You are on page 1of 8

ANG PAGLALAKBAY NI DR. JOSE P.

RIZAL
JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO Y REALONDA
 UNANG PAGLALAKBAY
 MAY 1, 1882
o Jose Ma. Cecilio
o Mateo Evangelista
o Pedro A. Paterno
o Mister Esquivel

 PILIPINAS
 SINGAPORE (May 9-11, 1882)
o Makalipas ang limang-araw na paglalakbay, nakarating ang Salvadora sa
Singapore noong May 9, 1882. Tumuloy si RIZAL sa Hotel de La Paz sa
dalawang araw na sandaling pamamalagi niya sa Singapore.
o Sa singapore, sumakay si RIZAL sa Djemnah, isang bapor ng Pranses na
naglalayag patungong Europa.

 Isang linggo matapos na siya ay umalis sa Singapore, dumating ang bapor sa


Point de Galle. Si RIZAL, kasama ang iba pang pasahero ay pumunta sa
dalampasigan para magliwaliw.
 COLOMBO CEYLON (SRI LANKA)
o Sakay ng barkong Djemnah, nagtungo siya sa Colombo, punong lungsod
ng Ceylon noong Mayo 18, 1882. Hinangaan ni Rizal ang Colombo dahil
sa magagandang lugar nito.
o Buhat sa Colombo, ang bapor ay tumawid sa Karagatang India patungong
Cafe Guardafui sa Africa.

 Sa Aden, si Rizal ay nakaranas ng matinding init. Napag-alaman niyang higit


itong mainit kaysa sa pinakamamahal niyang Pilipinas.
 Noong ika-2 ng Hunyo, dumating siya sa lungsod ng Suez. Ang Dagat na Pulang
hanggahan ng Suez Canal. Ang napakagandang liwanag ng buwan sa marangal
na lungsod na ito ay nagpapaalala sa kaniya ng kaniyang pamilya at ng Calamba.

 NAPLES AT MARSEILLES
o Noong ika-11 ng Hunyo 1882, narating ni Rizal ang Naples.
o Nang gabi ng ika-12 ng Hunyo 1882 ang barko ay dumaong sa Puerto ng
Pranses sa Marseilles. Pinuntahan niya ang tanyag na lugar sa lungsod, lalung
lalo na ang Chateau d’If kung saan ikinulong si Dantes sa kanyang paboritong
nobela na Monte Cristo.
o Tumigil siya ng tatlong araw sa Marseilles, nagpapakasaya sa bawat araw ng
kaniyang bakasyon.

 BARCELONA
o Sa Marseilles, sumakay si Rizal ng tren papuntang Espanya. Tumawid siya
sa Pyrenees at tumigil ng isang araw hanggang bayan ng Port Bou.
Nakarating siya noong Hunyo 15, 1882.
o Nasiyahan siya sa pamamasyal sa kahabaan ng Las Ramblas, ang tanyag na
kalye ng Barcelona.
o Ang mga Pilipino sa Barcelona, ang ilan sa mga ito ay kamag-aral niya sa
Ateneo, ang mga sumalubong kay Rizal, binigyan nila si Rizal ng isang salu-
salo sa kanilang paboritong restawran sa Plaza de Cataluna.

 MADRID
o Sumapi si Rizal sa Circulo Hispano-Filipino at Masonic Lodge Acasia at
sinimulan niya isulat ang nobelang Noli Me Tangere.
o Noong Nobyembre 1882, si Rizal ay nagpatala sa Universidad Central de
Madrid sa dalawang kurso—medisina at pilosopiya at letra.
o Dito tinapos niya ang kursong kursong Medisina sa Universidad Central de
Madrid noong Hunyo 21, 1884. Ngunit dahil sa hindi niya naipasa ang
kanyang thesis at nakapagbayad ng kanyang karampatang para sa kursong
tinapos, hindi siya nabigyan ng diploma.
o Nang sumunod na taon ay natapos niya ang kursong Pilosopiya.
o Bukod sa puspusang pag-aaral niya sa Universidad, nag-aral parin siyang
pagpinta at paglilok sa Akademya ng San Carlos.

 NAKATAPOS NG PAG-AARAL SA ESPANYA


o Noong Hunyo 21, 1884 natapos sa kursong medisina si Rizal sa Universidad
Central de Madrid. Ngunit dahil sa hindi niya pag susumite ng kanyang
thesis, at hind pagbabayad ng karampatang halaga para sa pagtatapos ay
hindi siya nabigyan ng diploma sa kursong tinapos. Nang sumunod na taon
ay natapos din niya ang kursong Pilosopiya sa paaralan ding iyon noong
1885.

 NAGING MASON SI RIZAL


o Sumapi si Rizal sa Masoneriya sa Masonic Lodge Acasia sa Madrid na ang
masonik na pangalan niya ay Dimasalang, sa dalawang dahilan.
1. Dahil sa kawalan ng pag-asang mapagbago pa ang pagmamalabis sa mga
paring kastila sa Pilipinas.
2. Kailangan niya ang tulong ng mga ito sa pagtuligsa sa mga prayle sa
Pilipinas
 PAGPUPUGAY KINA LUNA AT HIDALGO
o Dalawang Pilipino, sina Juan Luna at Felix Resurrection Hidalgo ang
nagwagi sa gantimpala sa pagguhit at siya ang naanyayahang magbigay
pugay sa kanila. Ang kanbas ni Lunang Spolarium ay nanalo sa unag
gantimpala at ang kay Hidalgong Christian Virgins Exposed to the
Populance ay ikalawang gantimpala.

 PARIS
o Matapos ang maikling panahong pag-aaral sa Universidad ng Madrid, at isa
ng manggagamot ay nag desisyong tumungo si Rizal sa Paris at Alemanya
upang magpakadalubhasa sa panggagamot sa mata.
o Pumasok siyang katulong sa kilalang manggagamot doon, Malaki ang
naitulong niya kay Dr. Louis de Weckret ang nangunguna ng manggagamot
sa Pransya.

 HEILDERBERG
o Noong Pebrero 8, 1886 narating niya ang Heidelberg, makakasaysayang
lungsod na Alemanya, at kilalang-kilala ito sa makalumang Universidad at
kaakit-akit na lugar.

 Si Rizal ay naglingkod sa klinika ni Dr. Javier Galezowsky (1832-1907) kilalang


mahusay na maggagamot sa mata at siya rin ay nag aaral sa pagtuturo ni Dr. Otto
Becker, isang magaling na manggagamot sa mata na awtoridad na Alemanya.

 LEIPZIG
o Noong Agosto 14, 1886 narating niya ang Liepzig, nakipanayam siya sa
Univesidad ng Liepzig sa kasaysayan ng pag-aaral sa kaganapang pang-tao.

 BERLIN
o NOBYEMBRE 1, 1886 nang narating niya ang Berlin. Nakipag-ugnayan sa
mga magagaling na taong agham. Sa unang pagkakataon nakapanayam niya
si Dr. Feodor Jagor, isang bantog na maka-agham na Aleman, manlalakbay
at may akda ng Ang paglalakbay sa Pilipinas.
o Ipinakilala ni Dr. Jagor si Rizal kay Dr. Rudolf Virchow (bantog na
antropologo at propesor ng anatomiyang naglalarawan)
o Noong 1886 namuhay sa kahirapan si Rizal sa Berlin. Si Rizal ay nagutom ,
nagkasakit at nanghinaang katawan, hindi ito naging hadlang sa pag sulat
niya ng pahina ng kaniyang nobela, natapos niya ang Noli Me Tangere
noong Pebrero 21, 1887.

 PAGLALAKBAY NI RIZAL AT VIOLA SA EUROPA


o Noong Mayo 11, 1887 si Rizal at si Viola, masayang masaya sa paglalakbay
na lulan nag-isang tren, habang papalayo sa Berlin. Tutunguhin nila ang
Dresden na isa sa pinakamagandang siyudad ng Alemanya.

 DRESDEN
o Dito nakilala si Dr. Adolph B. Meyer. At ang pagpunta sa Dresden ay
nataon sa kanilang panlalawigang panrelihiyon, pagdadaluhan o paglalahok
ng mga bulalak. Samantala sa kanilang pamamasyal sa iksibisyon, nakita
nila si Dr. Jagor.

 LEITMERITZ, BOHEMIA
o Mayo 13, 1887, dumating ang tren sa estasyon ng Leitmeritz, Bohemia.
Naroon naghihintay si Prop. Blumentritt. Sinasabi na magaganda ang mga
alaala ni Rizal sa lugar na ito.
o Dr. Czepelak
o Dr. Klutschak
o Mayo 17, 1887 ng umaga nilisan nina Rizal at Viola ang Leitmeritz lulan ng
tren.

 PRAGUE
o Pagkatapos sa Leitmeritz, dinayo nila ang makasaysayang siyudad ng
Prague.

 VIENNA AUSTRIA
o Noong Mayo 20, 1887, sina Rizal at Viola ay dumating sa magandang lugar
ng Vienna, kabisera ng austria-hungary. Sina Rizal at Viola sa
rekomendasyon na galing kay Blumentritt, ay nakipagkita kay Norfenfals,
isang matatag na nobelista sa Europa noong panahong iyon. Sila ay
ipinakilala sa dalawang kaibigan ni Blumentritt na sina Masner at Nordman,
mag-aaral ng Austria.

 SWITZERLAND
o Magkasama si Rizal at si Viola noong Hunyo 2-3, 1887 sa pagbisita sa
Schaffhausen na itinuturing na isa sa kaakit-akit na lugar sa nasyon ng
alpine. Si Viola ay kinakailangan nang bumalik sa Barcelona at si Rizal ay
nagpatuloy sa kanyang paglalakbay.

 ITALY
o Pinuntahan niya ang ang lugar ng Turin, Milan, Venice at Florence. Noong
Hunyo 27, 1887, tinungo naman niya ang Roma. Makalipas ang isang linggo
na pamamasyal sa Roma ay umuwi na ito muli sa Pilipinas.

 PAGBABALIK NI RIZAL SA PILIPINAS


o Umuwi siya ng Pilipinas dahil sa:
1. Upang operahan ang mata ng kaniyang ina.
2. Matulungan ang kaniyang kababayang inaapi.
3. Makita ang ibinunga ng kanyang Noli sa bayan at sa pamahalaang
kastila.
4. Upang alamin ang dahilan nang hindi pagsulat ni Leonora Rivera.

 ANG KAGULUHANG BUNGA NG NOLI ME TANGERE


 NILAPITAN NG MGA PRAYLE ANG GOBERNADOR HENERAL AT
NAGHATID NG SUMBONG NA LABAN SA NOLI ME TANGERE.
 DAHIL SA NOLI ME TANGERE AT PAKIKIALAM NI RIZAL SA
SULIRANING AGRARYO SA HACIENDA SA CALAMBA, SI RIZAL AY
LABIS NA KINAMUMUHIAN NG MGA PRAYLENG DOMANIKO.
 NAPILITANG UMALIS ULIT SI RIZAL NG BANSA DAHIL SA
NANGANGANIB ANG BUHAY NG KANYANG MGA MAGULANG,
KAPATID AT MGA KAIBIGAN. AT MAS HIGIT SIYANG MAKAKALABAN
PARA SA KAPAKANAN NG BAYAN KUNG SIYA AY MAGSUSULAT NA
MALAYA SA IBANG BANSA.

 PANGALAWANG PAGLALAKBAY
 PILIPINAS
 HONG KONG
o Pebrero 8, 1888 dumating si Rizal sa Hong Kong
o Nang dumating si Rizal sa Hong Kong ay nagparehistro siya sa Victoria Hotel
kung saan siya nanuluyan.
o Pebrero 18, 1888 bumisita siya sa Macao kasama si Jose Marisa Basa.
o Pebrero 22, 1888 nilisan ni Rizal ang Hong Kong lulan ng barkong Oceanic
patungong Japan.
 JAPAN
o Yokohama, Japan – Pebrero 28, 1888 dumating si Rizal sa Yokohama at
tumigil sa Hotel Grande.
o Tokyo, Japan – Nagtungo rin siya sa Tokyo at binisita siya ni Juan Perez
Caballero, kalihim ng Legasyong Espanyol. Marso 15, 1888 nakilala niya si
Seiko Usui (O-Sei-San) na kanyang naging kasintahan.

 ESTADOS UNIDOS
o Abril 26, 1888 dumaong ang barkong Belgic sa San Francisco at Nakita niya
ang Amerika sa unang pagkakataon.
o Mayo 8, 1888 nagsimulang maglakbay si Rizal sa iba’t ibang sulok ng Estados
Unidos.
o Mula sa New York, tumulak siya patungong Inglatera, sakay ng barkong City
of Rome. London, Inglatera.
 LONDON, INGLATERA
o Mayo 1888 – Marso 1889 nanirahan si Rizal sa London upang lumawak ang
kaalaman sa wikang Ingles at gumawa ng anotasyon sa “Sucesos de las Islas
Filipinas” ni Antonio Morga.
o Nagpadala siya ng mga artikulo sa Espanya upang ilathala sa La Solidaridad
tulad ng “Filipinas Dentro de Cien Años” (Ang Pilipinas sa Darating na
Sandaang Taon) at ang “Sobre La Indolencia de los Filipinos” (Ang Tungkol sa
Katamaran ng mga Pilipino).
o Pebrero 22, 1889 nagpadala siya ng “Liham Para Sa Mga Kadalagahan ng
Malolos”.
o Disyembre 24, 1888 nagbalik sa London si Rizal upang magdiwang ng pasko at
bagong taon kapiling ang mag-anak na Beckett.
o Marso 1889 nilisan ni Rizal ang London patungong Paris.

 PARIS
o Setyembre 1888 binisita ni Rizal ang Paris nang isang lingo lamang para sa
ilang gamit pangkasaysayan sa Pambansang Aklatan sa Paris.
o Marso 19, 1889 itinatag ni Rizal ang Samahang Kidlat. Sumunod ang Indios
Bravos at ang Redencion de los Malayos (Para sa Katubusan ng mga Malayo).
o Isinulat ni Rizal ang Por Telepono, isang satiriko laban kay Padre Labrador
Font na siyang pasimuno sa pagbabawal sa Noli Me Tangere sa Pilipinas.
Ginamit niyang sagisag-panulat ang Dimas-alang.
 ESPANYA
o Barcelona at Madrid (Espanya) – Disyembre 11, 1888 nagpunta si Rizal sa
Barcelona at Madrid upang makipag-ugnayan sa mga Pilipino doon tungkol sa
mga gawaing propaganda para sa Reporma ng Pilipinas.
o Pebrero 15, 1889 itinatag ni Graciano Lopez Jaena ang pahayagang “La
Solidarida” kung saan ang naging patnugot dito ay si Marcelo H. del Pilar.

 BRUSSELS BELGIKA
o Enero 28, 1890 dahil sa magastos ang pamumuhay sa Paris at balakid na
kasiyahan ng lungsod sa pagsusulat ng El Filibusterismo, nilisan niya ang Paris
patungong Brussels, Kabisera ng Belgika.
o Naging abala si Rizal sa pagsusulat ng El Filibusterismo at ang pagpapadala ng
mga artikulo sa La Solidaridad.

 PILIPINAS
o HUNYO 26, 1892 NAGBALIK SI RIZAL SA MAYNILA
o HULYO 3 ITINATAG NIYA ANG LA LIGA FILIPINA
o IPINATAPON SI RIZAL SA DAPITAN DAHIL SA BINTANG NA
PAGPAPADALA NIYA NG MGA POLYETONG KONTRA SIMBAHAN.
o SA HULING PAGKAKATAON MULING UMALIS NG BANSA SI RIZAL
PATUNGONG ESPANYA.
o OKTUBRE 3, 1896 – NAKARATING ANG BARKONG ISLA DE PANAY
SA BARCELONA AT IPINADALA SA MUNJUICH CASTLE NA NOON
AY PINAMUMUNUAN NI GENERAL EULOGIO DESPUJOL.
o OKTUBRE 6, 1896 – INILABAS SI RIZAL NG KULUNGAN PARA IBALIK
SA MAYNILA SAKAY NG BARKONG COLON.
o SA HULING PAGBABALIK NI RIZAL SA BANSA KINUMPISKA NG
MGA ESPANYOL ANG TALAARAWAN NIYA.
o NAGSIMULA ANG PAGLILITIS KAY RIZAL NOONG DISYEMBRE 26,
1896 AT SA NASABI DING ARAW AY NAGPASYA ANG HUKUMAN NA
BITAYIN SI RIZAL SA PAMAMAGITAN NG PAGBARIL.
o NOONG DISYEMBRE 28, 1896 NILAGDAAN NI GOBERNADOR
HENERAL CAMILO POLAVIELA ANG KAUTUSAN NG PAGBARIL
KAY JOSE RIZAL.

o DESYEMBRE 30, 1896 SA GANAP NA 6:30 NG UMAGA


NAGSIMULANG MAGMARTSA SI RIZAL MULA FORT SANTIAGO
PATUNGO NG BAGUMBAYAN.
o SA GANAP NA 7:00 NG UMAGA BINARIL SI RIZAL SA
BAGUMBAYAN.

o PAGKATAPOS NG PAGBITAY, ANG BANGKAY NI RIZAL AY


INILIBING SA SEMENTERYO NG PACO.

You might also like