You are on page 1of 5

Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan

Bigyang-kahulugan ang sumusunod na salitang may salungguhit.


1. inihanda niya ang salapang
kahulugan: Ang salapang ay isang uri ng sibat na ginagamit sa panghuhuli
ng isda.

2. at siya ang pinakamalaking dentuso na nakita ko


kahulugan: Ang salitang dentuso ay nagmula sa salitang espanyol na ang
ibig sabihin at malalaki at matatalim na ipin. Karaniwang
hinahalintulad ito sa isang uri ng pating na tinatawag na Mako.

3. hindi nilikha ang tao para magapi


kahulugan: Ang salitang ito ay mula sa salitang 'gapi' na ang ibig sabihin ay
talo. Ang salitang magapi ay nangangahulugan ng matalo,
kasalungat ng salitang "manalo".

4. magkabilang gilid ng kaniyang prowa


kahulugan: Ito ang unahang bahagi ng isang sasakyang pandagat kagaya
ng bangka o barko.

5. nagpapahinga sa popa
kahulugan: Ito naman ang likurang bahagi ng isang sasakyang pandagat
kagaya ng bangka o barko.

Gawain 4: Mga Gabay na Tanong


Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Mula sa nobela, gumawa ng maikling balangkas hinggil dito. Sundan ang
dayagram sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

Simula:
Maayos na naglalayag at ibinababa ni Santiago ang kaniyang mga kamay sa tubig
alat at sinikap na linawin ang kaniyang isip.Mataas ang cumulus clouds at may
sapat na cirrus sa ibabaw kaya alam ng matanda (Santiago) na tatagal ag simoy sa
buong magdamag.Palaging tinitingnan ng matanda ang nahuli niyang isda para
matiyak na totoo ito.isang oras ito bago siya unang dinunggal ng pating.

Suliranin:
Ang pag-atake ng mga pating sa matanda na kung saan kinakain ng mga pating ang
isda na nahuli ni Santiago.

Papataas na pangyayari:
Ang pagkalat ng dugo ng isda sa karagatan kung saan naaakit ang mga pating dito
kaya naman ito’y kanilang sinusundan at kinakain unti-unti.

Tunggalian:
Ang pag-atake ng pating sa kaniya na kung saan napatay niya ito. Tao laban sa
Kalikasan. Ang pangungutya ng mga tao sa kaniya maging sa kaniyang kakayahan.
Tao laban sa Tao.

Kasukdulan: Kaya naman sinusubukan ng matanda na patayin at tabuyin ang mga


pating.pinatunayan niya rin na kahit siya ay matanda na malakas pa rin siya.

Kakalasan: Nang nahulog ang kaniyang salapang itinali niya na lang ang kaniyang
lanseta sa kaniyang sagwan upang gamitin ito pang patay at pantaboy sa mga
pating na kumakain sa Marlin.

Wakas: Siya ay napaupo sa gilid ng kaniyang Bangka at iniisip ang mataas na


presyo na hatid ng isda sa kanya sa palengke at kung gaano karaming mga tao ang
kanyang mapapakain.Nawala na rin ang amoy ng dugo ng isda na nakakaakit sa
mga pating kaya;t wala ng mga pating ang sumusunod at tinanong sa kaniyang sarili
kung ano pa ba ang pwedeng isipin? Ngunit wala.wala siyang iisipin sabi niya at
hihintayin na lang ang mga susunod pa.Sana nga’y panaginip na lang iyon sa loob-
loob niya.

2. Balikan ang tauhan sa nobelang binasa. Isa-isahin ang mga kilos o gawi, paniniwala at
saloobing taglay nito na maaaring gawing huwaran tungo sa mabuting pamumuhay.
Ihanay ang sagot sa talahanayan sa ibaba.

Santiago Kilos o Gawi Saloobin o Paano gagawing


Paniniwala huwaran?
Ang bida sa Nagdadalawang isip "Pero hindi nilikha Ginawa niya ang lahat
nobela. Isang kung papatayin ba nya ang tao para upang protektahan
matandang ang mako na napakalaki. magapi" ang nasa kaniya.
manginigsda. May tunggalian itong tao "Maaring wasakin huwaran siya dahil
slaban sa tao, tao laban ang isang tao pero hindi siya sumuko
sa kalikasan at tao laban hindi siya magagapi" bagkus ay lumaban at
sa sarili. May temang ipinakita kung gaano
Humanismo at Realismo siya katapang para
ito. lumaban.

3. Ano-anong pakikipagsapalaran ang hinarap ni Santiago (ang matanda) sa nobela? Isa-


isahin ang mga ito, gayundin kung anong uri ng tunggalian at ang naging bunga nito.

Pakikipagsapalaran ni Uri ng Tunggalian Bunga


Santiago
Isa sa pakikipagsapalaran ni Siya ay nakaligtas sa mga pating na
Santiago ay ang pagharap sa balak syang salakayin. Naawa rin siya
mga pating (dentuso). Tao laban sa dahil buhay ang nawala pero kung di
Kalikasan nya lalabanan ang mga ito malamang
buhay niya ang mawawala. Si
Santiago ay nakonsensya sa
pagkakapatay nya sa pating sapagkat
kung sinunod nya lamang ang sinabe
ng kanyang ina ukol sa paglalayag,
hindi nya sana napatay ito.
Nakikipagsapalaran siya sa Hindi siya nawaln ng pag-asa na
gita ng karagatan upang Tao laban sa makahuli ng isda sapagkat marami na
makahuli ng isda. Kalikasan siyang alam tungkol dito at dahil
matanda na siya hindi na ito bago sa
kaniya.
Pakikipagsapalaran niya sa
mga taong kumuktya’t hindi Tao laban sa Tao
naniniwala sa kaniyang
kakayahan.

4. Ano-anong pagpapahalaga sa buhay ang pinanghahawakan ng tauhan? Saan ito


maaaring maugat o nagmumula? Ipaliwanag ang mga sagot.
- Ito ay pagpapahalaga sa pamilya sapagkat namamalaot siya para may
ipangbuhay sa pamilya.
- Sa Diyos naman ay nandun siya para manampalatay na kahit may problema ay
nagiging malakas din siya magtrabaho sa pangingisda.
5. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang “Ang Matanda at ang Dagat” ang nobela? Ano
ang positibong epekto ang naidulot ng dagat kay Santiago?
- Pinamagatan ito dahil ang hinago ang istorya sa toong buhay. Ang matanda ay
isang mangingisda na kung saan dagat lang ang nagbubuhay sa kanilang
pamilya. Ang sinisimbolo ng matanda ay ang mga mamamayan at ang dagat
naman ay ang lipunan.
- Dahil pangingisda ang kanyang trabaho, masasabing binubuhay siya ng dagat
at dito siya kumikuha ng pangkabuhayan.
6. Ano-anong kalupitan at karahasan sa lipunan ang malinaw na inilalarawan sa nobela?
Nangyayari ba ito sa kasalukuyang sistema ng ating lipunan?
- Ito ay ang kalupitan sa mga yamang dagat tulad ng pagpatay ng mga pating
para sa pansariling layunin. Nangyayari ito sa totoong buhay at tuluyan ng na
itong nawawala lalong lao na ang karagatan.
7. Magtala ng tatlong mahahalagang kultura mula sa nobela. Iayos ito ayon sa
kahalagahan. Gamitin ang kasunod na pabaligtad na piramid. Ipaliwanag sa klase ang
iyong sagot.

Gawain 6: Alamin, Suriin, Tuklasin


Sagutin ang mga gabay na tanong:
1. Isa-isahin ang mga elementong taglay ng binasang suring basa. Isulat ito sa talahanayan.
Gawin ito sa sagutang papel.

Mga Elemtong Ginamit Patunay


Tauhan Santiago– Ang bida sa nobela. Isang matandang
manginigsda. Siya ay nakahuli ng isang malaking marlin.
Pinatay niya ang mabangis na pating upang maprotektahan
ang kanyan sarili. Matandang kaibigan ni Manolin
Pating - Isang mabangis na lamang dagat. Ang uri ng isda
na pinatay ni Santiago. Ang kumain sa malaking marlin.
Kaagaw ni Santiago sa marlin
Manolin- Isang batang lalake. Siya ay tapat na
tagapaglingkod ni Santiago. Siya rin ay ang pinakamalapit na
kaibigan ni Santigao. Si Manolin ay nagmamalasakit sa
matanda at ito’y kanyang pinapalakas ang loob.
Tagpuan Dagat - Isang malawak na anyong tubig. Dito pinatay ni
Santiago ang mga Pating. Dito naglayag si Santiago upang
mangisda. Dito niya nahuli ang malaking Marlin.
Banghay (Panimula, Pasidhi, Simula:
Kasukdulan, Kakalasan, Maayos na naglalayag at ibinababa ni Santiago ang kaniyang
Wakas) mga kamay sa tubig alat at sinikap na linawin ang kaniyang
isip.Mataas ang cumulus clouds at may sapat na cirrus sa
ibabaw kaya alam ng matanda (Santiago) na tatagal ag
simoy sa buong magdamag.Palaging tinitingnan ng matanda
ang nahuli niyang isda para matiyak na totoo ito.isang oras
ito bago siya unang dinunggal ng pating.
Suliranin:
Ang pag-atake ng mga pating sa matanda na kung saan
kinakain ng mga pating ang isda na nahuli ni Santiago.
Pasidhi:
Ang pagkalat ng dugo ng isda sa karagatan kung saan
naaakit ang mga pating dito kaya naman ito’y kanilang
sinusundan at kinakain unti-unti.
Kasukdulan:
Kaya naman sinusubukan ng matanda na patayin at tabuyin
ang mga pating.pinatunayan niya rin na kahit siya ay
matanda na malakas pa rin siya.
Kakalasan:
Nang nahulog ang kaniyang salapang itinali niya na lang ang
kaniyang lanseta sa kaniyang sagwan upang gamitin ito pang
patay at pantaboy sa mga pating na kumakain sa Marlin.
Wakas:
Siya ay napaupo sa gilid ng kaniyang Bangka at iniisip ang
mataas na presyo na hatid ng isda sa kanya sa palengke at
kung gaano karaming mga tao ang kanyang
mapapakain.Nawala na rin ang amoy ng dugo ng isda na
nakakaakit sa mga pating kaya;t wala ng mga pating ang
sumusunod at tinanong sa kaniyang sarili kung ano pa ba
ang pwedeng isipin? Ngunit wala.wala siyang iisipin sabi niya
at hihintayin na lang ang mga susunod pa.Sana nga’y
panaginip na lang iyon sa loob-loob niya.
Simbolismo Dagat- Ang dagat ang sumisimbolo sa mundo kung saan ang
bawat tao’y dapat na maglakbay. Ito ay walang hanggan at
sa iyong paglalakba’y may mga posibilidad na may mga
bagay na nakakubli mula sa karaniwang nakikita ng mata;
maaring ito ay mga biyaya na dapat mong ipaglaban upang
ito’y iyong mapanatili at maaari ring ito’y mga pagsubok na
dapat mong harapin at labanan nang buong tapang
hanggang sa huli.
Marlin- Ang marlin ang sumisimbolo sa kahiwagahan ng
mundo na nagsisilbing hamon para sa lahat. Ito rin ay
kumakatawan sa huling pagkakataon na maaring dumating
sa isang indibidwal. Sa nobela ay labis na nagsikap ang
marlin upang maiwasan ang
kamatayan. Ang kamatayan ay ang katotohanan ng buhay ng
lahat ng tao.
Pating- Sa kuwentong “Ang matanda at ang dagat,” ang
pating ang nagsisilbing pagsubok na dumarating sa ating
buhay. Ito rin ay kumakatawan sa pwersa ng kasamaan na
naghahari sa buhay ng mga tao. Gagawin nito ang lahat
upang kunin o agawin ang pinaghirapan mo at kung hindi mo
ito lalabana’y tiyak na magwawagi ito sa kanyang masamang
balak.
Santiago- Ang matandang mangingisda na si Santiago ay
sumisimbolo sa mga tao. Siya rin ay kumakatawan kay
Hesus. Siya ay puno ng kabutihan, tiyaga, at kababaang-
loob. Marami rin siyang dinanas na pagsubok sa gitna ng
dagat na maihahalintulad rin sa mga pinagdaan ni Hesus.
Manolin- Si Manolin ay isang batang sumisimbolo ng pag-
asa. Siya’y isang patunay na may mga magagandang bagay
paring darating. Sumisimbolo rin siya ng isang kaibigang
nagbibigay saya at nagpapatatag sa loob ni Santiago.
Nakikita rin ni Santiago ang kanyang sarili sa tuwing titingin
siya sa batang si Manolin. Maaari rin siyang ihalintulad na
disipulo ni Hesus.
Tema - Ang tema ng nobelang “Ang matanda at ang dagat” ay
nagpapakita ng pakikibaka ng isang tao laban sa
kalikasan at sa hamong dumarating sa buhay ng isang
tao. Kung tutuusi’y napapakita sa nobela nag relasyon ng
tao at ng hayop.
- Nagpapakita rin ito ng Christian allegory kung saan
inihahalintulad ang pinagdaanan ni Hesus at Santiago sa
nobela.
- Ang nobela rin ay nagpapakita ng pagkakaibigan at edad
kung saan si Santiago ay kumakatawan sa matanda at si
Manolin naman ay kumakatawan sa bata. At ipinapakita
ang isang magandang relasyon na namagitan sa kanila.
Ang kakulangan ng isa’y pinupunan ng isa.
Pananaw Batay sa nakikita o obserbasyon ng may akda ang panauhan
na ginagamit dito ay tayo mismong mga nilalang dito sa
mundo. nakaugnay ang nilalaman ng nobelang ito sa ating
buhay. Katulad na lamang ng matandang mangingisda na
kahit sa bingit na siya ng kamatayan ay hindi pa rin siya
tumitigil na harapin ang mga pating. Ganon na rin sa ating
buhay maraming pagsubok ang dumadanas sa atin pero
hindi agad tayo sumusuko na harapin ang mga ito. Ang
paghihirap na naranasan ni Santiago habang nasa laot ay
isang metapora ng kalagayan ng mga tao habang
kinakaharap nila ang mga pagsubok. Sa bawat pagsubok na
kinakaharap ni Santiago, ipinapakita ng may-akda ang
pagiging matibay ng tao sa lahat ng pagsubok na darating.
Damdamin Naaawa ang matanda sa sinapit ng isda na halos nagkagutay
gutay na. Nakokonsensya rin sya sa ginawa sa isda dahil
para sa kanya parang siya na rin ang nasagpang. Maraming
pinagsisihan ang matanda sa istorya. Pinagsisihan niya ang
pagpapalaot, ang di pagdala ng bato at ang paghuli niya sa
isda. Napag isip isip nya na mali ang kanyang mga ginawa.

You might also like