You are on page 1of 12

THE RETRACTION

CONTROVERSY OF JOSE
RIZAL
Ang
sinasabing
retraktasyon
ni Rizal. 
Courtesy
Ambeth R.
Ocampo
Ang sinulat ni Rizal sa kopya ng “Imitations of Christ”
•  Ang pinakadakilang anak ng Pilipinas ay si Dr. Jose Rizal.  Siya
ay isinilang noong ika-19 ng Hunyo, 1861, sa Kalamba,
Laguna.  An unang guro ni Dr. Jose Rizal ay ang kanyang ina, si
Teodora Alonzo.  Nag-aral siya sa Binan, Laguna at nagpatuloy
sa Maynila. Tumungo siya sa Europa upang ipagpatuloy ang
pag-aaral ng medisina.  Narating niya ang maraming bayan. 
Maraming wika ang kanyang natutuhan.  Marunong siya ng
Kastila, Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Portuges, Olandes,
Latin, Griyego, Arabe, Intsik, Ruso, Suwiso, Nippongo, at iba
pa.  Dahil sa kanyang pagmamahal sa sariling bayan ay nag-
aral siyang mabuti.  Inihandog niya sa bayan ang kanyang
buhay.  Nagbubukang-liwayway noong umaga, ika-30 ng
Diseyembre, 1896, nang si Dr. Rizal ay barilin sa Bagumbayan
(Luneta) na ngayon ay Roxas Boulevard..
• Matrahedyang buhay ni Josephine Bracken
• SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2015 - 9:00am
• PAHABOL na kuwento ito sa Araw ni Rizal, Disyembre 30, mula sa aklat kasaysayan na “Stories
Rarely Told” (Newday Publishing) ni Prof. Augusto De Viana.
• Maikli, malungkot ang naging buhay ng babae na tinu­ring ni Rizal sa “Mi Ultimo Adios” na kanyang
“dulce extranjera (sweet stranger).” Anak si Josephine Bracken ng British army corporal na si James
Bracken ng Ireland at ni Elizabeth Macbride. Isinilang siya, at isang kapatid na lalaki at tatlong
babae, kung saan-saan nadestino ang ama. Matapos ipanganak si Josephine nu’ng 1876 sa Hong
Kong, namatay ang ina. Dahil hindi sila kaya ala­gaan ng ama, ipinaampon silang magkakapatid.
• Pinalaki si Josephine ni George Taufer, retiradong makinista mula New York. Maalaga ngunit sakitin
ang misis nito, kaya maaga ring namatay, Ang pangalawang asawa ni Taufer ay naging malupit.
• Lumala ang sira ng paningin ni Taufer nu’ng 1893. Kasama si Josephine, hinanap niya ang bantog na
occulist na Rizal sa Maynila, ngunit natunton siya sa exile sa Da­pitan. Sa sobrang lala, hindi na
makuhang gamutin ang mata ni Taufer. Doon sa Dapitan nagtapat sa kanya si Rizal ng pag-ibig sa
ampon. Nagalit si Taufer at iniuwi siya agad sa Hong Kong.
• Makalipas ang dalawang taon, nang mag-18 na si Bracken, binalikan niya si Rizal sa Dapitan.
Nagsama sila roon nang maligaya, ngunit nakunan ang babae.

You might also like