You are on page 1of 4

Mataas na Paaralang Pambansa ng Francisco Osorio 

Brgy. Osorio, Trece Martires City Cavite 


 
 
 
 
 
 
Filipino 10 
 
 
SURING BASA BLG. 1 
Ang Matanda at Ang Dagat 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Ipinasa ni:Christian Elep Ipinasa 
kay: 
(pangalan ng nagpasa) (pangalan ng Guro) 
 
 
 
 
 
 
(taon at pangkat) 
 
 
 
I. PAGKILALA SA MAY-AKDA 

Ernest Hemingway,isang Amerikanong manunulat ng gawa-gawa na nanalo ng 


Nobel na premyo para sa panitikan noong 1954 (1899-1961) 

II. URI NG PANITIKAN 

Ang Matanda at Ang Dagat ay isang uri ng nobela na isinalin sa Filipino ni Jesus 
Manuel Santiago mula sa orihinal nitong pamagat na "The Old Man and the 
Sea" ni Ernest Hemmingway. 

III. LAYUNIN NG AKLAT 

Ang layunin ng kwento ay makapagbigay inspirasyon sa mga taong 


nagdadaanan sa matinding suliranin at pagsubok sa buhay. 

IV. TEMA O PAKSA NG AKDA 

Ang paksa ng kwentong ito ay tungkol sa pagkikipagtunggali ng matanda sa 


mga pating sa dagat.ito ay sumasalamin sa mga pagsubok sa buhay. Kung 
paano natin lalabanan at kakaharapin ang mga pagsubok na dumadating. 
V. MGA TAUHAN/KARAKTER SA Akda 

Santiago 
Si Santiago siya ang pinakapangunahing kuwento. Si Santiago ang tinaguriang 
pinakamalas na mangingisda. Tinawag nila ito bilang "salao", ang 
pinakamatinding uri ng kamalasan. 84 na araw na siyang hindi nakahuhuli ng 
isda. 
 
Ang Pating 
Ang pating ay nakaingkwentro nya sa laot na tumagal ng ilang araw. Nakauwi 
si Santiago ng ligtas. Dahil sa pakikipagtunggaling ito, nagbago ang tingin ng 
mga tao kay Santiago. 
 
Manolin 
Isang aprentis si Manolin ngunit hindi na pinayagan ng kaniyang mga 
magulang na sumama pa kay Santiago dahil nadadamay lamang siya sa 
kamalasan. Ngunit s ahuli ng kuwento, muli siyang pinahintulutang sumama 
dito. 

VI. TAGPUAN/PANAHON 

Ang dagat ang siyang tagpuan sa ang matanda at ang dagat na kwento. 

VII. NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI 

Ang Nobelang"Ang Matanda at ang Dagat" ay umikot sa karakter ng isang 


matamdang mangingisda na inabot ng kamalasan sa kanyang pagalalayad 
upang makahuli ng isda. 
 
Sa kabila nito, hindi niya ininda ang mga pagsubok na kanyang naranasan 
habang siya ay nasa laot bagkus ay nakapag uwo parin ito ng isang isdang 
marlin na ikinatuwa ng mga taong malalapit sa kanya. 

VIII. MGA KAISIPAN/ IDEYA NA TAGLAY NG AKDA 

Ang Matanda at Ang Dagat ay isang uri ri ng Maikling Kwento, ito ay isang uri 
ng kwento at salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na 
kinasasangkutan o may kinalalaman sa pangunahing tauhan o ilan sa mga 
tauhan ng isang kwento. At ang uri ng maikling kwento na ito ay Kwento ng 
Pakikipagsapalaran sapagkat ipinakita sa kwento ang mga pangyayari at 
naganap sa pangingisda ng matandang si Santiago. Ang paghihirap na 
kanyang dinanas sa paghuli ng isda hanggang sa ito ay wala na ding matira sa 
kadahilang kinain din ito ng mga pating. Isang uri ng pakikibaka sa buhay. Ang 
patuloy na pananalig na darating din ang swerte sa buhay na iniintay. Ang 
buhay ay hindi natatapos na puro kamalasan lamang. May oras at panahon 
ang mga bawat bagay. At sa huli ito ay makakamtam mo din. 

IX. ESTILO NG PAGSULAT NG AKDA 


Ang estilo o pamamaraan ng awtor sa nobelang“ang Matanda atang Dagat,” 
ay nilagyan niya ito ng mga salitang maikli ngunit diretso at malinaw ang 
kahulugang nais niyang iparating. Ang 
mga detalye rin dito ay makatotohanan kung kaya’t mas nagiging 
maganda ang kuwento. May kakaunting salita rin dahil sa 
ito’y may malalalim na kahulugan. Gayunpaman, samu’t 
saring mga 
emosyon ang makikita rito na may malalim na kahulugan. Ito’y 
nagpapakita lamang ng kahusayan ng manunulat sa paggamit niya ng mga 
pinong pamamaraan tulad ng paulit-ulit na mga imahe, mga alusyon , at mga 
tema; paulit-ulit na tunog, ritmo, salita, at istruktura ng pangungusap; 
di-tuwiranag paghahayag ng makasaysayang pangyayari; at pinaghalong 
paraan ng pagsasalaysay. 
X. STORY MAP at BUOD 

Pumalaot si Santiago sa dagat upang mangisda sa pagnanais na makahuli ng 


maraming isda para sa kanyang kabuhayan. Hindi niya naisama ang kanyang 
kasa-kasamang binatilyo kaya mag-isa lamang ito nung umalis. 
 
Subalit ilang araw na siyang nasa dagat at wala parin siyang mahuling isda. 
Inabutan pa siya ng bagyo habang nasa laot at naubos na ang baon niyang 
pagkain. 
 
Gusto na sanang umuwi ni Santiago subalit hindi siya sumuko at nagpatuloy 
hanggang sa makita nya ang pating na nagnganhalang Marlin. Nagtagisan ng 
lakas ang dalawa subalit sa huli, nanaig si Santiago at nahuli niya ito. Nakauwi 
ng maayos si Santiago na dala niya ang pating. 

XI. KAHALAGAHANG PANGKATAUHAN 

Ang makukuha nating aral sa kwentong ito ay kahit anong unos ang dumating 
ay patuloy tayong gagawa ng paraan upang mapagtagumpayan ito. 
  
 

You might also like