You are on page 1of 2

SURING BASA

PAMAGAT:
• Ang matanda at ang dagat
MAY AKDA:
• Ernest Hemingway
BANSANG PINAGMULAN:
• Bansang cuba
Buod:
• Ang kuwentong Ang Matanda at Ang Dagat ay ang pagsasalaysay
ng pakikipagsapalaran ng matandang si Santiago upang makahuli ng isda. Halos

lalagpas na sa walumpu’t apat na araw na ang inilalagi niya sa karagatan ngunit

hindi pa rin siya nakakahuli ng isda. Ngunit dumating ang araw na nahuli niya

ang isang marlin, na itinuring niyang isang kapatid.

Subalit ang isdang ito ay sinugod ng mga pating, na siyang

ikinadurog ng puso ng matanda. Nadala niya ang buto na lamang na isda at

pinagkamalan na pating ng mga ibang mangingisda at turista.

Pumalaot si Santiago sa dagat upang mangisda sa pagnanais na makahuli ng maraming isda para sa
kanyang kabuhayan. Hindi niya naisama ang kanyang kasa-kasamang binatilyo kaya mag-isa lamang ito
nung umalis.

Subalit ilang araw na siyang nasa dagat at wala parin siyang mahuling isda. Inabutan pa siya ng bagyo
habang nasa laot at naubos na ang baon niyang pagkain.

Gusto na sanang umuwi ni Santiago subalit hindi siya sumuko at nagpatuloy hanggang sa makita nya ang
pating na nagnganhalang Marlin. Nagtagisan ng lakas ang dalawa subalit sa huli, nanaig si Santiago at
nahuli niya ito. Nakauwi ng maayos si Santiago na dala niya ang pating.

PAMAMARAAN:
•Ang pamamaraan ng nobelang ang “Ang Matanda
at Ang Dagat” ay isang “paglalahad” ang pagbibigay ng
mga paliwanag sa mga bagay bagay. Sapagkat inilahad
sa nobelang ito ang mga bagay-bagay at pangyayari sa
kwento, kahulugan at paliwanag sa mga pangyayari.
TEMA/PAKSA:
• Ang paksa ng kwentong ito ay tungkol sa
pagkikipagtunggali ng matanda sa mga pating sa dagat.ito
ay sumasalamin sa mga pagsubok sa buhay. Kung paano
natin lalabanan at kakaharapin ang mga pagsubok na
dumadating. Ang matanda sa kabila ng kanyang
katandaan ay patuloy na lumalaban sa abot ng kanyang
makakaya naroong nawawalan na siya ng pag asa dahil
wala na siyang sapat na sandata para ipanglaban sa
pating kung may mga darating pa ngunit sa kabila ng lahat
nakakaisip parin siya ng paraan para makalikha ng
sandatang ipanglalaban sa mga ito. At ng mapatay nga
niya ang dalawa pang pating na umatake sa kanya hindi
parin siya nagging kampante sa kanyang paglalakabay
dahil alam niyang maaring may mga darating pa. Pero
nagging panatag lang siya laging handa. Ipinahihiwatig
nito na lagi nating kaakibat sa buhay ang mga problema
kaya dapat lagi tayong handa ang mga problemang iyan
ang siyang magpapatibay pa sa atin upang maging
matatag pa sa mga pag subok na darating.
ARAL:
• Ay maging matibay at matatatag sa lahat ng pagsubok na darating sa
iyong buhay. Huwag panghinaan ng loob.

You might also like