You are on page 1of 3

DAGLI

~ ay isang anyong panitikan na maituturing na isang maikling maikling kwento. Bagamat walang
katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga
Amerikano.

~ wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit
sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kwento.

~ kabilang sa mga kilalang manunulat ng dagli sina:

 Iñego Ed Regalado
 Jose Corazon de Jesus
 Rosauro Almario
 Patricio Mariano
 Francisco Laksamana
 Lope K. Santos

PINAGMULAN NG DAGLI

~ Sa pananaliksik ni Roland Tolentino, sinabi ni Teodore Agoncillo na sumulpot ang dagli noong 1902,
kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at
nagpatuloy hanggang 1930.

~ Ayon naman ky E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila.
Naging tampok ang mga ito sa pahayagang Espanyol at tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi
malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Kastila dahil
hindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig.

~ Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kwento at nobela pagsapit ng 1920,
at mula nito'y lalong sumigla ang paglalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag- panulat.

KATANGIAN AT ANYO

~ Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa
antolohiyang “Ang Dagling Tagalog- 1903-1936" ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isang
patriyarkal sa lipunang kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng
napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan
at kaisipang lumaban sa mananakop na Amerikano.

~ Sinasabing sa anyong mga dagli, sa Ingles sketches, nagmula ang maikling kwento . Ang dagli ayon sa
katuturang ibinigay ni Arrogante (2007) ay mga sitwasyong may mga nasasangkot na tauhan ngunit
walang aksiyong umuunlad, gahol sa banghay, mga paglalarawan lamang.

~ Ito ay isang salaysay na lantaran at walang timping nangangaral namumuna, nanunudyo o kaya'y
nagpapasaring.
~ Ang dagli ay napagkakamalang flash fiction o sudden fiction sa Ingles. Ngunit ayon ky Dr. Reuel Molina
Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1990s) bago pa man magkaroon ng katawagang flash
fiction na umusbong noong 1990.

~ Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ang nauusong estilo ng maikling kwento. Mga kwentong pawang
sitwasyon lamang, plotless wika sa Ingles. Ngunit kakaiba ang tema sa mga naunang dagli na
nangangaral at nanunuligsa, itong bago ay hindi lagi.

MUNGKAHING PARAAN NG PAGSULAT NG DAGLI

~ Ayon ky Atalia, walang isang pamantayan kung gaano kahaba ang isang dagli. Higit na kailangan ang
pagkontrol ng mga salita. Sa ganitong uri ng akda nagtitiwala ang sumulat sa kakayahan ng mambabasa
na umunawa at makahanap ng kahulugan.

~ Nagbigay ng mga mungkahing paraan si Atalia sa pagsusulat ng dagli.

1. Magbigay ng tuon lamang sa isa:


 Tauhan
 Banghay
 Tunggalian
 Diyalogo
 Paglalarawan ng matinding damdamin o tagpo
2. Magsimula lagi sa aksiyon
3. Sikaping magkaroon ng twist o punchline sa dulo
4. Magpakita ng kwento, huwag ikuwento ang kuwento.
5. Gawing double blade ang pamagat.

Halimbawa ng dagli:

Maligayang Pasko

Ni : Eros S. Atalia

Pinatay niya na ang sauce. Luto na rin ang noodles ng spaghetti. Sinilip niya ang oven. Paluto na ang
lechon de leche. Nagniningning sa mantika ang hamon, hotdog at bacon. Nasa gitna na ng mesa ang
mansanas, ubas, kahel at peras. Hiwa na rin ang keso de bola. Timplado na rin ang juice. Inilagay niya na
sa mesa ang morcon, lechon manok, embutido, paella at pinasingaw na sugpo. Naglagay siya ng tatlong
pinggan, baso, kutsara at tinidor sa mesa. Pati na rin ang napkin.

Maya-maya, bitbit na niya ang isang supot. Sa loob nito ay may ilang nakabalot na ulam.

Lumabas na siya ng bahay. Tinahak na niya ang nagniningning na lansangan. Habang naglalakad,
sinilip niya ang laman ng supot. May apat na balot. Hindi niya maaninag kung ano- ano ang mga laman
nito. Pero tamang – tama sa anim niya mga anak at sa kanilang mag-asawa ang bitbit na pabaong Noche
Buena.

Bukas, araw ng Pasko maaga siyang babalik upang maghugas ng pinagkainan.

Reporter:

Norie Ann C. Barrios

You might also like