You are on page 1of 18

Si Malakas at Si Maganda

(Isang Mitolohiya)

Bago nagsimula ang panahon,


ang tahanan ng Diyos ay di-masukat na
kalawakan.
Naging malungkutin ang Diyos
sapagkat wala Siyang makita at
marinig. Ang araw ay sumisikat,
maliwanag na parang ginto at ang
langit ay napapalamutian ng
mapuputing ulap. Sa malayo ay
nakasilip ang buwang kabilugan
samantalang kukuti-kutitap ang libong mga bituin.Iniangat ng Diyos ang Kanyang
kamay at ito’y itinurong pababa. Sa isang iglap ay nalalang ang mundo. Ang mga
lunting kakahuyan ay sumibol, pati mga damo. Namukadkad at humahalimuyak ang
mga bulaklak.
Ang mga dagat ay umalon at ang mga ilog ay umagos. Nagliparan ang mga
ibon sa himpapawid at nag-awitan. Nayari ng Diyos ang sanlibutan. Ito ay isang
ginintuan at mahiwagang paraiso. Isang araw ang hari ng mga ibon ay lumipad at
ginalugad ang papawirin. Pagkatapos ikinampay ang matipunong mga pakpak at
paimbulog na pababa sa kakahuyan.
Mula sa malayo kanyang natanaw ang mataas na kawayang yumuyukod sa
mahinhing paspas ng hangin. Kanyang binilisan ang paglipad pababa. Siya’y dumapo
sa naturang kawayan upang magpahinga.
Tok! Tok! Tok!
Nadama niya ang maririing katok na nagmumula sa loob ng kawayan. May
tinig siyang narinig!
“Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!” ang hinaing. “Tuktukin
ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako makahinga. Para itong
karsel!”“Baka ito’y patibong!” ang isip ng ibon. Kinamaya-maya’y may butiking
gumapang na paitaas sa kawayan. Ang ibon palibhasa’y gutom, ito’y tinuka ngunit
hindi nahuli. Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan.
Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki ang lumabas.
“Salamat sa iyo,dakilang hari ng mga ibon! Ako’y si Malakas. Tuktukin mong muli
ang kawayan. Iyong palabasin ang aking kasama!”Tinuktok ng hari ng mga ibon ang
isa pang kawayan.
Isang mahinhin at magandang babae ang lumabas. “Ito’y si Maganda, ang
aking asawa. Pinalaya mo kami, dakilang ibon. Ikaw ay magiging kasama namin
habang buhay!”“Hindi maaari. Maraming salamat,” sagot ng ibon. “Akoay ibon at ang
tahanan ko ay malawak na papawirin. Ako’y naglalayag sa hangin. Ang aking bagwis
ay sinadya sa paglipad. Subalit umasa kayong lagi ko kayong aawitan. Pag ako’y
wala na, ang maliliit kong supling ang aawit sa inyo. Aawitin din nila ang mga awit na
inawit ko!”
“Hali kayo! Sumakay kayo sa aking bagwis. Kayo’y dadalhin ko at ipakikita sa
inyo ang Lupang Hinirang. Doon kayo maninirahan!”Sina Malakas at Maganda ay
dinala sa mga pulong luntian at kumikinang sa sikat ng araw. Ang mga ito’y tulad ng
tinuhog na kuwintas na isang mahalagang hiyas!
Dito sa mga pulong ito, Perlas ng Dagat Silangan, nagsimulang namuhay ang mag-
asawang Malakas at Maganda-ama’t inang pinagmulan ng lahing kayumanggi.

Pag-unawa sa Binasa

1. Sino ang unang lumabas sa kawayan?

2. Sino ang huling umabas sa kawayan?

3. Sino ang tumulong para makalabas sa kawayan ang babae at lalaki?

4. Ano ang ginamit ng tumulong para makalabas sila sa kawayan?

5. Saan ang thanan ng ibon?


ALAMAT NG MARINDUQUE
(Alamat)

Si Mutya Marin ay
maganda, mahinhin at halos
ang lahat ngkatangian ng
dalagang Silangan ay
napisan sa kanya. Siya’y
kayumangging kaligatan.
Alun-alon ang buhok na
hinabi ng hatinggabi.
Mapungay ang mga
mata,matangos ang ilong,
linalik ang baba at may gatla
sa leeg. Siya’y may nunal sabatok. Balangkinitan ang katawan. Katamtaman
ang taas. Ang baywang ay hugishantik. Manipis ang alak-alakang
nagbabadyang siya ay masipag, ayon sa matandangkasabihan.
Maraming tagahanga si Mutya Marin at kabilang dito ay siDatu Bagal na
ubod ng yaman. Ang kaharian niya’y kilala sa tawag na Mindoro(Mina de Oro).
Sina Datu Sagwil ng Laguna at Datu Kawili ng Kamarines ay mgatagahanga rin
subali’t ang nagpatangi sa lahat kay Marin ay isang dukhangmang-aawit, si
Garduque, manghahabi ng tula at tagahanga ng kalikasan. Siya’ytaga-Taal at
isang mandaragat sa lawang Bunbon.
Isang araw, nagpabalita na magkakaroon ng palaro sa palasyobilang
parangal sa mga anito. Ang mga manlalaro ng iba’t ibang kaharian
aynagsidalo.
Dumating ang palarong pinakahihintay. Natipong lahat ang mgapambato ng
sarisaring palakasan. Angunang labanay pagbinitng palaso. Angnakatamo ng
gantimpala ay bantog na Mangyan ng Mindoro na si Balindada.
Ang ikalawang paligsahan ay palayuan ng pagbato sa ibayongilog. Ang
nagkamit ng karangalan ay Igorot na kinatawan ng Bulu-bundukin. Ang karera
sa kabayo ay isinunod at sinalihan ng mgaprinsipe. Sinumang makatalo kay
Mutya Marin ay siya niyang paka-kasalan.Subali’t lahat ay nabigo. Sa bilis, si
Mutya Marin ay kawangis ng limbas. kayanapahiyang lahat ng kanyang
tagasuyo.
Sa huli, si Marin ay itinanghal na reyna ng paligsahan atsiya’y
pinutungan ng korona ng karangalan. Ang nagkapalad magputong ng
koronaay walang iba kundi ang makatang kasintahan. Natapos ang parangal
sa mga anito at nagsialis ang mgapanauhin. Nagbalik sa kaharian ang mga
araw na katulad ng dati. Dahil sa sina Datu Bagal, Sagwil at Kawili ay
mgakapalagayang-loob ng ama ni Marin, sa loob at labas ng kaharian
aynakapaghahandog sila ng pag-ibig sa mutyang dalaga. Sa kabilang dako
naman, angbinatang makata ay di-mamakailang pinagbawalan ni Datu
Batumbakal na huwagmakipagkita sa kanyang butihing anak.
“Bakit ka pumapasok sa loob ng aking kaharian nang walaakong
pahintulot?” ang minsa’y tuligsa sa kaawa-awang makata.
“Ako po’y sumusunod lamang sa utos ng iyong anak.”
“Mula ngayo’y di ko gustong makita ang pagmumukhangiyan,
pangahas,” ang pagbabala ng datu.
“Hindi po ako pangahas. Hindi ko po masuway si MutyaMarin. Ako po’y
pinabibigkas ng mga tulang kanyang kinagigiliwan.”
“Magtigil ka, walang-turing!”
Umalis ang makatang ang mukha’y nasa talampakan. Hindi na matiis ni
Mutya ang paglait ng kanyang ama saminamahal. Kaya minsa’y ipinagtanggol
ni Marin ang binata.
“Hari kong Ama, utang na loob! Huwag ninyong hamakinang aking
kasintahan. Siya ang tumutugon sa aking mga saligan sa buhay.”
Hindi pa nakatapos si Marin sapagka’t si Datu Batumbakal aynagsalita.
“Ikaw ay nabubulagan. Ipagpaliban natin anghinggil sabagay naiyan. Sa iba
nang araw natin pag-usapan.”
Napipi si Marin at siya’y hindi na nakaimik kaputok man. Maluwat ding
panahon ang lumipas na di pumapasok angmang-aawit sa palasyo. Likha
palibhasa ng di-matingkalang kapangyarihan ngpag-ibig, si Mutya Marin ay
sadyang nagliwaliw sa kaparangan sa pagbabaka-sakalingmatagpuan doon
ang abang makata. Nakarating siya sa matulaing Hog Pansipit.Napadako si
Mutya sa panig ng baybaying ilog na mapanganib. Dito’y maraming
mgabuwaya na sumisilangtao.
Nang sisilain na lamang at sukat si Marin ng isang mabangisna buwaya,
ay siya namang pagdating ng makatang kasintahan. Sa kabutihang-
paladkapagkaraka’y buminit ang binata sa palaso. Natudla and buwaya kaya
nasagip siMarin sa nakaumang na sakuna.
“Salamat, Mahal! ipinag-aadya pa ako ng ating mgaanito!”
“Bakit ka nangahas maglibot sa kagubatan? Di mo ba alamna ikaw ay
kagigiliwan ng nuno sa punso? Kung magkagayon, hindi ka namakababalik sa
palasyo.”
“Ewan ko ba! Hindi ako mapalagay kung hindi kitamakita. Maluwat nang
hindi mo ako sinisipot. Kay dali mong makalimot!” angpagtatampo ng dalaga.
“May babala sa akin ang iyong ama.”
“Kung talagang tapat sa akin, kung tunay ang iyongpagmamahal,
hahamakin ang lahat. Kahit kamataya’y iyong susuungin kung dahil saakin.”
“Marin, tunay nga bang ako’y iyong minamahal? Ako’yisang dukha,
kumain dili. Bakit mo ako itatangi? Si Datu Bagal ay mayaman. SiDatu Sagwil
ay makapangyarihan. Si Datu Kawili ay marahas. Bakit ako angpag-uukulan ng
iyong kalinga?”
“Ang puso ko’y iyong sinusugatan,” pakli ngdalaga.
“Sundin mo ang iyong mahal na ama. Ang datu ay ayaw saakin. Ano nga
naman ang iyong mapapala sa isang mang-aawit na tulad ko? Maaarika bang
pakainin lamang ng aking mga tula?”
“Hindi ang pagkain lamang ang nakabubuhay sa tao. Banalang iyong
kaluluwa.”
“Salamat, Marin Nalalaman mo bang ang pakikipagkitamong ito sa aki’y
ipinagbabawal ng datu?”
“Oo.”
“Nalalaman mo bang ang pakikipagtagpo mo sa aki’ynanga-ngahulugan
ng pagtagpas sa aking ulo? Baka pati ikaw ay maparamay.”
“Nababatid ko. Ako’y nakipagtagpo sa iyo upang minsanpa nating
sariwain ang sumpaang sa ating dalawa ay walang mamamagitan
kundikamatayan!”
“Isinusumpa ko. Kita’y mamahalin hanggang langit.”
“Magmamahalan tayo hangga’t may daigdig. Magsadya kamamayang
gabi sa palasyo, sa halamanang dati nating tagpuan. Mayroon
akongipagtatapat.”
“Umalis ka na at baka hanapin ka ng iyong ama.”
“Siya nga. Isa lamang aliping dalaga ang kasama.”
Inihatid ng binata ang dalaga hanggang sa tabi ng kabayanan. Nang
kinahapuna’y ipinatawag si Marin ng ama.
“Bakit kaba nakikipagtagpo nang lihim sa dukha mong kasintahan? Ito’y
sinsay sa akingmga kautusan at kaugalian ng balangay. Ang maharlika ay sa
maharlika at angalipi’y sa alipin. Bukas na bukas din aking papupugutan ang
iyongkasintahan.”
Hindi nakuhang makapagmatuwid ang dalaga. Alam niya angbawa’t
sabihin ng ama’y masusunod. Napakasungit ng datu! Pinasusian si
MutyaMarin sa itaas ng tore. Nang dumating ang tipanang oras ay walang
makitangMarin sa halamanan. Hinanap ng binata ang dalaga. Nakita niyang
maliwanag ang tore kaya sinapantahang naroonang hinahanap. Sumagi sa
kanyang hinala na namalayan ng datu ang pakana nilangpagtatagpo.
Ang mang-aawit ay nagpunta sa paanan ng tore nguni’t paano niya
maaakyat iyon? Wala siyang mahagilap na lubid o anumang tali. Siya’y naupo
at nag-isip. Namataan niya na may aninong gumagalaw sa bintana at ilang
saglit pa’y may naglawit ng lampara. Napag-alaman niyang si Marin ay gising.
Nahinuha niyang batid ni Marin na siya’y nasa paanan ng tore at
naghihintay.”Dapat sana siyang mag-ingat sa paglalawit ng ilaw sapagka’t
baka mahalatang bantay,” ang bulong ng makata sa sarili.
Samantalang ang binata ay nasa ganitong pagmumuni-muni,bigla
siyang namangha nang makita si Marin sa kanyang harapan. Ang dalagapala’y
naghugos sa tore sa pamamagitan ng lubid at mga piraso ng damit
napinagbuhol-buhol.
“Giliw,” ang Simula ni Marin, “bukas aypapupugutan ka.”
“Ako’y nakahanda. Pumapayag ka ba?”
“Hindi maaari. Tayo ay magtanan habang may panahon.Mayroon akong
kinasabuwat na mga alipin na gagaod sa ating bangka. Sa Wawa
tayohinihintay.”
“Saan tayo tutungo?”
“Tayo’y tatakas. Tayo’y pasasatimog… saan man… doonsa walang
amang makapanghihimasok sa pag-ibig ng anak.”
Ang dalawa’y nagtanan. Magdamag silang naglayag sa lawak
ngkaragatan. Nag-umaga. Nang mag-aalmusal na, siyang pagkapansin ng
datuna si Marin ay wala na. May nakapagsumbong na siya’y tumakas.
Inihanda atiniutos ng datung habulin ng mabilis na batil pandigma ang
magkasintahangtumalikod sa kaugalian ng balangay.
Nagpabalita si Datu Batumbakal sa tatlong datung tagasuyo niMutya
Marin. Si Datu Sagwil ay madaling tumugon.
Sa mga nagsihabol ay kasama si Datu Kawili na siyang gustongpagpakasalan
kay Marin. Si Datu Bagal ay sumama rin nang magdaan sa Mindoro angmga
humahabol.
Anong magagawa ng munting sasakyang kinalululanan
ngmagkasintahan? Walang pagsalang sila’y aabutin! Lima lamang oras ang
nakalipasmatapos makapag-almusal ang datu nang abutin ng dambuhalang
sasakyang humahabolang mga nagsitakas. Binuo ng magkasintahan sa
kanilang sarili na sila’y dipabibihag nang buhay, kaya sinabi na mangyari na
ang dapat mangyari. Bilangpagmamatigas ng binata ay pinagkaisahan nilang
magpatihulog sa karagatan.Pinagtali ang dalawang kamay ng matibay na
lubid at ito’y ikinabit sa mabigatna bato upang sila’y magtuloy-tuloy sa
kailaliman ng dagat.
Ganito nga ang nangyari. Nang iilan na lamang dipa ang agwat ng maliit
na sasakyan sa malaking sasakyang humahabol, ay magkayapos na
tumalonsina Marin at ang binata. Tuloy-tuloy sa kailaliman ng tubig dahil sa
mabigatna pataw na nagsilbing sangkap ng kamatayan.
“Paalam, Batumbakal,” ang sabi ni Garduque
“Paalam, Amang,” ang sabay ni Marin.
Hindi matagpuan ang magkasintahan. Para manding bulanghinigop ng
buhawi. Kinaumagahan, anong pagtataka ng mga nagsisihanap nangmakita
ang isang malaking pulo sa dakong tinalunan ng magsinggiliw. Mula noonay
pinangalanan ang pulo na MARINDUQUE, galing kina Marin at Duque.
Nagsisi si Datu Batumbakal nguni’t huli na. Bilang pagtitikasa kanyang
nagawang pagmamalupit, siya’y nagpakatino. Siya’y naging mapagmahalsa
kanyang mga sakop. Ang mga alipin ay kanyang pinag-ukulan ng pagtingin
nahigit sa rati. Binago niya ang mga batas na pinaiiral sa balangay. Ang
mgaalipin at mga maharlika ay naging pantay-pantay sa dambana ng mga
anito tungkolsa pag-ibig at suliranin sa puso.

EPIKONG BANTUGAN
(Epiko)

Si Bantugan ay itinuturing ng lahat na isang bayani. Si Prinsipe


Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng Bumbaran. Si
Prinsipe Bantugan ay sikat dahil sa kanyang katapangan at kakisigan,
kaya’t maraming dalaga ang nagkakagusto sa kanya. Dahil sa kanyang
katapangan walang makapangahas na makipagdigma sa Bumbaran.
Dahilan ito kung kaya’t ang kanyang kapatid na si Haring Madali ay
nainggit sa kanya at ipinag-utos nito na walang makikipag-usap kay
Prinsipe Bantugan at ang sinumang mahuli na nakikipag-usap dito ay
parurusahan ng kamatayan.
Nang malaman ito ni Prinsipe Bantugan labis syang nagdamdam
kung kaya’t siya ay nangibang bayan. Sa matinding pagod sa
paglalakbay siya ay nagkasakit hanggang abutin ng kamatayan sa
pintuan ng palasyo ng kaharian ng lupang nasa pagitan ng dalawang
dagat. Ang hari dito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay
naguguluhan sapagkat hindi nila kilala si Bantugan.
Tinawag nila ang konseho upang isangguni kung ano ang kanilang
dapat gawin. Habang sila ay nagpupulong may isang loro ang dumating
sa bulwagan at sinabi na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na
nagmula sa kaharian ng Bumbaran. Nang magbalik ang loro sa kaharian
ng Bumbaran kaagad nitong ibinalita kay Haring Madali ang pagkamatay
ni Prinsipe Bantugan, at ito’y nalungkot. Kaagad itong lumipad sa langit
upang bawiin ang kaluluwa ni Prinsipe Bantugan.
Nang makabalik ito, dala nito ang kaluluwa ni Prinsipe Bantugan,
dumating din si Prinsesa Datimbang na dala ang bangkay ni Prinsipe
Bantugan. Kaagad ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Prinsipe
Bantugan. Nang muling mabuhay si Prinsipe Bantugan ay nagsaya ang
lahat at nagbago si Haring Madali.
Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na
namatay si Prinsipe Bantugan. Nilusob nito ang Bumbaran kasama ang
mga kawal niya, lingid sa kaalaman nito na muling nabuhay si Prinsipe
Bantugan. Natigil ang pagdiriwang at napalitan ito ng paglalabanan.
Nanlaban din si Prinsipe Bantugan dahil sa mahina pa to siya ay
nabihag. Siya’y iginapos, subalit ng magbalik ang lakas nito nalagot niya
ang kanyang gapos at muling nilabanan ang kawal  ni Haring Miskoyaw.
Dahil sa malaking galit sa kaaway, higit siyang naging malakas
hanggang sa napuksa nito ang kalaban. Ipinag patuloy ng kaharian ng
Bumbaran ang pagdiriwang. Pagkatapos ng labanan dinalaw nito ang
lahat ng mga Prinsesang kanyang katipan at pinakasalan niyang lahat
ito at iniuwi sa Kaharian ng Bumbaran na malugod at buong galak na
tinanggap naman ni Haring Madali. Namuhay si Prinsipe Bantugan ng
maligaya at ng mahabang panahon sa piling ng kanyang mga babaing
pinakasalan.

Mga Katanungan :

1. Sino si Bantugan?

2. Ano ang pangalan ng kaharian nila Bantugan?

3. Ano ang pangalan ng kaniyang kapatid?


4. bakit umalis si Bantugan sa kanilang kaharian?

Balay ti Ugsa: Kayamanang Ipagmamalaki ng mga Taga-


Camanga
Noemi Rose S. Fernandez

Ang lalawigan ng Ilocos Norte ay tunay ngang mayaman sa mga


magagandang pook pasyalan kaya naman isa rin sa ipinagmamalaki ng
lalawigang ito ang pagkakaroon ng mayamang turismo. Ang mga ito ang
nagsisilbing pagkakakilanlan, tatak at nagbibigay buhay sa isang bayan. Sa
kabila ng mayaman nating turismo, gumagawa pa rin ang lokal na
pamahalaan ng mga paraan upang ipakilala pa sa sanlibutan ang mga
yamang taglay nito. Masasalamin kasi dito na kung maunlad ang turismo,
masasabi ring sagana sa kultura at yaman ang bansa.

Ang bayan ng Badoc ay kilala bilang pinakadulong bayan ng Ilocos


Norte na karatig bayan lamang ng Sinait kaya naman tinagurian itong
“gateway of the north”. Makikita rito ang mga iba’t ibang mga magagandang
pook pasyalan kagaya na lamang ng pinakasikat na La Virgen Milagrosa kung
saan masasalamin dito ang mga kultura ng mga Ilokano, matatagpuan rin dito
ang Badoc Islands kung saan makikita talagang may malaking pulo sa
mismong katubigan, at mayaman rin sila sa mga Beach Resort gaya na
lamang ng Saud.

Isa sa mga kayamanang hindi pa natutuklasan sa bayang ito ay ang


tinatawag nilang “Balay ti Ugsa” noong unang panahon. Ito ay matatagpuan sa
Brgy. Camanga, isa sa pinakaliblib na barangay sa Badoc.

Bibihira lamang daw ang nakapupunta sa pook na ito sa kadahilanang


napakalayo ang lugar at hindi lamang minuto ang gugulin kung nasa
mismomg sentro ka na ng bayan upang makarating sa nasabing barangay.

Narating namin ang pook na ito hindi dahil sinadya naming pumunta
upang tingnan ito o dili kaya’y magliwaliw, kundi dahil naipatayo mismo ang
isa sa simbahan namin dito at nagkaroon kami ng Bible Study.

Sa katunayan, sa unang pagkakita ko pa lamang sa lugar na ito ay


talaga namang naantig na ang aking mga pandama at nasabi ko tuloy sa
aking sarili na, “ Wow!, kakaiba naman ang lugar na ito at pupunta ulit ako
dito”.

Pagpasok pa lamang sa naturang lugar ay makikita na kaagad ang mga


naglalakihang mga bundok na nakapalibot dito at ang malinaw na ilog sa
paanan nito. Napakapresko ang hangin na malalanghap dito at napakapayapa
ang pamumuhay ng mga taong naninirahan sa lugar na ito.

Sa aming paglalakbay tungo sa tinaguriang “Balay ti Ugsa”, tinitingnan


ko pa lamang ang bundok na aming aakyatin ay parang hindi ko na kaya lalo
na’t malapit na raw sa tuktok ng bundok iyon. Napakataas ang bundok at
karamihan sa mga naninirahan doon ay kakaunti pa lamang ang nakarating sa
mismong kinaroroonan ng nasabing “Balay ti Ugsa”.

Hindi pa namin nakakalahating akyatin ang bundok na iyon ay parang


sumusuko na ang aking mga paa. Napakabilis na rin ang pagtibok ng aking
puso at naghihingalo na rin pati ang paghinga ko. Halos hindi ko na
maipagpapatuloy ang pag-akyat sa bundok na iyon dahil nga sa nakakapagod
at napakasakit na ang aking mga paa ngunit akin pa ring ipinagpatuloy ang
pag-akyat kasama na ang aking mga kapwa kabataan sapagkat gusto ko ring
masilayan ang sinasabi nilang pinamamahayan ng mga usa noong unang
panahon at upang masaksihan rin ang kanilang mga itinatagong kayamanan
at likas na yaman.

Sa kabila ng mga pagod na naranasan at pagkatapos ng mahigit isang


oras na pag-akyat sa bundok na iyon, sa wakas ay narating din namin ang
lugar na iyon.

Tunay ngang kahanga-hanga ang lugar na ito. Sa pag-aakala kong isa


lamang itong ordinaryong lugar ngunit hindi pala sapagkat kaiba pala ito sa
aking iniisip. napakaganda pala ang sinasabi nilang bahay ng usa.

Ito ay malaking kuweba na kung saan may mga malalaking tipak ng


Bato sa mismong itaas nito kaya naman natatanaw mismo ang kabuoan ng
lugar maging sa mga lugar pang karatig na barangay. Nakikita ang talagang
kagandahan at kayamanan ng Brgy. Camanga.

Hindi matatawaran ng kahit anuman ang karanasang iyon sapagkat


kahit na naging masakit ang iba’t ibang bahagi ng aking katawan ay sulit na
sulit ito para sa akin sapagkat dito ko natuklasan na kahit gaano pala kaliblib
ang pook na iyon ay mayroon pala silang nakatago at maaring ipagmalaki
nilang kayamanan sa kanilang lugar mismo. Na kahit kakaunti pa lamang ang
nakararating doon, sa pamamagitan ng pagpapayaman nila sa mga pook
pasyalan na katulad ng Balay ti Ugsa, natitiyak kong magiging dadayuhin na
ito ng maraming turista.
Ang Kuwento ni Solampid
(Kuwentong Bayan)
Noong unang panahon, may mag-asawang datu at ba’i sa Agamaniyog na may
isang anak na babae na nagngangalang Solampid. Pinag-aral siya sa isang
paaralan sa Antara a Langit na matatagpuan sa pagitan ng langit at lupa.
Ipinadala siya upang mag-aral ng Banal na Qu’ran, hanggang sa umako siyang
napakagandang dalaga.
Naging guro niya si Somesen sa Alongan. Hingi nagtagal, nagkasakit ang datu
ng Agamaniyog. Malubha ang sakit nito at ipinaalam kay ni Solampid. Umuwi
si Solampid at pinuntahan ang kanyang ama.
“Oh ama, ano ang nangyari sa’yo?” ang nag-aalalang tanong ng dalaga.
Sumagot sa kanya ang ama, “Mahal kong anak, malapit na yata akong mawala
sa mundong ito. Gusto kong basahin mo sa akin ang Qu’ran bago ako
mamatay at huwag mong kalilimutang mag-abuloy sa mga mahihirap o
magbigay ng ‘sadaka’ sa aking pangalan.”
“Oo, ama, ikinagagalak ko pong gawin lahat ng kahilingan mo,” ang sagot ni
Solampid. Umupo siya sa tabi ng amang maysakit at sinimulan niya ang pag-
awit ng bawat bersikulo ng Qu’ran. Nang marinig ang kanyang boses, tumigil
ang ihip ng hangin at ang mga dahon ay tumigil sa paggalaw. Pati na rin ang
mga ibon ay tumigil sa paglipad upang makinig sa pag-awit ni Solampid.
Pagkatapos na mabasa niya ang Qu’ran, namatay ang kanyang ama.
Tumangis nang malakas ang dalaga, “Nanalangin ang lahat sa kaisa-isa
nating Panginoon! Oh ama, bakit mo kami iniwan sa mundong ito?” Umiiyak si
Solampid patungo sa kanyang ina at niyakap ito. Umiiyak din ang lahat ng
nasa bahay. Inihanda ang datu para sa kanyang libing. Pagkatapos ng
pagdadasal, inilibing ang datu sa Agamaniyog. Sumunod naman ang pang-
araw-araw na dasal at pagkatapos, bumalik na si Solampid sa Antara a Langit.
Pagkatapos ng ikasandaang araw mula nang mamatay ang ama ni Solampid,
bumalik na siya para sa isang kaugaling sinusunod ng kanyang ama.
Tinulungan ni Solampid ang kanyang ina sa paghahanda ng pagkain para sa
mga bisita. Nang mga oras na iyon, nanonood sa kanya ang kanyang guro na
si Somesen sa Alongan at inihulog niya ang isang sulat na may larawan niya
para kay Solampid. Sinadya niyang ihulog ang mga ito sa harap ni Solampid.
Kinuha ng ba’ing Agamaniyog ang sulat na may larawan. Pumasok kagaad ito
sa kanyang silid at itinago ang sulat. Bago niya itinago, tiningnan muna niya
ang larawan ni Somesen sa Alongan at humanga siya sa kagandahang lalaki
nito.
Abala naman si Solampid sa paghahanda ng pagkain para sa mga bisita at
pagkatapos ay pinakain niya ang lahat ng mga naroroon. Para sa alaala ng
kanyang ama ang paghahandang ito. Pagkatapos ng lahat, pumunta na si
Solampid sa “lamin”, ang tore ng prinsesa upang matulog. Nanaginip siya na
may isang matandang lalaki na pumunta sa kanya at nagsabing, “Solampid,
hindi mo ba alam na si Somesen ay naghulog ng sulat at larawan para sa iyo
ngunit kinuha ng inyong ina at doon itinago sa kanyang kahon? Gumising ka at
buksan mo ang kahon at kunin mo ang sulat.” Gumising si Solampid at
sinunod ang sinabi ng matanda. At natagpuan niya doon ang sulat at larawan.
Binasa niya ang sulat. Para sa ina ni Solampid ang sulat at nagsasabing
umiibig si Somesen sa Alongan kay Solampid at gusto rin niyang pakasalan
ito.
Sinunog ni Solampid ang sulat. Kinuha niya ang larawan at dali-dali siyang
umalis ng bahay. Nang dumating ang kanyang ina, kaagad namalayan niyang
bukas ang kanyang kahon. Nalaman niyang wala na ang larawan at sulat.
Alam din niya na walang ibang magbubukas ng kahon maliban sa kanyang
anak. Pumunta siya sa “lamin” ngunit wala na si Solampid. Bumaba siya at
nakita niya itong papalayo na sa“torongan”. Galit na galit ang ina ni Solampid.
Kumuha ito ng kutsilyo at nagbalak na patayin si Solampid. Muntik na niyang
maabutan ito ngunit tumalon ito sa ilog.
Lumangoy siya hanggang sa makarating sa kabilang dako ng ilog. Lumakad
siya nang lumakad hanggang sa makarating siya sa isang bahay na may
dalawang matanda. Bingi ang isang matanda at bulag naman ang isa.
Pumasok kaagad si Solampid sa bahay at nagtago. Dali-dali niyang isinara
ang pinto. Maya-maya, dumating ang kanyang ina, hinanap si Solampid doon
ngunit nabigo siya. Hindi niya nakita si Solampid kaya bumalik siya sa
kanilang bahay. Pagkaraan ng ilang araw, may tatlong magkakapatid na
binatang dumating sa bahay na pinagtataguan ni Solampid. Nagtago si
Solampid sa silid ngunit nakita rin siya. Nakinig ang magkakapatid sa kanyang
kuwento at napagkasunduan nilang ituring siya na kanilang sariling kapatid.
Dahil sa natuklasan din nilang may maganda itong boses, pinakiusapan ang
kanila gurong si Rajah Indarapatra na tanggapin si Solampid na isa sa
kanilang mga mag-aaral. Hindi nagtagal umibig si Rajah Indarapatra kay
Solampid at pinakasalan ito.
Bituin
Noemi Rose S. Fernandez

Bibihira ang mga taong nasisiyahan sa mga biyayang kaloob sa kanila


ng Maykapal. Kadalasan pa nga’y nag-aakalang ang pamumuhay nila’y kalinga
ang kanilang tinatanggap mula sa Diyos kung ibang paningin ang sa natura’y
nakakikita at nagpapahalaga.
Nagising ang dalagang labing walong taong gulang, dumilat..
Naaninagan niya ang malusaw na kulay ng araw, ang walang kakulay-kulay na
kapaligiran, tahimik at parang walang pakialam na mga insekto’t halaman, at
wala na ang mga kumukutitap na biituin sa kalangitan. Ang lungkot…parang
walang kabuluhan….
“Biyernes na naman, salamat at napagkasya ko rin ang ipinabaon sa
akin nina Inay at Itay” ang sambit ni Minnie sa kanyang sarili habang inililigpit
niya ang kanyang mga kagamitan.
Si Minnie ay nag-aaral sa isanga Unibersidad, isa lamang siya sa mga
nabibilang na mahirap. Sa kabila ng kanayang pagiging mahirap ay punong-
puno naman siya ng mga matatayog na pangarap. Mga pangarap sa buhay na
gusto niyang makamit kalaunan. .
Sa kanyang pagtapos ng sekondarya ay parang wala na siyang pag-
asang maipagpapatuloy pa niya ang kanyang pag-aaral dahil na rin sa
kakulangan sa pera.
Siya ay naghanap ng trabaho upang makaipon, namasukan siya sa
lungsod bilang isang kasambahay sa isang pamilyang makapangyarihan .
Sa kanyang pagtrabaho sa pamilyang ito ay hindi maikakailang
nahirapan siya. Luha at pawis ang iginugol niya. Bukod sa paggawa sa mga
gawaing bahay, siya pa ang tagalaba at nang-aalaga sa mga magulang ng
kanyang amo. Tatlong oras lamang ang tulog niya sa isang mangdamag
ngunit tiniis niya iyon alang-alang sa kanyang mga pangarap.
Matitiis naman niya ng ang lahat ng hirap, subalit ang pagbintangan
siya sa mga bagay na hindi naman niya ginawa ay hinding-hindi niya ito
matatanggap. Umiiyak siya sa tuwing naaalala niya ang araw noon na siya ay
napagbintangang nagnakaw sa mga alahas ng matanda, na kahit gaano man
niya pangatwiranan ang kanyang sarili ay wala pa ring naniniwala sa kanya.
Ito kasi ang tingin nila sa mga mahihirap
Umiiyak siya noon dahil sa sama ng loob. Wala man lamang siyang
nagawa upang ipagtanggol ang kanyang sarili kaya’t napilitan siyang umuwi at
naglayas sa bahay na iyon.
Ilang beses na nangyri sa kanya ang ganitong pangyayari. Ang tanging
ginagawa na lamang niya ay ang pag-iyak upang maibsan ang kanyang
mabigat na nadarama at higit sa lahat ang magdasal sa Poong Maykapal .
Hanggang sa isang araw kinausap siya ng kanyang tiya, si Aling
Concha, kapatid ng kanyang ama.
“Minnie, alam kong gusto mong makapag-aral dahil alam kong may
pangarap ka ka naman sa buhay kung kayat napagpasyahan kong tutulungan
kita sa iyong pag-aaral basta’t siguraduhin mong ika’y makapagtapos sa pag-
aaral. Magpakabait ka.”
Sa narinig na iyo ni Minnie, ay halos napa-iyak siya sa tuwa. Hindi niya
mawari sa kanyang sarili kung ano nga ba ang gagawin niya. Ang tanging
ginawa na lamang niya ay umiyak at sabay sa pagyakap nang napakahigpit sa
kanyang tiya.
Halos hindi pa rin makapaniwala si Minnie sa sinabi ng tiya niya.
Masisimulan na rin niya ang pagtupad niya sa kanyang mga pangarap .
Sa pagpasok niya sa paaralan, hindi maikakailang naiiba siya sa
kanyang mga kamag-aral. Walang may gustong makisama sa kanya, wala
man lamang nakikiusap sa kanya. Tanging siya lamang, nakaupo, nag-iisa.
Sa kabila ng kanyang pag-iisa ay nagawa niya pa ring mapabuti ang
kanyang pag-aaral. Hindi ito ang naging hadlang para hindi na siya nangarap,
bagkus, ito pa ang kanyang naging inspirasyon sa buhay.
Maging sa kanilang lugar maraming mga sabi-sabi tungkol sa kanyang
pag-aaral. Hindi sila naniniwalang kaya nila itong pag-aralin sa isang
unibersidad. Napakababa ang tingin nila sa kanilang pamilya..
Pagkatapos ng ilang taong pagtitiis, pagsasakripisyo at paghihirap ay
kanya ring natamo at naabot ang kanyang mataas na adhikain sa buhay. Siya
ay nagtapos nang may karangalan. Naabot niya ang tagumpay na kanyang
inaasam-asam. Nasungkit niya ang bituing noo’y pinagmamasdan at
tinitingala lamang sa kalawakan.

You might also like