You are on page 1of 52

Filipino 2

Pagbasa at Pagsulat Tungo


sa Pananaliksik

Bb. Maricelle C. Malabanan


Guro sa Filipino
PAGBASA
PAGBASA
“Be more, read more.”

“Ang pagbabasa ay nakabubuo ng


pagkatao.”
- Francis Bacon
“Ang isang taong nagbabasa ay
isang taong nangunguna.”
7
-Lord Chesterfield
PAGBASA
Pagbasa bilang isang proseso
Arrogante et al.

Persepsyon
Pag alam at pag-interpret
Pagbasa
Komprehensyon
Pag-unawa
Denotasyunal
Konotasyunal 10
PAGBASA
Pagbasa bilang isang proseso

IV. Integrasyon Ang pagbasa ay


(Pagsasama ng
bagong ideya sa
I. Pagkilala isang proseso ng
sa salita
personal na pag-iisip, pag-
karanasan)
eebalweyt,
III. Reyalisasyon II. Pag- paghuhusga at
o Paghuhusga at unawa paglutas ng
Emosyunal na Pagbuo ng
pagtugon konsepto suliranin.
- William Gray
10
PAGBASA
Pagbasa bilang isang proseso

Goodman, Psycholinguistic
1973 Guessing Game

Sa kabuoan ito ay
ang pagbuo muli
ng ideya mula sa
8
ideya ng awtor.
PAGBASA
Pagbasa bilang isang proseso

Graphophonemic Cues
Tunog nating naririnig at
ang relasyon nito sa hugis ng letra
(grapema)
Psycholinguistic Syntactic Cues
Ang mga salita sa parirala,
Guessing Game sugnay at pangungusap at ang
ugnayan ng mga ito upang makabuo
ng isang diskurso.
Semantic Cues
Pagpapakahulugan sa
binasa. Konteksto
9
PAGBASA
Pagbasa bilang isang proseso
Pinayabong ni Coady (1979) ang konsepto ni Goodman
ng pagbasa. Sinabi ni Coady na malaki ang kaugnayan ng imbak
na kaalaman sa pag-unawa sa binasa na bahagi ng tinatawag
nyan Kakayahang Pangkaisipan.

Ang Kakayahang Pangkaisipan


ay ang lahat ng kakayahang
Coady intelektwal ng isang tao. Ang
pamamaraan sa pagpoproseso
1979 ng impormasyon ay iyong may
kinalaman paggising sa mga
inpormasyong nasa isipan ng
tagabasa. 11
PAGBASA
Pagtanggap at Pag-interpreta tungo sa Pag-unawa

Pagtanggap + Decoding + Interpretasyon

+ Pag-unawa=PAGBAB
12
PAGBASA
Pagtanggap at Pag-interpreta tungo sa Pag-unawa

ANTAS NG PAG-UNAWA

LITERAL Interpretatibo Aplayd


Literal na pagbasa Pagbasa na may pag-unawa Pagbasa na may
aplikasyon

13
13
14

PAGBASA
Pagtanggap at Pag-interpreta tungo sa Pag-unawa

ng Sistema ng Hudyatan
• Sintaks – sistematikong kayarian ng wika, kasama ng mga tuntuning
panggramatika na tumutulong na pagsama-samahin at pag-ugnayin ang
mga salita upang makabuo ng isang pangungusap gaya ng sa wikang
Filipino.
• Semantiks – Ang sistematikong kahulugan ng wika, kasama ang
katututran ng mga salita at parirala at kung paano ito nagbago sa pagdaan
ng panahon.
• Pragmatiks – Ang sistematikong tuntunin ng lipunan na
nagpapahintulot sa atin na malaman kung anon wika ang katanggap-
tanggap at kinakailangan sa isang partikular na tagpuan.
• Grapoponiko – Ang sistematikong pag-uugnayan ng mga letra at tunog
ng mga ito, kasama na ang grapikong impormasyon sa pahina.
PAGBASA
Kahulugan ng Pagbasa

Ang pagbabasa ay isang proseso ng


pagtanggap at pag-interprita ng mga
impormasyong naka-koda sa anyo ng wika
sa pamamagitan ng limbag na midyum

- Urquhart at Weir, 1998

15
PAGBASA
Ang Wika Bilang Isang Koda

Ang wika bilang koda ay nakaayos ayon


sa paraang pagkakahawig, pagkakatulad sa
palatunugan (ponolohiya), sa palabuoan
(morpolohiya), sa palaugnayan (sintaks) at
pagpapakhulugan (Leksikon).

16
17
Charoterang Sprikitik Ispiritong naglalaro
Umapir ka Vakler magpakita ka!
Magpa-feel Magpa-sense Magparamdam ka ngayon
Ditey sa baler dito sa bahay.
Witish shokoley Hindi takot
Ang udanji ditey ang mga tao dito.
Sa fes ni boom boom mars Sa mukha mong
Na super kalerkey sobrang nakakabaliw.

Jejemon
Mild: eow pU. mXtah poeh.

Moderate: wOew pfow nah mizs pfou qtah.

Severe: 3oW Po3W! AnoH po3w gwAh U?

Terminal: 3oW poeG, m3n4p!pol! Nuah m1xZ


qowh pHoew K3o!
18
PAGBASA
Pananaw sa Pagbasa
A. TRADISYONAL NA PANANAW
• Ang mga baguhang mambabasa ay nakapagtatamo ng isang set ng
hirarkiyang nakaayos ng mga kasanayan na senswal na nalilinang
tungo sa kakayahang umunawa, at matapos matutuhan ang mga
kasanyang ito ay maituturing na silang eksperto na nakauunawa ng
anumang kanilang babasahin.(Dole et al. 1991)

Set ng Hirarkiya – Ang sistema ng isang wika


ay nabubuo ng mga mas maliit pang
sistemang at ang sitemang ito ay hierarchical
ang pagkakasaayos, ang ibig sabihin ay
mayroong mas malawak na sistema na
binubuo ng maliliit pang sistema

19
PAGBASA
Pananaw sa Pagbasa
A. TRADISYONAL NA PANANAW
• Ang mga mambabasa ay pasibong tatanggap ng mga
impormasyon sa teksto.Ang kahulugan ay nasa teksto at
ang mambabasa ay kailangangang lumikha ng
pagpapakahulugan.
• Ang pagbasa sa pananaw na ito ay pagdedekoda ng isang
serye ng nakasulat na simbolo na katumbas na awral sa
paghahanap sa kahulugan ng teksto, Tinawag nya itong
prosesong “BOTTOM-UP”(Nunan 1991)
• Tinawag naman ito ni McCarthy na “OUTSIDE-IN”,
tumutukot sa ideya na ang kahulugan ay nasa nakalibag
na pahina at binibigyang-interpretasyon ng mambabasa.
• Ang modelo na ito ng pagbasa ay lagi nang tinutuligsa
dahil sa defektibo o kahinaan nito at nakapokus lamang 20
ito sa pormal na katangian
PAGBASA
Pananaw sa Pagbasa
B.Kognitibong Pananaw
• Ang modelong “TOP-DOWN” ay isang tuwirang kabaligtaran ng modelong
“bottom-up” . Ang saykolinggwistikong modelo ng pagbasa at modelong
top-down ay nasa angkop at wastong kaayusan,( Nunan, Dubin at Bycina)
• Psycholinguistic guessing game – isang proseso kung san ang mambabasa
ay umuunawa ng teksto, gumagawa ng haypoteses, at iba pa. (Goodman)
• Ang teoryang iskema ay nakabatay sa kognitibong pananaw sa pagbasa.
Ang iskemata bilang “building blocks of cognition” na ginagamit sa
proseso ng pagbibigay-interpretasyon sa mga datos, sa pagkuha ng mga
impormasyon mula sa alaala, sa pag-oorganisa ng mga layunin, sa pagamit
ng mga resorses at sa pamamatnubay sa daloy ng proseso.(Rumelhart)
• Kung kulang ang ating iskema at hindi nagbibigay ng sapat na pag-unawa
sa mga parating na mga datos mula sa teksto ay magkakaroon tayo ng
suliranin sa proseso at pag-unawa sa teksto.(Rumelhart)
21
PAGBASA
22

Pananaw sa Pagbasa
C. Metakognitibong Pananaw
Kaugnay sa metakognisyon ang pag-iisip ukol sa gawaing isinasagawa ng
mambabasa habang nagbabasa. Ipinahayag nina Klein et al. na ang
istratehikong mambabasa ay nagtatangkang gawin ang mga
sumusunod :
• Pagtukoy sa layunin ng pagbabasa bago gawin ang mismong akto ng
pagbasa.
•Pagtukoy sa anyo o tipo ng teksto bago bumasa.
•Pag-iisip sa pangkalahatang karakter at katangian ng anyo o tipo ng teksto
•Pagtitiyak sa layunin ng awtor sa pagsulat (habang nagbabasa)
•Pamimili, Pag-iiskan, detalyadong pagbabasa
•Paggawa ng tuluy-tuloy na panghuhula sa kung ano ang maaring maganap,
batay sa mga impormasyong nakuha sa simula, dating kaalaman, at nakuhang
kongklusyon sa mga naunang yugto,
PAGBASA
Pananaw sa Pagbasa
C. Metakognitibong Pananaw
Bukod dito, tinatangka nilang bumuo ng isang paglalagom sa
nabasa. Sa Pagsasagawa sa mga naunang yugto ang mga
mambabasa ay nakapag-uuri-uri,nakapagsunud-sunod,
nakalilikha ng pagkakaugnay ng kabuuan sa mga bahagi,
nakapaghahambing at kontrast, nakatutukoy ng sanhi at
bunga, nakapaglalagom, nakabubuo ng mga haypotesis,
paghuhula at paghihinuha at nakakagawa ng konklusyon.

23
PAGBASA
Modelo ng Proseso ng Pagbasa

A. Ang pagbasa ay isang linggwistikong proseso.


B. Ang pagbasa ay isang transaksyonal na
proseso.
C. Ang pagbasa ay isang Prosesong
Transaksyonal Sosyo-saykolinggwistiko.

24
PAGBASA
Pagkuha ng Kahulugan – Resuma at Semorlan 2002

1. Pahiwatig na Kontekstwal (context clues) Hindi


lamang iisa ang kahulugan ng salita, nababatay din
ito sa konteksto ng pagkakagamit ng salita sa
pangungusap.

a. Depinisyon o kahulugan – Ang kahulugan ay


nababasa rin sa ibang bahagi ng pangungusap.

Halimbawa: Mahusay na nilinis ang anluwagi ang


martilyo, lagari at pait bagi niya inilagay sa
lalagyan. 24
PAGBASA
Pagkuha ng Kahulugan – Resuma at Semorlan 2002

b. Karanasan – Nahahango ang karanasan batay sa


mismong karanasang nabanggit sa
pangungusap.

Halimbawa: Labis ang kanyang pamimighati sanhi


ng walang paalam na pag alis ng kanyang
pinakamamahal.

24
PAGBASA
Pagkuha ng Kahulugan – Resuma at Semorlan 2002

d. Karanasan – Nahahango ang karanasan batay sa


mismong karanasang nabanggit sa
pangungusap.

Halimbawa: Labis ang kanyang pamimighati sanhi


ng walang paalam na pag alis ng kanyang
pinakamamahal.

24
PAGBASA
Pagkuha ng Kahulugan – Resuma at Semorlan 2002

e. Pahiwatig – Mababatid ang kahulugan kung


matitiyak ang sanhi at bunga ng pahayag

Halimbawa: Ang pagsulong ng bayan ay


makakamit matapos ang mahusay na
pagtutulungan ng mamamayan at
pamahalaan.

24
PAGBASA
Pagkuha ng Kahulugan – Resuma at Semorlan 2002

2. Denotasyon at Konotasyon

Halimbawa:
Mabango ang bulaklak sa halamanan – denotasyon

Tulad mo’y isang bulaklak sa halamanan - konotasyon

24
Filipino 2 Tekstong Ekspositori

Hulwaran at Organisasyon ng Tekstong


Ekspositori
Anu mang teksto na nagpapaliwanag o naglalahad ng mga
kaalaman hinggil sa anumang paksang saklaw ng
kaalaman ng tao. Sa tekstong ekspositori din nililinaw ang
mga katanungan sapagkat tinutulungan nito ang
pangangailangan ng mga mambabasa na malaman ang
mga kaugnay na ideya o isyu.

Kritikas sa Mapanuri
Manunulat kanyang
lipunan
Mapag-analisa
25
Filipino 2 Tekstong Ekspositori

Tekstong Ekspositori
Bunga ng pagpapahayag na ang layunin ay gumawa
ng malinaw, sapat at walang kinikilingang pagpapaliwanag sa
ano mang bagay na nasasaklaw ng isip ng tao.

Katangian ng Tekstong Ekspositori:


-Obhetibo ang pagtalakay sa paksa
-Sapat na mga kaalamang ilalahad
-Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideya
-Analitiko ang pagsusuri ng mga kaisipan at
datos
25
26
Filipino 2 Tekstong Ekspositori

Hulwarang Organisasyon ng Teksto ( Katangian


at Uri ng Tekstong Ekspositori)
1. Depinisyon o Kahulugan
- Isang uri ng diskursong ekspositori na pinakamadalas
gamitin. Maaring maibigay ang kahulugan ng isang bagay o
salita sa tulong ng ibang salitang kasing kahulugan nito.
Halimbawa:
itim – pagdadalamhati
pula – katapangan
luha – kasayahan o kalungkutan

- Maaari ring magbigay-kahulugan sa isang salita tulad


ng: una, ibigay ang pangkat na kinabibilangan nito at
pangalawa, ang ikinaiba nito sa kasamahan sa pangkat na
kinabibilangan, maaari ring sundan ito ng halimbawa
Filipino 2 Tekstong Ekspositori

Halimbawa: Ano ang paglalahad?


Ang paglalahad ay isang anyo ng
pagpapahayag, pasalita nam o pasulat na
nagpapaliwanag. Ilang uri na paglalahad ay tala,
balita, editoryal, panuto ay sanaysay.

- Sa pagbibigay ng depinisyon tinatalakay din ang isang


bagay o paksa kasama ang mga pagkakatulad o pagkakaiba nito
sa iba.
Halimbawa:
Pormal o maanyo – kapansin-pansin ang tatlong
bahagi
1.1 salita o katawan (term)
1.2 pangkat na kinabibilangan o kaurian (genre)
1.3 kaibahan (difference) 7
Filipino 2 Tekstong Ekspositori

Halimbawa:

Ang kasal (salita) ay isang uri ng sakramento


(kaurian) na nagbubuklod sa dalawang pusong
nagmamahalan. (kaibahan)

7
Filipino 2 Tekstong Ekspositori

3 Paraan na Maaring Gamitin sa Pagbibigay ng Kahulugan

1. Paggamit ng mga sinonimo o mga salitang may


katulad na kahulugan o kaisipan
2. Intensibo – Ginagamit ang tatlong bahaging
tinalakay sa naunang talata.
3. Ekstensibo – pinapalawak ang kahulugan.
Maaaring gamitin dito ang iba’t ibang metodo sa
paglinang ng talata tulad ng pag-uuri, analohiya,
paghahambing, pagbibigay ng halimbawa,
pagbanggit ng hanguan at iba pa.

Maari ring mapansin ang isang tekstong depinisyon sa dimensyong


denotasyon (karaniwang kahulugan o kahulugang mula sa diksyonaryo)
at dimensyong konotasyunal o di tuwirang kahulugan o matalinhagang
kahulugan.

7
Filipino 2 Tekstong Ekspositori

A. Pagbibigay ng sinonimo:

Pangungusap: Filipino ang ating pambansang wika.


Depinisyon: wika – lenggwahe (Pangalan)

Pangungusap: “Tayong lahat ay Filipino,” ang wika ni Propesor Rivera


Depinisyon: wika – sabi (Pandiwa)

7
Filipino 2 Tekstong Ekspositori

B. Ekstensibo

Wika. Ano nga ba ang wika? Maraming nagsasabi na ang wika ay mga tunog
nalumalabas sa bibig ng tao. Ito raw ay kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Tunay,
ngunit hindi kasangkapang mekanikal lamang. Higit dito ang kalikasan ng wika.
Higit sa panlipunang tungkulin ng wika, ito ang sumasalamin sa kaluluwa ng
isang idibidwal at ng buong bansa. Salamin ito ng mga katangiang mental, emosyunal
at ispiritwal ng sinumang indibidwal. Masasalamin din sa wika ang mga katangiang
kultural ng isang bayan, bawat pangkat at bawat bansa.
Mahalaga ang wika sa sinumang tao at alinmang lipunan. Wika ang
nagdadamit sa ating mga pansarili at pangkalahatang kamalayan. Ito ang nagbibigay-
katawan sa kaluluwa. Wika nga ni Samuel Johnson, Language is the dress of thought.
Pinangalawahan pa ito nni Thomas Carlyle na nagsabing, Language is the garment of
thought, however it should rather be, language is the flesh garment, the body of
though.
Ang wika ay simbolo rin ng kalayaan, Hindi nga ba’t ang bayang walang
sariling wika ay walang kalayaang pampulitika o kaya’y kalayaang pangkaisipan.
Samakatwid, ang wika ay kasangkapan sa paglaya, kung paanong ito ay maaring
gamitin bilang instrumento ng pang-aalipin o dominasyon.
7
Filipino 2 Tekstong Ekspositori

C. Intensibo

Ayon kay Webster, ang wika isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng


mga tao sa pamamagitan ng mga pasalita o pasulat na simbulo. Ito ay tumutukoy din
sa kabuuan ng mga salita at paraan ng pagsasalita na pekulyar sa isang etnik, kultural o
nasyunal na pangkat. Halimbawa nito ay ang Nihonggo ng mga Hapon, ang Chavacano
ng mga Kastilang Creole na naninirahan sa Mindanao at ang Ivatan ng mga katutubo sa
Basco at mga pulo ng Batanes.
ayon naman kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is language wika
ang pangunahin at pinakaelaboreyt na simbolikong gawaing pantao. Halos gayon din
ang kahulugang ibinigay ni Henry Gleason. Ayon sa kanya ang wika raw ay
masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pibnipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magami ng mga taong kabilang sa isang kultura.

7
Filipino 2 Tekstong Ekspositori

Mga gawain:

1. Isulat sa talahanayan ang mga bahagi ng tekstong C

Termino Uri Natatanging


Katangian

7
Filipino 2 Tekstong Ekspositori

Mga gawain:

2. Tukuyin ang mga ginamit na metodo sa pagdebelop ng tekston B at


sipiin sa kasunod na talahanayan ang pahayag mula sa teksto bilang
patunay sa inyong sagot

Metodo sa Pagdebelop ng Sipi Mula sa Teksto


Talata

7
Filipino 2 Tekstong Ekspositori

Mga gawain:

3. Itala ang mga salitang ginamit sa teksto B ayon sa dimensyon

Denotasyon Konotasyon

7
26
Filipino 2 Hulwarang Organisasyon ng Teksto

2. Paghahambing at pagkokontras-may
layuning ipakita ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang bagay, tao,
pangyayari o ideya.(mga panandang salita:
samantalang, at, habang, ngunit, subalit, sa
kabila ng, kahit na, sa kabaliktaran, sa
kabilang banda at iba pa)
Maaring halinhinan o alternating at isahan o
block ang paghahambing at pagkokontas
26
Filipino 2 Hulwarang Organisasyon ng Teksto

Halinhinan Isahan

I. Pagkakatulad ng A at B I. Mga Katangian ng A


A. Pagkakatulad 1 A. Katangian 1
B. Pagkakatulad 2 B. Katangian 2
C. Pagkakatulad 3 C. Katangian 3

II. Pagkakaiba ng A at B II. Mga Katangian ng B


A. Pagkakaiba 1 A. Katangian 1
B. Pagkakaiba 2 B. Katangian 2
C. Pagkakaiba 3 C. Katangian 3
26
Filipino 2 Hulwarang Organisasyon ng Teksto

Hindi kaiba sa lathalaing Ingles at Filipino ang Bannawag noon. Kahit


na ito’y komersyal at konserbatibo, naging bukas ito sa mga panulat, artikulo,
maikling kwento at tulang naglalantad ng kondisyon ng lipunan. Di tulad sa
mga lathala sa Ingles tulad ng Graphic, Philippine Free Press at Asia-Philippines
Leader at ng mga pahayagang Manila Times at Philippine Herald, nanatiling
konserbatibo ang Bannawag. bagama’t naglalathala ng mga artikulo tungkol, sa
sakit ng ekonomiya, pamahalaan at lipunan, nananaig ang paniniwala nito sa
kakayahan at kabutihan ng gobyernong pinamumunuan ng isang Ilokano.
Malinaw ito sa mga editoryal at ilang kolum ng lathalain sa panahong iyon.
Naglathala rin ito ng mga artikulo at tulang bumabatikos sa aktibismo. Sa kabila
ng mga limitasyon nito, ang Bannawag ay nagsilbing behikulo ng kaisipan at
damdamin ng mamamayang Ilokano. Kapansin-pansin din na sa loob ng
patnugutan mismo, may naganap na pagbabago sa kamalayan ng ilang
kolumnista at manunulat. Nariya’t paminsan-minsa’y napapatula ang
kolumnistang si Arturo Padua sa “Malutluto, Maib-ibus!” (“Habang Naluluto,
Nauubos)
26
Filipino 2 Hulwarang Organisasyon ng Teksto

3. Enumerasyon o Pag-iisa-isa-ang hulwarang ito


ay maaaring maglahad ng mga halimbawa na
nabibilang sa isang uri o klasipikasyon. May 2 Uri
ito: siple at kumplikadong pag-iisa-isa.
26
Filipino 2 Hulwarang Organisasyon ng Teksto

Ang Simpleng Pag-iisa-isa

Ang gymnastics Ay kinasasangkutan ng iba’t ibang galaw at


posisyon ng katawan. Nakatutulong ito sa pagpapaganda ng tindig at tikas ng
katawan. Pinauunlad din nito ang koordinasyon ng mga bahagi ng katawan
kapag kumikilos. Ang gymnastics at nakatutulong upang maging malikhain
tungkol sa higit na mahirap ngunit magandang kasanayan.

Mga layunin:
1. Maipaliwanag kung paanong ang gymnastics ay makatutulong sa
pagpapaunlad ng kakayahang pangkatawan,
2. Naiisa-isa ang iba’t ibang kasanayan sa gymnastics,
3. Natutukoy kung ano ang mga ehersisyong pangritmik,
4. Naisasagawa ang mga kasanayan sa gymnastics nang wasto at
naayon sa batayan, at
5. Nakabubuo n mga ehersisyo na ginagamitan ng iba’t ibang
magagaan na aparato.
26
Filipino 2 Hulwarang Organisasyon ng Teksto

Ang Komplikadong Pag-iisa-isa

Mga Instrumentong Kahoy na Hinihipan

1. Pikolo at Plawta
Ang pikolo at Plawta ay instrumentong hinihipan. Ito ay
yari sa parang tubong kahoy na may butas na ihipan sa isang dulo
at may butas na tinatakpan ng daliri upang lumikha ng iba-ibang
nota.
Ang pikolo ay maiksi kaysa plawta at higit na mataas
at matinis ang tunog. Ang pikolo ang pinakamataas na tono sa
pangkat ng instrumentong kahoy na hinihipan.

2. Oboe
Ito ai instrumento ng dalawang pirasong magkarugtong
na ihipan. Ang mga butas ay natatakpan kapag ang mga espesyal na
ginawang buton na yari sa metal ay pinipindot samantalang
hinihipan. Ang hugis nito ay tuwid, payat at mahaba. Ang
karaniwang kulay nito ay itim. Ang tunog ay malamig at matinis.

Cont……..
26
Filipino 2 Hulwarang Organisasyon ng Teksto

3. Klarinet
Ito ay kahawig ng oboe ngunit iisa ang tubong ihipan. Ang
paraan ng pagtugtog ay kapareho ng sa oboe. May mga espesyal na
buton din na tumatakip sa butas kung pinipindot ang buton
samantalang hinihipan ito.
Ang isa pang instrumentong katulad ng klarinet ay ang
English horn.

4. Basson
Ito ay higit na malaki at katulad ng oboena may dalawang
magkarugtong na tubong ihipan. Kinakabitan ito ng istrap at
isinasabit sa leeg upang ang posisyon nito ng pagtugtog ay pahilis-
pababa na kumukrus sa harapan ng katawan . Ang tunog nito ay
mahaba at malamig pakinggan.

5. Kontrabasson
Ito ay pinakamalaking instrumentong kahoy na hinihipan.
Ang bungangang labasan ng tunog ay nakabaluktot sa harap ng
mukha ng tumutugtog. Ang tono nito ay mababa ngunit higit na
malawak ang tunog kaysa tunog ng basson.
26
Filipino 2 Hulwarang Organisasyon ng Teksto

4. Sanhi at Bunga-nagpapakita ito ng mga


kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at
ang kaugnay na epekto nito.(mga salitang
maaaring gamitin: sa dahilang/kadahilanan,
dahil, kung kaya, upang, at iba pa).
26
Filipino 2 Hulwarang Organisasyon ng Teksto

5. Kahinaan at kalakasan-inilalahad dito ang


positibo at negatibong posibilidad kaugnay ng isang
sitwasyon o pangyayari. (mga salitang maaaring
gamitin: gayunpaman, sa kabilang banda, ang mga
kahinaan, mga negatibong dulot, mga positibong
dulot, dahil sa, bunga ng at iba pa)
26
Filipino 2 Hulwarang Organisasyon ng Teksto

6. Pagkakasunud-sunod o order-nagpapakita ito ng


serye ng mga pangyayari na maaaring humantong
sa isang konklusyon o pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari. Maaari din ang hakbangin o proseso.
(mga salitang gagamitin:una, pangalawa. . .,
matapos, habang, sumunod, ang susunod na, sa
ngayon at iba pa).

Uri ng pagkakasunud-sunod:

• Sikwensyal-kronolohikal
• prosidyural
26
Filipino 2 Hulwarang Organisasyon ng Teksto

7. Problema at Solusyon-paglalahad ito ng


mga suliranin at paglalapat ng kaukulang
solusyon
26
Filipino 2 Paglinang sa mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa

PAGLINANG SA MGA KASANAYAN SA


AKADEMIKONG PAGBASA
a.Pag-uuri ng mga ideya at detalye
b. Pagkuha ng pangunahing ideya at
pagpapalawak nito.
c. Pagkilala sa paksa at pag-uuganay ng
iba pang isyu o babasahin
d. Pagtukoy at pagpapaliwanag sa
layunin ng teksto.
26
Filipino 2 Hulwarang Organisasyon ng Teksto

e. Pagtiyak sa damdamin at tono ng


teksto(damdaminpag-saloobin ng mambabasa.
Tono-saloobin ng may-akda)
f. Pagkilala sa opinyon at katotohanan
g. Pagsusuri kung valid o hindi ang ideya
h. Pagbuo ng hinuha at paghuhula sa
kalalabasan
i. Pagbuo ng lagom o konklusyon
j. Pagbibigay ng interpretasyon sa grap, mapa,
talahanayan at iba pang pantulong na
grapiko.

You might also like