You are on page 1of 2

Kaugalian at Tradisyon

Kasal
May mga pagkakataon na ang kabataan mismo ang pumipili ng kanilang
pakakasalan, ngunit sa kabuuan at palagiang ang magulang ang pumipili ng
mapapangasawa ng kanilang mga anak. Kapag nakapili na ng mapapakasalan ang
anak man o ang magulang ay magkakaroon ng isang tagapamagitan na siyang
mag-aayos ng lahat ng kakailanganin sa pagitan ngvpamilya ng lalaki at babae.
Kasunod ay kukuha ng astrologo upang magsabi sa kanila kung kailan ang tamang
araw at panahon base sa horoscope ng lalaki at babae.
Sa seremonya, ang mga mongheng Bhuddist ang siyang nagsasagawa ng mga
panalangin. Achaa ang tawag sa nangunguna sa mismong kasal. Karamihan sa
malalaking siyudad at bayan, ang aktwal na pagdiriwang ay isinasagawa sa mga
restawran at susundan ng tradisyunal na pagdiriwang sa tahanan.
Kamatayan
May paniniwala ang Budismo pananampalataya na isislang muli ang isang namatay.
Ang burol ay itinuturing nilang paghahanda para sa mas magandang uri ng
pagkabuhay. Ipinapanalangin ng mga monghe ang mga namatay.
Edukasyon
Mabilis na lumaganap at naging moderno ang sistema ng edukasyon ng mga khmer
noong 1950 at 1960. Maraming paaralang primarya at sekundarya ang nagbukas sa
mga rural na lugar maging ang mga unibersidad at iba pang antas tersyarya ay
nagbukas din.
French ang medyum ng pagtuturo sa lahat ng antas dahil nakabase din sa sistema
ng edukasyon ng pransya ang istruktura ng edukasyon upang mapalago ang
nasyonalismo ng mga khmer . Tinatayang nasa 70% ng mga batang edad 6-12 taon
ay nag-aaral.
Pista at mga pagdiriwang
Maraming mga pagdiriwang at pistang ipinagdiriwang ang mga khmer. Ang
malalaking pista ay may kaugnayan sa relihiyong budismo at nakasentro sa wat.
1. Meakh Bouchia- Pag-alala sa huling sermong isinagawa ni Buddha na
ipinagdiriwang tuwing pebrero.
2. Choul Chhnam - Pista para sa bagong taong na ipinagdiriwang tuwing
kalagitnaan ng abril. Panahon ito ng pagbisita sa wat at pananalangin para sa
magandang kapalarab para sa susunod na taon.
3. Pisakh Bouchia - Tatlo ang ipinagdiriwang sa pistang ito, ang kapanganakan
ng Buddah, kaliwanagan, at ang pagpasok sa Nirvana ay panahon upang

bisitahin ang wat,maghandog, at manalangin. Karaniwan itong


ipinagdiriwang tuwing Mayo.
4. Choul Vuhsa - Pagsisimula ng tag-ulan at panahon para sa mga monghe kung
saan sila ay nanatili sa templo upang manalangin at magpagaling. Tumatagal
ito ng hanggang tatlong buwan kasabay ng tag-ulan. Pinakatanyag na
panahon para sa mga lalaking khmer na pumasok sa sangha.
5. Chenh Vuhsa - Panahon ng paglabas ng mga monghe mula sa tatlong
buwang pagsamba.
6. Pranchum - Kahalintulad ng araw ng nga patay sa mga kristiyano. Inaala ang
mga ninuno at namatay na mga mahal sa buhay kung saan binibigkas ng
mga monghe ang mga panalangin para sa mga namatay. Tumatagal ito ng
hanggang labinlimang araw at ipinaghahanda ng pagkain ang mga monghe.
Sa ikalabinlimang araw ay pagdiriwang

You might also like