You are on page 1of 6

ANG PINAGMULAN NG MARINDUQUE

Noo’y bago pa lamang kapapadpad sa ating dalampasigan ng mga Kastila. Sa balangay ng Batangan, ngayo’y Batangas, ay
kalakip ang Mindoro atmga lupalop ng timog-kanluran ng Laguna hanggang Kamarines.

Si Batumbakal ay kilalang datu ng Batangan at mga balangay sa karatig nito. Sila’y mayaman at
makapangyarihan.

Tampok ng Katagalugan ang kanyang kaisa-isang anak na si Mutya Marin. Si Mutya Marin ay maganda,
mahinhin at halos ang lahat ng katangian ng dalagang Silangan ay napisan sa kanya. Siya’y kayumangging
kaligatan. Alun-alon ang buhok na hinabi ng hatinggabi. Mapungay ang
mga mata,matangos ang ilong, linalik ang baba at may gatla sa leeg. Siya’y may nunal sabatok.
Balangkinitan ang katawan. Katamtaman ang taas. Ang baywang ay hugishantik. Manipis angalak-alakang
nagbabadyang siya ay masipag, ayon sa matandangkasabihan.

Maraming tagahanga si Mutya Marin at kabilang dito ay si Datu Bagal na ubod ng yaman. Ang
kaharian niya’y kilala sa tawag na Mindoro (Mina de Oro). Sina Datu Sagwil ng
Laguna at Datu Kawili ng Kamarines ay mga tagahanga rin subali’t ang nagpatangi sa lahat kay Marin ay
isang dukhangmang-aawit, si Garduque, manghahabi ng tula at tagahanga ng kalikasan. Siya’y taga-Taal
at isang mandaragat sa lawang Bunbon.

Isang araw, nagpabalita na magkakaroon ng palaro sa palasyobilang parangal sa mga anito. Ang mga
manlalaro ng iba’t ibang kaharian ay nagsidalo.

Dumating ang palarong pinakahihintay. Natipong lahat ang mgapambato ng sarisaringpalakasan.


Angunang labanay pagbinitng palaso. Angnakatamo ng gantimpala ay bantog naMangyan ng Mindoro na
si Balindada.

Ang ikalawang paligsahan ay palayuan ng pagbato sa ibayongilog. Ang nagkamit ng karangalanay Igorot
na kinatawan ng Bulu-bundukin.

Ang karera sa kabayo ay isinunod at sinalihan ng mga prinsipe. Sinumang makatalo kay Mutya Marin ay
siya niyang paka-kasalan. Subali’t lahat ay nabigo. Sa bilis, si Mutya Marin ay kawangis ng limbas.
kayanapahiyang lahat ng kanyang tagasuyo.

Sa huli, si Marin ay itinanghal na reyna ng paligsahan atsiya’y


pinutungan ng korona ng karangalan. Ang nagkapalad magputong ng korona ay walang iba kundi ang
makatang kasintahan.

Natapos ang parangal sa mga anito at nagsialis ang mgapanauhin.

Nagbalik sa kaharian ang mga araw na katulad ng dati


Dahil sa sina Datu Bagal, Sagwil at Kawili ay mgakapalagayang-loob ng ama ni Marin, sa loob atlabas ng
kaharian aynakapaghahandog sila ng pag-ibig sa mutyang dalaga. Sa kabilang dakonaman, angbinatang
makata ay di-mamakailang pinagbawalan ni Datu Batumbakal nahuwagmakipagkita sa kanyang butihing
anak.

“Bakit ka pumapasok sa loob ng aking kaharian nang walaakong pahintulot?” ang minsa’y
tuligsa sa kaawa-awang makata.

“Ako po’y sumusunod lamang sa utos ng iyong anak.”

“Mula ngayo’y di ko gustong makita ang pagmumukhangiyan, pangahas,” ang pagbabala ng


datu.

“Hindi po ako pangahas. Hindi ko po masuway si MutyaMarin. Ako po’y pinabibigkas ng mgatulang
kanyang kinagigiliwan.”

“Magtigil ka, walang-turing!

Umalis ang makatang ang mukha’y nasa talampakan.

Hindi na matiis ni Mutya ang paglait ng kanyang ama saminamahal. Kaya minsa’y ipinagtanggol
ni Marin ang binata.

“Hari kong Ama, utang na loob! Huwag ninyong hamakinang aking kasintahan. Siya angtumutugon sa
aking mga saligan sa buhay.”

Hindi pa nakatapos si Marin sapagka’t si Datu Batumbakal ay nagsalita. “Ikaw ay nabubulagan.


Ipagpaliban natin ang hinggil sabagay na iyan. Sa iba nang araw natin pag-
usapan.”

Napipi si Marin at siya’y hindi na nakaimik kaputok man.

Maluwat ding panahon ang lumipas na di pumapasok angmang-aawit sa palasyo. Likhapalibhasa ng di-
matingkalang kapangyarihan ngpag-ibig, si Mutya Marin ay sadyang nagliwaliwsa kaparangan sa
pagbabaka-sakalingmatagpuan doon ang abang makata. Nakarating siya samatulaing Hog
Pansipit.Napadako si Mutya sa panig ng baybaying ilog na mapanganib. Dito’y maraming mga buwaya na
sumisilangtao.

Nang sisilain na lamang at sukat si Marin ng isang mabangisna buwaya, ay siya namangpagdating ng
makatang kasintahan. Sa kabutihang-paladkapagkaraka’y buminit ang binata sa
palaso. Natudla and buwaya kaya nasagip siMarin sa nakaumang na sakuna.

“Salamat, Mahal! ipinag-aadya pa ako ng ating mgaanito!”

“Bakit ka nangahas maglibot sa kagubatan? Di mo ba alamna ikaw ay kagigiliwan ng nuno sapunso? Kung
magkagayon, hindi ka namakababalik sa palasyo.”

“Ewan ko ba! Hindi ako mapalagay kung hindi kitamakita. Maluwat nang hindi mo ako sinisipot.Kay dali
mong makalimot!” angpagtatampo ng dalaga.
“May babala sa akin ang iyong ama.”

“Kung talagang tapat sa akin, kung tunay ang iyong pagmamahal, hahamakin ang lahat. Kahit kamataya’y
iyong susuungin kung dahil saakin.”

“Marin, tunay nga bang ako’y iyong minamahal? Ako’y isang dukha, kumain dili. Bakit mo ako itatangi? Si
Datu Bagal ay mayaman. Si Datu Sagwil ay makapangyarihan. Si Datu Kawili ay marahas. Bakit ako ang
pag-uukulan ng iyong kalinga?”

“Ang puso ko’y iyong sinusugatan,” pakli ng dalaga.

“Sundin mo ang iyong mahal na ama. Ang datu ay ayaw saakin. Ano nga naman ang iyong mapapala sa
isang mang-aawit na tulad ko? Maaarika bang pakainin lamang ng aking mgat

ula?”

“Hindi ang pagkain lamang ang nakabubuhay sa tao. Banalang iyong kaluluwa.”

“Salamat, Marin Nalalaman mo bang ang pakikipagkitamong ito sa aki’y ipinagbabawal ng Datu?”

“Oo.”

“Nalalaman mo bang ang pakikipagtagpo mo sa aki’y nanga-ngahulugan ng pagtagpas sa aking ulo? Baka
pati ikaw ay maparamay.”

“Nababatid ko. Ako’y nakipagtagpo sa iyo upang minsanpa nating sariwain ang sumpaang sa ating dalawa
ay walang mamamagitan kundi kamatayan!”

“Isinusumpa ko. Kita’y mamahalin hanggang langit.”

“Magmamahalan tayo hangga’t may daigdig. Magsadya ka mamayang gabi sa palasyo, sahalamanang dati
nating tagpuan. Mayroon akongipagtatapat.”

“Umalis ka na at baka hanapin ka ng iyong ama.”


“Siya nga. Isa lamang aliping dalaga ang kasama.”

Inihatid ng binata ang dalaga hanggang sa tabi ng kabayanan.

Nang kinahapuna’y ipinatawag si Marin ng ama. “Bakit kaba nakikipagtagpo nang lihim sadukha mong
kasintahan? Ito’y sinsay sa akingmga kautusan at kaugalian ng balangay. Ang maharlika ay sa maharlika
at ang alipi’y sa alipin. Bukas na bukas din aking papupugutan ang iyong kasintahan.”

Hindi nakuhang makapagmatuwid ang dalaga. Alam niya ang bawa’t sabihin ng ama’y masusunod.
Napakasungit ng datu! Pinasusian si Mutya Marin sa itaas ng tore. Nang dumatingang tipanang oras ay
walang makitang Marin sa halamanan. Hinanap ng binata ang dalaga.

Nakita niyang maliwanag ang tore kaya sinapantahang naroonang hinahanap. Sumagi sa kanyang hinala
na namalayan ng datu ang pakana nilang pagtatagpo. Ang mang-aawit ay nagpunta sa paanan ng tore
nguni’t paanoniya maaakyat iyon? Wala siyang mahagilap na lubid o anumang tali. Siya’y naupoat nag-
isip. Namataan niya na may aninong gumagalaw sa bintanaat ilang saglitpa’y may naglawit ng lampara.
Napag-alaman niyang si Marin ay gising. Nahinuha niyang batid ni Marin na siya’y nasa paanan ng tore
at naghihintay. ”Dapat sana siyang mag-ingat sa paglalawit ng ilaw sapagka’t baka mahalatang bantay,”
ang bulong ng makata sa sarili.

Samantalang ang binata ay nasa ganitong pagmumuni-muni, bigla siyang namangha nang makita si Marin
sa kanyang harapan. Ang dalagapala’y naghugos sa tore sa pamamagitan ng lubid at mga piraso ng damit
napinagbuhol-buhol. “Giliw,” ang Simula ni Marin, “bukas ay papupugutan ka.”

“Ako’y nakahanda. Pumapayag ka ba?”

“Hindi maaari. Tayo ay magtanan habang may panahon. Mayroon akong kinasabuwat na mga alipin na
gagaod sa ating bangka. Sa Wawa tayo hinihintay.”

“Saan tayo tutungo?”

“Tayo’y tatakas. Tayo’y pasasatimog… saan man… doon sa wala ng amang makapanghihimasoksa pag-

ibig ng anak.”

Ang dalawa’y nagtanan. Magdamag silang naglayag sa lawak ng karagatan.


Nag-umaga. Nang mag-aalmusal na, siyang pagkapansin ng datuna si Marin ay wala na. May
nakapagsumbong na siya’y tumakas. Inihanda atiniutos ng datung habulin ng mabilis na batilpandigma
ang magkasintahang tumalikod sa kaugalian ng balangay.

Nagpabalita si Datu Batumbakal sa tatlong datung tagasuyo ni Mutya Marin. Si Datu Sagwil ay
madaling tumugon.

Sa mga nagsihabol ay kasama si Datu Kawili na siyang gusting pagpakasalan kay Marin. Si Datu Bagal ay
sumama rin nang magdaan sa Mindoro ang mga humahabol.

Anong magagawa ng munting sasakyang kinalululanan ng magkasintahan? Walang pagsalang sila’y


aabutin! Lima lamang oras ang nakalipasmatapos ma kapag-almusal ang datu nang abutin ng
dambuhalang sasakyang humahabol ang mga nagsitakas.

Binuo ng magkasintahan sa kanilang sarili na sila’y dipa bibihag nang buhay, kaya sinabi na mangyari na
ang dapat mangyari. Bilang pagmamatigas ng binata ay pinagkaisahan nilang magpatihulog sa karagatan.
Pinagtali ang dalawang kamay ng matibay na lubid at ito’y ikinabit sa mabigat na bato upang sila’y
magtuloy -tuloy sa kailaliman ng dagat.

Ganito nga ang nangyari. Nang iilan na lamang dipa ang agwat ng maliit na sasakyan sa malaking
sasakyang humahabol, ay magkayapos na tumalon sina Marin at ang binata. Tuloy-tuloy sakailaliman ng
tubig dahil sa mabigatna pataw na nagsilbing sangkap ng kamatayan.

“Paalam, Batumbakal,” ang sabi ni Garduque

“Paalam, Amang,” ang sabay ni Marin.

Hindi matagpuan ang magkasintahan. Para manding bulanghinigop ng buhawi.

Kinaumagahan, anong pagtataka ng mga nagsisihanap nangmakita ang isang malaking pulo sadakong
tinalunan ng magsinggiliw. Mula noonay pinangalanan ang pulo na MARINDUQUE, galing kina Marin at
Duque.

Nagsisi si Datu Batumbakal nguni’t huli na. Bilang pagtitikasa kanyang nagawang pagmamalupit, siya’y
nagpakatino. Siya’y naging mapagmahalsa kanyang mga sakop. Ang mga alipin ay kanyang pinag-ukulan ng
pagtingin nahigit sa rati. Binago niya ang mga batas na pinaiiral sabalangay. Ang mga alipin at mga
maharlika ay naging pantay-pantay sa dambana ng mga anito tungkol sa pag-ibig at suliranin sa puso.
Ang Marinduque ngayon ay isang pulong may magaganda at matulaing tanawin. Pinilas ang ganda kay
Marin at hiniram ang tula sa dakilang mang-aawit.

You might also like