You are on page 1of 5

⚓ Mayo 9, 1882 |SINGAPORE

Sakay ng barkong Salvador, nagtungo siya sa Singapore. Nagparehistro siya sa Hotel dela Paz. Dalawang araw
saglit na namalagi si Rizal sa Singapore.

Dito siya sumakay ng barkong Djemnah upang makarating ng Europa.

⚓ Mayo 18, 1882 |Colombo, Ceylon (Sri Lanka)

 Sakay ng barkong Djemnah, nagtungo siya sa Colombo, punong lungsod ng Ceylon noong Mayo 18,
1882. Hinangaan ni Rizal ang Colombo dahil sa magagandang lugar dito.
 Buhat sa Colombo, tumawid ng karagatang India patungong Guardafui, Africa.

Barcelona, Espanya
Narating ni Rizal ang Espanya noong Hunyo 16, 1882 lulan ng tren mula Marseilles, Pransya.
Malugod na tinanggap si Rizal ng mga ilan niyang kamag-aral noon sa Ateneo.

Marsielles, Pransya
Nang gabi ng ika-12 ng Hunyo 1882,Madrid,
dumaongEspanya
ng Pranses sa Marsielles. Pinuntahan niya ang tanyag naa
lugar na Chatae D’if kung saan ikinulong si Dantes sa kanyang paboritong nobela na Monte Cristo.
Sumapi si Rizal sa Circulo Hispano-Filipino at Masonic Lodge Acasia at sinimulan niya isulat ang
nobelang Noli Me Tangere.

Dito tinapos niya ang kursong Medisina sa Universidad Central de Madrid noong Hunyo 21, 1884. Ngunit
dahil sa hindi niya naipasa ang thesis at nakapagbayad ng karampatang para sa kursong tinapos, hindi
siya nabigyan ng diploma.

Nang sumunod na taon ay natapos niya ang kursong Pilosopiya.

Leizping, Alemanya
Lulan ng tren binisita ni Rizal ang ilang lungsod sa Alemanya Agosto 14, 1886

Berlin, Alemanya
Noong Nobyembre 1, 1886, narating niya ang Berlin kun saan siya tinanggap ng Sirkulo Siyentipiko. Dito
niya pinaghusay niya ang kaalaman niya sa optalmohiya sa tulong ng ilang mga kaibigan.

Namuhay si Rizal sa kahirapan. Siya ay nagutom, nagkasakit ngunit hindi ito naging hadlang upang
mailathala ang kanyang nobelang Noli Me Tangere noong Pebrero 21, 1887
Paris, Pransya
Pumasok siya bilang isang katulong sa kilalang manggagamot doon si Dr. Louis de Wrecket na malaki
ang naitulong sa kanya sa pagdadalubhasa sa paggamot ng mga mata.

Tumungo siya sa Paris upang ipagpatuloy ang pagdadalubhasa sa paggagamot ng mga mata sa tulong
ng isang tanyag na manggagamot na si Dr. Wrecket

Leitmeritz, Bohemia
Mayo 13, 1887, dumating ang tren sa estasyon ng Leimeritz kung saan nagiintay si Prop, Ferdinand
Bluementritt. Sinasabi na magaganda ang mga alaala ni Rizal sa lugar na ito

Vienna, Austria
Noong Mayo 20, 1887, sina Rizal at Viola ay dumating sa Vienna upang makipagkita kay Norfenfals, sa
rekomendasyon ni Bluementritt, na isang magaling na nobelista noong panahong iyon.

Switzerland
Magkasama si Rizal at si Viola noong Hunyo 2-3, 1887 sa pagbisita sa Schaffhausen na itinuturing na isa
sa kaakit-akit na lugar sa nasyon ng alpine. Pagkatapos ay kinakailangang magbalik ni Viola ng barcelona
at si Rizal ay nagpatuloy sa kanyang paglalakbay.

Italy
Sa Italy pinuntahan ni Rizal ang lugar ng Turin, Milan, Venice at Florence. Noong Hunyo 27, 1887 tinungo
niya naman ang Roma.

Makalipas ang isang linggo na pamamasyal sa Roma ay umuwi na ito muli sa Pilipinas.

ANG KAGULUHAN BUNGA NG NOLI ME TANGERE


Nilapitan ng mga prayle ang Gobernador Heneral at naghatid ng sumbong na laban sa Noli Me Tangere.

Dahilan sa Noli Me Tangere at pakikialam ni Rizal sa suliraning agraryo sa hacienda sa Calamba, si Rizal ay
labis na kinamumuhian ng mga prayleng Dominikano

ANG KAGULUHAN BUNGA NG NOLI ME TANGERE


Napilitang umalis ulit si Rizal ng bansa dahil sa nanganganib ang buhay ng kanyang mga magulang, kapatid
at mga kaibigan. At mas higit siyang makakalaban para sa kapakanan ng bayan kung siya ay magsusulat
na malaya sa ibang bansa.

PANGALAWANG PAGLALAKBAY
Hong Kong
Pebrero 8, 1888 dumating si Rizal sa Hong Kong .Nang dumating si Rizal sa Hong Kong nagparehistro
siya sa Victoria Hotel kung saan siya nanuluyan.

Hong Kong
Pebrero 18, 1888 Bumisita sa Macao kasama si Jose Maria Basa.

Pebrero 22, 1888 nilisan ni Rizal ang Hong Kong lulan ng barkong Oceanic patungong Japan

Tokyo, Japan
Nagtungo rin siya sa Tokyo at binisita siya ni Juan Perez Caballero, kalihim ng Legasyong Espanyol.

Tokyo, Japan
Marso 15, 1888 nakilala niya si Seiko Usui (O-Sei-San) na kanyang naging kasintahan.

Estados Unidos
Abril 26,1888 dumaong ang barkong Belgic sa San Francisco at nakita niya ang Amerika sa unang
pagkakataon. Mayo 8, 1888 nagsimulang maglakbay si Rizal sa iba't ibang sulok ng Estados Unidos.Mula
sa New York, tumulak siya patungong Inglatera, sakay ng barkong City of Rome. London, Inglatera

London, Inglatera
Mayo 1888-Marso 1889 nanirahan si Rizal sa London upang lumawak ang kaalaman sa wikang Ingles at
gumawa ng anotasyong sa "Sucesos de las Islas Filipinas" ni Antonio Morga. Nagpadala siya ng mga artikulo
sa Espanya upang ilathala sa La Solaridad tulad ng "Filipinas Dentro de Cien Años" (Ang Pilipinas sa Darating
na Sandaang Taon) at ang "Sobre La Indolencia de los Filipinos" (Ang Tungkol sa Katamaran ng mga
Pilipino.)

Pebrero 22, 1889 nagpadala siya ng "Liham Para sa Mga Kadalagahan ng Malolos".

Disyembre 24, 1888

nagbalik sa London si Rizal upang magdiwang ng Pasko at Bagong Taon kapiling ang mag anak na
Beckett.

You might also like