You are on page 1of 2

SAYONARA, JAPANJAPAN (ABRIL 13, 1888)

Sumukay si rizal sa Belgic, barkong ingles, sa yokohoma, patungong estados


Unidos. Para lisanin ang bansang Japan ang tumungo sa Europa upang ipagpatuloy
ang pananaliksik niya. Malungkot niyang nilisan ang Japan dahil hindi na niya
muling makikita ang magandang land of cherry blossom at ang minamahal niyang
si O-Sei-San. Sinakripisyo niya ang pansariling kaligayahan upang gampanan ang
kanyang misyon, na palayain ang nga kababayan at ang pinaratangang pamilya. Sa
loob ng 45 na araw na pag bisita sa Japan ay tunay nagging masaya.
Nabigo man si O-sei-san sa unang lalaking nag patibok ng kanyang puso, kalaunan
din naman ay natanggap niya na sa kanyang sarili na ang kanilang pag-iibigan ay
hindi magtatagal ngunit mananatili parin sa kani’ kanilang isipan. Noong 1897,
isang taon makalipas bitayin si Rizal, kinasal si O-sei-san sa isang guro ng kemika
sa peers’ school sa Tokyo na si g. Alfred Charlton. Nag bunga ang kanilang pag-
iibigan at nagkaanak ng babae na ngalan ay Yuriko, napangasawa naman ni yutiko
ang anak ng sendor na hapon ang pangalan ay Yushiharu Takiguchi.
Sa tinagal tagal na pagtuturo ni Alfred, pinarangalan siya ng pamahalaang
hapon ng Dekorsayong Imperal-Orden ng Merito Ika-5 klase. Noong Nobyembre
2, 1915, pumanaw ang guro. Nanirahan ang balong si Seiko Usui sa distrito ng
shinjuko sa Tokyo, nalagpasan niya ang ikalawang digmaang pandaigdig ngunit
nawasak ang kanyang bahay dahil sa bombing pinasabog ng estados Unidos sa
Tokyo noong 1944. Mayo 1, 1947 pagkamatay ni Seiko sa edad sa 80 nilibing sa
sementeryo ng zoshigawa. (Alfred Charlton, ika-5 klase, orden ng merito, at may
bahay na si seiko).
Sa paglalakbay nakilala ni rizal ang pamilyang sina g. Reinaldo turner kanyang
may bahay na si emma Jackson isang ingles at kanilang anak kasama na ang
katulong na tubong Pangasinan.
Tetcho suehiro- pasahero sa Belgic, kaibigan ni rizal, isang palabang hapon na
mamamahayag, nobelista at kampeon ng mga karapatang pantao na pinalayas ng
hapon tulad ni Rizal na pilit ding pinalayas ng awtoridad ng Espanyol, sinimulan
ang paglalakbay sa yokohama at walang kinausap si tetcho dahil iisang lingweha
lamang ang kanyang kayang salitain. Kaya noong malaman ni Rizal ito, agad
niyang kinaibigan si tetcho at siya ang nagsilbing tagapagsalin nito sa kabuuan ng
kanilang paglalakbay.
Mag kapatid sa diwa si Rizal at Tetcho, dahil pareho sila nang pinaglalaban.
Kasarinlan, parehong pagsusulat ang armas ng dalwang magkaibigan. Sa loob ng
walong buwang pagkakaibigan, simula Abril 13 hanggang Disyembre 1, 1888 labis
na humanga si Tetcho kay Rizal dahil sa misyon nitong palayain sa pangaapi ang
sariling bansa at linisin ang pangalan ng kanyang pamilya. Nagging malaking
impluwensya ito kay tetcho upang magkaroon ng lakas na patatagin ang Krusada
ng Hapon ng kanyang sariling bansa.
Dumating na ang araw ng pag-iiwanan nf dalwang magkaibigan, Disyembre
1,1888 ang araw ng kanilang paghihiwalay ng landas, si Rizal ay nanatili sa
London upang magsagawa ng pangkasaysayang pananalisik na patungkol sa mora
sa museo ng britanya at si Tetcho naman upang umuwi sa kanyang bansa.

You might also like