwa ng asyenda kaya tinaasan nito
ang upa ng lupang sinasaka ng pamilya Rizal. Dahil doon, ang perang ipadadala para sana kay
Rizal ay naantala kaya may mga pagkakataong hindi siya kumakain ng pananghalian sa mga
panahong yaon.

Maraming pagkakataong hindi siya nakakapag-almusal. Isang araw na wala siyang

almusal, sumali siya sa isang patimpalak at nagwagi pa rin siya ng isang gintong medalya.
Kinagabihan, nagkaroon siya ng masaganang hapunan sapagkat siya ay naanyayahang
magsalita sa isang pagtitipon bilang parangal kina Juan Luna at Felix Resureccion Hidalgo sa
isang restwaran sa Madrid. Ang pagtitipon ay pinangasiwaan ng mga Filipino sa Madrid
upang ipagdiwang ang tagumpay ng dalawang Pilipinong pintor sa National Exposition on
Fine Arts sa Madrid. Ang “Spolarium” ni Juan Luna ang nanalong unang puwesto
samantalang ang “Christian Virgin Exposed to the Populace” ni Hidalgo ang tumanggap ng
pangalawang puwesto. Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga prominenteng mga alagad ng

Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda

DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

sining na Kastila, mamamahayag, mga manunulat at makata, at mga Pilipino. Sinaluduhan ni

Rizal sina Luna at Hidalgo dahil sa natamong tagumpay ng mga ito sa isang dayuhang lupain.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Rizal na ang mga henyo ay hindi kumikilala ng ibang bansa,
na ang mga henyo ay maaaring magtagumpay kahit saanman, ang henyo ay tulad ng liwanag,
ng hangin, ang patrimonya ng sinuman, kagaya ng kalawakan, ng hangin, ng apoy, ng Diyos.
Ipinadiinan niya nang may kasamang sarkasmo ang labis na pang-aapi at pagmamalabis ng
mga Kastila sa Filipinas, lalong-lalo na ng mga Dominikano na walang kaamor-amor sa mga
henyong kagaya ng mga pinarangalan. Ang kaniyang talumpati ay labis na hinangaan ng lahat
kaya napatayo’t napapapalakpak ang mga tagapakinig. Napahanga rin ang mga Kastilang
naroon sa tatas ng pananalita at husay ng retorika ng Rizal sa wikang Espanyol. May mga
nagsabi pang labis ang sinseridad at katotohanan ng kaniyang ipinamalas na pananalita sa
harap ng madla. Nangibabaw sa kaniyang talumpati ang espiritu ng nasyonalismo a ang
kaniyang napakalakas na palahaw ng reporma para sa kaniyang Inang Bayan.

Pagtatapos ng Pag-aaral ni Rizal

Noong Nobyembre 20-22, 1884, sumali sa isang madugong demonstrasyon sina

Rizal at iba pang Pilipino sa Central University kung saan nasugatan ang karamihan sa kanila.
Nangyari ang nasabing demonstrasyon dahil sa ekskomunikasyon kay Dr. Miguel Morayta,
isang propesor sa Kasaysayan, na “nagdeklara ng kalayaan ng agham at pagtuturo” sa isa
niyang talumpati noong panahong yaon. Ito nakagalit sa mga estudyante ng pamantasan na
karamihan ay mga Cuban, Meksikano, Peruvian, Pilipino, at Kastila. Di naglaon, sila ay
nadagdagan pa ng mga maag-aaral na buhat naman sa iba pang kolehiyo. Ang demonstrasyon
ay sinundan ng isang rayot kung saan maraming sibilyan at mga mag-aaral ang nasaktan at
nasugatan. Ang Rektor ng paaralan na kumampi sa mga mag-aaral ay pinalitan ni Dr. Creus
na hindi gaanong kilala ng mga estudyante. Sinabi ni Rizal sa isang liham sa kaniyang pamilya
na muntik na siyang arestuhin ng mga alagad ng batas kung hindi sila agad na nakatakas ng
kaniyang kaibigang si Ventura.

Sa kabila ng napakaraming suliraning kaniyang kinaharap, natapos pa rin ni Rizal

ang kaniyang pag-aaral sa Madrid. Noong Hunyo 21, 1884, natanggap niya ang degring
Licentiate in Medicine. Nang sumunod na taong-aralan, nagatala at nakapasa siya sa lahat ng
asignatura para sa degring Doktor ng Medisina, subalit dahil hindi niya naipresenta ang
kaniyang tesis at hindi rin siya nakapagbayad ng mga hinihinging bayarin, hindi naipagkaloob
sa kaniya ang diploma para sa degring Licentiate in Philosophy of Letters sa Universidad
Central de Madrid nang may eksilenteng marka.

Pagkatapos na pagkatapos na makompleto niya ang kaniyang pag-aaral sa

University Central of Madrid, si Rizal ay naglakbay patungong Paris at Alemanta upang
magkaroon ng espesyalisasyon sa Optalmolohiya. Labis siyang nag-aalala sa kalagayan ng
mga mata ng kaniyang ina at nais niya itong malunasan na agad.

Si Rizal sa Alemanya at ang Pag-aaral ng Optalmolohiya

Samantala, ipinagpatuloy ni Rizal ang kniyang pamamasyal at pagmamasid sa mga

kultura’t tradisyon, pamahalaan at mga batas sa Paris, Heidelberg, Leipzig, at Berlin. Sa
Berlin, siya ay nagsilbing assistant ng mga bantog na okyulistang Europeo. Nakilala at
kinaibigan din niya ang mahuhusay na mga siyentipikong Aleman kagaya ni Dr. Feodor Jagor,
Dr. Adolf Meyer, Dr. Hans Meyer, at Dr. Randolf Virchow.

Si Dr. A. B. Mayer ay ang direktor ng Zoologocal and Botanical Museum noon

habang si Dr. Rudorf Virchow naman ay ang pangulo ng Anthropological Society of Berlin.
Pinakiusapan ni Dr. Virchow si Rizal na magbigay ng lektyur noon hnggil sa mga Tagalog sa
harap ng Anthropological Society.

Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda

DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Kinilala ng mga siyentipikong ito ang husay ni Rizal sa larangan ng agham. Sa

kabila nito, nagkaroon siya ng mga suliranin sa Berlin na may kaugnayan sa pinansiyal na
aspekto. Sinulat niya roon ang una niyang nobelang Noli Me Tangere na nailathala dahil sa
tulong ng isang matalik na kaibigang si Maximo Viola mula sa Bulacan.

Pagkatapos ng kaniyang pag-aaral sa Central University of Madrid, si Rizal na 24

na taong gulang noon, ay pumunta sa paris upang magkaroon ng dagdag-kaalaman sa
optalmolohiya. Dumaan din siya ng Barcelona upang bisitahin ang kaibigang si Maximo
Viola.

Nanirahan siya kina Viola sa loob ng isang linggo, kung saan ay nakilala at
kinaibigan din niya si Senyor Eusebio Corominas, editor ng pahayagang “La Publicidad”.
Iginuhit niya gamit ang krayola si Don Miguel Morayta, isang mabait na kaibigan at ang may-
ari ng La Publicidad.

Noong Nobyembre 1885, namalagi siya sa Paris at nagtranaho bilang assistant ni

Dr. Louis de Wecker, ang nangungunang optalmologong Pranses. Nagtrabaho siya kay Dr.
Wecker hanggang Pebrero 1886. Lalong nadagdagan ang kaniyang kaalaman sa
optalmolohiya dahil sa pagiging assistant ng isa sa pinakamagaling sa naturang larangan. Sa
kaniyang bakanteng oras, siya ay nakikipagkita sa ilang kaibigang Pilipino gaya ng pamilya
Pardo de Tavera at ng mga pintor na si Felix Resureccion Hidalgo at Juan Luna kung saan
niya ginugol ang karamihan ng kaniyang mga oras. Sa katunayan, siya ay naging modelo ni
Juan Luna sa ilang mga pininta nito gaya ng “The Death of Cleopatra” kung saan siya ay
tumayo bilang isang paring Egyptian at sa isa pang dakilang likha ni Luna na “The Blood
Compact” kung saan si Sikatuna naman ang kaniyang iminodelo kasama si Trinidad Pardo de
Tavera na gumanap namang si Miguel Lopez de Legazpi.

Pagkatapos ng pananatili niya sa Paris, si Rizal ay nagtungo sa Alemanya kung saan

nagtrabaho siya sa University eye Hospital, na malapit sa University of Heidelberg kung saan
naman siya nagtrabaho bilang assistant ni Dr. Otto Becker, isang mahusay at kapita-pitagang
optalmologong Aleman. Tuwing Sabado’t Linggo, siya ay naglalakad-lakad sa kalsada upang
pagmasdan ang pamumuhay, kaugalian, at kultura ng mga Aleman. Napansin niyang ang mga
tao roon ay may iba’t ibang relihiyon; Katoliko at Protestante subalit sa kabila nito, sila ay
namumuhay nang maayos at magkakasundo. Sa Heidelberg namin, labis na humanga si Rizal
sa nagagandahang bulaklak na nakatanim sa gilid ng Ilog Neckar. Naalala niya ang mga
sumisibol na bulaklak sa kanilang hardin sa Calamba. Dahil sa labis na pangungulila sa
kaniyang pamilya, sinulat niya ang isang napakagandang tulang pinamagatan niyang “A Las
Flores de Heidelberg” (Sa mga Bulaklak ng Heidelberg).
Pagkatapos niyang isulat ang kaniyang tulang “Sa mga Bulaklak ng Heidelberg”
siya ay namalagi sa isang bulubunduking nayon malapit sa Heidelberg kasama ang isang
protestanteng pastor na si Dr. Karl Ulmer at ang pamilya nito. Para kay Rizal, si Dr. Ulmer ay
mapagbigay at maalalahaning landlord. Naibigan ni Rizal ang magandang pakikitungo ng
pamilya ni Dr. Ulmer sa kaniya. Labis na hinangaan ng asawa ng pastor ang kahusayan ni
Rizal sa iba’t ibang wika, magandang personalidad, at talento sa pagpinta. Ang asawa ng
pastor ay magaling magluto kaya mas nagustuhan ni Rizal ang pamamalagi sa poder ng
pamilya Ulmer. Naging maganda ang karanasan ni Rizal sa bahay ng mga Ulmer sa
Wilhemsfeld, Alemanya.

Noong Hulyo 31, 1886, si Rizal ay lumiham kay Dr. Fernidand Blumentritt, isang
propesor at ang direktor ng Ateneo of Leitmeritz sa Austria. Nabalitaan niyang isang etnologo
si Dr. Blumentritt at interesadosa mga wika sa Filipinas. Kasama ng kaniyang liham, inilakip
niya roon ang isang aklat na may pamagat na Arithmetica na nakasulat sa dalawang wika—
Kastila at Tagalog ni Rufino Baltazar, isang taal na taga-Santa Cruz, Laguna. Labis na
nasiyahan si Dr. Blumentrirr nang matanggap ang liham ni Rizal kaya agad naman itong
lumiham bilang sagot at naglakip naman siya roon ng dalawang aklat. Mula noon, ang dalawa

Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda

DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

ay naging mabuting magkaibigan na tumagal habambuhay. Naibigan ni Rizal ang lungsod ng

Heidelberg at mapalad siyang makadalo sa pagdiriwang ng ikalimang daang anibersaryo ng
siyudad, subalit pagkalipas ng tatlong araw na pakikisaya sa University of Heidelberg, umalis
si Rizal sakay ng tren upang bisitahin ang iba pang mga siyudad ng Alemanya. Dumating siya
sa Leipzig noong Agosto 14, 1886. Dumalo siya sa ilang panayam at seminar sa Universidad
ng Leipzig kung saan nakilala niya ang mga bagong kaibigan: sina Propesor Friedrich at Dr
Hans Meyer, kapuwa Aleman, historyan, at mga antropologo.

Sa Leipzig, isinalin ni Rizal ang akda ni Schiller na pinagatang “William Tell” mula
sa wikang Aleman patungong wikang Tagalog para sa mga Pilipinong mag-aaral upang
mabasa at maunawaan nila ang kuwento at kung paano nakamtan ng mga Swiso ang ganap na
kalayaan at kasarinlan. Bagaman para kay Rizal ay napakamura ng pamumuhay sa Leipzig
kumpara sa iba pang lugar sa Europa, nanirahan lamang siya roon ng dalawa at kalahating
buwan sapagkat nagtungo na siya ng Dresden noong Oktubre 29. Sa Dresden niya nakilala si
Dr. Adolf Meyer, ang direktor ng Anthropological ang Ethnological Museum.

Sakay muli ng tren, nilisan ni Rizal ang Dresden sa umaga ng Nobyembre 1 upang
magtungo sa Berlin. Narating niya ang Berlin kinagabihan ng parehong araw. Labis siyang
namangha sa kagandahan ng Berlin dahil sa atmosperang makaagham at kawalan ng
diskriminasyon. Sa nasabing siyudad, personal na niyang nakilala ang batikang si Dr. Feodor
Jagor, ang siyentipikong Aleman at may-akda ng “Travek in the Philippines”, ang aklat na
nagustuhan niya noong nag-aaral pa siya sa Ateneo. Kaibigan ni Dr. Blumentritt si Dr. Feodor
Jagor kung saan ipinakilala na siya nito kay Rizal sa isang liham bago nito nilisan ang
Heidelberg. Ipinakilala ni Dr. Jagor si Rizal sa napakarami pang mga bantog na siyentipiko at
sa pamamagitan ng rekomendasyon nina Dr Jagor at Dr. Meyer, si Rizal ay naging kasapi ng
Anthropologiical Society, Ethnological Society, at Geographical Society of Berlin kung saan
ang naturang mga sosyedad ang nagpatunay ng kaniyang kagalingan at kahusayan sa agham
at iyon ay kinilala ng mga pinakamamagaling na siyentipino ng Europa. Siya ang kauna-
unahang Asyanong nakatanggap ng gayong pagkilala at karangalan.

Ipinakilala rin si Rizal sa isa pang bantog na siyentipiko na nagngangalang Dr.

Rudolf Virchow, isang propesor sa “Descriptive Anatomy”. Para kay Dr. Virchow, si Rizal
ay isang henyo at inanyayahan niya itong magbigay ng isang panayam sa Ethnographic
Society of Berlin. Bilang pasasalamat, sumulat si Rizal ng isang akkdka sa wikang Aleman
na pinamagatan niyang “Tagaliche Verknust” (Tagalog Martial Arts) na binasa niya sa
naturang sosyedad noong Abril 1887.

Sa Berlin, si Rizal ay namuhay nang sistematiko at maayos na buhay, alam niyang

hindi lamang siya isang mag-aaral at turistang nagmamasid doon kundi isang taong may
tinatrabahong misyon. Naging matipid siya sap era at nagtrabago bilang uling assistant sa
klinika ni Dr. Schweigger, isang optalmologong Aleman, upang madagdagan ang kaniyang
panggugol. Nanirahan siya sa naturang lungsod ng Alemanya dahil sa sumusunod:

1. Upang madagdagan ang kaalaman sa optalmolohiya

2. Upang palawigin pa ang kaniyang pag-aaral ng siyensiya at mga wika
3. Upang pagmasdan ang gobyerno at kondisyong politikal ng Alemanya
4. Upang makipagkaibigan at makisalamuha sa mga dakilang siyentipiko at
iskolar na Aleman
5. Upang ilathala ang kaniyang unang nobelang Noli Me Tangere

Nang nasa Berlin si Rizal, ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang pag-
aralan at pagdalubhasaan ang maraming wika lalo na ang Pranses upang maayos siyang
makiisalamuha at makapagsulat pati na sa wikang Kastila sa pamamagitan ng mga private
lessons.

Sa isang liham ni Rizal sa nakababatang kapatid na si Trinidad, inilahad niya ang

kaniyangb paghanga at pagpapahalaga sa mga babaeng Aleman. Ayon sa liham niya, ang mga

Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda

DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

babaeng Aleman ay seryoso, masipag, edukada, at palakaibigan. Hindi sila tsismosa, pabigla-
bigla, at palaaway gaya ng mga babaeng Kastila. Ayon pa kay Rizal, ang mga babaeng Aleman
ay simple at hindi gaanong mahilig magsuot ng magagarang damit at mamahaling mga alahas.
Inihambing niya ang mga ito sa mga Pilipina na lubhang mayuyumi, pino kung magsalita, at
mainam tumanggap sa mga panauhin subalit hindi ganoon kasopistikada. Isinaad niyang kung
mapagbubuti lamang ng mga Pilipina ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng edukasyon,
nakatitiyak siyang magiging mas mataas ang respeto ng kalalahikan sa kanila.

Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda

DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

Mga Tulong sa Pag-unawa

Gawain 1. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kauna-unahang bansang narating ni Rizal.

a. Alemanya c. Indonesia
b. Espanya d. Singapore

2. Ikalawang pinakamalaking siyudad ng Espanya.

a. Barcelona c. Madrid
b. Dresden d. Naples

3. Isa sa mga pinakapaboritong aklat ni Rizal na binasa niya noong siya ay bata pa.
a. Florante at Laura c. The Count of Monte Cristo
b. The Auncle Tom’s Cabin d. The Adventure of Tom Soyer

4. Bapor na sinakyan ni Rizal paalis ng Filipinas.

a. Bapor Djemna c. Bapor Tabo
b. Bapor Salvadora d. Bapor Talim

5. Pangalang ginamit ni Rizal sa kaniyang pagpunta sa ibang bansa.

a. Jose Marcelo c. Jose Protacio
b. Jose Mercado d. Jose Rizal

6. Maliban sa kaniyang mga magulang, kanino pa sumulat ng liham-pamamaalam si Rizal?

a. Kay Leonor Rivera
b. Kay Segunda Katigbak
c. Sa kaniyang mga propesor sa Ateneo
d. Sa kaniyang mga propesor sa UST

7. Sa lugar na ito naalala ni Rizal ang kaniyang bayang Calamba dahil sa kagandahan ng
tanawin at katahimikan ng gabi.
a. Aden c. Colombo
b. Ceylon d. Suez

8. Para kay Rizal, ito ay isang marumi at pangit na siyudad.

a. Aden c. Ceylon
b. Barcelona d. Dresden

9. Petsa ng pagdating ni Rizal sa Barcelona.

a. Hunyo 15, 1882 c. Hunyo 17, 1882
b. Hunyo 16, 1882 d. Hunyo 18, 1882

10. Para kay Rizal, ang siyudad na ito sa Europa ang may pinakamahal na pamantayan ng
pamumuhay.
a. Brussels c. Madrid
b. Lisbon d. Paris

Gawain 2. Ibigay ang hinihingi ng bawat aytem. Isulat ang sagot sa puwang pagkatapus ng
bilang.

11. Ang naging pag-ibig ni Rizal sa Madrid.

____________________________
12. Ang naging karibal niya sa babaeng Espanyola.
____________________________
13. Para kay Rizal, ito ang pinakamahal na siyudad sa buong Europa.
____________________________

Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda

DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

14. May-akda ng Uncle Tom’s Cabin.

____________________________
15. Pamagat ng iginuhit ni Juan Luna na nagwagi ng gintong medalya.
____________________________
16. Ang pintor na Pilipinong pumangalawa kay Luna sa paligsahan sa pagpinta.
____________________________
17. Lugar kung saan nagkaroon ng isang madugong demonstrasyon kasama si Rizal at iba pang
Pilipino kung saan marami ang nasaktan at nasugatan.
____________________________
18. Mga lugar kung saan nag-aral ng optalmolohiya si Rizal.
____________________________
19. Ang gumuhit ng “Blood Compact” kung saan tumayong modelo si Rizal.
____________________________
20. Ang naging matalik na kaibigan ni Rizal sa pamamagitan ng pagliliham.
____________________________

Gawain 3. Komprehensibong ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na katanungan.

21. Gaan kahalaga ang pag-aaral sa kolehiyo? Hindi ba sapat na nakatapos ka ng sekundarya?
Ipaliwanag.
________________________________________________________________________

________________________________________________

22. Kung ikaw si Rizal, ililihim mo rin bas a iyong mga magulang ang iyong mga plano sa
buhay? Pangatwiranan.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________

23. Ano-ano ang mga di mo makakalimutang karanasan bilang mag-aaral sa kolehiyo?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________

24. Para sa ‘yo, gaano kahalaga ang sining at panitikan sa isang bansa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda

DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert Balunsay

________________________________________________________________________
________________________________________________

Gawain 4. Sumulat ng isang maikling tula na may pamagat na “Buhay bilang isang
Paglalakbay”.

______________________________________________________

Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang isda

You might also like