kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili. Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas. Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon," ang sabi niya sa sarili. Ang Paruparo at ang Tipaklong (The Butterfly and The Grasshopper) Ang kanilang Mundo May tipaklong at paruparo sa isang hardin. Naninirahan sila dito nang masaya't payapa. Ang tipaklong ay kulay berde samantalang ang paruparo ay dilaw at kahel. Kumakain ng insekto ang tipaklong at ang paruparo naman ay nabubusog sa nektar ng mga bulaklak. Ang Aksidente Isang araw, naaksidente sa paglipad ang tipaklong at ito'y bumagsak. Nawalan ang tipaklong ng malay kaya't agad siyang tinulungan ng paruparo nang makita siya. Ang mga langgam noon ay nagmamartsa pauwi kasama ang kanilang reyna at hari. Ang isa sa mga sundalong langgam ay tumawag sa kanilang kolonya ng doktor. Nang nakita ng doktor na langgam si tipaklong at sinabing: "Malubha ang kanyang kalagayan. Sana'y gumaling siya sa ibibigay kong lunas". Nang marinig iyon ng paruparo ay para itong nabunutan ng tinik. Hinintay niyang magising ang nawalan ng malay niyang kaibigang tipaklong. Nang magbukas ang mga mata ng tipaklong, nagulat siyang makita ang paruparo sa kanyang tabi, nagbabantay. Kinuwento ng paruparo ang lahat ng nangyari sa tipaklong at nagpasalamat si tipaklong. Tumanaw ito ng utang na loob lalo't nagawa pa nitong tumawag ng maggagamot sa kanya. Naghapunan ang dalawa't nagpaalam sa isa't isa. Nangako ang dalawa na magkikitang muli.
Ang Pagtanaw ng Utang-na-loob
Nang pauwi na ang paruparo, nasalubong niya ang sundalong langgam na sumaklolo sa tipaklong. Sinabi ng langgam na mamamatay na sa gutom ang kaniyang pamilya. At dahil naramdaman ng paruparo na dapat matulungan niya ang langgam, dinala niya ito sa kanyang tahanan. Umupo naman ang langgam sa hapagkainan. Habang nasa kusina ang paruparo, binuksan niya ang kanyang lalagyan ng mga naipong nektar noong tag-araw. Kaya ang mga ito ay masasarap. Ibinigay niya ang lalagyan na ito sa langgam. Tuwang-tuwa ang sundalong langgam at nakiusap itong buksan ang tsiminea para agad nang maluto ang nektar sa lalagyan at maging asukal. Ginamit rin ng sundalo ang telepono para tawagin ang iba pang langgam para may katulong ito sa pagdadala ng naluto pabalik ng kanilang kaharian. Nang makarating ang mga ito, pinainom pa ng paruparo ang mga langgam na silang uhaw na uhaw sa pagmartsa. Ang lahat ng langgam ay nagpasalamat nang buong puso kay paruparo . Aral sa Kuwento Makikita natin ang ilang aral sa kuwento ng "Ang paruparo at ang Tipaklong": Walang diskriminisyon Pagtanaw ng Utang-na -Loob Mapagpatuloy
Ang Pambihirang Sumbre ro ni Mia
Kwento Ni Jose Miguel Tejido Isang araw, naghalungkat si Mia sa lumang baul ng kaniyang lola. Laking tuwa niya nang makatagpo siya ng sombrero. Kakaiba ang itsura nito! Sinubukan niyang isuot ito sa iba’t ibang paraan. Ngunit naisip niya, bakit parang may kulang? Lumabas ng kanilang bahay si Mia at nagtungo sa tindahan sa tapat. “Magandang umaga, Manang Sol,” bati ni Mia. “Maganda po ba ang aking sombrero?” “Oo Mia, pero mas maganda kung lalagyan pa natin ng alkansiya,” sagot ng tindera. Nagulat si Mia sa handog sa kanya. Sunod na pinuntahan ni Mia ang panaderya. “Mang Rico!” tawag ni Mia. “Maganda po ba ang aking sombrero?” “Oo Mia, pero mas maganda kung palalamutian pa natin ng kandelabra,” sagot ng panadero. Nagdaan din si Mia sa klinika. “Doktora Dulce, maganda po ba ang aking sombrero?” tanong ni Mia. “Oo Mia, pero mas maganda kung papatungan natin ng mga prutas,” sagot ng doktora. Naglakad pa si Mia at nakarating sa estasyon ng bumbero. “Mang Ador, maganda na po ba ang aking sombrero?” tanong ni Mia. “Oo Mia, pero mas maganda kung dadagdagan natin ng akwaryum,” sagot ng bumbero. Pagtawid niya sa kalsada, nakasalubong ni Mia ang pulis. “Mia, Kakaibang sombrero iyan, ah!” bati ni Mang Kalor. Pero mas maganda kung sasabitan pa natin ng hawla.” Umabot si Mia sa hardin ng plasa. “Mang Lito, maganda na po ba ang aking sombrero?” tanong ni Mia. “Oo, pero mas maganda kung kakabitan pa natin ng mga bulaklak,” sagot ng hardinero. Pagdating sa palaruan, napakarami nang palamuti sa sombrero ni Mia! “Mia, itong saranggola na lang yata ang kulang diyan!” sabi ng kanyang kalaro. “Sandali lang, Toto!” sigaw ni Mia. Ngunit naitali na ni Toto ang saranggola. Biglang umihip ang napakalakas na hangin. Kumapit si Mia sa kaniyang sombrero at natangay siya paitaas. Biglang lumobo ang kaniyang sombrero at naging isang napakalaking parasiyut. Nang tumapat ito sa araw, nakita ng lahat ang angking ganda ng sombrero!
Si Juan Tamad at ang kanyang Mga Kaibigan
Isang araw, nagtungo sa ilog si Juan Tamad at ang kanyang mga
kaibigan. Ang ilog ay umaagos pababa. Karaniwang naglalaro ng mga bangkang papel ang mga bata sa mababaw na bahagi ng ilog. Tuwang- tuwa sila sa pagbabantay kung kaninong bangka ang pinakamabilis. Nakatuwaan ng mga bata na gumawa ng kani-kaniyang balsa na yari sa pinagtabi-tabing katawan ng puno ng saging. Nagtungo sila sa malalim na bahagi ng ilog at doon nagsimulang magkarerahan. Ang iba ay gumamit ng tukod bilang sagwan. Lahat sila ay gustong manalo. Si Juan Tamad? Naku, nahiga siya sa balsa.Tinawanan niya ang mga kaibigan nang makita silang nagpapakahirap sa pagsagwan. At si Juan ay nagsimulang matulog. Tinulungan ng tatlong bata ang kanilang balsa upang mabilis na makarating sa takdang lugar. Ang balsa naman ni Juan ay umayon lamang sa agos ng ilog. Hindi namalayan ni Juan na ang balsa niya ay naharang ng mga sanga ng kawayan at natigil sa gilid. Alamng mga kaibigan na mahuhuli si Juan ng dating sa kanilang tagpuan pagkat di ito gumamit ng sagwan. Hindi nila inalam kung nakarating ito o hindi. Umalis na sila. Sa kabilang dako, si Juan Tamad ay tulog pa rin sa natigil na balsa. Inabutan siya ng gabi. Nang nagising siya, wala siyang makita kundi puro kadiliman. At nakarinig siya ng mga nakakakilabot na mga huni. Natakot siya. Nagsisisi siya kung bakit siya natulog. Bumalikwas siya at kumalas sa makapal na mga sanga ng kawayan. Pagdating niya sa bungad ng palayan, kumaripas siya ng takbo sa abot ng bilis ng kanyang mga paa. Kawawang Juan, tayo ang mga buhok sa laki ng takot.