You are on page 1of 2

Alamat ng Marinduque

Noong unang panahon may pamayanan sa Timog Katagalugan na pinamumunuan ng


isang haring mayaman at makapangyarihan, iginagalang ngunit kinatatakutan. Siya’y si
Datu Batumbakal, tinagurian gayon dahil siya’y may pusong bakal.
Namumuno siya sa balayan, isang pamayanang sagana sa mga yamang kalikasan.
Kasama ng Datu ang kanilang anak na si Mutya Marin, isang dilag na pinapinyuho dahil
sa aking kagandahan. Maraming manliligaw ang dalaga na nagmula sa iba’t-ibang
kaharian. Ito ay sina Datu Bagal ng Mindoro, Datu Saguil ng Laguna at Datu Kawili ng
Camarines. Sa kanilang pagluhog, hindi naantig ang puso ni Prinsesa Marin.
Isang araw, naakit ang dalaga ng mga awit ng Garduke, isang makata na humabi ng
mga awit at tulain sa kagandahan at kariktan ng kalikasan. Siya ay dukhang
mangingisda mula sa taal, nagbibigay araw sa kaharian ni Datu Batumbakal.
Naakit si Marin sa kakisigan ng makata na nagtapat ng pagibig sa dalaga. Natulasan ito
ng Datu, nagalit siya. Iniutos niya na patayin si Garduke kung igigiit niya ang pagibig sa
Prinsesa Marin.
Nalungkot ang Prinsesa, ngunit isang araw namamasyal sa dalampasigan ng Bombon,
nasalubong niya si Garduke. Ipinahayag ng dalaga ang walang kamatayan niyang
pagibig sa binata.
Nalaman ng Datu ang lihim na pagtatago ng dalawa kaya iniutos niya na pugutan ng ulo
si Garduke. Nagpasya silang tumakas sakay ng bangka tungo sa Dayabas Bay. Nang
inaakala ng dalawa na maaabutan sila ng mga sundalo, iniutos ng dalawa sa kasamang
utusan na magkasamang gapusin silang dalawa at ihulog sa gitna ng karagatan.
Sa pagdaraan ng panahon, may umusbong na hugis pusong pulo sa pook na
pinaglugakan nina Marin at Garduke. Ang pulo ay pinangalanang Marinduke, ang
pinakamatahimik at mapayapang pulo sa timog katagalugan.
Mga kasabihan
 Ang nagsasabi ng tapat, ay nagsasama ng maluwag
 Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula
 Ang buhay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.
 Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
 Ang batang malinis ang katawan, ay malayo sa karamdaman.
 Ang kalawisan ay tanda ng kasipagan.
 Ang malinis at maayos, malapit sa Diyos.
 Ang kalinisan ng kapaligiran, ay magandang pagmasdan.
 Ang masamang ugali ay isusuka ng lipunan.
 Ang mabuting ugali ay patunay, ang maraming kaibigan.
Mga bugtong
 Bulaklak muna ang iyong gawin, bago mo ito kainin
Sagot: SAGING
 Kay lapit-lapit na sa mata, hindi parin makita
Sagot: TENGA
 Naka-kapa ay di naman pari, nakakorona ay di naman hari
Sagot: TANDANG
 Instrumentong pangharana hugis nito ay katawan ng dalaga
Sagot: GITARA
 Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangarap.
Sagot: UNAN
 Dala mo dal aka dal aka pa rin ng iyong dala
Sagot: SAPATOS
 Isa ang pinasukan, tatlo ang kinalabasan
Sagot: DAMIT
 Sinakal ko muna bago ko nilagari
Sagot: VIOLIN
 Binili ko ng di kinagugustuhan, ginagamit ko ng di nalalaman
Sagot: COFFIN
 Buto’t balat lumilipad
Sagot: SARANGGOLA

You might also like