You are on page 1of 3

Buod:

Ang kuwentong Ang Matanda at Ang Dagat ay ang pagsasalaysay

ng pakikipagsapalaran ng matandang si Santiago upang makahuli ng isda. Halos

lalagpas na sa walumpu’t apat na araw na ang inilalagi niya sa karagatan ngunit

hindi pa rin siya nakakahuli ng isda. Ngunit dumating ang araw na nahuli niya

ang isang marlin, na itinuring niyang isang kapatid.

Subalit ang isdang ito ay sinugod ng mga pating, na siyang

ikinadurog ng puso ng matanda. Nadala niya ang buto na lamang na isda at

pinagkamalan na pating ng mga ibang mangingisda at turista.

Pumalaot si Santiago sa dagat upang mangisda sa pagnanais na makahuli ng maraming isda para sa
kanyang kabuhayan. Hindi niya naisama ang kanyang kasa-kasamang binatilyo kaya mag-isa lamang ito
nung umalis.

Subalit ilang araw na siyang nasa dagat at wala parin siyang mahuling isda. Inabutan pa siya ng bagyo
habang nasa laot at naubos na ang baon niyang pagkain.

Gusto na sanang umuwi ni Santiago subalit hindi siya sumuko at nagpatuloy hanggang sa makita nya ang
pating na nagnganhalang Marlin. Nagtagisan ng lakas ang dalawa subalit sa huli, nanaig si Santiago at
nahuli niya ito. Nakauwi ng maayos si Santiago na dala niya ang pating.

3.9

27 votes

THANKS

40

Comments Report

Advertisement
The BrainHelper

Not sure about the answer?

SEE NEXT ANSWERS

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/427808#readmore

Paksa:

Ang paksa ng kuwentong " Ang Matanda at ang Dagat" ay katatagan ng loob sa gitna mga bagyo sa
buhay.

Sa kuwentong ito, ipinakita ng matanda na hindi siya kayang talunin ng mga bagyo na dumaan sa buhay
niya. Oo nga at mahirap,hindi siya basta sumuko na lang. Sa kabila ng kanyang edad at kalagayan sa
buhay, mas pinili niyang lumaban kaysa sumuko ma lang kaya naman sa bandang huli, siya ay
nagtagumpay.

Bisa:

Ang kuwento ng "Ang Matanda at ang Dagat" ay nag-iiwan ng magandang kaisipan sa sa mga
mambabasa.

Mapapaisip ang mga mambabasa kung paano ang tamang diskarte sa pagharap sa mga hamon sa buhay.
Sa kuwntong ito, ipinakita ng matanda ang talas at bikis ng kanyang pag-iisip noong makita niya ang
isadang merlin. Kaagad siyang nakaisip ng paraan kung paano mahuli ang isda.

Teoryang ginamit:

Maraming mga teoryang pampanitikan ang ginamit sa kuwento ng "Ang Matanda at ang Dagat". Ilan dito
ay ang mga sumusunod:
1. Teoryang Marxismo-nagpapakita ng pagnangon mula sa pagkakalugmok na ipinamalas ng matanda sa
kuwento.

2. Teoryang Pisikal-naglalarawan samga lugar o lokasyong bunanggit sa kuwento, maganda ang


pagkakalarawan ng may akda sa dagat.

3. Teoryang Naturaismo- naghahayad ng damdamim ukol sa kasalukuyang sitwasyon, mha problemang


naranasan at kahirpan. Ang lahat ng ito ay makikita sa kuwentong ito.

Simbolismo:

Sa kuwento ng Ang Matanda at ang Dagat, sinisimbolo ng dagat

ang kalikasan at ang lugar natin rito at marahil ang mismong buhay natin. Ang mga pating naman ay ang
mga pagsubok

na maaaring makatapos sa ating paglalakbay at makaapekto sa ating buhay.

Ikahuli, ang mga isda naman tulad ng marlin ay maaaring sumimbolo sa

pagka-salba ng matanda sa kuwento at maaari ring isang simbolismo patungkol kay

Hesu-Kristo.

You might also like