You are on page 1of 4

MGA PANGULO NG IKATLONG REPUBLIKA NG

PILIPINAS AT KANILANG MGA NAGAWA

1. MANUEL A. ROXAS
(1 ENERO 1892 - 15 ABRIL 1948)

Si Manuel Roxas ang maituturing


na huling pangulo ng Komonwelt dahil
nagwagi sya sa halalan ng 23 Abril 1946 at
unang pangulo ng kasalukuyang
Republika ng Pilipinas pagkatapos
igawad ng Estados Unidos ang kasarinlan
ng Pilipinas noong 4 Hulyo 1946.

Matapos maisaayos ang


pamahalaan, sinimulan ni Pangulong
Roxas ang paglutas sa mga suliranin ng
bagong Republika. Pangunahin ay ang
pag-unlad ng kabuhayan, paglutas ng
suliranin ng Hukbalahap at paglinaw sa patakarang panlabas ng bansa kaugnay
ang usaping Parity Rights. Ang una ay ang Bell Trade Relations Act o ang nagtakda
ng 28 taon na kalakalan ng Estados Unidos at Pilipinas, Batas Rehabilitasyon Parity
Rights na pantay na paggamit ng mga Amerikano at ng mga Pilipino ng ating mga
likas-yaman at ang PACSA o ang Presidential Action Committee on Social
Amelioration.

2. ELPIDIO R. QUIRINO
(16 NOBYEMBRE 1890 - 28 PEBRERO 1953)

Si Elpidio Quirino ay isinilang noong


Nobyembre 16, 1890 sa Vigan, Ilocos Sur. Siya
ang ika-anim na pangulo ng Pilipinas.
Nagsimula ang kaniyang misyon na tumulong
sa kapwa nang siya ay naging guro sa isang
baryo sa Vigan, at sinundan ng isang
katungkulan sa Kawanihan ng mga Lupain.

Sa kanyang pamumuno, maayos na


nakabangon ang bansa mula sa pagkasirang
tinamo nito sa World War II. Lumago din ang ekonomiya ng Pilipinas ng halos 9.5%
sa pangkalahatan ng kanyang pamumuno. Sa tulong ng Estados Unidos at
pangunguna ni Quirino, umusbong ang maraming pabrika sa bansa na nagbigay
ng oportunidad sa mga Pilipino na magkaroon ng trabaho. At dahil lumalago ang
industriyalisasyon sa bansa, ipinatayo niya ang mga hydroelectric power plants sa
Maria Cristina Falls at sa Bulacan upang punuan ang lumalaking pangangailangan
ng bansa sa kuryente. Pinagbuti rin ang sistema ng irigasyon para sa paglalago
naman ng Sektor ng Agrikultura, naitatag din ang Bangko Sentral ng Pilipinas at
ang mga rural bank. Binuo rin ang Integrity Board upang bigyan ng tugon ang
lumalakas na pananawagan noon para sa pagsasaayos ng estado ng gobyerno
laban sa kurapsyon, bagay na nabahiran ng mantsa maging si Pangulong Quirino.

3. RAMON DEL FIERRO MAGSAYSAY


(31 AGOSTO 1907 - 17 MARSO 1957)

Si Ramon Magsaysay ay ang ika-pitong


pangulo ng Pilipinas na kilala bilang “The
Guy” o “Presidente ng Masang Pilipino”.
Siya ay ipinanganak sa Iba, Zambales
noong Agosto 31, 1907 at pangalawang
anak ni Exequiel Magsaysay at Perfecta
Del Fierro.

Sa kanyang termino, literal niyang


binuksan ang pinto ng Malakanyang sa
publiko at matagumpay din niyang
napanumbalik ang tiwala ng mga Pilipino
sa Hukbong Sandatahan ng Bansa. Binuo
rin nya ang Presidential Complaints and Action Committee. Itinuring ng
kasaysayan ang kanyang administrasyon bilang pinakamalinis na pamahalaan
mula sa kurapsyon. Sa katunayan, kinilala ang Pilipinas noon bilang 2 nd Cleanest
and Well-Governed Country sa buong Asya. Tumutok sa pagpapalago ng Sektor
ng Agraryo si Magsaysay, itinatag nya ang Resettlement and Rehabilitation
Administration o NARRA na nagbigay ng lupa sa mga wala nito. Nilagdaan din nya
ang Republic Act No. 1199 na nagbigay ng seguridad sa trabaho sa mga nagsasaka
ng lupang hindi nila pagmamay-ari. Naitatag nya rin ang Agricultural Credit
Cooperative Financing Administration na makapaghihiram ng kinakailangan
puhunan sa mga maliliit na magsasaka. Sa halos apat na taong panungkulan ni
Magsaysay, lumago ang ekonomiya at naramdaman ito ng sambayanan.
4. CARLOS P. GARCIA
(4 NOBYEMBRE 1896 - 14 HUNYO 1971)

Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896


sa Talibon, Bohol kina Policronio Garcia at
Ambrosia Polistico. Dahil sa matinding hilig
mag-aral ay pumunta siya ng Cebu para sa
mataas na paaralan sa Siliman University sa
Dumaguete at sa Philippine Law School sa
Maynila. Siya ang pumalit na pangulo ng
Republiks ng Pilipinas noong 1953 nang biglang
namatay si Pangulong Magsaysay.
Pangunahing tatak ng kaniyang
administrasyon ang patakarang “Filipino
Muna”

Sa polisyang ito, sinigurado ng kanyang gobyerno na mabigyan ng higit na


pabor sa aspeto ng oportunidad na makapagpalago ng negosyo ang mga
mamumuhunang Pilipino kumpara sa mga banyagang mangangalakal. Nilabanan
din ni Pangulong Garcia ang komunismo sa bansa noong siya ang pangulo. Sa bisa
ng Republic Act No. 1700, ipinagbawal ang pagsapi sa rebolusyonaryong
organisasyon na sumusuporta sa komunismo. Sa kanyang administrasyon, pinaigsi
rin ang panahong pagpaparenta ng mga base militar ng Amerikano sa bansa ng
hanggang 25 taon na lamang, mula sa orihinal na 99.

5. DIOSDADO P. MACAPAGAL
(28 SETYEMBRE 1910 - 21 ABRIL 1997)

Isinilang si Macapagal sa San Nicolas,


Lubao, Pampanga noong Setyembre 28,
1910 sa magsasakang si Urbano Macapagal
at anak ng kasamang si Romana Pangan.
Nagtapos siya ng Associate in Arts sa
Unibersidad ng Pilipinas at ng abogasya sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Isang anak-
mahirap na tulad ni Pangulong Magsaysay
kaya tinaguriang “Poor Boy from Lubao”,
isa rin siyang mahusay na makata sa
Pampanggo.

Kabilang sa mga ginawa ni Macapagal


ang pagsasagawa ng mga batas upang
maisaayos ang sektor ng agrikultura sa bansa, una na rito ang pagsasabatas ng
Agricultural Land Reform o Republic Act No. 3844, na nagbukas ng oportunidad
na magkaroon ng sariling lupang sakahan ang mga maliliit na magsasaka sa bansa.
Upang pasiglahin pa ang ekonomiya, ibinukas ng kaniyang administrasyon ang
merkado sa mga pribadong mangangalakal, naging aktibo rin ang pamahalaan sa
pagpapagawa ng mga impastraktura tulad ng mga kalsada, mga puerto at
paliparan. Gumawa rin mga polisya si Macapagal na maka-eengganyo sa mas
marami pang mamumuhunan sa pamamagitan ng pagssisilbi ng gobyerno bilang
taga-endorso ng mga aktibidad na magbibigay-daan upang ang mga negosyong
nangangailangan ng malaking kapital ay mapasimulan sa bansa. Pagtatatag ng
Philippine Veteran’s Bank, ang paglilipat ng paggunita ng ating araw ng kasarinlan
mula ika-4 ng Hulyo sa ika-12 ng Hunyo. Sa termino ni Macapagal, pinalakas ang
aksyon ng bansa sa international tribunal kaugnay sa karapatan na muling
mapasakamay sa Pilipinas ang North Borneo o kilala na ngayon bilang Sabah.

6. FERDINAND E. MARCOS
(11 SETYEMBRE 1917 - 28 SETYEMBRE 1989)

Isinilang si Marcos noong Setyembre 11, 1917


sa Sarrat, Ilocos Norte kina Mariano Marcos at
Josefa Edralin. Hinahangaan siya sa katalinuhan,
sa Unibersidad ng Pilipinas siya nagtapos mula sa
matataas na paaralan hanggang abogasya at lagi
siyang nangunguna sa klase. Nagtapos syang
Cum Laude noong 1939 at nagkamit ng President
Quezon Award sa kanyang thesis. Siya ang may
pinakamahabang panahon ng panunungkulan
bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Noong 23 Setyembre 1972 ay idineklara ni


Marcos ang pagpapatupad ng Batas Militar o
Martial Law sa dalawang dahilan, una ay upang
iligtas ang Pilipinas sa kamay ng mga kaaway nito at pangalawa ay upang
magtatag ng isang bagong lipunan na makapagdudulot ng ibayong kaunlaran,
kapayapaan at seguridad ng mga Pilipino.
Ilan sa mga nagawa ni Marcos ay ang pagpapatupad ng programa sa malawakang
pagpapagawa ng mga imprastraktura gaya ng mga kalsada, tulay, patubig,
paaralan, LRT at iba pa, ito ang naging dahilan kung bakit siya tinawag na
Infrastructure Man. Paghihigpit sa ilegal na pagpasok ng mga produktong
dayuhan, pagtulong sa mga magsasaka upang maparami ang ani ng bigas,
pagbibigay ng pahintulot sa mga Pilipino na magtungo sa China, pagpigil sa
karahasan at pagpapalaganap nang maayos na serbisyong pangkalusugan sa mga
pook rural. Naitatag rin ang Green Revolution, Liberalized Credit, Bakahang
Barangay, Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran, Reporma sa Edukasyon at sa
Pagsasaka, pagkakaroon ng Primary Health Care ng mga Pilipino at pabahay sa
pamamagitan ng Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS)
Housing Project.

You might also like