You are on page 1of 1

ANG DIWATA NG KARAGATAN

Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala


ang kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda.
Sagana sa maraming isda ang karagata. May isang diwatang nagbabantay at nag-
aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon. Ngunit may mga taong
sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming isda upang magkamal ng
maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang mga isda,
pati ang maliliit ay namatay.
Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang
mahuli kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging
pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon
at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa
karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at
gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira
sa kalikasan.
Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng
karagatan at muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng
mga tao.

Ang Punong Kawayan


Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang
Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog.
Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.
Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya
maraming ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit
malayo, ako ay kitang-kita na.
Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,wika
ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga.
Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.
Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang
pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga
bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na
punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng
malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.

Mensahe: Ang kababaang-loob, papuri ang dulot.

You might also like