You are on page 1of 2

Ang Muling Pangingibang Bayan ni Jose Rizal

Muling nilisan ni Rizal ang mahal na bayan, Sumakay siya sa isang bapor ng Intsik patungong Hong Kong
at dumating doon noong Pebrero 8,1888 at tumigil dito ng may dalawang linggo. Dito ay nakatagpo niya
ang isang grupo ng mga takas na Pilipino na kinabibilangan ni Jose Ma. Basa (isang manananggol na
naging isang matagumpay na Negosyante) kilala niya si Rizal at nagkakaisa sila ng damdamin para sa
inang bayan.
Mula sa Hong Kong ay nagtungo siya sa Yokohama,Japan noong Pebrero 22,1888. Humanga si Rizal sa
likas na kagandahan ng bansang Japan, ang pagkamagalang,masipag,kaisipan at ang payak na pananamit
at kilos ang ilan sa mga hinangaan niya rito , napansin din nya na bihira ang masasamang loob sa
bansang ito. Ang bagay na hindi nagustuhan ni Rizal sa bansang Japan ay ang paggamit ng RICKSHAW
(isang uri ng sasakyan na hinihila ng tao).
Sa bansang ito sumibol ang isang pag-ibig kay Rizal para sa Haponesang si O-Sei-san. Subalit ng
maramdaman niyang labis na siyang umiibig sa dalaga ay nagpasya siyang lumisan. Ang pasyang ito ay
sinabi ni Rizal na ginawa niya upang hindi magkaroon ng sagabal para sa kanyang misyon para sa inang
bayan.

Ng taon ding iyon, mula Japan si Rizal ay nagtungo ng Amerika. Bagamat humanga siya sa kalayaan sa
Amerika ay nasabi naman niya na Ang Amerika ay iasng ay isang bansang tunay na malaya subalit
mabuti lamang para sa mga puti. Nasabi niya ito sapagkat nang dumaong sila sa Amerika ay hindi sila
agad makababa ng barko at kinailangan na sila ay ikuwarentina ng may walong (8) araw sapagkat
tumanggi ang mga may kapangyarihan ng bansang ito na payagang makababa agad ang may 800 na
Intsik na nakasakay sa barko. Nasaksihan ni Rizal ang matinding diskriminasyon laban sa mga Negro at
mga Intsik ng mga Amerikano.

Mula sa Amerika si Rizal ay nagtungo ng Liverpool,England dumating siya rito noong Mayo 24 ,1888.
Nagtungo siya sa London sa pamamagitan ng tren ng sumunod na araw upang bisitahin ang
Museo ng Britanya na noong panahong iyon ay itinuturing na pinaka malaking aklatan sa buong mundo.
Hangad niyang magsaliksik para sa binabalak niyang aklat na susulatin na may kinalaman sa Pilipinas
noong Ika-16 na siglo kung saan nais niyang ipakita na bago pa man dumating ang mga banyaga ay may
sarili na itong lipunan,maunlad na kultura at sariling wika. Subalit nagbago ang kanyang balakin ng
mabasa niya ang Sucesos de Las Islas Filipinas ni Antonio Morga sa halip ay gumawa nalang siya ng
anotasyon ng aklat ni Morga.


Noong unang bahagi ng 1889 si Rizal ay naging abala dahil sa pagbabalak niyang pagtatag ng isang isang
pandaigdigang samahan ng mga dalubhasa ukol sa Pilipinas, ang kanyang kaabalahan sa binabalak na
samahan at ang anotasyon ng aklat ni Morga ay dalawang kadahilanan kung bakit tinanggihan ni Rizal
ang alok ni Marcelo H. del Pilar na maging isang patnugot ng La Solidaridad (pahayagang itinatag ng
Kilusang Propaganda), bagamat hindi niya tinaggap ito, siya naman ay sumulat para sa pahayagan ang
Filipinas Dentro de Cien Anos (isang akda kung saan sinabi ni Rizal ang maaring mangyari sa Pilipinas
sa loob ng isang daang taon)
Noong Marso 1889, si Rizal ay umalis sa London at nagtungo sa Paris. Sa Paris , si Rizal ay naging kasapi
ng samahan na Freemasonry. Itinatag rin niya sa Paris ang Indios Bravos isang samahan ng mga
Pilipino na may hangaring makalaya mula sa mga mananakop.
Enero 1890 , Napagpasiyahan ni Rizal na ilathala ang anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas.

You might also like