You are on page 1of 10

Ang Kwento ni Maria Cacao

Noong unang panahon, sa bansang


Indonesia may isang diwata at ang
pangalan niya ay Maria. Si Maria ay
isang magandang dalagang
negosyante at nag mamay-ari ng
pabrika ng tsokolate at mayroon rin
siyang barko. Isa sa mga pangunahing
sangkap ng kanyang tsokolate ay ang
tableya, ang tableya ay mula sa boto
ng cacao na siyang niluluto, binayo at
giniling. Isang araw ay naubosan si
Maria ng tableya, kahit saan man siya
maghanap ng sangkap sa kanilang lugar ay wala ito.Narinig niya na
sa bansang Pilipinas ay ang pangunahing produkto doon ay bukod
sa niyog ay ang cacao, kaya napagpasyahan niya na pupunta sa
pilipinas.Dumating si Maria sa Pilippinas ngunit sa nakikita ng mga
tao ay matanda ito sa kabila ng lahat, ay walang ka malay-malay ang
mga tao na si Maria ay isa palang diwata. Nagpapakilala ang
matanda sa mga tao. Ako pala si Maria na nang gagaling sa bansang
Indonesia nandito po ako upang maghanap at bumili ng cacao,
matanong kulang kung saan mayroong nagbebenta dito ng cacao?
sagot ng karamihan ay makakabili  ka lamang ng cacao sa bundok ng
Tagugpo at Kamaroyan tiyak maraming nag bebenta ng cacao doon
at pagkatapos noon ay biglang naglaho ang matanda. Kinagabihan
ay umuulan at lumaki ang ilog ng sumlog. Malapit sa ilog ay may
mga nakatira doon nagtataka sila kung bakit ganoon kadali lumaki
at bumaha ang ilog samantalang napakahina lamang ng ulan. Ilang
oras at minuto ang nakaraan ay nagsipag tanaw sa bentana ang mga
tao na nakatira malapit sa ilog dahil na dinig nila ang bosena ng
barko nang pagtingin nila sa ilog ay napakaliwanag nito at nakikita
nila ang napakalaking barko na sumosulong sa tubig papunta sa
bundok at nakikita nila ang magandang babae sakay sa barko,
nanginginig sila at namumutla sa takot sa kanilang na saksihan.
Kinaumagahan ay malaking pagtataka ng karamihan ng nakita
nilang putol na ang tulay ng sumlog. At ang usap-usapan ay dumaan
ang barko ni Maria kagabi papunta sa bundok upang bumili ng
cacao. kaya si Maria ay pinangalanang "Maria Cacao".
Alamat ni Maria Makiling
Si Maria ay kaisang-isang
anak nina Dayang Makiling
at Gat Panahon, na para-
parang bathala o
engkantado kung sa
ngayong pakahulugan.
Tanging-tanging mutya
ang nabanggit na
lakambini sa kanilang
tahanan pagka’t siyay’y
bugtong na aliw ng
kanyang ama’t ina. Siya
ang liwanag ng kanilang
paningin; siya ang galak ng
kanilang puso; anupa’t sa
biglang pangungusap, siya ang kayamanang impok ng kanilang buhay. Sa
kanilang katandaan, si Maria ang bango at kulay ng mga araw nilang unti-unting
nawawalan ng sigla’t lakas.
Si Maria’y hindi taga-lupa, bagama’t siya’y nakiki-ulayaw sa madlang kinapal.
Gaya na nga ng aking nasabi, nang panahong yao’y maaaring makipag-usap ang
mga tao sa bathala; maaari silang magkatabi sa lilim ng isang punungkahoy.
Maaaring patulong sa kanila ang isang nilikhang nasa kagipitan, at ang mga ito
naman, kung sadyang taimtim sa loob ang paghiling, ay hindi nagmamaramot.
Kung ang pastol ay humihihip ng subing o plauta habang siya’y nagpapalipas ng
maligayang sandali sa piling ng mga binabantayang hayop, sa kaginsa-ginsa’y
susulpot nalamang sa kanyang harap ang isang nimpang lipos ng alindog upang
makinig at makihati sa kaligayahan.
Naging ugali na ni Maria, sa araw-araw halos, ang lumuwas sa bayan at mamili
sa talipapa. Kaparis ng ibang babae, siya’y nakasuot ng sutlang kung minsa’y
may burdang bulaklak at malalapad ang guhit na siyang kinaugalian nang
panahong yaon. Ang kanyang maitim at malagong buhok na kung ilugay ay
abot hanggang sakong ay may pahiyas na sariwang bulaklak-suha. Sa kanyang
dibdib ay nakayakap ang mabangong kuwintas ng ilang-ilang. Magiliw siyang
mangusap at lipos ng galang. Mahinhing kumilos na wari bang nahihiya. Bakit
ang hawas niyang mukha’y salamin ng kagandahan. Bakit ang kanyang mga
mata’y sakdal nang aamo. Maging ang kanyang kapwa babae’y naakit bumati sa
kanya. Ang mga maginoo, sa kanya’y nagyuyuko ng ulo.
Si Maria’y laging may kasamang dalawang ita sa kanyang pamimili. Ang mga
nasabing utusan ay hindi lumalayo sa likod ng kanilang panginoon. Sa kanilang
dalang buslo ay maliwanag na mapapansin ang mga luyang kulay-ginto na
pinamamalit ni Maria. Nang panahong yao’y walang kuwartang katulad ngayon
na ating ibinibili ng kailangan. Noon, sa halip na bili ay palitan ang palakad ng
bawa’t tao. Doon nga sa talipapa nagtutungo ang may kailangan. Sari-saring
bagay ang matatagpuan doon. Mga pinatuyong balat ng hayop na may
magagandang balahibo. Mga banig
na yari sa buli’t sa pandang may
kulay salit-salit. Mga sutlang habi na
may malalapad na guhit ay may
patak-patak. At kung anu-ano pang
kagamitan sa loob ng bahay ang
paninda roon.
May tanging araw na tinatawag
nilang pagpapalitan. Sa araw na
yaon lumuluwas sa bayan ang
maraming tao upang makipamalit.
Palibhasa’y hindi luyang talaga ang ipinamamalit ni Maria, kundi tunay na luyang
ginto, kung kaya marami ang nagbibili sa kanya ng iba’t ibang lako. Nagkataon
namang sa araw na yao’y namamalit si Gat Dula. Bukod sa kanyang ilang kawal
na lingkod na kasama’y may kasama pa siyang mga dugong-mahal. Si Gat Dula
ay taga-Bai, kaya sa kanilang pagtungo sa bayan ng Makiling ay kinailangan
nilang gumamit ng malaking bangka. May kalayuan ang agwat ng dalawang
bayang nabanggit. Kaya kung sa mga kangga sila sasakay na hila ng mga
kalabaw ay tatanghaliin sila ng pagdating.
Nawiwili ang lahat sa pagpapalitan ng kanilang dala-dalahan. Kasingkapal ng
mga paninda ang tao sa talipapa. Karaniwan nang dayuhin ang tanging araw ng
pamamalitang ukol sa bawat pook. Kaya bukod sa mga sadyang tubo sa
Makiling ay may ibang mukhang mapapansin doong nangangalakal. Kabilang sa
mga lipingmahal na namamalit ay si Gat Dulang nagpapalipas lamang ng
maligayang sandali sa talipapa. Nagkataon namang nagkasabay ng padampot
sina Maria at Gat Dula sa kanilang binibiling balat ng hayop na may
magagandang balahibo. Sa gayong pagkakasabay ay nagkabunggo ang
kanilang mga balikat, at nagkatama ang kanilang mga mata. Gaanong pagtataka
noon ang naghari. Lalo na nang sa di sinasadya’y nahawakan ni Gat Dula ang
malasutlang daliri ng dalaga. Sandali silang nagkatinginan. Subalit sa taglay na
kayumian ni Maria’y nagyuko ng ulo ang makisig na Gat tanda ng paggalang at
paghingi ng paumanhin. Bago sila nagkalayo’y isang mahiyaing ngiti ang
naitugon ng lakambini sa mapakumbabang ‘patawad po’ ng binata.
Buhat noo’y naging malimit ang pagdalaw ni Gat Dula sa Makiling. Subali’t mula
rin noo’y hindi na niya napagmalas ang maalindog na katauhan ni Maria.
Hanggang noong makalipas ang ilang panahonng pamumulaklak ng suha, ay
saka lamang niya muling napalarang mamasdan sa dating talipapaang
luwalhating bumihag sa kanyang pihikang pag-ibig. Gaanong galak niya, at tuloy
na ibulong sa kanyang loob: “Ang tiniis kong hirap nang nagdaang mga araw,
marahil ngayo’y malulunasan na.” Banayad siyang lumapit kay Maria, at
nagbigay-galang. Walang kasintamis na ngiti ang isinagot naman sa kanya.
Buhat noo’y naging matalik na silang magkakilala hanggang sa nakaraan ang
ilang pagbibilog ng buwan. Sa isang tabi ng batis na umaaliw-iw sa loob ng
gubat ay nahiwatigan nilang sa ubod ng puso’y may tinitimpi silang
pagmamahal. Ito’y naramdaman nila nang magtamang matagal ang kanilang
mga paningin, at hindi maibuka ng kanilang labi ang binibigkas ng dibdib. Sa
gayong lihim na pag-iibigan
ay nagkayakap ang dati’y
magkalayong langit at lupa.
Nguni’t ang gayong
pagsusuyuan, sa nilakadlakad
ng mga araw ay hindi nalihim
sa kaalaman ng ama ni Maria.
Sabihin pa ang galit ni Gat
Panahon; halos mayanig ang
buong lawa nga Bai. Gaanong
damdamin ang nilasap ni
Dayang Makiling, buhat nang matantong ang bugtong na anak niya’y may
kasuyong taga-lupa. Ang puso ng ina, palibhasa’y kadluan ng awa, kung kaya di
nakatiis na tanungin si Maria. Madali’t salita, dahil sa malabis na pagmamahal ng
magulang ay pinagbawalan ang kanilang anak. Sapul noon, hindi na nakapanaog
sa lupa si Maria. Pinutol ni Gat Panahon ang pagtungu-tungo ni Maria sa
talipapa. Binawi sa kanya ng nagmamalasakit na magulang ang engkanto ng
pagiging tunay na kinapal: yaon ang pinagmulan tuloy ng pagkakahiwalay ng
mga bathala at madlang tao.
Subalit kung umibig si Maria’y minsan lamang, at walang kasindakila. Kung siya
ma’y hindi na nakapapanaog sa lupa dahil sa wala na siyang kapangyarihang
makihalubilo sa madlang kinapal, sa alaala ni Gat Dula’y hindi nagkukulang ang
kanyang pagdalaw. Naroong kung minsa’y pamalas siya sa sandaling nag-iisa
ang mabunying Gat, ngunit pag nilapitan nito upang yakapin ay bigla siyang
naglalaho. Naroong umawit siya nang lubhang matimyas kung nangungulila si
Gat Dula ngutnit pag hinanap nito kung saan nanggaling ang tinig ay hindi
naman malaman. Anupat ang lahat sa binta’y parang panaginip. Walang
kasingwagas naman ang pagmamahal ni Gat Dula kay Maria. Ang lahat ng pook
at nayong niyapakan ni Maria, maging ang tabing-batis na madalas nilang
pagtagpuan, ay hindi nakaliligtaang dalawin.
Nang panahong yao’y malimit ang pakikipagdigma ng mga bayan sa kapwa-
bayan. Di kataka-takang lusubin ni Lakan Bunto ang kaharian ng Bai na sakop ni
Gat Dula. Subali’t kung ilang kaharian na ang nakikipaghamok sa matapang na
Gat, maano man lamang na mapipilan siya o kaya’y masugatan. Ang dahilan ay
sapagkat siya’y tinangkilik ng engkanto ni Maria. Ang adhikaing pag-ibig ng
paraluman ay nagiging baluti at kalasag ng mabunying Gat. Marami na siyang
napasukong kaharian; marami na siyang napagtagumpayang tabak, ngunit ang
hindi lamang niya napasusuko’t napagwawagihan ay ang kamandag ng
pangungulila sa pag-ibig. Yaon ang dahilan ng kanyang pagkakasakit, hanggang
sa siya’y naputulan ng hininga.
Ang sabi ng alamat, hinihiling ni Maria sa Bathalang Maykapal na ang kaluluwa
ng kanyang irog ay ibigay sa kanya. Noo’y yumao narin ang kanyang mga
magulang kaya’t sang-ayon sa sabi sina Maria at Gat Dula ang nag-uwi sa
naiwang kayamanan at lupain. Subali’t hindi nalilimot ni Maria ang
pagkamasintahin ng kanyang inang si Dayang Makiling sa lahat ng nasasakupan.
Ang pag kamahabagin ni Dayang ay minana ni Maria sa kanyang puso. Sa bawat
bakuran ng bahay ng kanyang mga sakop, gaya rin nang dating ginagawa ng
kanyang yumaong ina, ay
ibinubudbud niya ang mga
luyang ginto. Ang
sinumang ikakasal sa
walang magamit na
magarang kasuutan ay
hinahandugan niya. Ang
isang mag-anak na
maghahanda, ngunit
walang magamit na
kasangkapan ay kanyang
pinahihiram. Ang lahat
nang daing at kahilingan ng kanyang mga sakop ay tinutugon niya ng
mapagpalang kandili.
Ngunit ang gayong malimit na pagpapahiram ay madalas magbunga ng di-
mabuti. Ang karamihan sa tinatangkilik ni Maria’y di-marunong tumingin ng
utang na loob. Hanggang sa wakas ay nakaisip ang ibang mag-imbot sa di nila
pag-aari. Ang mga kasangkapang ipinahiram sa kanila ni Maria, palibhasa’y
pawang ginto, kung kaya tikis nilang hindi ibinabalik. Bakit ang sama’y hindi
lamang inaaangkin yaon ng iba, kundi ipinagpapalit pa sa mataas na halaga sa
mga taga-ibang bayan. Sa gayon nang gayo’y nayamot si Maria. Tuloy nawika sa
sariling, “nag-iba na ang panahon.”
Kaya pati pahintulot na iginawad niya upang malayang makapanguha ang
sinuman ng madlang bungang kahoy sa gubat ay kanyang binawi. Dahil sa
pagmamalupit ng tao sa hayop ay ipinagbawal din niya ang pangangaso, ang
paninilo ng mga manok-labuyo, at pamamana ng mga ibon. Kung ang kanyang
utos ay sinusuway ng sinuman, ang ginagawa ni Maria’y pinagdidilim ang
panahon at pinabubuho ang malakas na ulan; pinagugulong niya ng malalaking
tipak na bato sa bundok, hinahagkis niya ng baliti ang pinawalang mababangis
na kalabaw at nang manugis at lumikha ng matinding kidlat. Ang mga yao’y
panakot lamang naman ni Maria upang ang mga mangangasong
gumagambalang malabis sa katahimikan ng sakop niyang kagubatan ay
magsilayo at umalis.
Aral
 Iwasan ang pagiging makasarili.
 Ibalik ang mga bagay na ipinahiram lamang sa iyo.
 Sumunod sa mga batas upang hindi maparusahan.
 Ang pagiging matulungin sa kapwa ay hindi masama. Ngunit dapat alam
mo kung kaylan dapat maghinay-hinay at tumigil sa pagtulong kung ang
tinutulungan ay umaabuso na.
 Huwag laging umasa sa kapwa. Matutong magbanat ng buto upang
umunlad at umasenso.
Ang Nawawalang Prinsesa
Nawawala
ang prinsesa
gabi-gabi
ngunit
walang
makapagsabi
kung saan
siya
pumupunta.
Nagpabalita
na ang hari
na ang
sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil ang anak tuwing hating-gabi ay
bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay ipakakasal sa prinsesa.
Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay, pupugutan siya ng ulo.
Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang
matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay
nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-
gabi.

Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may isang dampang tinitirhan ng


isang matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw ang matanda ng
binatang napamahal sa kanya dahil madalas siyang tulungan nito.

Ngayon naman, ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong. “Maganda pong
talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyong magtagumpay ako sa kanya.”

Binigyan siya ng matanda ng isang balabal na kapag kanyang isinampay sa mga


balikat niya ay hindi siya makikita ninuman. Binindisyunan siya ng matanda at
pinagbilinang magpakaingat bago siya nagpaalam.

Nang gabi ring iyon, nasa labas na nga siya ng silid ng prinsesa at handang
magbantay. Biglang nabuksan ang pinto at tumambad sa kanyang paningin ang
napakagandang binibini.

May iniabot sa kanyang isang basong inumin na noong makatalikod ang


prinsesa ay kanyang itinapon sa isang masitera ng halaman. Naluoy agad ang
mga dahon ng halaman.

Nagkunwaring natutulog, ang binata sanhi ng tinunggang inumin. Nang


maramdaman niyang lumabas sa silid ang prinsesa, isinoot niya ang mahikang
balabal at sinundan niya ito. May dinaraanan palang tagong pintuan ito na
palabas sa palasyo.
Sumakay sa isang
naghihintay na karwahe ang
prinsesa. Di nito alam ay
kasama ang binata dahil
hindi niya nakikita ito.
Nagtuloy sa isang malayong
gubat ang karwahe. Sa gitna
ng mga kahuyan huminto ito
at bumaba ang prinsesa.
Nakipag sayaw siya sa mga
gitanong nagkakaipon doon
at nagsasaya.
Sa likod ng isang puno,
tinanggal ng binata ang
kanyang balabal at naglagay
ng maskara.
Nilapitan niya ang prinsesa at
sila’y nagsayaw. Nagsayaw
sila nang nagsayaw
hanggang mapagod ang
dalaga at halos mabutas ang
mga suwelas ng sapatos.
Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at sila’y
bumalik sa palasyo.
“Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi?” tanong ng
hari nang humarap sa kanya ang binata kinaumagahan.
“Opo, Mahal na Hari! Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano sa gubat gabi-gabi.
Ito po ang katunayan. Itong halos warak nang sapatos na kinuha ko sa kanyang
pinagtapunan matapos na makasayaw siya.”
Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa amang
nagpakita ng katunayan.
Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging asawa ang binata, ngunit nang
ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na kinagiliwan nang
nagdaang gabi.
Tumugtog ang banda at masuyong niyaya ng binata na magsayaw sila ng
prinsesa na masaya namang yumakap sa kanya.
Aral:
 Maging masunurin sa magulang at iwasang gumawa ng mga bagay na
ikalulungkot o ikagagalit nila.
 Huwag aalis ng bahay ng hindi nagpapaalam o walang nakakaalam kung
saan ka pupunta. Marami nang napahamak sa ganitong gawain.
 Kilalanin muna ang isang tao bago ito husgahan. Ang mabilis na paghatol
sa iba ay maaring magdulot ng sakit sa kalooban nila.
Ang Alamat Ng Bundok Kanlaon

Sa malayong lugar ng Visaya sa Negros Occidental ay my Isang


Hari na ang pangalan ay Haring Laon, na my mabuting kalooban
at pantay pantay na pagtingin sa kanyang mga nasasakupan. Sa
katunayan ang kanyang mga mag sasaka'y binibigyan niya ng
kalahati ng kanyang mga aning pananim kapalit ng tapat na pag
lilingkod sakanya ng mga ito.

Isang araw habang namamasyal si Haring Laon sa kanyang


maluwang na bukirin ay my napansin siyang kakaiba sa tuktok
ng bundok, na tila isang malaking ulupong na my pitong ulo.
Kaya agad siyang nag balik sa kanyang kaharian upang utusan ang mga kawal na sugpuin ang natanaw niyang
malaking salot sa tuktok ng bundok. At dahil sa dapit hapon na ng makarating at masabi ng Hari sa kanyang
mga kawal ang kanyang nakita ay minabuti na niyang ipag pabukas na ang pag akyat sa bundok dahil lubhang
napaka panganib kung aabutin ng gabi sa bundok ang kanyang mga kawal.

Malalim na ang gabi ngunit gising parin Hari dahil sa pag iisip niya na baka sumalakay ang napakalaking
ulupong na iyon sa knilang lugar, Nasa ganoong pag iisip ang hari ng biglang makarinig siya ng mga sigaw at
iyak ng mga tao sa labas ng palasyo. 
At ng biglang my tumawag sa Hari na kawal "mahal na hari sinalakay tayo ng salot na iyong namataan sa
tuktok ng bundok."  at agad inutusan ng hari ang kawal.
"Tawagin ang lahat ng kawal at sugpuin ang mapaminsalang salot na iyon" at agad sumunod ang kawal sa
utos ng Hari.

Maya maya pa ay nagbalik ang kawal na tila ba napakalungkot at siya ay nag wika sa hari,
"Haring Laon hindi po namin nasugpo ang salot ngunit amin siyang na itaboy pabalik sa tuktok ng bundok"
agad sabi ng kawal " kung ganon ay mainam kahit papaano ay natigil ang kanyang pananalanta sa ating lugar."
ang sabi ni Haring Laon. At ilang besses pang naulit ang pananalanta ng napakalaking ulupong na my pitong
ulo, subalit hindi talaga kaya ng mga kawal ng hari ang ulupong dahil sa napakalaki nito at bumubuga pa ito ng
apoy.

Hangang sa kumunsulta si Haring Laon sa mga pantas, my mga pantas na nag sasabi na mag alay ng
magandang dalaga sa malaking ulupong na my pitong ulo upang tumigil ito sa pamiminsala. Ngunit labag sa
kalooban niya ang pasyang iyon sa kadahilanang my anak din si Haring Laon na napaka gandang dalaga. Labag
man sa kalooban niya ay pinaabot parin niya sa mga nasasakupan niya ang balitang iyon.

At sa takot ng mga kadalagahan na baka sila ang gawing alay sa ulupong ay pinintahan nila ang kanilang mga
mukha upang matakpan ang kanilang mga kagandahan. At nang naglibot na ang mga pantas upang pumili ng
dapat ialay sa ulupong ay wala silang mapili dahil sa ang lahat ng dalaga ay nagmistulang nasunog ang mukha
ng dahil sa apoy na ibinubuga ng ulupong na my pitong ulo.

At bigong bumalik ang mga pantas sa kaharian, "Mahal na Haring Laon wala po kaming napili dahil lahat silay
nasunog ang mukha ng abutin sila ng apoy na ibinubuga ng higanteng ulupong." sabi ng unang pantas.
"Subalit si Princessa Talisay nalamang po ang natitirang maganda sa ating lugar." ang sabi ng ikalawang
pantas.

At nalungkot ang Haring Laon sa kanyang narinig, "Aking amang Hari kung ako nalamang ang tanging pag -asa
upang matigil ang pamiminsala ng ulupong ako po ay pumapayag na maging alay." ang matapang na wika ng
princessa.

Samantala, isang banyaga ang nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Inalok ng binata ang Hari ng Kanyang
tulong, At nag sabi na siya ang pupuksa sa malaking ulupong na my pitong ulo. 
"Matapang ka binata, kung mapapatay mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng aking
yaman. At ipapakasal ko rin sa iyo ang kaisa isa kong anak na si pricessa Talisay. ang wika ng hari sa matapang
na binata.
Lingid sa kaalaman ng marami ay my kapangyarihan ang
binata na makipag usap sa mga hayop at insecto. Kaya sa
kanyang paglalakbay ay kinausap niya ang haring langgam
na tulungan siyang sugpuin ang higanteng ulupong sa
pamamagitan ng pagapang nila sa katawan nito at kagatin
ang ulupong. Malapit na siya sa tuktok ng bundok ng
makasa lubong niya si haring putakti at sinbi niya ang
pakay niya sa bundok at humingi siya ng tulong dito na
pupugin nila ang mata ng ulupong upang hindi ito
makakita, at smang ayon naman ang haring putakti sa
kanyang plano.

At sumapit siya sa tuktok ng bundok at nag simula ng


gumapang ang mga langam sa katawan ng ulupong, at
sinugod ng mga putakti ang mga mata ng ulupong. At hindi
na alam ng ulupong ang kanyang gagawin dahil sa sakit ng
kanyang nararamdaman, At sa gitna ng labanan ay
napadaan ang mga uwak at pinaki usapan ito ng binata na
tulungan siya sa pag sugpo sa malaking ulupong. At hindi
naman siya nabigo dahil tinulungan siya ng mga uwak,
pinag tutuka nila ang pitong ulo ng ulupong kaya nag karoon ng pag kakataon ang binata na mapugot ang
bawat ulo ng malaking ulupong.

At siyay nagbalik sa kaharian na dala ang pitong ulo ng higanteng ulupong, At agad nakarating balita ky Haring
Laon at sinalubong niya ang magiting na binata.

"Binabati kita sa iyong tagumpay matapang na binata, ngunit hangang ngayon ay hindi ko pa alam ang iyong
pangalan." wika ni Haring Laon

"Kan po ang aking pangalan mahal na hari." matuling tugon ng magiting na binata.

At tinupad ng hari ang kanyang pangako na ang kalahati ng kanyang yaman ay ibibigay niya ky Kan pati ang
pangakong pagpapakasal ky princessa Talisay. At masaya naman silang nagsama bilang mag asawa.

At ang bundok ay pinangalanan na KanLaon upang sa pag alaala sa katapangan ni Kan at kabaitan ni Haring
Laon.

You might also like