You are on page 1of 2

ANG PAGBIYAHE NI RIZAL

Noong Mayo 3, 1882 ay umalis na siya ng Maynila upang makapagsimulang maglakbay, lulan ng barkong
Espanyol na Salvadora na papuntang Singapore. Binabagabag siya ng kanyang damdamin sa kanyang
pag-alis dahil sa kailangang mapalayo pa siya sa kanyang pamilya upang maisakatuparan ang kanyang
lihim na misyon. Hiniling pa niya sa kanyang mga kaibigang naghatid sa kanya sa piyer na kung maaari ay
huwag muna siyang iwan hangga’t hindi umaalis ang kanyang sinasakyang barko. Lumagay siya sa
barandilya ng barko hangga’t “hindi sila nawawala sa kanyang paningin at hanggang ang kapaligiran ng
Maynila ay tila isang kagubatan na lamang ng mga tikin at walang anyong hugis.”

Taglay ng Salvadora ang sistemang umiiral sa Pilipinas. May nabanggit si Jose ukol sa kanyang mga
kapasaherong Kastila. Na sila ay nag-uusap ng masama tungkol sa bansang kanilang pupuntahan upang
kumita ng salapi. Kung sila ay pakikinggan, lumalabas na ang Espanya ang henyo sa kabutihan,
kakayahan at karunungan kumpara sa iba at sa Pilipinas, at “wala ni isang makikitang
mapakikinabangang alikabok sapagka’t doon ay naiwala ng Diyos ang kanyang mabiyayang karunungan”.

Upang malibang sa biyahe, nakipaglaro si Jose ng ahedres (chess) sa ibang pasaherong mas matanda pa
sa kanya. Madalas siyang manalo. Kahit siya ang nag-iisang pasaherong indio sa barko, naging maayos
ang pakikitungo sa kanya ng ilang Kastila. Kapansin-pansin ang kanyang matikas na tayo at balingkinitan
na pangangatawan na pinatitindi pa ng kanyang dignidad at kilos na kapita-pitagan. Siya ay may
katamtamang taas, 5 piye at 5 pulgada kapag nakasapatos.

Sa kanyang talaarawan, nasulat ni Jose ang pagkaalaala niya sa mga dalagang kinalugdan niya noong siya
ay nag-aaral pa sa Maynila, “Leonor, Dolores, Ursula, Felipa, Vicenta, Margarita at iba pa, may mga ibang
pag-ibig na mag-aangkin ng inyong mga puso at hindi magtatagal at malilimot ninyo ang “manlalakbay.”
Ako ay magbabalik subali’t matatagpuan ko ang aking sarili na nag-iisa sapagka’t ang mga dating
naglalaan ng kanilang mga ngiti sa akin ay ilalaan na ang kanilang alindog sa ibang mas mapalad.
Samantala ay hahabulin ko ang aking pangarap, isang maling ilusyon marahil. Abutan ko kayang buo ang
aking pamilya, kung magkagayon ay mamamatay akong maligaya.”

Noong mayo 9, dumaong na ang Salvadora sa Singapore, isang kolonya ng Britanya. Nanuluyan siya sa
Hotel de la Paz at dalawang araw na namasyal sa lungsod, Nakita niya ang Hardin Botanikal,
magagandang templo ng mga Buddhist, distrito ng pamilihan at estatwa ni Sir Thomas Stanford Raffles
(tagapagtatag ng Singapore).

Umalis si Jose sa Singapore lulan ng Djemnah, isang barkong Pranses. Lubos ang paghanga niya sa barko
at ganito ang nasulat niya”…anuman ang gawin kong paglalarawan ay naniniwla akong tiyak na hindi
sapat. Ang lahat ng bagay ay napakalinis. Ang barko ay napakalaki. Ang mga kuwarto ay napakagaganda,
malinis at maluwag na nahahanginan. Ang bawat isa’y may ilaw, kurtina, banggera at salamin. Ang sahig
ay may karpet, may malalaking salon, ang mga kubeta ay malilinis at ang banyo ay napakaayos. Ang
serbisyo at hindi mahihigitan. Ang mga katulong ay maasikaso, magalang at ismarte. Umagang-umaga pa
lamang ay nililinis na ng katulong ang lahat ng sapatos at nandoon siya palagi para naming mautusan.
Ang mga kama ay malambot at malamig. Mainam ang ginagawang paglilinis at saan mang lugar at
makikita ang kalinisan.”
Ang mga pasahero ay mga Ingles, Pranses, Olandes, Espanyol, Siamese at Malay. Maraming siyang
naging kaibigang Europeo, na karamihan ay mga Olandes. Kinakausap niya sila sa salitang Pranses na
natutuhan niya sa aklat sa Ateneo. Sinasabayan niya ito ng pagkukumpas ng kamay at pagguhit sa papel
upang higit na maunawaan. Sa araw-araw niyang pakikipag-usap sa kanila, unti- unti siyang humusay sa
pagsasalita ng wikang ito.

Sa mga pantalang dinadaungan ng barko ay bumababa siya kasama ng mga kaibigan niyang Olandes na
itunuturing siyang kaisa nila. Nagugustuhan ni Jose ang kanyang paglalakbay. Marami siyang nakikitang
magagandang lugar

gaya ng Colombo, kabisera ng Ceylon (ngayon ay Sri Lanka). Nabighani si Jose sa mga eleganteng gusali
nito.

Sa pagtawid ng barko sa Karagatang Indian, tumigil ito sa Aden at nagsibabaan ang mga viajero. Sa
pamamasyal ni Jose sa mainit na lungsod na ito, natuwa siya sa mga kamelyo dahil noon lamang niya
nakita ang mga hayop na ito. Sa pagdaan ng barko sa Kanal Suez, muling huminto ang barko sa terminal
nito sa Red Sea. Sa gitna ng maliwanag na buwan, naaalala niya ang Calamba at ang kanyang pamilya.

Limang araw ang ibinayahe ng Djemnah sa Kanal Suez. Sa Port Said, ang terminal ng Kanal Suez sa
Mediteranta ng iba’t ibang wika tulad ng Arabe, Ehipto, Griyego, Pranses, Italyano, Espanyol at iba pa.

Nagpatuloy ang barko sa paglalakbay patungong Europa. Hunyo 11,1882 ay narating nila ang Naples.
Masigla ang komersiyo rito. Nagandahan siya sa mga tanawin, tulad ng Bundok Vesuvius at ang Kastilyo
ni San Telmo.

Gabi ng Hunyo 12, dumaong na ang Djemnah sa Marseilles. Naging malungkot ang pamamaalam niya sa
mga naging kaibigan sa kanyang paglalakbay. Dinalaw niya ang Chateau d’lf, kung saan ang pangunahing
tauhan ng The Count of Monte Cristo, ay napiit.

Noong hapon ng Hunyo 15, si Jose ay sumakay ng tren papuntang Espanya. Humanga siya sa angking
bilis nito lalo na kung nagkakasalubong ang dalawang tren. Naisulat niya na “parang kidlat ang mga ito.”

Tinawid ng tren ang Pyrenees at tumigil ng isang araw sa Port Bou. Dito nagkaroon ng pag-iinspeksyon
ng mga pasaporte. Napansin ni Jose ang pagwawalang bahala sa mga turista ng mga Espanyol na opisyal
ng imigrasyon di tulad ng mga Pranses na opisyal na magagalang.

You might also like