You are on page 1of 3

SURING BASA

PAMAGAT:
• Ang matanda at ang dagat
MAY AKDA:
• Ernest Hemingway
BANSANG PINAGMULAN:
• Bansang cuba
Buod:

•Sa loob ng 84 na pagpalaot ni si Santiago ay wala


siyang nahuling isda kung kaya ito ay itinuturing na
“Salao” ang pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan sa
pagpalaot sa dagat. Ang mga magulang ng aprentis
niyang si Manolin ay pinagbawalan na itong sumama sa
kanya.
Sa ika 85 na araw ng kanyang kamalasan na pangingisda
siya ay nagtungo sa Gulf Stream gamit ang mga pain niya
sa pangingisda siya ay nakahuli ng isang Marlin ngunit
lubhang napakalaki nito kung kaya hindi niya ito maiakyat
sa kanyang bangka. Sa loob ng tatlong araw siya ay
patuloy na nakipagbuno sa Marlin hanggang sa ito ay
kanyang nasaksak gamit ang kanyang salapang. Itinali
niya ito sa gilid ng bangka. Ang dugo ng Marlin ay
nakatawag ng mga pating. Ang ilan sa mga pating ay
kanyang napatay ngunit halos naubos na ang Marlin.
Nakarating si Santiago sa baybayin bago magliwanag.
Umuwi siya ng kanyang bahay pagdating doon ay mabilis
na nakatulog ng mahimbing.
Nakita ng mga mangingisda ang Marlin na kanyang nahuli
nagkagulo ang mga ito. Inakala ng mga turista sa Cafe na
ang kanayang nahuli ay isang pating. Ang kanyang
aprentis na si Manolin ay nag-aalala kay Santiago, agad
niya itong pinuntahan sa bahay nito. Ito ay naiiyak ng
makitang siya ay ligtas at natutulog lamang. Nang
magising si Santiago nag-usap ang dalawa nangako na
sila sa isat-isa na sila ay magkasama ng mangingisda. Sa
muling pagtulog ni Santiago siya ay nanaginip, ang
kanyang kabataan.

PAMAMARAAN:
•Ang Uri ng kwentong ito ay Maikling Kwento, ito
ay isang uri ng kwento at salaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na kinasasangkutan o may
kinalalaman sa pangunahing tauhan o ilan sa mga tauhan
ng isang kwento. At ang uri ng maikling kwento na ito ay
Kwento ng Pakikipagsapalaran sapagkat ipinakita sa
kwento ang mga pangyayari at naganap sa pangingisda
ng matandang si Santiago. Ang paghihirap na kanyang
dinanas sa paghuli ng isda hanggang sa ito ay wala na
ding matira sa kadahilang kinain din ito ng mga pating.

TEMA/PAKSA:
•Ang Tema o Paksa sa Ang Matanda At Ang
Dagat ay ang hindi pagkawala ng pag-asa. Sapagkat kahit
si Santiago ay matanda na at inaabot ng kamalasan sa
kanyang pangingisda, siya ay hindi nawalan ng pag-asa.
Patuloy pa din ang pakikipaglaban niya sa buhay, patuloy
pa din sa kanya ang buhay bilang isang mangingisda.

ARAL:
•Isa sa maraming aral na maaaring makuhang aral sa
kuwentong Ang Matanda at Ang Dagat ay ang kakayanan ng isang tao na
huwag sumuko sa kabila ng mga pagsubok na ibabato ng buhay.

You might also like