You are on page 1of 1

"Ang masalimuot na buhay ni Josephine Bracken"

Maikli, malungkot ang naging buhay ng babae na tinu ring ni Rizal sa “Mi Ultimo
Adios” na kanyang “dulce extranjera (sweet stranger).” Anak si Josephine Bracken ng
British army corporal na si James Bracken ng Ireland at ni Elizabeth Macbride. Isinilang
siya, at isang kapatid na lalaki at tatlong babae, kung saan-saan nadestino ang ama.
Matapos ipanganak si Josephine nu’ng 1876 sa Hong Kong, namatay ang ina. Dahil hindi
sila kaya ala­gaan ng ama, ipinaampon silang magkakapatid.

Pinalaki si Josephine ni George Taufer, retiradong makinista mula New York. Maalaga
ngunit sakitin ang misis nito, kaya maaga ring namatay, Ang pangalawang asawa ni Taufer
ay naging malupit. Lumala ang sira ng paningin ni Taufer nu’ng 1893. Kasama si
Josephine, hinanap niya ang bantog na occulist na Rizal sa Maynila, ngunit natunton siya
sa exile sa Da­pitan. Sa sobrang lala, hindi na makuhang gamutin ang mata ni Taufer. Doon
sa Dapitan nagtapat sa kanya si Rizal ng pag-ibig sa ampon. Nagalit si Taufer at iniuwi siya
agad sa Hong Kong. Makalipas ang dalawang taon, nang mag-18 na si Bracken, binalikan
niya si Rizal sa Dapitan. Nagsama sila roon nang maligaya, ngunit nakunan ang babae.
Nagkahiwalay sila muli nang ipakulong si Rizal sa karsel ng Fort Santiago, sa hinala ng
mga Kastila ng pag-uudyok ng Himagsikang 1896. Makalipas ang isang taon, Dis. 30,
1897, ipina-execute si Rizal ng mga kolonyalista. At nawasak nang tuluyan ang buhay ng
kabiyak ng puso.

Gayun paman kahit masalimuot ang sinapit ni josephine sa kanilang pag-iibigan ni


Rizal hindi pa naman dito nagtatapos ang kaniyang buhay.

You might also like