You are on page 1of 105

GEC 9

The Life and Works of Rizal


Kyla E. Santos
Instructor
KABANATA IV
UNANG PAGLAKBAY SA
IBANG BANSA
Aralin 1: Singapore at Colombo
Aralin 2: Naples at Merseilles
Aralin 3: Barcelona at Madrid
Aralin 4: Paris at Heidelberg
Aralin 5: Leipzig at Dresden
Aralin 6: Berlin at Leitmeritz
Aralin 7: Prague, Vienna, at Lintz
Aralin 8: Geneva at Italya
LAYUNIN NG KABANATA

1. Mabatid ang kultura ng bawat bansang nilakbay ng bayani.


2. Maiugnay sa sariling bayan ang mga tradisyon, ekonomiya, politika at iba
pa na nabanggit sa mga pagtalakay sa mga pangyayari sa panahon ng
kanyang pangingibang bayan.
3. Maunawaan ang kahalagahan ng mga karunungang ito para sa
pagtataguyod ng sariling kaunlaran at pagbabago sa bansa.
PAGLISAN NANG WALANG PAALAM

Hindi dahil sa mas mahusay ang pagtuturo ng medisina sa


Espanya ang pangunahing habol at pakay doon ni Rizal sa pagkakaalam ni
Paciano, kundi sa mga bagay na kapaki-pakinabang. Samakatuwid,
nagtungo si Rizal sa Madrid na may pakay para sa isang dakilang layunin.
Nais ni Rizal na makilahok at gumawa ng mga bagay na kapaki-pakinabang
para sa pagbabago at pagsusulong ng Pilipinas.
PAGLISAN NANG WALANG PAALAM

Inilihim nina Paciano at Rizal mula sa mga magulang ang balak


sapagkat tiyak na hindi ito papayag. Matatandaang ayaw sana ni Donya
Teodora na pag-aralin si Rizal sa pamantasan sa Maynila, lalo pa at
mas malayo at mas liberal na Espanya. Kaunti lang ang nakakaalam
nang pag-alis ni Rizal. Ang kanyang tiyo na si Antonio Rivera, ama ni
Leonor Rivera, ang isa sa mga naglakad ng pasaporte ni Rizal ngunit
walang alam si Leonor sa pag-alis ni Rizal na hindi nakapagpaalam.
MGA GINAWA BAGO UMALIS

1. Pinuntahan si Saturnina upang kunin ang singsing na diamante ngunit siya ay


natutulog.
2. Dinalaw ang mga professor sa Ateneo at siya ay binigyan ng liham
rekomendasyon para sa mga paring Heswita sa Barcelona.
3. Pinuntahan si Pedro A. Paterno at siya ay binigyan ng liham rekomendasyon
para sa kaibigan nitong si Esquivel.
4. Pinuntahan si Henry na isang Pranses at may-ari ng Bazar Pilipino upang
kunin ang kanyang tiket sa paglalakbay. Kasama ni Jose si Antonio Rivera.
5. Pinasyalan si Leonor Rivera ngunit hindi binanggit ang kanyang pag-alis.
6. Nagsimba sa simbahan ng Sto. Domingo
ARALIN 1: Singapore at Colombo
ARALIN 1: Singapore at Colombo
Paglakbay sa Dagat
• Lulan ng bapor Salvadora na ang kapitan ay si Donato Lecha
• Nilisan ni Rizal ang Maynila noong ika-3 ng Mayo 1882 at naglayag ng
anim na araw hanggang sa marating ang Puerto ng Singapore na
isang kolonya ng mga Ingles noong ika-9 ng Mayo 1882.
• Maraming iniwang alaala si Rizal na mga tanawing kanyang iginuhit
habang naglalakbay.
ARALIN 1: Singapore at Colombo
• Tumuloy si Rizal sa Hotel de la Paz na kinatatayuan ngayon ng Peninsula-
Excelsior Hotel sa Singapore.
• Nagtagal si Rizal ng dalawang araw sa Singapore at namasyal sa isla.
• Ilan sa mga gusali at istrukturang kolonyal na nakatayo pa rin ngayon lalo na
sa hilera ng Ilog Singapore ang nakita ni Rizal nang naglibot siya.
• Pinuntahan din niya ang Botanical Gardens na matatagpuan pa rin sa
Singapore.
• Namangha si Rizal sa mga kalsadang may mga puno sa magkabilang dako.
ARALIN 1: Singapore at Colombo
• Sumakay siyang muli sa pinaglipatang
barko na Pranses na may pangalang SS
Djemnah patungong Europa na
nakatakdang umalis noong ika-11 ng
Mayo 1882.
• Makalipas ang anim na araw ng
paglalayag mula Singapore, ang unang
hinto ng barko na SS Djemnah noong
ika-17 ng Mayo, 1882 ay ang Point de
Galle, isang puwerto sa isla ng Ceylon,
bansang Sri Lanka ngayon.
ARALIN 1: Singapore at Colombo
• Pangalawang hinto noong ika-18 ng Mayo 1882 ang puwerto ng Colombo sa
isla pa rin ng Ceylon kung saan nagkaroon din ang mga pasahero tulad ni Rizal
ng pagkakataon para bumaba.
• Binagtas ng barko ang Indian Ocean at narrating noong ika-27 ng Mayo 1882
ang puwerto ng Aden sa bansang Yemen sa Gitnang Silangan.
• Sa muling paglayag ng barko, dumaan ito sa Red Sea at Suez Canal. Sa Port
Said sa bansang Egypt ang naging pang-apat nah into ng barko noong ika-7 ng
Hunyo 1882 at nakalibot muna bago makarating ng Europa.
Tanong
ARALIN 2: Naples at Marseilles
ARALIN 2: Naples at Marseilles
• Sa bansang Italy, ang unang lunsod at
bansa sa Europa na narating at
napasyalan ni Rizal noong ika-11 ng
Hunyo 1882.
• Matapos, tumulak ang barko patungo sa
puwerto ng Marseilles sa bansang
France kung saan nagtapos ang yugto
ng paglalayag ni Rizal sa karagatan
noong ika-12 ng Hunyo 1882. Sa loob
ng 40 araw ang naging paglalakbay ni
Rizal sa karagatan.
ARALIN 2: Naples at Marseilles

• Kinabukasan pagkadaong sa Marseilles, bumaba ng barko si Rizal at tumuloy


sa Hotel Noalles.
• Nilibot niya ang lunsod kung saan napabilang sa napuntahan niya ang
Chateau d’If na nabanggit sa nobelang Count of Montecristo.
• Nanatili siya sa lunsod ng dalawang araw bago nagtungo sa lunsod ng
Barcelona sa Espanya lulan ng tren noong ika-15 ng Hunyo 1882.
• Ayon kay Rizal ang Marseilles ang pinakamatandang lungsod ng kalakalan.
Kanyang hingaaan ang pagiging masigla ng mga tao at kagandahan ng mga
tanawin.
• Dinalaw niya sina G. at Gng. Salazar at namasyal sa Museo.
ARALIN 2: Naples at Marseilles

Chateau d’If
ARALIN 3: Barcelona at Madrid
ARALIN 3: Barcelona at Madrid

Buhay sa Espanya
• Dumating sa Barcelona
noong ika-16 ng Hunyo
1882.
• Tumuloy siya sa hotel na
Fonda de Espaῆa.
• Isang pagsalu-salo ang
mainit na isinalubong ng
mga dating kamag-aral ni
Rizal sa Ateneo.
ARALIN 3: Barcelona at Madrid

• Mula ika-12 ng Setyembre 1882 hanggang Mayo 1883, unang nanirahan si


Rizal malapit sa Universidad Central de Madrid kasama ang isang matagal ng
kaibigan mula pa sa mga taon ni Rizal sa Ateneo, si Vicente Gonzales.
• Mangilang beses ding nagpapalit ng pamahayan si Rizal sa kanyang
paninirahan sa Madrid kasama ang ilang mga kaibigang naghahati sa mga
bayarin sa tinitirahan.
ARALIN 3: Barcelona at Madrid

• Natagpuan ni Rizal sa Madrid na maraming mga tao ang may maling akala
tungkol sa Pilipinas at hindi nakakabatid ng pagkakakilanlang Pilipino.

• Madalas na pagkamalang mga Tsino ang mga Pilipino at marami sa mga


kabataang mag-aaral ang hindi nakakaalam kung ang Pilipinas ay kabilang sa
Ingles o Espanyol.

• Naikuwento pa ni Rizal sa liham niya sa kapatid na si Trinidad na minsan may


nagtanong kung ang Pilipinas ay malayo sa Maynila.
ARALIN 3: Barcelona at Madrid

• Mahal mamuhay sa Madrid. Doble kumpara sa Barcelona at dahil dito,

natutunan ni Rizal na pagkasyahin ang tinatanggap niyang ₱50 na buwanang

panustos na ipinapadala sa kanya ng pamilya mula sa Pilipinas. Samakatuwid,

namuhay si Rizal nang matipid at may disiplina sa paggastos.

• Sa isang liham ni Rizal kay Paciano, isinalarawan ni Rizal ang gastos ng

pamumuhay sa Madrid sa panustos na ₱50.


ARALIN 3: Barcelona at Madrid

Mga Suliranin ng Pamilya

Pagkalat ng Salot

Ilan sa mga unang balita na natanggap ni Rizal sa Espanya ay ang pagkakaroon


ng kolera sa Maynila na nabanggit ni Paciano sa liham kay Rizal na may petsa na
ika-24 ng Hulyo 1882. Sa mga sumunod na liham ng pamilya kay Rizal, naibalita
ang patuloy na pagkalat ng salot maging sa mga kalapit-lalawigan at ang mga
naitalang kaso ng beriberi.
ARALIN 3: Barcelona at Madrid

Krisis sa Asukal

Isang taon makalipas pagdating ni Rizal sa Europa, bumagsak ang presyo ng


asukal sa pandaigdigang pamilihan sa taong 1883. Dulot ito ng labis na
produksyon ng asukal gawa na rin ng mas maraming ani ng asukal mula sa sugar
beet sa Europa kumpara sa asukal mula tubo galing sa mga kolonya. Lubos na
naapektuhan ang mga magsasaka ng asukal na galing sa tubo sa Pilipinas at sa
iba pang panig ng mundo. Isa na sa mga naapektuhan nito ang pamilyang Rizal.
ARALIN 3: Barcelona at Madrid

Pagtaas ng Upa sa Lupa

Hindi lamang ang pagbagsak sa presyo ng asukal ang nakaapekto sa hanap-


buhay sa sakahan kundi pati na rin ang pinsala sa mga pananim dulot ng bagyo.
Nakadagdag pa sa suliraning pananalapi ng pamilyang Rizal ang pahirap na
pagsabay sa pagtaas ng upa sa sakahan.
ARALIN 3: Barcelona at Madrid

Suliraning Pananalapi

Sa panahong iyon ng matinding kagipitan sa pananalapi, may isang mayamang


Pilipinong nagngangalang Valentin Ventura na naninirahan sa Madrid na kaibigan
ni Rizal ang napag-uutangan niya. Maging ang mga Heswita doon ay napag-
uutangan din niya. Nabanggit ni Rizal sa kanyang liham sa pamilya ang tungkol
sa kulang pa na babayaran na ₱25 na utang niya sa mga Heswita.
ARALIN 3: Barcelona at Madrid

Suliraning Pananalapi

Maging ang pamilya ni Rizal ay nabaon sa utang na ₱4,000 mula sa pagbili ng


kailangang makinarya sa pagsasaka at mga pagkalugi ng mahigit na ₱3,000.
Ayon sa liham ni Paciano kay Rizal, ang pamilya ay wala ni isang peseta mula pa
noong Hunyo at ang liham na iyon ni Paciano ay may petsang ika-8 ng
Nobyembre 1884.
ARALIN 3: Barcelona at Madrid

Suliraning Pananalapi

Kung hindi man sa kita mula sa mga naibebenta na ani ng mga sakahan, kanya-
kanyang pamamaraan sap ag-ambag ang mga kapatid ni Rizal upang
mapadalhan siya ng pangmatrikula sa pag-aaral at panustos sa mga
pangangailangang gastusin. Nariyan ang pagpapadala ng panganay na kapatid
na si Saturnina ng kanyang diyamanteng singsing para maisangla ni Rizal sa oras
na magipit sa pera.
ARALIN 3: Barcelona at Madrid

Suliraning Pananalapi

Nobyembre pa lang ng 1884, nagpresenta na si Rizal sa pamilyang umuwi na


lamang siya sa Pilipinas upang hindi na maging pabigat pa sa suliranin sa
pananalapi at upang magtrabaho at makatulong sa pamilya. Inasahan na rin kasi
ni Rizal ang lalo pang magiging kalunus-lunos na kalagayan ng asukal para sa
Pilipinas sa mahigpit na pagpapaligsahan ng asukal sa pandaigdigang palengke.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

• Sa Barcelona ng Hunyo 1882 isinulat ni Rizal ang kanyang kaunahang


sanaysay mula sa ibayong bansa.
• Isinulat niya ang “Amor Patrio” (Pag-ibig sa Tinubuang Lupa) sa kubling
pangalang Laong-Laan na ipinadala ni Rizal sa Pilipinas kung saan inilathala
sa pahayagang Diariong Tagalog noong ika-20 ng Agosto 1882.
• Sinundan ito ng pagkakalathala ng isa pang artikulong may pamagat na Las
Viajes at ang hindi na umabot sa paglathala sana ng isa pa na ipinadalang
artikulong may pamagat na Revista de Madrid (Pagbabalik Pananaw sa
Madrid) dahil nagsara na ang pahayagan.
NASYONALISMO NG MGA INDIO
Sirkulo ng mga Espanyol at Pilipino
• May grupo ng mga liberal na Espanyol at mga mag-aaral na Pilipino sa Madrid
na nagtatag ng samahang tinawag na Circulo Hispano Filipino sa pangunguna
ng isang dating opisyal ng Hukbong Espanyol sa Pilipinas na nagngangalang
Juan Atayde, isang creole, may dugong Espanyol at Mehikanong ipinanganak
sa Pilipinas.
• Napabilang din si Rizal sa samahan at ang pagtitipon at pulong ay minsan
isinasagawa sa bahay ng isang Espanyol na si Don Ortiga, dating alcalde ng
Maynila sa panahon ng dating Goobernador-Heneral Carlos Ma. de la Torre at
itinalagang tagapangulo ng Consejo de Filipinas at tagapayo sa pamahalaan
sa Espanya.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

Nakilala ni Rizal ang dalawang anak ni Don Pablo na sina Pilar at Consuelo. Ang
huli ay maaaring sabihing “crush ng bayan” ng mga binatang Pilipinong mag-aaral
kabilang si Rizal. Sa katunayan, marami sa Pilipinong kasamahan ni Rizal,
kabilang siya, ang nanligaw sa 18-taong gulang na si Consuelo. Ayon sa
talaarawan ng babae, nakilala niya si Rizal noong ika-16 ng Setyembre 1882.
Isang kababayan na meztisong Espanyol na nagngangalang Eduardo de Lete ang
nakatunggali ni Rizal sa panliligaw sa babae.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

Kaawa-awang Rizal, iyon na lamang ang napabulalas ni Consuelo sa


kanyang talaarawan na may petsang ika-20 ng Pebrero 1884.

Ipinahayag ni Rizal ang damdamin para kay Consuelo sa isinulat niya na


tulang “A la Seῆorita C.O.y R.” (Kay Binibining Consuelo Ortiga y Rey).
NASYONALISMO NG MGA INDIO

Sa kabila ng naiwan niyang sinisinta sa Pilipinas na si Leonor Rivera nang


magtungo ng Europa si Rizal noong 1882, tila naging nobya niya lamang ito
tatlong taon matapos ang tagpong pag-ibig niya kay Consuelo Ortiga.

Sa liham ni Rizal sa kaibigang si Jose “Chenggoy” Cecilio na may petsang ika-18


ng Abril 1885, itinanong ni Rizal kung sino sa dalawang Leonor sa Pilipinas ang
dapat piliin na makasama sa buhay.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

At sa sumunod na liham ni Chenggoy na may petsang ika-30 ng


Setyembre 1885, mababatid ang pagbati nito kay Rizal sa pasiya na
pagpili kay Leonor Rivera sa halipn na si Leonor Valenzuela. Nauna nang
sinabihan ni Rizal si Chenggoy sa isang liham na may petsang ika-26 ng
Pebrero 1885 na pakasalan na lang ni Chenggoy si Leonor Rivera kesa
makita ni Rizal si Leonor na ikasal sa ibang tao.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

• Nalansag kalaunan ang Circulo Hispano-Filipino dahil sa kawalan ng pondo at


hindi maayos na pamamalakad. Walang malinaw na patutunguhan dulot na rin
ng magkakaibang pananaw at paninindigan sa mga paksain na pampulitikal at
magkakasalungat na pasya ang mga dahilan ng pagkawasak nito.

• Bagamat mga mayayaman at mga may kaya ang mga kasapi ng Circulo,
nagpabaya sa kanilang mga pinansiyal na tungkulin ang mga kasapi dahil na
rin sa ibang mga napiling pinagkakagastusang mga luho at bisyo.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

• Maging ang ipinanukala ni Rizal sa mga kasamahan sa Circulo na


pagtutulungan sanang makapagsulat ng nobela ay hindi napagtuunan
at sa halip idinaing ni Rizal ang kawalan ng paggawa.

• Pinagtutuunan ang mga bisyo at nag kanya-kanya. Simula noon, mag-


isa nang inumpisahan ni Rizal ang pagsulat ng unang kabanata ng
kanyang magiging unang nobelang Noli Me Tangere. Nakapag-ambag
si Rizal sa samahan ng tula niyang “Mi Piden Versos” (Pinatutula Ako).
NASYONALISMO NG MGA INDIO

Tagay sa Tagumpay

• Isang pagdiriwang para sa pagkapanalo ng dalawang Pilipinong pintor na sina


Juan Luna at Felix Resurrreccion Hidalgo mula sa patimpalakang Exposicion
Nacional de Bellas Artes sa Madrid ang dinaluhan ni Rizal sa Restaurante
Ingles noong ika-25 ng Hunyo 1884.
• Nagwagi ng unang gantimpala at tinanggap ni Luna ang una sa tatlong
nakalaang gintong medalya para sa kanyang Spoliarium. Samantala, nagkamit
ng pangalawang gantimpala ang pinta ni Felix Resurreccion Hidalgo na
“Virgenes Cristianas Expuestas al Populacho”. Tinanggap ni Hodalgo ang isa
sa 15 pilak na medalya.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

• Isinilang ang pintor na si Juan Luna


(1857-1899) sa Badoc, Ilocos Norte at
kasal kay Maria de la Paz Pardo de
Tavera.
• Nag-aral ng pagpipinta si Luna sa
Academia de Dibujo y Pintura sa Maynila
sa ilalim ng gurong pintor na Pilipinong si
Lorenzo Ma. Guerrero at sa Real
Academia de Bellas Artes de San
Fernando sa Madrid, Espanya.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

• Ang Spoliarium ni Juan Luna ay salitang Latin na tumutukoy sa ilalim


ng Colosseum kung saan sa ibabaw nagaganap ang laban ng mga
alipin hanggang kamatayan. Habang sa ilalim nito, tinatawag na
spoliarium ang pinagdadalahan ng mga napaslang na mga alipin.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

• Isinilang ang pintor na si Felix


Resurreccion Hidalgo (1855-1913) sa
Binondo, Maynila at nagtapos ng
pilosopiya.

• Nag-aral siya ng batas sa Universidad ng


Santo Tomas at nag-aral din ng pagpinta
sa Academia de Dibujo y Pintura sa
Maynila sa ilalim ng Pilipinong gurong si
Agustin Saez.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

• Ang pinta ni Felix Resurreccion Hidalgo na Virgenes Cristianas


Expuestas al Populacho (Mga Dalagang Kristiyanang Nakatambad sa
Mga Tao) ay may paksang pag-uusig sa mga sinaunang Kristiyano sa
Roma. Makikita sa pintang pinagkakahulugan ng mga kalalakihan ang
dalawang babaeng nahubaran ng kanilang damit – maging ang
kanilang dangal.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

• Isang pag-inom sa karangalan (toast) o sa wikang Espanyol ay brindis ang


inihandog ni Rizal at nagbigay ng talumpati bilang pagpupugay sa nakamit na
tagumpay ng mga ikinararangal na mga Pilipino sa larangan ng pagpinta.

• Iyon ang unang pagkakataong nagbigay siya ng talumpati sa harap ng publiko.


Iyon na rin ang pagkakataong muling makakain si Rizal sapagkat wala pa siyang
kain ng almusal at tanghalian nang araw na iyon dahil saw ala siyang pambili ng
pagkain.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

• Ang talumpating iyon na may halong pulitikal na mensahe ay nabanggit sa


pahayagang El Liberal at naipamalita maging sa Pilipinas. Umani ito ng mga
batikos at matinding reaksiyon mula sa mga prayle at mga konsebatibong mga
Espanyol.

• Naapektuhan si Donya Teodora sa mga hindi kaaya-ayang mga balita


patungkol kay Rizal. Nagdulot iyon ng matinding kalungkutan sa ina ni Rizal na
hirap makatulog at hindi nakakain ng isang lingo hanggang sa nanghina at
bumagsak ang kalusugan.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

Kapatiran sa Masonriya

• Sumapi si Rizal sa masonriya (Freemasonry), isa sa mga pinakaprestihiyoso,


pinakamatagal, pinakamalaki at malawak na kapatiran sa mundo hanggang sa
ngayon. Maraming Pilipinong tulad ni Rizal ang sumali sa kapatiran dahil sa
mga kaisipang liberal na ipinamamalas ng samahan. Isa ang Masonriya sa
mga nakatulong sa pagkalat ng mga kaisipang liberal sa iba’t ibang panig ng
mundo sa ika-19 na siglo.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

• Mariin na ipinagbabawal ng simbahan ang pagsali ng isang Katoliko sa


Masonriya. Bagamat maganda ang hangarin at pangkalahatang
ginagawa ng kapatiran, tutol naman ang simbahan sa mga pananaw
nitong salungat sa mga doktrina ng Simbahan lalo na ang
pangingibabaw sa katuwiran higit sa pananampalataya.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

• Ayon sa abugado at historyador na si Reynold S. Fajardo, bago pa man


nakapasok sa Masonriya si Rizal, ang tiyo niyang si Jose Alberto ay nauna
nang napabilang sa Mason.

• Ang hari ng Espanyang si Amadeo na naggawad kay Jose Alberto ng titulong


Caballero Comandante de la Orden de Isabel la Catolico ay isa ring Mason.
Sinasabi ring nagkaroon ng mga ugnayan sa ilang mga Espanyol na Mason sa
Pilipinas ang kuya ni Rizal na si Paciano.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

• Unang pumasok si Rizal sa Masonriya noong 1883 sa lunsod ng Madrid kung


saan siya napabilang sa Logia Acacia 9 (Acacia Lodge No.9) sa ilalim ng Gran
Oriente de Espaῆa na pinamumunuan noon ni Manuel Becerrana, naging
ministro sa Ministerio de Ultramar.
• Sa lohiyang din iyon kabilang ang propesor na si Dr. Miguel Morayta at ang
naging ikalawang pangulo ng Unang Republikang Espanyol na si Francisco Pi
y Margall. Pinili ni Rizal ang pangalang Dimasalang bilang sagisag na
nangangahulugang hindi masaling.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

• Narating ni Rizal ang ikatlong antas na Master mason sa Logia Solidaridad 53


na isang pangkalahatang Masonriya na Pilipino kung saan kabilang din sina
Marcelo H. del Pilar at Antonio Luna sa lunsod ng Madrid noong 1890.

• Gayon din, narating niyang antas sa Temple de L’Honneur et de L’Union sa


ilalim ng Le Grand Orient France kung saan kabilang ang mga Pilipinong sina
Dr. Trinidad Pardo de Tavera at Valentin Ventura sa lunsod ng Paris sa bansang
Pransya noong 1892.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

• Labing-anim na taon makalipas ng pagkakabaril kay Rizal sa Bagumbayan,


nang matapos itayo ang monumento sa Luneta na paglilipatan ng kanyang
mga labi, tinanggihan ng pamilyang Rizal ang hiling ng mga Heswitang
pangunahan ang paglilipat sa labi at sa halip ang karangalan ay ibinigay sa
Masonriya sa pangunguna ng konsehal ng Maynila at Mason na si Temoteo
Paez na naging kasapi rin ng samahang La Liga Filipina na itinatag ni Rizal.
NASYONALISMO NG MGA INDIO

Pangingibabaw ng Katuwiran

• Ibinilin din ni Donya Teodora kay Rizal na huwag makaligta sa mga tungkulin
niya bilang tunay na Kristiyano. Mas ninanais iyon ng ina para kay Rizal kesa
sa pagtatamo ng maraming kaalaman.

• Punahin man ni Rizal ang mga bagay sa relihiyon o di man gampanan ang
lahat ng tungkulin ukol sa relihiyon, hindi nangangahulugang hindi na niya
itinuturing ang sarili bilang Katoliko.
DAYUHANG MAG-AARAL

Pagpapatuloy ng Pag-aaral

• Halos tatlong buwan lumagi si Rizal sa


Barcelona bago tumulak sa Madrid at
nagpatala sa Universidad Central de
Madrid noong ika-12 ng Setyembre
1882 upang ipagpatuloy ang mga
kursong pilosopiya at letras pati na
medisina.
DAYUHANG MAG-AARAL

• Nagpatala siya sa Colegio de San Carlos ng nasabing pamantasan,


dalubhasaan ng medisina. Isa sa mga propesor sa pamantasang ito si Dr.
Miguel Morayta, isang liberal na Espanyol na kasundo at kakampi ng mga
mag-aaral na Pilipino. Propesor siya ng kasaysayan at tagapagtanggol ng
kalayaang akademiko at naging propesor ni Rizal.

• Maliban sa pagpapatuloy ni Rizal ng kanyang pag-aaral sa pamantasan,


ipinagpatuloy din niya ang pag-aaral sa pagpinta at paglilok sa paaralan ng
Academia de Bellas Artes de San Fernando sa ilalim ng gurong si Carlos
Haes.
DAYUHANG MAG-AARAL

• Nagsanay din siya ng pagbaril at eskrima sa Sala de Armas de Sanz y


Carbonell. Natuto din siyang magsalita ng Ingles, Pranses at Aleman sa
institusyong kalinangang eksklusibong samahan ng mga tao sa
humanidades at agham sa Ateneo Cietifico, Literario y Artistico de Madrid o
Ateneo de Madrid.
DAYUHANG MAG-AARAL

Aktibista at Kilos-Protesta

• Sumiklab ang kaguluhan sa pamantasan at naikuwento ni Rizal sa liham sa


mga magulang ang nasaksihan noong ika-20 ng Nobyembre 1884. Nagkagulo
nang itiniwalag ng Obispo si Propesor Miguel Morayta dahil sa kanyang
talumpati tungkol sa pagtatanggol sa kalayaang akademiko at agham.
Sinundan iyon ng malakihang kilos-protesta ng mga mag-aaral na
pinagsasaktan at pinaghuhuli ng mga pulis.
DAYUHANG MAG-AARAL

• Nilusob din ng mga pulis ang Pamantasan habang nasa klase si Rizal.
Dinakip ang rektor na si Francisco de la Pisa Pajares at isa pang propesor.
Ang mga propesor ay hinamak. Kinailangan din ni Rizal na magbalatkayo.
Ayon kay Rizal, marami sa mga mag-aaral ang sugutan at duguan. Isinara
ang Pamantasan at nang magbukas, naglipana ang mga pulis ayon sa utos
ng rektor. Puno ng mga mag-aaral ang bilangguan.
DAYUHANG MAG-AARAL

• Maging si Rizal at ang kaibigang si Valentin Ventura ay muntikan nang


makulog kung hindi lamang nakatakas. Ang itinalagang kapalit na rektor na si
Dr. Juan Creus y Munso ay kinamumuhian ng lahat maging ni Rizal.
• Nasabi ni Rizal na ang kaalaman at ang propesor ay dapat Malaya.
Samakatuwid, naniniwala si Rizal sa kalayaang akademiko o ang malayang
pagtuturo at pagkatuto sa paaralan na walng pakikialam at hadlang. Sa
inihayag ni Rizal laban sa bagong itinalagang rektor, matatanto ang kaniyang
pagiging maprisipyo at pagiging aktibong mag-aaral.
DAYUHANG MAG-AARAL

Pagtatapos at Pagkapasa

• Unang nagtapos si Rizal sa programa para sa Licenciado en Medisina na may


pangkalahatang gradong Aprobado (Fair/3.00) noong ika-21 ng Hunyo 1884.
Sumunod na taon ng 1885 sa araw ng kanyang kaarawan ng ika-19 ng
Hunyo, natapos naman niya ang kanyang programa para sa Licenciado en
Filisofia y Letras na may pangkalahatang gradong Sobresaliente
(Excellent/1.00).
DAYUHANG MAG-AARAL

• Kahit nakapagtapos na si Rizal ng lisensyado sa medisina sa edad na 24 at


maaari nang makapanggamot, nag-aral muli siya ng karagdagang mga kurso
sa pagnanais na magpakadalubhasa sa medisina sa pamamagitan ng
pagtatapos sana ng pagkadoktorado sa medisina.
• Sa kakulangan ng pera, hindi na kinaya ni Rizal ang mga kaukulang bayarin
sa pagtatapos ng pag-aaral sa pagkadoktorado sa medisina kung kaya’t hindi
na rin nagpresenta si Rizal ng thesis na kailangan upang makatapos ng
pagkadoktorado sa medisina.
DAYUHANG MAG-AARAL

• Ang naging mahalaga kay Rizal ay ang pagkakaroon ng


pagdadalubhasa sa optalmolohiya o paggagamot sa mata.
• Ang kagandahan lang ng pagkakaroon ng doktorado ay ang dagdag
na karunungan at pagkakataong makapagturo sa dalubhasaan ng
medisina na wala rin naman balak si Rizal.
ARALIN 4: Paris at Heidelberg
ARALIN 4: Paris at Heidelberg
Pagpapakadalubhasa sa Paris

• Sa pinakamurang Hotel de Paris siya unang


tumuloy kung saan tanaw ngayon ang sikat
na Eiffel Tower nang buksan ito sa publiko
noong 1889.
• Nalibot ni Rizal ang lunsod at dumalaw sa
ilang mga ospital para magmasid at matuto.
Kabilang sa mga dinalaw ni Rizal ang Ospital
Laennec at Ospital Lariboisiere. Nagmasid si
Rizal sa mga kagamitan at paraan ng
panggagamot at pagsusuri sa iba’t ibang
kaso ng mga pasyente sa mga ospital na ito.
ARALIN 4: Paris at Heidelberg

• Bagamat naipasa ni Rizal ang medisina, hindi na nakapagtataka na si Rizal ay


isa naman sa naging pinakamahusay na optalmolohiko ng kanyang panahon
dahil ang kanyang tagapagturo ay isa sa mga nangungunang optalmolohiko sa
Europa na si Dr. Louis de Wecker, isang Pranses.
• Kilala si Dr. Wecker sa kanyang natatanging husay at kaibang kapamaraanan
sa larangan ng panggagamot sa mata. Hindi lang siya isa sa mga
nangungunang optalmolohiko, siya ay tagapanguna rin ng maraming
kapamaraanan sa pagtitistis sa mata na nagamit ni Rizal sap ag-opera sa mga
mata ng kanyang ina.
ARALIN 4: Paris at Heidelberg

• Nagsanay si Rizal ng apat na buwan mula Nobyembre 1885 hanggang Pebrero


1886 bilang apprentice at katulong sa pag-oopera ng mga mata ng mga
pasyente sa Klinika Crugen ni Dr. Wecker.
• Ayon kay Rizal, may mga 50 hanggang 100 pasyente ang nagpupunta sa
klinika ni Dr. Wecker at may mga araw na kasing dami ng 10 ang kanilang
inooperahan. Nagsanay din si Rizal sa klinika ng isa pang kilalang
optalmolohiko sa Paris na si Dr. Xavier Galezowski na mula sa bansang Poland
at isa sa mga nangunguna sa larangan ng optalmolohiya.
ARALIN 4: Paris at Heidelberg
Komikero at Modelo

• Madalas ring panauhin si Rizal ng tatlong Pilipinong magkakapatid na may


bahay sa Paris na sina Trinidad Hermenegildo Pardo de Tavera, Felix Padro de
Tavera at ang napangasawa ni Juan Luna na si Maria de la Paz Pardo de
Tavera.
• Sa bahay ng mga Pardo de Tavera iginuhit ni Rizal ang mga dibuho ng “Ang
Matsing at Ang Pagong” para sa album ni Paz Pardo de Tavera. Ipinaparating
ng pabula na matalino man ang matsing, naiisahan din.
ARALIN 4: Paris at Heidelberg

• Ang pabulang “Ang Matsing at Ang Pagong” ay hindi nagmula kay Rizal, kundi
isang kuwentong katutubong unang ginawan ni Rizal ng serye ng mga iginuhit
na larawan na may kasamang mga salita sa bawat larawan.
• Sinasabing ito ang unang gawang comic strip ng isang Pilipino noong 1886. Sa
ganito, maaaring maituring si Rizal na “Ama ng Philippine Komiks” ayon sa
pagkabansag ni Propesor Ambeth Ocampo.
ARALIN 4: Paris at Heidelberg
• Sa sumunod na lunsod na kanyang dinayo sa Heidelberg sa bansang
Alemanya, isa pang komiks ang iginuhit at kinulayan ni Rizal. “Ang Binyang ng
Dalawang Magkapatid” na nagsasalarawan ng isang katawa-tawang
pangyayari.

• Si Rizal ay madalas din sa atelier (studio) ng pintor na si Juan Luna kung


saan nagtatagpo ang mga magkakaibigan at iba pang mga Pilipino. Maraming
beses na kinukuha ni Luna ang mga magkakaibigan bilang mga modelo sa
kanyang pagpipinta sa halip na magbayad pa para sa mga propesyonal na
modelo. Ilan sa pinagmodelohan ni Rizal ay bilang si Datu Sikatuna sa El
Pacto de Sangre (Ang Sanduguan) at bilang scribe sa La Muerte de
Cleopatra (Ang Kamatayan ni Cleopatra).
ARALIN 4: Paris at Heidelberg
Pagtira sa Heidelberg

• Matapos ang apat na buwang pagsasanay sa optalmolohiya sa bansang


Pransya, nagtungo si Rizal sa bansang Alemanya na kilala noong ika-19 na
siglo na isa sa mga sentro ng agham at teknolohiya sa mundo. Maraming
propesor sa Aleman ang nakilala sa mga siyentipikong pagsasaliksik n anging
dahilan din ng pagsikat ng mga pamantasan sa Alemanya noon.

• Umalis si Rizal sa Paris lulan ng tren sa unang araw ng Pebrero 1886 at


dumating sa Strassburg kinabukasan. Ito ang unang lunsod sa Alemanya na
binisita ni Rizal bago nagtungo sa lunsod ng Heidelberg na kanyang narrating
ng ika-3 ng Pebrero 1886.
ARALIN 4: Paris at Heidelberg
• Sa pagdating ni Rizal sa Heidelberg unang kinaibigan niya ang ilan na mga
Aleman na mag-aaral ng batas upang makakuha ng mga impormasyon at sa
paglaon ay kasa-kasama na rin ni Rizal sa kanilang madalas nap ag-iinom ng
serbesa at paglalaro ng ahedres. Sa husay ni Rizal na maglaro ng ahedres,
naanyayahan sumali at natanggap sa samahan ng mga manlalaro ng ahedres
sa Heidelberg.
• Sa liham ni Rizal sa kapatid na si Trinidad, inilarawan din niya ang mga
babaeng Aleman na higit na pinahahalagahan ang nalalaman sa pamamagitan
ng edukasyon na inihambing ni Rizal sa mga babaeng Pilipinong mas
pinagtutuunan ang panlabas na kagandahan. Gayon pa man, pinuri din ni Rizal
ang katangiang magiliw at masipag ang mga Pilipino.
ARALIN 4: Paris at Heidelberg
Pagpapakadalubhasa sa Heidelberg

• Nagpalipat-lipat ng tirahan sa lunsod si Rizal. Isa sa mga tinirahan niya ay


isang bahay pangaserahan malapit sa Universitat Heidelberg.
• Bagamat hindi nagpatala sa Universitat Heidelberg, dumalo naman si Rizal
sa mga paanyayang lektura ng kilala at mahusay na Alemang optalmolohiko
na si Dr. Otto Heinrich Becker sa nasabing pamantasan.
• Dumalo din si Rizal sa mga paanyayang lektura ng isang espesyalista sa
chemical physiology na si Dr. Wilhelm Kuhne.
• Nakidalo din si Rizal sa pagdiriwang noong ika-6 ng Agosto 1886 ng
ikalimang sentinaryo ng pagkakatatag ng nasabing pamantasan.
ARALIN 4: Paris at Heidelberg

• Isang bagong aparato sa ika-19 na siglo na ang tawag ay opthalmoscope ang


kinailangang kagamitan ng isang optalmolohiko sa pagsilip sa loob ng mata ng
pasyente. Una itong ginamit ni Rizal sa kanyang pagsasanay sa klinika ni Dr.
Becker sa Paris. Ang nasabing kagamitan ay mas kilalang imbento ng isang
Alemang physics at managgagamot na si Hermann von Helmholtz noong 1851.
• Nagsanay si Rizal sa Augenklinik (Eye Clinic) ng pamantasan sa ilalim ng
tagapamahala nitong si Dr. Becker. Dito nagsanay si Rizal ng kalahating taon
mula Pebrero hanggang Agosto 1886 sa pagsusuri at pagtukoy sa iba’t ibang
mga karamdaman sa mata na siyang kadalubhasaan ni Dr. Becker.
ARALIN 4: Paris at Heidelberg

Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg

• Dito isinulat ni Rizal ang A las Flores de Heidelberg (Sa mga Bulaklak ng
Heidelberg). Mababakas sa tula ang pangungulila ni Rizal bilang dayo sa
malayong bansa at pag-alala sa sariling bansang Pilipinas. Mababasa sa tula
ang pagkausap ni Rizal sa mga bulaklak na pumaroon sa Pilipinas at iparating
ang kanyang pagmamahal at pananabik sa sariling bansa.
ARALIN 4: Paris at Heidelberg

Bakasyon sa Wilhelmsfeld

• Nakatagpo si Rizal ng isang kaibigan sa kanyang paglalakad sa kilalang lakaran


sa kakahuyan sa Heidelberg na tinatawag na Philosophenweg (Philosophers
Way). Ang kaibigang iyon ay isang Protestanteng pastor na si Karl Ullmen.
Napahanga ni Rizal ang Aleman dahil sa marunong siya ng wikang banyaga.
Dahil dito, inanyayahan niya si Rizal na bumisita sa kalapit na bayan ng
Wilhelmsfeld kung saan nakatira ang nasabing pastor.
ARALIN 4: Paris at Heidelberg
• Sa pagtira ni Rizal sa bahay ng pamilya Ullmer, naranasan at namasdan ni
Rizal sa loob ng bahay ang pang araw-araw na buhay pamilya ng isang
Aleman. Sa tatlong buwan niyang pananatili sa Wilhemsfeld simula nang
dumating siya ng ika-26 ng Abril 1886 at araw-araw na nakakatalastasan ang
pamilya Ullmer na gumagabay sa kanyang pagsasanay sa wika ay naging
Malaki ang inihusay ni Rizal sa wikang Aleman.
• Maliban sa Protestanteng pastor na si Rev.Karl Ullmer, nakilala ni Rizal ang
isang Katolikong paring si P. Heinrich Bardorf mula sa karatig-nayon na
Schriesheimer Hof at madalas nakakasama ni Rizal at Ullmer sap ag-inom ng
serbesa sa taberna habang nagpapalitan ng mga pananaw tungkol sa
relihiyon. Hinangaan ni Rizal ang matalik na pagkakaibigan ng dalawa
baagamt magkaiba ang kanilang relihiyon.
ARALIN 4: Paris at Heidelberg

Balikan na Paglalakbay sa Rhein

• Ipinaalala ng Ilog Rhein ng Alemanya ang Ilog Pasig ng Pilipinas kung saan
nasabi ni Rizal na kung mas marami lang na mga magagandang gusaling
matatagpuan sa tabi ng Ilog Pasig ay hindi na kaiingitan pa ang Ilog Rhein
maliban na lamang sa mas mahaba ito. Ipinapakita sa paglalakbay na ito ang
pagpapahalaga ni Rizal sa arkitektura at kasaysayan ng lugar.
ARALIN 5: Leipzig at Dresden
ARALIN 4: Leipzig at Dresden
Pagtira sa Leipzig

• Sa lunsod ng Leipzig noong ika-15 ng Agosto 1886 nanuluyan sa isang


pangaserahan si Rizal. Sa dalawang buwang paglagi ni Rizal sa lunsod, isinalin
niya sa Tagalog ang kuwento na William Tell ni Friedrich Schiller at ang mga
kuwento sa Fairy Tales ni Hans Christian Anderson.
• Ipinadala ni Rizal ang kanyang mga salin para sa kanyang mga pamangkin sa
Pilipinas nang si Rizal ay nasa lunsod na ng Berlin. Namasukan din si Rizal
bilang isang proof reader sa isang palimbagan upang mapunuan ang
pangangailangang salapi para sa pagpapalimbag sa kanyang magiging unang
nobela.
ARALIN 4: Leipzig at Dresden

• Si Dr. Hans Meyer ay may akdang isa


sa mga malaking talasalitaan na
encyclopedic dictionary sa Alemanya at
director ng Bibliographische Institute na
palimbagan ng mga aklat na
talasanggunian. Inabutan ni Dr. Hans
Meyer si Rizal ng kanyang libro tungkol
sa pagsasaliksik sa mga Igorot.
• Napag-alaman ni Rizal na nagpunta si
Dr. Meyer sa Pilipinas dalawang buwan
pagkatapos na umalis siya sa Pilipinas.
ARALIN 4: Leipzig at Dresden

Pagtira sa Dresden

• Dumating si Rizal sa Dresden noong ika-29 ng Oktubre 1886 at tumuloy sa


Hotel Vier Jahreszeiten. Nabanggit ni Rizal sa kanyang travelogue habang siya
ay nasa Dresden na dumalo siya sa misa ng Simbahang Katoliko. Patunay
lamang na si Rizal ay nanatiling Katoliko.

• Sa liham ni Rizal kay Dr. Blumentritt na may petsang ika-22 ng Agosto 1886,
matapos pag-aralan lahat ng mga relihiyon sa Europa, nasabi ni Rizal na mas
maganda parsa sa kanya ang Katolisismo kumpara sa Protestante.
ARALIN 4: Leipzig at Dresden

• Binisita ni Rizal noong ika-31 ng Oktubre


1886 ang Zoological, Anthropological and
Ethnographic Museum at sa pamamagitan ng
liham ng pagpapakilala mula kay Dr.
Blumentritt, nakilala ni Rizal ang director
nitong si Adolf Bernhard Meyer, isang
dalubhasa sa larangan ng anthropology at
zoology. Nakapaglimbag si Dr. A.B. Meyer ng
libro tungkol sa distribusyon ng mga Negritos
at ilang mga artikulo ng pagsasaliksik tungkol
sa mga wika sa Pilipinas. Nakapunta si Dr.
Meyer ng Luzon at Mindanao sa kanyang
mga pagsasaliksik.
ARALIN 6: Berlin at Leimeritz
ARALIN 5: Berlin at Leitmeritz
Pagtira sa Berlin
• Sa pagtira ni Rizal sa Berlin, nagsasagawa
siya ng mga pagsasaliksik tungkol sa
Pilipinas at pagbabasa ng mga aklat sa Real
Biblioteca de Berlin.
• Dumadalo din siya sa ilang mga panayam sa
Universitat Berlin.
• Namasukan si Rizal bilang katulong na
mangagamot sa klinika ng optalmolohiko na
si Dr. Karl Ernst Theodore Schweigger at sa
klinika ng isang nagngangalang Dr. R.
Schulzer.
ARALIN 5: Berlin at Leitmeritz
• Sa pamamagitan ng liham ng pagpapakilala mula kay Dr. Blumentritt, nakilala ni Rizal sa
Berlin ang Alemang etnolohista na si Dr. Jagor na may akda ng aklat na Reisen in den
Philippinen (Mga Paglalakbay sa Pilipinas) na nabasa ni Rizal noong sekundarya siya sa
Ateneo. Kasunod nito, ipinakilala ni Dr. Jagor si Rizal sa itinuturing na “Ama ng Cellular
Pathology” na si Dr. Rudolf Virchow. Nakilala rin ni Rizal ang anak ni Dr. Rudolf Virchow
na si Hans Virchow, isang propesor ng Descriptive Anatomy sa Universitat Berlin at ang
Alemang geographer at ethnographer na si Dr. Wilhelm Joest.

• Sa pamamagitan naman ng rekomendasyon nina Dr. Feodor Jagor at si Dr. Rudolf


Virchow upang maging kaanib si Rizal sa Berliner Gessellschaft fur Anthropologie,
Ethnologie und Urgeschichte (Berlin Society for Anthropology, Ethnology and Prehistory),
itinampok ni Rizal sa wikang Aleman ang kanyang siyentipikong pag-aaral na “Tagalische
Verskunst” (Sining ng Panulaang Tagalog/ Tagalog Metrical Art) sa harap ng lupon ng
mga dalubhasang kaanib. Tinanggap si Rizal ng lupon bilang kasapi.
ARALIN 5: Berlin at Leitmeritz

• Sa lunsod na ito ng Berlin natapos ni Rizal noong ika-21 ng Pebrero 1887 ang
pagsasaayos at pagwawasto ng kanyang manuskrito ng una niyang nobela,
isinulat sa Espanya a ng una at kalahati ng nobela. Isinulat sa Pransya ang
sangkapat at ang huling isang sangkapat ay tinapos sa Alemanya. Muntikan
nang itapon at sunugin ni Rizal ang manuskrito dahil sa pagkasiphayong
maipalimbag pa ito bunsod ng kawaln ng salapi at mga hirap na dinaraanan
niya.
ARALIN 5: Berlin at Leitmeritz

• Sakripisyo at paghihirap ang pinagdaanan ni Rizal para matapos ang


manuskrito ng nobela. Sa mga panahon na mayroon siya na panggastos,
sobra ang pagtitipid na kanyang ginagawa para sa paglaan ng gugugulin para
sa pagpapalimbag ng nobela. At nang humina ang ani sa sakahan sa
Calamba, walang naipadalang panustos kay Rizal. Sa gitna ng kagipitan,
minabuti ni Rizal na magtabi ng salapi para sa pagkain at mga selyo para
makapagpadala ng mga liham sa pagbabakasakaling makahingi ng saklolo
mula sa mga kaibigan.
ARALIN 5: Berlin at Leitmeritz

• Matatandaang una nang naranasan ni Rizal sa Madrid Espanya ang ilang mga
araw ng pagkagutom at kawalang ng panggastos. Pinakamalala ang sinapit na
kalagayan ni Rizal sa panahon ng taglamig sa Berlin na kumakain na lamang
siya ng isang beses sa isang araw at ang kinakain lamang ay isang tinapay na
may kasamang tubig o di kaya ay sabaw.
ARALIN 5: Berlin at Leitmeritz

• Dahil sa kakulangan sa wastong nutrisyon at sa kawalan ng maayos na


pagkain kasabay ng sobrang lamig sa panahong ng taglamig at pagpupuyat sa
pagsusulat ng nobela, bumagsak ang kalusugan ni Rizal. Kinakitaan siya ng
sintomas ng hinihinala niyang tuberkolosis.

• Disyembre ng 1886 nang dumating sa Berlin ang isang mayamang kababayan at


matalik na kaibigan ni Rizal na nagngangalang Maximo Viola na tubong San Miguel,
Bulacan. Katatapos pa lamang ni Viola ng pag-aaral sa medisina mula sa Barcelona,
Espanya nang matagpuan si Rizal na malubha na ang karamdaman.
ARALIN 5: Berlin at Leitmeritz

• Sa lungsod ng Berlin napili ni Rizal na ipalimbag ang kanyang unang


nobela at ang napiling palimbagan ay ang Berliner Buchdruckerei
Actien Gesellschaft (Berlin Book Printing Press Company).
• Lumabas ang unang dalawang libo ng kopya na nobela noong ika-21
ng Marso 1887. Nakalaan sa sumunod na kabanata (Kabanata8) ang
pagtalakay sa Noli Me Tangere.
ARALIN 7: Prague, Vienna at Linz
ARALIN 7: Prague, Vienna at Linz

• Sa pamamagitan ng liham ng pagpapakilala


na bitbit nila mula kay Dr. Blumentritt,
naipakilala sina Rizal at Viola kay Dr.
Heinrich Moritz Willkomm, isang propesor ng
kasaysayang likas at kilalang botaniko sa
Universitat Prag.
• Sa kanya ipinangalan ang genus Willkommia
sa mga uri ng damo. Inilibot ni Dr. Willkomm
sina Rizal at Viola sa lunsod ng Prague.
ARALIN 7: Prague, Vienna at Linz

• Binagtas nila ang Ilog Danube lulan ng bapor patungo sa sunod nilang nilibot
na lunsod. Isang bagong karanasan para kay Rizal sa bapor ang kumaing may
pamunas na paper napkin sa halip na karaniwan at nakasanayan niyang cloth
napkin.
• Natapos ang paglalakbay sa Ilog Danube pagkadating sa lunsod ng Linz kung
saan saglit naglibot sina Rizal at Viola at pagkatapos, saglit ding nilbot ang
lunsod ng Salzburg noong ika-25 ng Mayo 1887.
• May mga malilikot ang isip na naghihinala na ang Austrianong si Adolf Hitler na
naging diktador ng bansang Alemanya ay maaaring anak ni Rizal mula sa isa
sa mga babaeng nakilala ni Rizal habang nasa Austria o Alemanya.
ARALIN 8: Geneva at Italya
ARALIN 8: Geneva at Italya

• Mula bansang Austria, nagbalik-Alemanya sina Rizal at Viola at nilibot ang


lunsod ng Munchen (Munich) kung saan tumuloy sila ng apat na araw sa hotel.
• Lumipat sila sa lunsod ng Nuremberg kung saan nakita nila nag iba’t ibang uri
ng karima-rimarim na mga kagamitan na ginamit sa pag-uusisa ng Simbahang
Katoliko sa labis na pagpapahirap sa mga pinaratangang heretics o taliwas na
pananampalataya laban sa Katolisismong tinatawag na Inquisition noong ika-
12 siglo.
• Isinunod nila ang lunsod ng Ulm kung saan nakita nilang ginagawa ang
pinakamalaki at pinakamataas na simbahan sa buong Alemanya.
ARALIN 8: Geneva at Italya

• Sa Switzerland, dinalaw nina Rizal at Viola


ang lunsod ng Schaffhausen kung saan
tumuloy sila sa Hotel Muller ng ika-2 ng
Hunyo 1887.
• Sa magkakasunod na mga araw, tinungo
at dinilaw nila nag lunsod ng Basel ng ika-
3 ng Hunyo 1887; tinungo ang lunsod ng
Bern at tumuloy sa Hotel Schweizerhof
noong ika-4 ng Hunyo 1887.
ARALIN 8: Geneva at Italya

• Habang nasa lunsod ng Geneva, ipinahiwatig ni Rizal ang kanyang pagtuligsa


sa nabalitaang ginaganap na Exposicion de las Islas Filipinas sa Madrid,
Espanya.
• Hindi makatao ang exhibition sa mga kababayang Igorot na katabing
itinatanghal ng iba’t ibang uring mga halaman at hayop. Dahil sa katutubong
kasuotan ng mga Igorot na hindi angkop sa klima ng Europa, nagkasakit at may
namatay pa sa kanila habang ginagawa naming katatawanan ng mga Europeo
ang kanilang mga itsura, kagamitan at kasuotan.
ARALIN 8: Geneva at Italya
Lunsod na Estado ng Vatican

• Huling dinalaw ni Rizal ang panakamaliit


na city-state sa mundo, ang Vatican.
Sentro ito ng Katolisismo sa mundo.
Sinamantala niya ang taunang
pagdiriwang ng Pista ni San Pedro at San
Pablo noong ika-29 ng Hunyo 1887.
• Nakita ni Rizal ang St. Peter’s Basilica at
natunghayan ang pagdagsa ng maraming
debotong Katoliko sa St. Peter’s Square.
KONKLUSYON
KONKLUSYON
• Umalis si Rizal sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 sakay ng barkong Salvadora patungong
Singapore.
• Tumira siya sa ‘Hotel de la Paz’ at bumisita sa mga magagandang tanawin ng bansa.
• Nakita niya ang tanyag na Botanical Garden, ang Buddhist Temple at ang istatwa ni Sir
Standford Raffles na nakadiskubre ng bansa.
• Habang nasa Barcelona, Spain naman si Rizal ay isinulat niya ang “Amor Patrio”, isang
talumpati na nagsasaad ng Nasyonalismo. Ibinigay niya ang akdang ito kay Basilio
Teodoro Roman ng Diaryong Tagalog.
• Nang si Rizal ay nasa Madrid, nagpatuloy siya ng kanyang pag-aaral sa Universidad
Central de Madrid kung saan siya ay kumuga ng Medisina, Pilosopiya Y Letra. Nagsanay
din siya sa pintura at iskultura.
KONKLUSYON
• Pinag-aralan niya ang mga lenggwahe na Pranses, Alemanya at Ingles. Isinulat din niya
sa Madrid ang “Kay Binibining C.O. at R.”
• Isinulat niya sa Madrid ang unang kabanata ng Noli Me Tangere.
• Nakuha rin ni Rizal ang lisensya sa paggagamot mula sa Pambansang Sentral ng
Madrid.
• Sumali rin si Rizal sa Masonic Lodge na Acacia at naging ‘Master Mason’.
• Sa Paris, Si Jose Rizal ay nag-aral ng medisina na nakapokus sa ‘Ophthalmology’ upang
magamot ang sakit sa mata ng kanyang ina.
• Siya ay nagsanay sa ilalim ni Dr. Louis de Wecker, isang kilalang opthamologist.
• Si Rizal sa Heidelberg, Germany; si Dr. Rizal ay nagtrabaho sa University Eye Hospital
ng Heilderberg upang makapagsanay ng kanyang kaalaman sa ‘ophthalmology’.
• Isinulat niya ang tula na “Para sa mga bulaklak ng Heidelberg’ na ipinapakita ang
paghanga niya sa napakagandang pook.
KONKLUSYON
• Sa Leipzig naman ay isinalin niya ang istoryang “William Tell” sa Filipino. Ito ay upang
malaman ng mga Pilipino ang kampyon ng “Swiss Independence”.
• Isinalin din niya ang “Fairy Tales” ni Hans Christian Anderson.
• Si Dr. Jose Rizal ay nakibahagi sa isang misa sa Dresden, Germany.
• Si Dr. Rizal ay naparangalan dahil nabilang siya sa Anthropological Society, Ethnological
Society. At Geographical Society ng Berlin.
• Isinulat niya ang “Taglische Verkunst”. Sa Berlin unang napalimbag ang Noli Me Tangere.
• Si Rizal ay nag-ikot pa sa Prague, Vienna, Salzburg, Munich, Nuremberg, at Geneva. Dito
ay makikita kung gaano siya napaka-aktibo at tunay na naglalakbay para sa kanyang
karagdagang kaalaman.
• Sa rome, Italy ay binisita ni Dr. Jose Rizal ang Vatican, “City of Popes” at ang capital na
Christendom. Siya ay namangha sa kagandahan ng mga tanawin, lalo na ang St. Peter’s
Church.
• Matapos ang ilang taong paglalakbay sa ibang bansa, si Dr. Rizal ay bumalik na sa
Pilipinas.

You might also like