You are on page 1of 3

Holy Family School of Quezon City, Inc.

SIERVAS DE SAN JOSE CENTER OF EDUCATION


#66 Maginhawa Street, U.P. Village, Quezon City 1101
Telefax: 9216274 / 9203733 / 9261930

Blg. sa klase:
FILIPINO 9 – Aralin 5 Iskor:
Ikaapat na Markahan
Ikalimang Mahabang Lagumang Pagsusulit

Pangalan: ______________________________ Petsa: _____________ Baitang at Pangkat: ______________

I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang tauhan na ginamit ni Rizal bilang simbolismo sa kolonyal na pag-iisip ng mga Pilipino?
A. Tiya Isabel
B. Maria Clara
C. Donya Victorina
D. Donya Consolacion

2. Sa Kabanata 40: Karapatan at Kapangyarihan, ano ang dahilan ni Pilosopo Tasyo kung bakit ayaw niyang panoorin
ang dula?
A. Dahil kabisado na niya ito
B. Dahil hindi siya mahilig dito
C. Dahil puro kalokohan ang mga ito
D. Dahil nakababagot ang mga dula noon

3. Ano ang pinakadiwa na nais ipakita ni Rizal sa kabanata 40: Karapatan at katwiran?
A. Ang katwiran ay lakas
B. Ang lakas ng katwiran
C. Ang malakas mangatwiran
D. Ang hindi malakas na katwiran

4. Nang magkaroon ng kaguluhan habang may dula, sino ang pinakiusapan ni Ibarra upang awatin ang mga
nanggugulo?
A. Pilosopo Tasyo
B. Kapitan Heneral
C. Basilio
D. Elias

5. Sa Kabanata 41: Ang Dalawang Dalaw ay nagkaroon si Ibarra ng dalawang bisita. Ang una ay si Elias at sino ang
ikalawa?
A. Linares
B. Basilio
C. Crispin
D. Lucas

6. Ano ang pakay ng ikalawang bisita ni Ibarra sa kaniya?


A. Tungkol sa perang makukuha mula sa pagkamatay ng kapatid
B. Tungkol sa pagpapatayo nito sa paaralan
C.. Tungkol sa mga paring malupit
D. Tungkol sa isang himagsikan

7. Sino ang manggagamot na ipinatawag upang pagalingin si Maria Clara?


A. Don Anastacio
1|HAGN
B. Don Rafael Ibarra
C. Don Crisostomo Ibarra
D. Don Tiburcio de Espadaña

8. Tunay bang doktor ang gumamot kay Maria Clara?


A. Opo, sapagkat nakapagtapos siya ng kursong medisina sa Madrid, Espanya.
B. Opo, sapagkat marami na siyang napagaling at mayayaman lamang ang ginagamot niya.
C. Hindi po, sapagkat hindi niya natapos ang kursong medisina kaya’t wala pa siyang lisensya.
D. Hindi po, sapagkat naging tagalinis lamang siya sa isang ospital na pinagtatrabahuhan niya.

9. Sa Kabanata 43: Mga Balak ay nakilala ni Padre Damaso ang isang binata na nais niyang ipakasal kay Maria Clara.
Sino siya?
A. Linares
B. Basilio
C. Crispin
D. Lucas

10. Sino ang pari na hinihinalang kasabwat ng taong madilaw sa tangkang pagpapapatay kay Ibarra?
A. Padre Salvi
B. Padre Sibyla
C. Padre Damaso
D. Padre Consolacion

11. Sa Kabanata 44: Pangungumpisal, ano ang nais ipakita ni Rizal na paniniwala ng mga Kastila sa pangungumpisal?
A. Paniniwala na ang pangungumpisal ay walang bisa.
B. Paniniwala na ang pangungumpisal ay nakapagbibigay sakit.
C. Paniniwala na ang pangungumpisal ay higit na mabisang panggamot kaysa sa medisina.
D. Paniniwala na ang pangungumpisal ay higit na mabisang panggamot kaysa sa pagsisimba.

12. Nang matapos mangumpisal si Maria Clara ay lumabas na si Padre Salvi na putlang putla. Ano ang dahilan nito?
A. Natakot siya sa mga kasalanan ni Maria Clara.
B. Nagtapat siya sa pagmamahal niya kay Maria Clara.
C. Nalungkot sya dahil napakarami nang kasalanan ni Maria Clara.
D. Nagtapat siya tungkol sa lihim ni Padre Damaso kay Maria Clara.

13. Sino ang pinuntahan ni Elias sa Batangas at tinawag na tulisan?


A. Kapitan Pablo
B. Kapitan Basilio
C. Kapitan Tiyago
D. Kapitan Heneral

14. Sa kasalukuyan, kanino maaaring maiugnay ang buhay na dinanas ni Kapitan Pablo?
A. Sa mga biktima ng kahirapan
B. Sa mga rebelde dahil sa kalupitan ng pamahalaan
C. Sa mga biktima ng Martial Law na patuloy na lumalaban sa buhay
D. Lahat ng nabanggit

15. Ano ang mungkahi ni Elias kay Kapitan Pablo tungkol sa isasagawa nilang paghihimagsik?
A. Iminungkahi ni Elias na maaari muna silang humingi ng tulong kay Ibarra.
B. Iminungkahi ni Elias na maaari na silang mag-umpisang manghikayat ng mga kasamahan.
C. Iminungkahi ni Elias na maaari na silang lumusob kaagad kapag kumpleto na ang hukbo.
D. Wala sa nabanggit.

16-17. Ano ang dalawang pinuna ni Rizal na masamang dulot ng sabong?


A. Mas alaga pa ng mga sabungero sa kanilang manok kaya’t napapabayaan ang pamilya.
B. Mayaman ka man o mahirap ay maaaring kayong magtagpo sa sabungan.
2|HAGN
C. Ang katapatan sa pakikipagpustahan sa kabila ng magulong sabungan.
D. Malupit na laro ito para sa mga manok.

18-19. Ano naman ang dalawang magandang epekto ng sabong na pinuna ni Rizal?
A. Mas alaga pa ng mga sabungero ang kanilang manok kaya’t napapabayaan ang pamilya.
B. Mayaman ka man o mahirap ay maaaring kayong magtagpo sa sabungan.
C. Ang katapatan sa pakikipagpustahan sa kabila ng magulong sabungan.
D. Malupit na laro ito para sa mga manok.

20. Ano ang sinisimbolo ni Donya Victorina at Donya Consolacion?


A. Ang pagyayabangan ng mga Pilipino sa kaunting kapangyarihan na mayroon sila.
B. Ang pagyayabangan ng mga Kastila sa kaunting kapangyarihan na mayroon sila.
C. Ang pagyayabangan ng mga Hapon sa kaunting kapangyarihan na mayroon sila.
D. Ang pagyayabangan ng mga Kano sa kaunting kapangyarihan na mayroon sila.

21. Ano ang kabuoang diwa na nais ipakita ni Rizal sa kabanata 49: Ang Tagapagbalita ng mga Api?
A. Pag-ibig sa kasintahan
B. Pag-ibig sa pamilya
C. Pag-ibig sa kapwa
D. Pag-ibig sa bayan

22. Sa kabanata ng Kasaysayan ni Elias, ano ang sinasabing “lintik na bumagsak” na sinasabi ni Rizal na
nagpasimula ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino?
A. Ang pagkamatay ni Andres Bonifacio
B. Ang pagkamatay ni Heneral Luna
C. Ang pagkamatay ng GomBurZa
D. Ang pagkamatay ni Rizal

23. Sa kabanata 51, ano ang nilalaman ng sulat ni Donya Victorina para kay Linares?
A. Ang pangangamusta nito kay Linares.
B. Ang pangangamusta nito kay Maria Clara.
C. Ang pag-uutos nito kay Linares na hamunin ang Heneral.
D. Ang pag-uutos nito kay Linares na hamunin si Crisostomo.

24. Ano ang nais ipakita ni Rizal na katangian ng mga Guwardiya Sibil sa panahon ng Kastila?
A. Mahuhusay at matipuno ang mga ito.
B. Matatalino at matapang ang mga ito.
C. Mukhang pera ang mga ito.
D. Walang alam ang mga ito.

25. Ano ang ibig sabihin ni Pilosopo Tasyo sa hindi pangangailangan ng gamot ng mga mamamatay kundi ng mga
maiiwang buhay?

A. Aanhin pa ang gamot ng taong mamamatay na kung ang kamatayan ang pinakamabisang gamot sa paghihirap
sa buhay.
B. Aanhin pa ang gamot ng taong malapit nang mamamatay kung di rin naman na gagaling.
C. Aanhin pa nito ang gamot kung mamamatay na rin ito.
D. Aanhin pa ang gamot kung wala ring pambili nito.

3|HAGN

You might also like