You are on page 1of 4

MALIKHAING PAGSULAT

Zarzuela
Dulang Panlansangan

DUNGCA, Celynne Maria Vernice M.


POBLETE, Princess Ann D.
DETRUZ, Gerald Joe L.

Humanities and Social Sciences 11


Paglipas ng Dilim

Ang Paglipas ng Dilim o After the Darkness sa Ingles ay isang sarswela na ipinalabas
noong 1920. Ito ay isinulat ni Precioso Palma- isang Pilipinong manunulat. Ang Paglipas ng
Dilim ay isang tradisyonal na sarswela na gumagamit ng mga dialogue, kanta, at sayaw na
ipinalalabas noon sa mga teatro sa Maynila.

Sa simula ng kwento ay nasabing nagyayang magsalo-salo si Ricardo Makairog sa kanila


pagkatapos nitong makapagtapos ng pag-aaral ng Medisina. Isa na sa kaniyang mga bisita sa
pagtitipong iyon ay ang pamilya ni Don Torcuato, ang pulitikong si Don Juanito, at si Estrella,
ang nililigawan ni Makairog. Noong panahong iyon ay nagkaroon ng problemang pinansyal si
Don Torcuato at ang kaniyang pamilya. Dumagdag pa roon ang pagkakabuntis ng Caridad, ang
kanilang anak. Kaya noong gabing iyon ay naisipan ng pamilya ni Don Torcuato na palabasing
fiancé ni Caridad si Makairog para si Makairog na ang tumayong ama ng dinadala ni Caridad.

Hindi na natapos doon ang masamang balak ng pamilya ni Don Torcuato kay Makairog.
Sa isa pang pagtitipon na inayos din ni Makairog ay nalasing siya ni Caridad; at nung araw ring
iyon ay inanunsyo ni Caridad ang mistulang pagpapakasal nila ni Makairog. Sa pagkakarinig ng
balitang iyon ay nalungkot nang husto si Estrella.

Ngunit sa isang pang pagtitipon ay naayos na ni Makairog ang gulong dulot ng pamilya
ni Caridad. Naipalam ni Makairog ang lahat sa mga tao sa pagtitipong iyon. Ipinaliwanag niya na
walang katotohanan ang lahat ng sinabi ni Caridad. Laking tuwa ni Estrella nang malaman ang
magandang balita ni Makairog. Sa huli, ay nagpakasal din ang dalawa- sina Estrella at Makairog.
Senakulo

Ang dulang panlasangan ay isang uri ng dulang ipinapalabas o isinasagawa sa lansangan. Isang
halimbawa nito ay ang senakulo o passion play sa Ingles. Ang senakulo ay isang tradisyunal na
pagsasadula ng mga pangyayaring hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang
ipako siya sa krus. Ito ay tungkol sa buhay, pagpapasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ng
Hesukristo. Ito ay kalimitang ginaganap tuwing Mahal na Araw.

REFERENCES
Fernandez, D. (1996). Palabas: Essays on Philippine Theater History. Retrieved from
https://books.google.com.ph/books?id=Spac9d20uG8C&pg=PA234&lpg=PA234&dq=paglipas+
ng+dilim+sarswela&source=bl&ots=Asxxzc-FrE&sig=vVl-
PIKaPmAhjGXPGohn1JcJ9OQ&hl=en&ei=cUUBTpilLoPfgQenwMnjDQ&sa=X&oi=book_res
ult&ct=result&redir_esc=y#v=onepage&q&f=false

(August 2018). Senakulo. Retrieved from https://tl.wikipedia.org/wiki/Senakulo

You might also like