Professional Documents
Culture Documents
sariling atin. Dapat mabatid na ang salitang Balagtasan ay hango sa salitang Balagtas,
sagisag na ginamit noong panahon ng mga Kastila ng kinikilala nating Ama ng Tulang
Tagalog, Unang Makatang Laureado ng Pilipinas at Prinsipe ng mga Makatang Tagalog.
Sa kaanyuang patula, ang Balagtasan ay isang uri ng pagtatalo o debateng patula na
karaniwang ginaganap sa entablado ng mga mambibigkas kung nagkakaroon ng mga
pagdiriwang.
Batay sa kasaysayan, bago nauso sa ating bansa ang Balagtasan ay nagkaroon muna
tayo ng ibang uri ng mga pagtatalo, tulad ng Karagatan at Duplo.
Ang Karagatan
1-KARAGATAN AT DUPLO Isang katangi-tanging pamamaraang pampanitikan, ang
karagatan ay isang dulang ipinalalabas bilang pang-aliw sa mga nauulila. Ito’y
ginaganap sa ikasiyam na gabi ng isang namatay, sa ikatatlumpung araw ng
pagkamatay at sa unang taon ng kamatayan o pag-iibis ng luksa.
Ayon kay Julian C. Balmaseda, ang karagatan ay isang larong may paligsahan sa tula.
Galing daw ang pangalang ito sa alamat ng singsing ng isang dalagang nahulog sa
gitna ng dagat at ang binatang makakuha ay siyang pagkakalooban ng gintong
Granada o pag-ibig ng dalagang nawalan. Kaya’t ang karaniwang simula ng laro ay
ganito:
o dili kaya’y:
Ang Balagtasan
3- Sumilang ang Balagtasan noong Abril 2, 1925, kaugnay ng pagdiriwang ng kaarawan
ni Balagtas. Bago sumapit ang naturang araw, ang Akademya ng Wikang Tagalog na
kinasasapian ng mga kilalang makata at mananagalog ay nagdaos ng isang
pagpupulong sa gusali ng Instituto de Mujeres na nasa Tayuman, Tundo, Maynila.
Kabilang sa mga dumalong makata at manunulat ay sina Lope K. Santos, Iñigo Ed.
Regalado, Patricio a. Dionisio, Teodoro E. Gener, Jose N. Sevilla, Jose Corazon de
Jesus, Florentino Collantes, at iba pa. Pinag-usapan nila’t napagpasiyahan, sa
mungkahi ni Atty. Patricio A. Dionisio na ang larong ipapalit sa matandang duplo ay ang
Balagtasan. Bilang huwaran, si Dionisio na rin ang sumulat ng kauna-unahang
Balagtasan at ito’y nalathala sa lingguhang pahayagang Telembang.
4- Sa balagtasang ito ibinatay ang unang Balagtasang itinanghal nina Corazon de
Jesus at Florentino T. Collantes, ang Bulaklak ng Kalinisan na ginanap sa Instituto de
Mujeres. Sinundan na ito ng marami pang uri ng ganitong balagtasan.
9- Mga taong 1960 nang ihayag ang pagiging Hari ng Balagtasan ni C.C. Marquez. Sa
aming pagkatanda, miminsan lamang naming nasaksihan si CC na lumaban ng
Balagtasan – nang magkaroon lamang sila ng eliminasyon. Magmula noon ay hindi na
ito naulit, pagkat hindi na nagdaos ng pambansang timpalak sa sining na ito upang
makilala at tanghalin ang sinumang magiging bagong Hari ng Balagtasan.
10- Sa kabilang dako ng pangyayaring ito, may mga mambabalagtas din na gumawa ng
kani-kanilang kaningningan sa pamamagitan ng radio. Ang mga ito’y sina Maria Fe
Aguinaldo, Epifanio Alcaraz, Marlo Cabling, Gregorio Victorio, Diosdado Magadia, at iba
pa. Subali’t sa mga bagong sibol ng mga makata, kinilala at hinangaan naman sina
Pablo Reyna Libiran, Elena A. Sunpongco, Rodolfo A. Milan. Sa pamamagitan ng
kanilang lingguhang programang Bagong Oras ng Balagtasan, magawa nilang higit na
mapatingkad ang pagnanasa at kasiyahan ng tao sa pakikinig sa sining na ito.
Bagama’t maikli lamang ang panahong nauukol para sa naturang palatuntunan
(kalahating oras lamang), nagawa rin nina Libiran na mapaabot sa apat na sulok ng
kapuluan ang tagisan ng talino sa larangang balagtasan. Ang kanilang programa ay
isinasahimpapawid sa Himpilang DWWW, Lider Radio, sa pamamatnugot ni Henry
Jones Ragas.
Masasabing dahil na rin sa naturang programa, maraming pook sa bansa ang narating
na nina Libiran, Sunpongco at Milan upang magputong lamang ng korona o dili kaya’y
magpupuri sa mga napiling reyna ng pagdiriwang. Basta’t nagkasama ang tatlong ito,
di maaaring hindi mahilingan silang magbalagtasan.