You are on page 1of 2

Araw ng Kalayaan ng Pilipinas

Alam mo ba ang kasaysayan ng ipinagdiriwang nating Araw ng Kalayaan?

Noong Hunyo 12,1898, idineklara ni Heneral Emilio F. Aguinaldo sa pagitan ng ika-4 hanggang ika-5 nang hapon
sa balkonahe ng kaniyang tahanan sa Calle Real sa Kawit, Cavite ang kalayaan ng Republika ng Pilipinas. Sa panahon ding
ito unang iwinagayway ang pambansang bandila ng Pilipinas na ginawa sa Hong Kong nina Marcela Agoncillo, Lorenza
Agoncillo, at Delfina Herboza de Natividad. Tinugtog din ang Marcha Filipina Magdalo na kilala ngayon bilang Lupang
Hinirang na isinulat ni Julian Felipe. Ang bandang San Francisco de Malabon ang tumugtog nito.

Noong Setyember 29,1898, pinagtibay ng Kongreso ng Malolos ang Deklarasyon ng Kalayaan. Noong ika-6 ng
Agosto 1898, nagpadala ang Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Pilipinas ng diplomatikong mensahe sa mga banyagang
bansa na hinihiling na kilalalnin ang Pilipinas bilang isang Malaya at nagsasariling bansa.

Isinuko ng España ang Pilipinas sa United States sa 1898 Kasunduan sa Paris. At noong Hulyo 4, 1946, matapos
ang Ikalawanag Digmaang Pandaigdig, ng 50 taong pamamahala ng mga Amerikano, at mahigit tatlong taon ng pananakop
ng mga Hapones, ay kinikilala ng United States ang kalayaan ng Pilipinas sa Kasunduan Sa Maynila.

Panandaliang ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas tuwing ika-4 ng Hulyo. Ngunit noong 1962,
nagpasiya ang noon ay Pangulo ng Pilipinas na si Diosdado P. Macapagal, sa pamamagitan ng paglagda sa Batas Republika
Blg. 4166, nailipat ang pagdiriwang ng araw ng Kalayaan sa Hunyo 12. Ito ay bilang paggunita sa makasaysayang araw
noong 1898 nang iproklama ni Heneral Aguinaldo ang Kalayaan ng Pilipinas.

Si Pangulong Ferdinand E. Marcos, ang humalili kay Pangulong Macapagal, ang kalaunan ay nagdeklara na ang
Hulto 4 ay kikilalanin bilang Philippine- American Friendship Day.

Bawat lalawigan sa bansa ay nakikipagtulungan sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan taon-taon. Halimbawa ang
lalawigan ng Romblon, sa ika-116 Araw ng Kalayaan noong 2014, ay nagsagawa ng pagwagayway ng flaglets, sa pagtaas
ng bandila sa bawat munisipyo, at pag –aalay ng mga bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal na madalas ay nilalahukan ng
mga opisyales at kawani ng pamahalaang pambansa, panlalawigan at pambayan, mga guro, mag-aaral,mga sundalo,pulis,
bumbero, pribadong sector at non-government organizations(NGO). May itinatakda ring tema sa bawat taon tulad ng :
“Tagumpay sa Pagbabagong Nasimulan, Abot-kamay na ng Bayan” noong 2015.

Nakadalo ka na rin ba sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa inyong bayan?

Tungkulin mo ito bilang isang Pilipino. Makiisa sa pagdiriwang ng ating kalayaan. Gunitain ang kabayanihan at
kadakilaan ng mga Pilipinong nauna sa atin upang pagkalooban tayo ng isang malayang bansa kung kaya tayo ngayon ay
kabilang sa mamamayang Malaya.

Mabuhay ang ating bansang Malaya!


Yuri Alekseyevich Gagarin

You might also like