You are on page 1of 5

kasaysayan ng noli me tangere

Unang nobela ni Rizal ang El Filibusterismo. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang
aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa
di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang
nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila.
Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.
Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at
natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibez, isang bantog na manunulat, ang
kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.
Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni
Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacaang at inabisuhang puno ng
subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan,napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit
nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa
nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Litomice: "Gumawa ng
maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong gawing
excommunicado dahil doon . . . pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck,
sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga
bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa
kalye pagkagat ng dilim ... "
kasaysayan
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884 sa Madrid
noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon
ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.
Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet
Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting
Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya
ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na
nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang maging nobela.
Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang
walang katulong.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga
dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga
kabanata ng nobela.
Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong
Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na
nagpapahirap sa buhay ng isang tao.
Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa.
Hango sa Latin ang pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin nito.
Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13-17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng
mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga nakakasalubong nila.
Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin sa Ingles nito aySocial Cancer.
Sinundan ito ng El filibusterismo, isa pang nobela ni Jose Rizal.
jose rizal
Si Dr. Jos Protasio Rizal (Ika-19 ng Hunyo 1861Ika-30 ng Disyembre 1896) ay ang pampito sa
labing-isang anak ng mag-asawangFrancisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong
si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jos Rizal sa Calamba, Laguna. Sina
Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang mga
anak nina Francisco at Teodora.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong
taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Bian, Laguna upang
mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya
ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa
ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing
medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang
Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa
Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong
panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay
tinubuan ng katarata. Noong ika-5 ng 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at
mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya.
Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang
karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo
sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa
isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang
titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa
mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe,
Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit,
Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
ang pangalan ni rizal
Jos Protasio Rizal Mercado Alonso y Realonda ang nakatalang buong pangalan ni Rizal sa kanyang
katibayan ng kapanganakan at Jos Rizal Mercado y Alonso o simpleng Jos Rizal Mercado (ayon sa mga
panutong Espanyol) ang kanyang ginamit sa kanyang buong kabataan. Gayumpaman, sa payo ng kanyang
kapatid na si Paciano Rizal Mercado, pinalitan ni Rizal ang kanyang legal na pangalan upang hindi siya
maiugnay sa mga aktibidad ng kanyang kapatid na kilala noon bilang aktibista at tagasuporta ng binitay
na paring si Jos Burgos. Mula sa kanyang orihinal na pangalang legal ito'y naging Jos Protasio Rizal (rizal
= luntian), pinaikling Jos Rizal. Sa isang liham, isinulat ni Rizal: "My family never paid much attention
[to our second surname Rizal], but now I had to use it, thus giving me the appearance of an illegitimate
child!" ("Hindi pinapansin ng aking pamilya [ang aming ikalwang apelyidong Rizal], ngunit ngayon'y
kailangang kong gamitin ito, kaya't lumalabas na ako'y parang isang anak sa labas!)
edukasyon ni rizal
Noong June 10, 1872 si Rizal ay pumunta ng Manila para mag-aral sa Ateneo Municipal, hindi agad siya
muntikan na siyang di marehistro dahil hindi siya pinayagan ng tig-rehistro na si Fr. Magin Ferrando dahil
siya ay huli na sa pasukan ngunit tinulungan siya ng pamangkin ni Fr. Burgos na si Manuel Xeres Burgos at
siya ay narehistro din. Siya ay nakatira sa labas ng eskwelahan ang kanyang kasera ay si Donya Titay. Sa
eskwelahan ng Ateneo ay ginugrupo ang mga mag-aaral ng dalwang parte ang Roman Empire (inside
border)at Carthaginian Empire(outside border), siya ay sakup sa Carthaginian dahil sa labas siya ng
eskwelahan nakatira. Sa isang grupo ay may mga opisyal Emperor(best student), Tribune, Decurion,
Centurion at Standard. Ang una niyang magtutudlo ay si Jose Bech, naging Emperor si Rizal dahil siya ay
nanalo sa isang timpalak at nkakuha siya ng isang religious picture para sa kanyang gantimpala. Nag-aral
din siya sa Santa Isabel College para pagbutihin ang kanyang spanish language.
mga akda
Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli me tangere (Huwag Mo Akong
Salingin) na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At nilathala ang El
Filibusterismo (Mga Pagbalakid o Pangungulimbat) sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Dr. Maximo
Viola ng 300 piso sa pagpapalimbag ng Noli Me Tangere. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at
pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na
ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang
naging daan upang magising ang pagkakaisang-diwa at katauhan ng mga Pilipino, na nauwi sa Rebolusyon
ng 1896.
Noong siya'y walong taong gulang pa, naisulat niya ang tulang Sa aking mga Kabata na naging Sa Aking
mga Kababata. Tumutukoy ang tulang ito sa pagmamahal sa bayan dahil bata pa lang siya ay nakitaan na
siya ng pagiging nasyonalismo. Nang malapit na siyang bitayin, sinulat niya Mi Ultimo Adios (Huling
Pamamaalam). Kabilang sa iba niyang naisulat ay ang Awit ni Maria Clara, Pinatutula Ako, Ang Ligpit Kong
Tahanan atbp.
Dagdag dito, si Rizal din ang masugid na taga-ambag ng mga sulatin sa La Solidaridad, isang pahayagang
inilunsad ng mga Pilipinong repormista sa Espanya. Sumulat siya sa ilalim ng pangalang Dimasalang at
Laong-laan, habang lumagda naman si Marcelo Del Pilar bilang Plaridel.
buhay pag-ibig
Si Segunda Katigbak ang unang pag-ibig ni Rizal.Si Segunda ay labing-apat na taon palang noon ito ay
kapatid ng kaklase niyang si Mariano.Dahil sa admirasyon ni Rizal kay Segunda ginawan niya ito ng isang
pencil sketch ni Segunda at ang ipinalit ni Segunda para dito ay isang puting rosas, mag aalok na sana si
Rizal kay Segunda ng kasal ngunit ito ay nobyo na ni Manuel Luz. Noon nag-aaral na siya sa UST
(Unibersidad ng Santo Tomas) doon niya nakilala si Miss L (hindi binanggit ang totoong pangalan) ngunit
ang kanyang pag-ibig kay Miss L ay hindi natuloy dahil sa dalawang rason una ang mga magagandang ala-

ala ni Segunda ay hindi pa nawawala, pangalawa ay hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ni Miss
L(hindi binaggit kung bakit).Sumunod kay Miss L ay si Leonor Valenzuela at si Leonor Rivera. Si Leonor
Rivera ay ang kanyang unang totoong pag-ibig, hindi niya alam na ito pala ay malayong pinsan niya
lang.Ang sunod niyang nakilala ay si Vicenta Ybardaloza, naantig niya ang puso ni Rizal dahil sa pagiging
mahusay maglaro ng instrumentong harp.
mga pamanang-lahi
Si Jose Rizal ay isang repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong
naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino
sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin sa La Solidaridad.
Ang kanilang mga mithiin:
na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya;
na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlamento);
na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng sekularisasyon;
kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag;
pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.
Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat
nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula
sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga Filipina, nilitis at
ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang
pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.
pagkamatay
Noong 1896, natuklasan ang lihim na samahang Katipunan, kaya bigla itong naglunsad ng rebolusyon.
Nang mga panahong iyon. Pinayagan si Rizal ng pamahalaang maglingkod sa Cuba bilang manggagamot
sa panig ng Espanya at naglalayag patungo sa nasabing lugar. Pagsiklab ng himagsikan, kaagad siyang
ipinaaresto sa barko at ipinabalik sa Pilipinas. Nadawit siya bilang kapangkat at kapanalig ng mga nagaalsa. Pinaratangan siya ng paghihimagsik at pagtatangkang ibagsak ang pamahalaan, at pagtatatag ng
isang bawal na samahan.
Napatunayang siyang nagkasala at hinatulan ng bitay. Noong ika-30 ng Disyembre 1896, binaril siya sa
Bagumbayan, na Liwasang Rizal ngayon. Hiniling niyang huwag lagyan ng piring sa mata at mabaril ng
paharap, subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa mata. Dahil dito, sa pagbaril sa kanya, siya'y
pumihit paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindi siya taksil sa pamahalaan.
Sipi mula sa kaniyang huling liham: "Prof. Fernando Blumentritt - My dear Brother, when you receive this
letter, I shall be dead by then. Tomorrow at 7, I shall be shot; but I am innocent of the crime of rebellion..."
(Mahal na Kapatid, wala na akong buhay sa oras na matanggap mo ang liham na ito. Bukas ng ala-siyete,
ako ay babarilin; subalit ako ay walang kinalaman sa salang rebelyon...)
Hindi kalayuan sa lugar na kanyang kinabagsakan, may isang malaking monumento ngayon, gawa ni
Richard Kissling, isang eskultor escoces na siya ring lumikha ng estatwa ni Wilhelm Tell. May nakasulat
dito- "Nais kong ipakita sa mga nagkakait ng karapatan sa pag-ibig sa tinubuang lupa, na kapag tayo'y
marunong mag-alay ng sariling buhay alinsunod sa ating tungkulin at paniniwala, ang kamataya'y di
mahalaga, kung papanaw dahil sa ating mga minamahal- ang ating bayan at iba pang mga mahal sa
buhay."
mahahalagang pahayag ng mga tauhan
" ... Ang karunungan ay para sa tao, ngunit huwag mong lilimuting iya'y natatamo ng mga may puso
lamang." - Gurong Pari (kab. 8)
"May mga lalong dakilang bagay na dapat mong isipin- ang hinaharap ay mabubuksan pa lamang para sa
iyo, sa akin ay ipipinid na;... ang dugo ng kabataan na kumukulo sa iyong mga ugat ay sing-init ng araw, sa
akin nama'y halos sinlamig ng hukay." -Don Rafael (kab. 7)
"Ginto ang sinadya ng mga banyaga sa iyong bayan kaya't ikaw ay pumunta rin sa kanilang bayan upang
tumuklas din ng ginto. GAyon man, unawain mong hindi lahat ng kumikinang ay ginto." - Gurong Pari (Kab.
8)
"Sadyang kailangan tayong kalabanin at gisingin upang malantad ang ating mga kasamaan at kahinaan,
sa ganito'y lalo tayong mapapabuti." - Matandang Pari (Kab. 9)
"Dapat bigyang dangal ang isang mabuting tao habang buhay pa kaysa kung patay na." Pilosopo Tasyo
(Kab. 14)

"Walang mapapala ang anak ng mga magbubukid sa paaralan, kung bumabasa, sumusulat at nagsasaulo
sila ng mga bagay sa wikang Kastila na hindi naman nila nauunawaan." - Guro (kab. 19)
"Ang bayan po'y di dumaraing dahil siya'y pipi, di tumitinang dahil natutulog. Subali't darating ang
panahong malalantad ito sa inyo atmapapakinggan ang kanyang mga panaghoy. Pagsapit ng araw na
ito,... sasambulat sa lahat ng dako ang mga naipongluha; himutok at buntong-hiningang matagal na
panahong kinimkim sa puso ng bayan." - Pilosopo Tasyo (kab. 25)
"Tingnan mo ang mahinang tangkay na iyan. Siya'y yumuyuko kapag umiihip ang hangin na parang
ikinakanlong ang sarili. Sapagkat kung siya'y magpapakatigas sa tayo, mababakli siya at malalagas ang
kanyang mga talulot. Kaya pararaanin niya ang hangin sika siya muling tutuwid na taglay ang kanyang
mga talulot. " - Pilosopo Tasyo (Kab. 25)
"Lahat po tayo ay may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa taong may muwang, mula sa
pinakahamak hanggang sa pinakamariwasa at pinkamakapangyarihan. Ang pakikipaglaban ay siyang
batas ng buhay. " - Elias (lab. 33)
"Mahal ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at magiging utang pa ang aking kaligayahan." - Ibarra
(kab. 49)
"Tunay pong hindi ako maaaring umibig ni lumigaya sa sariling bayan ngunit nakahanda akong magtiis at
mamatay rito. Hangad ko na ang lahat ng Inang Bayan ay maging kasawian ko rin." - Elias (kab. 61)
"Ako'y mamamatay na hindi man lamang nakita ang maningning na pagbubukang liwayway sa aking
bayan. Kayong makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalilimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi." Elias (kab. 63)
Ipinanganak si Jose Protacio Rizal sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang mga magulang ni Rizal
ay sina Don Francisco Mercado at Dona Teodoro Alonso. Sila ay nangmula sa isang kilalang pamilya sa
Binan. And naging asawa ni Rizal ay si Josephine Bracken, isang mestisang Ingles mula sa HongKong.
Ginamit ang apelyidong Rizal ayon sa kautusan ng kastilang Gobernador Heneral Narciso Claveria y
Zaldua na naglayong isapamantayan ang talaan ng mga pangalan a apelyido ng mga Pilipino.
Edukasyon
Si Rizal ay natuto ng alpabeto sa murang edad na tatlo, nakabasa ng bibliya sa gulang na lima at natuto
ng pagbasa, pagsusulat at panimulang saligang Latin mula sa pribadong guro. Ipinagpatuloy ang pag aaral
sa ilalim ng isang istriktong guro sa Binan sa gulang na siyam.
Nag aral ng batsiler ng sining sa Ateneo Municipal de Manila, taong 1876 at nakakuha ng markang
sobresaliente. Kumuha ng kursong medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas at ipininagpatuloy ang
degree ng Medisina. Espesyalista sa mata at Pilosopiya sa Unibersidad ng Madrid, Espanya, taong 1885. At
nag aral ng pagkadalubhasa sa Paris, Pransya a Heidelberg, Alemanya.
Buhay at Propespyon
Habang nasa Europa, patuloy sa pag tuligsa sa mga kalabisan ng mga kastila sa mga Pilipino at humihingi
ng pagbabagong pampulitika sa Pilipinas. Isa sa ginamit niyang paraan ay ang pagsusulat ng nobelang
Noli Me Tangere, inilathala sa Berlin noong 1887 at El Filibusterismo na ininprenta sa Ghent, Belgium noong
1891. Ang mga ilan pa sa kanyang isinulat ay ang mga La Indolencia delos Filipinos (Ang Katamaran ng
mga Filipino), Estudios Sobre la Lengua Tagala (Mga Pag aaral sa Wikang Tagalog) at Filipinas Dentro de
Cien A0s (Ang Pilipinas sa loob ng Isang Milenyo).
Nag ambag ng isang artikulo sa La Solidaridad, ang pahayagan ng Kilusang Propaganda, sa ilalim ng mga
taguring Dimas Alang at Laong Laan. Itinatag ang La Liga Filipina, isang samahang pansibiko na humihingi
ng pagbabago sa Pilipinas noong ika-3 ng Hulyo 1892 sa Kalye Ilaya, Tondo, Maynila.
Ikinulong si Jose Rizal noong ika-7 ng Hulyo 1892 sa Fort Santiago sa bintang na panunulsol at
paghihimagsik sa pamahalaang kastila. Ipinatapon sa Dapitan noong ika-15 ng Hulyo 1892 at doon nakilala
at umibig sa kanyang asawa na si Josephine Bracken subalit nagsilang ng isang patay na sanggol at
pinangalanang Francisco.
Pinabalik sa Cuba kung saan nanilbihang doktor. Dagling pinabalik sa Maynila at piniit sa Fort Santiago
noong Agosto 1896. Nilitis noong ika 26 ng Disyembre 1896 sa Hukumang Militar sa Espana.
Napatunayang nagkasala ng panunulsol at paghihimagsik sa pamahalaang kastila. Nahatulan ng
kamatayan sa pakunwaring paglilitis.
Bago ang isasagawa sa kanyang pagpatay, isinulat niya ang obra maestrong tula, Mi Ultimo Adios (Ang
Aking Huling Paalam) sa piitan ng Fort Santiago. Noong ika 30 ng Disyembre 1896 binaril sa Bagumbayan
(ngayon ay Rizal Park). Mula sa libingan ng Paco, inilipat ang kanyang labi sa bahay ng kanyang mga

kapatid na babaeng sina Josefa at Trinidad. At noong Disyembre taong 1912, inilibing ang unang
kinapalooban ng kanyan mga buto at ilang alaala sa kanyang monumento sa Rizal Park.
Kasaysayan
Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala ito noong 26 tang gulang siya. Makasaysayan ang
aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa
di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang
nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila.
Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.
Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at
natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibez, isang bantog na manunulat, ang
kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.
Ang nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito
ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang
kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde.
Bumuo ng kontrobersiya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni
Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacaang at inabisuhang puno ng
subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit
nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa
nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Leitmeritz:

Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto nila a

Mga Pangunahing Tauhan


Crisostomo Ibarra
Si Juan Crisostom Ibrra y Magslin (o Crisostomo o Ibarra), ay isang binatang nag-aral sa Europa;
nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan
ng San Diego.
Maria Clara
Si Mari Clara de los Santos y Alba (o Maria Clara), ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng
San Diego na inihimatong anak ng kaniyang ina na si Doa Pia Alba kay Padre Damaso.
Padre Damaso
Si Dmaso Verdolagas (o Padre Damaso), ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya
matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara.
Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos (o Kapitan Tiago), ay isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni
Maria Clara.
Elias
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kaniyang bayan at ang
mga suliranin nito.
Sisa, Crispin, at Basilio
Si Narcisa (o Sisa), ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang
pabaya at malupit.
Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng kampana sa
simbahan ng San Diego.
Pilosopo Tasyo
Si Don Anastasio o Pilosopo Tasyo, ay isang pantas at maalam na matandang tagapayo ng marurunong na
mamamayan ng San Diego. Kadalasan siyang tinatawag na baliw dahil hindi maunawaan ng mga
mangmang ang katalinuhan niya.
Donya Victorina
Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaa o Donya Victorina, ay isang babaing nagpapanggap na
mestisang Kastila kung kay abot-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Mahilig niyang
lagyan ng isa pang "de" ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng "kalidad" sa pangalan niya.

You might also like